CHAPTER SEVEN

3395 Words
“BAKIT NGAYON KA LANG?” tanong sa kanya ni Dave nang makauwi siya. Sa bahay ng kanyang Tita Sandra na siya nagpalipas ng gabi. Tumawag nalang siya sa ina ni Dave para magpaalam na bukas nalang siya uuwi. Hindi pa siya handang makausap si Dave. Nasa isip niya pa rin ang nakitang pagyakap nito sa ex nito. Nakaupo ito sa sofa na para bang binabantayan ang pagdating niya. Pinilit niyang wag kumibo kahit na gusto niyang sagutin ang tanong  nito. Dinaanan niya ito na para bang hindi niya ito nakita. Nabigla pa siya nang tumayo ito at hilahin ang braso niya. Nagbabaga ang mga mata nito. Ito pa talaga ang may ganang magalit gayong siya itong nasaktan at naloko. “Ganyan ka ba kung magmahal?” tanong nito sa kanyang naniningkit ang mga mata sa galit. Ang galit niya na kinikimkim kagabi pa ay bigla nalang sumabog. Tinabig niya ang kamay nito sa braso niya. “Pagmamahal? Ikaw pa talaga ang magtatanong kung paano ako magmahal? Wow ha, subukan mo kayang tanungin ang sarili mo?” pauyam niyang sagot. “Alam mong dahil sayo kaya ako nasasaktan ngayon!” sigaw niya ditong hilam ang mga luha. “Hindi mo kailangang masaktan.” Sagot pa nito sa kanya. Humina ang boses nito at pilit na inaabot ang kamay niya pero pilit siyang lumalayo dito. Tinatabig niya ang kamay nito. “Alam mo nang una palang na ayokong mainlove sayo. Pinilit kong labanan ang umuusbong na pagmamahal dito sa puso ko kahit na napakahirap.” Turan niyang umiiyak na habang tinuturo ang pusong nasasaktan. “Alam ko naman na mangyayari ang ganito. Ang muling pagbabalik ni Ella. Hindi ko lang talaga kinaya ang sakit. Sana lang Dave naging tapat ka sa akin. Maiintindihan ko naman kung si Ella pa rin.” Umiiyak niya pang turan. “Gusto kong maging tapat sayo pero paano ko gagawin yun kung yakap pa lang ay nagwawala ka’na?” tanong pa nito sa kanya. “At ano ang gusto mong maramdaman ko? Magtatalon ako sa tuwa dahil kayakap mo ang ex mo?” nanlalaki ang matang tanong niya. Normal lang naman siguro ang naramdaman niya. Kung robot siya pwede pa. “Bakit ba ganyan kayong mga babae? Hindi niyo muna kami tanungin bago kayo mag-react?” tanong pa nito sa kanya. “At bakit kayong mga lalaki huling-huli na sa akto binabaliktad pa na kami ang may kasalanan? At isa pa kaming babae bago kami mag-react may pinanghahawakan kaming rason!” inis niyang sagot. Natigil siya sa pagwawala nang bigla siya nitong kabigin at biglang siniil ng mapusok na halik. Tinulak niya ito pero likas na malakas ito kaya wala ring siyang nagawa. Napahangos siya ng mabilis nang tumigil ito sa paghalik sa kanya. “Hindi ako madadala diyan sa mga halik mo!” sigaw niya dito. “Alam ko, and I want you to calm down and listen!” sagot pa nito sa kanya. “Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa selos at labis na pag-iisp kung nasaan ka! Kulang na nga lang patayin ko si Charlie sa labis na selos!” turan pa nitong galit na galit. “Hindi ko sinabi sayo na bumalik si Ella dahil ayokong masaktan ka. Ayokong bigyan ka ng dahilan para pagdudahan ang pagmamahal ko para sa’yo.” Turan pa nito kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. “Kung magsisinungaling ka itigil mo nalang yang sinasabi mo. May traba- “Bakit ba ang hirap mong kausapin?” malakas nitong tanong sa kanya kaya natigilan siya. “Dahil nasasaktan ako at ayokong madagdagan pa ang sakit. Madali naman akong kausap. Kung ayaw mo na ayoko na rin!” sagot niya pa. “Hindi ko sinabing ayoko na at kailanman hindi ko sasabihin yun.” Sagot nito sa kanya. “Look Berna, sa tingin mo ba babalik pa ako sa nakaraan ko? Babalik pa ako sa miserable kong buhay?” tanong nito sa kanya. “Malay ko sayo! Malay ko ba kung hanggang ngayon ay si Ella pa rin ang mahal mo! Malinaw pa sa isipan kong sinabi mo na tanging si Ella lang ang babaing mamahalin mo.” Pag-papaala niya dito. “Noon oo, pero dumating ka’na sa buhay ko. Ikaw ang tumulong sa akin para kalimutan siya, para bumangon sa pagkakadapa at muling magmahal. Ikaw na ngayon ang laman ng puso ko, Berna at tanging ikaw nalang ang itinitibok ng puso ko.” Pagtatapat nito sa kanya kaya hindi siya nakakibo. “Kung pinaglalaruan mo na naman ako, tama na Dave. Ang sakit na eh.” Sagot niyang hindi pa rin naniniwala kahit pa sa kabilang parte ng puso niya ay gustong maniwala sa pagtatapat nito. “Anong mapapala ko kung paglalaruan lang kita? Kilala mo ako Berna, seryoso akong tao at kapag sinabi kong mahal kita totoo yun at kailanman hindi yun magbabago. Hindi ganun kadali para kalimutan ang nararamdaman ko sayo. Hindi ito simpleng atraksyon lang na pwedeng kalimutan nalang basta.” “Tama ka Dave, kilala kita at kilala ko rin kung sino ang minahal mo ng sobra. Anim na buwan pa lang tayong magkakilala at wala pang tatlong buwan na naging tayo samantalang kayo ni Ella mahabang panahon ang pinagsamahan niyo. Ano ang laban ko dun?” sagot niya na namang umiiyak. “Malaki ang laban mo Berna, dahil ikaw ang laman ng puso ko ngayon. Hindi mahalaga ang pinagsamahan ng dalawang tao para maging sukatan ng pagmamahal. Ang lalim ng pagmamahal ng isat-isa, yun ang lamang sa tatlong buwan na pagmamahalan natin. Magsasama pa tayo ng matagal at malalagpasan natin ang pinagsamahan namin ni Ella. You are my forever Berna.” Turan pa nito. Hindi siya pumalag ng yakapin siya nito ng mahigpit. “Hindi ka ba magpapaliwanag sa nakita ko? Kung bakit kayakap mo si Ella?” tanong niya dito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya habang hawak ang kanyang mga kamay. Pinunasan muna nito ang mga luhang naglandas sa pisngi niya gamit ang likod ng palad nito. “Ang kapatid niyang si Ken ang balak na magfranchise ng restaurant ko. Nang una ayaw ko sanang pumayag pero ayokong isipin niya na hindi pa ako nakamove-on sa kapatid niya at ang nakita mo, hindi ko yun sinasadya. Maging ako ay nagulat nang makita siya at siya rin ang unang yumakap sa akin.” Sagot nito sa tanong niya. “Pero niyakap mo rin siya.” Paingos niya sagot. “Oo, pero sa maniwala ka at hindi wala na akong nararamdaman para kay Ella. Hindi na siya ang babaing minahal ko, iyon ang natuklasan ko nang makita ko siya.” “Bakit nilihim mo sa akin? Siya rin ba ang kalandian mo sa telepono?” usisa niya pang naiinis. “Hindi ko siya kalandian, nag-uusap kami ni Ken nang ibigay niya ang cellphone kay Ella hanggang sa inagaw mo ang cellphone ko at boses nga ni Ella ang narinig mo. Tulad ng sinabi ko kanina ayokong masaktan ka, ayokong  mag-away tayo dahil sa pagbabalik ni Ella. Isa nalang siyang nakaraan na hindi na pwedeng balikan. Ayokong maglihim sayo pero kung kailangan naman para hindi kita masaktan gagawin ko.” Mahaba nitong paliwanag. “Kailangan ko pa rin malaman para maintindihan kita.”  “I’m sorry Berna.” Nagmamakaawa ang boses na turan nito. “Hindi pa rin ako kumbinsido!” pairap niyang sagot pero ang totoo, dalang-dala siya sa sinabi nito. Ang tipo ni Dave ang hindi nagsisinungaling, iyon ang natuklasan niya sa loob ng anim na buwan. Kung siya ay vocal sa nararamdaman niya maging ito ay ganun din. “Lahat gagawin ko para mapatawad mo lang ako.” Pakiusap pa nito. Napahawak siya bigla sa ulo at umarteng nag-isip pa. “Madali lang naman akong kausap. Sige, bibigyan kita ng second chance. Suyuin mo ako!” sagot niya. Napansin niyang nanlaki ang mga mata nito. “Wag kang magreklamo dahil ako ang nasaktan dahil sa nakita ko. Umiyak ako buong magdamag dahil sa selos!” mataray niyang sagot nang mapansin niyang sasagot ito. “Wala naman akong sinasabi ah?” depensa pa nito. “Ikaw nga itong may kadate!” turan pa nito. “Sa bahay lang kami pumunta  ni Charlie birthday kasi ni Tita at nandun din sina nanay.” Sagot niya pa. “Bakit kailangan pa kasama si Charlie?” “Iwan ko.” Mataray niyang sagot. “Okay , tatanggapin ko ang hamon mo para lang mapatawad mo ako. Don’t worry habang buhay kitang susuyuin.” “Good!” sagot niya pa. “Kung totoo lahat ng sinasabi mo gusto kong makita. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal na sinasabi mo!” turan niya pa. Napakamot nalang ito sa ulo nang iwan niya. Ang sakit na naramdaman niya kagabi ay bigla nalang naglaho, kung bakit ba kasi nagpadala siya sa nakita. Sayang ang iniluha niya kagabe. AGAD siyang pumasok sa silid ng ina nito. Hindi nito napansin ang pagpasok niya dahil nakaupo pa rin ito sa rocking chair nito paharap sa bintana. Abala ito sa pagbabasa. Nakangiting kinalabit niya ito. Nagtatakang tiningnan siya nito. “Are you okay?” tanong nitong nagtataka. Kahapon lang kasi ay kulang nalang magwala siya sa kakaiyak tapos ngayon ay nakatawa siya at abot langit ang ngiti. “Mukha na ba akong nababaliw Tita?” natatawa niyang turan. “Kung hindi lang kita kilala iisipin kong nababaliw ka na nga.” Natatawa na rin nitong sagot. Tumayo ito at lumipat sa sofa na malapit sa kama nito. “Alam mo bang kulang nalang sigawan ako ni Dave sabihin ko lang kung saan ka dinala ni Charlie? Gagawa-gawa ng milagro tapos magseselos naman pala ang kumag!” kwento pa nito. “Mag-kaaway po kayo?” nanlalaki ang matang tanong niya. “Gusto ko lang malaman niya na galit ako dahil sa ginawa niya. Hindi dahil nanay niya ako ay kakampihan ko siya!” sagot pa nito kaya napangiti siya. Naramdaman niyang gusto talaga siya nito para sa anak nito. “Wag na po kayong mahighblood Tita, nag-usap na kami ni Dave at nilinaw niya na ang lahat.”  Turan niya pa para kumalma na ito. “Ano ang sabi niya? Pinatawad mo ba agad?” nanlalaki ang matang tanong nito. Umiling siya ng ilang beses. “Hindi ko pa po siya napatawad pero kunwari lang yun Tita. Ang totoo po kasi napaniwala niya ako sa lahat ng sinabi niya. Ayon din sa kanya hindi niya sinasadya ang lahat. Hindi niya lang daw sinabi sa akin dahil ayaw niya akong magduda. He assured me Tita na ako lang talaga ang mahal niya.” Kinikilig niyang kwento dito. “Sinabi niya yun?” “Opo.” Sagot niya. “Tama yang ginagawa mo! Magtampu-tampuhan ka muna. Ipakita mo sa kanya na nasaktan ka!” panunulsol pa nito sa kanya. “Kailangan ba talaga yun Tita?” nakangiwi niya tanong. Namimiss niya na kasi ang lalaki. Gusto niya itong yakapin at sabihin na napatawad niya na ito. “Aba oo naman! Kailangan niyang turuan ng leksiyon! Hindi porket mahal mo siya, magiging kampante na siyang saktan ka. Ano yun task na paulit-ulit nalang na gagawin niya sayo?” Sagot pa nito kaya napangiti siya ulit. MAGKASAMA silang lumabas ng silid ni Tita Sonia. Nadatnan nilang nakaayos ang hapag kainan. Napakaapron pa si Dave habang naghahanda ng pagkain. Pinagpapawisan na ito sa pagluluto pero sa kabila ng lahat ay napakagwapo pa rin nito. Bigla yatang nagutom ang kanyang mga alaga nang maamoy niya ang niluluto nito. “Guilty ang anak ko!” bulong sa kanya ni Tita Sonia. “Ganyan yan kung magmahal Berna, susuyuin ka niya to death. Hanggang sa magsawa ka nalang at patawarin siya.” Dagdag pa nito. “Hindi ako magsasawa Tita.” Kinikilig niyang sagot. Nginitian siya ni Dave nang makita sila nito. Agad nitong pinunasan ang mukha ng makita siya. Nabigla pa siya ng kinindatan siya nito. Nalaglag yata ang panty niya nang masilayan niya ang mapuputing ngipin nito. Sa halip na ngitian ay pinagtaasan niya pa ito ng kilay. Agad nitong inayos ang upuan ng ina nito bago siya nito inalalayang umupo. Kahit tagaktak ang pawis nito ay napakabango pa rin nito. “Tamang-tama ang labas niyo, nakapagluto na ako.” Masaya nitong turan sa kanila. Nang makapwesto na sila ni Tita Sonia sa mesa ay umupo na rin ito malapit sa kanya. “Tikman mo ito, masarap ito.” Alok sa kanya nito. Hindi pa man siya nakasagot ay nilagyan na siya nitong ng pagkain sa pinggan niya. Maging ang ina nito ay inasikaso rin nito. “Ako na.” agaw niya ng serving spoon sa kamay nito. “No, ako na. Hayaan mong pagsilbihan ko ang prinsesa ko.” Sagot nito sa kanya. Nabigla pa siya ng tumikhim ang ina nito. Hindi niya napigilang mapangiti sa inasal ng ina nito. Pigil na pigil na wag siyang bumungisngis. “Baka mabulunan yan!” turan ni Tita Sonia kay Dave. “Don’t worry ma, nandito naman ako. To the rescue!” hirit pa nito sa ina bago siyang sinulyapan. Mamamatay yata siya sa kilig dahil sa mga hirit nitong wala sa lugar.  Habang inaayos niya ang table napkin sa kanyang mga hita ay bigla nalang may humawak sa kamay niya. Ginagap ni Dave ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan. Napatingin siya dito upang komprontahin. “I love you!” mahina nitong turan sa kanya. Maudlot ang sasabihin niya sana dito. Muli na namang binalot ng kilig ang buong pagkatao niya. Mabuti nalang at wala pang laman ang bibig niya. Nakatitig ito sa kanya at tila ba hanggang sa kaluluwa niya ay tumagos ang mga titig nito. Pinagpawisan yata siya dahil sa sinabi nito. Nauna siyang umiwas ng tingin, alam niya kasing nakatingin sa kanila ang ina nito. Tinanggal niya ang kamay nito  kamay niya at agad niyang kinuha ang kutsara. Napasulyap siya sa ina nito at tama nga siya dahil nakatingin ito sa kanila. Wala siyang kibo habang kumakain at tanging si Dave lang ang nagkwekwento. Pinanindigan talaga ni Tita Sonia na galit ito. Naunang natapos kumain si Tita Sonia at agad din nagpaalam sa kanila. Naiwan siya sa hapag kainan kasama si Dave, tapos na rin itong kumain pero nakabantay lang ito sa kanya.  Hindi niya tuloy magawang kumain dahil sa titig nitong nakakailang. Halos hindi niya nga nagalaw ang pagkain sa pinggan niya. “Pwede bang mamaya mo na ako titigan? Hindi ako makakain sa ginagawa mong yan.” Hindi makatiis niyan turan bago niya ito iniripan. Nginitian lang siya nito ng nakakaloko. “Samahan mo na muna ang mama mo at tatapusin ko lang ang pagkain ko.” Taboy niya dito. Masasarap sana ang inihanda nitong Italian food pero paano niya lalantakan ang masasarap na pagkain kung pinagpapawisan  siya sa mga titig nito? “Ayoko, I want to stay beside you.” Tanggi nito sa sinabi niya. “Hindi mo ba nahalata ang gusto ni Mama?” tanong nito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya dito. “What?”       “Gusto niyang masolo kita.” Turan pa nito. “I doubt it.” Sagot niya. “Kahit pa itaboy mo ako, hindi pa rin ako aalis. Baka mamaya hindi na naman kita makita at magkulong ka na naman sa silid ni Mama.” Reklamo pa nito. “Bakit hindi mo kaya subukang maligo muna, amoy pawis ka na kaya!” turan niya pa kahit hindi naman. Hindi niya mapigilang mapangiti nang amuyin nito ang sarili. “Walang biro?” duda pa nitong tanong kaya tumango nalang siya para panindigan ang sinabi. “Okay, maliligo na muna ako. Wait for me ha?” turan pa nito sabay tayo. Hinalikan siya nito sa ulo bago tuluyang umalis. Iyon lang pala ang kailangan niyang sabihin para makakain siya. Nang mawala ito ay nilantakan niya agad ang mga pagkain sa mesa na halos hindi naman nagalaw. Lahat ay tinikman niya at wala siyang pinalagpas. Sayang ang pagkain, maraming nagugutom. Napahimas siya sa kanyang tiyan pagkatapos niyang lantakan ang mga pagkain. Hindi yata siya makatayo sa sobrang kabusugan.. Nanlalaki ang mata ni Dave nang makita ang mesa. “Mukhang dinaanan ng bagyo.” biro nito sa kanya. “Kasalanan mo! Sagot niya. “Nakakatakot ka palang magutom, mabuti nalang at hindi mo naisip kainin ang buto ng crispy pata.” Biro pa nito sa kanya. Naamoy niya ang pabango nito na nanuot yata sa ilong niya, fresh na fresh ito. Kay sarap yakapin at pugpugin ng halik. “Malapit na.” sagot niya pang sinakyan ang biro nito kaya napangiti ito. Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. “Mabuti naman at nagustuhan mo ang inihanda ko.” Turan pa nito sa kanya. “Gutom lang ako.” Paingos niyang sagot.         “Hindi halata.” Sagot nito kaya kinurot niya ito sa inis. “Hindi porket nagluto ka mapapatawad na kita. Galit pa rin ako.” Nandidilat ang matang sagot niya. “Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang at lahat ay gagawin ko.” Tanong pa nito sa kanya. Napangiti siya sa kalokohang naisip. “Kumain ka ng bubog at maglakad ka sa alambre!” sagot niya sa tanong nito. “I’m serious!” sagot pa nitong seryoso na ang tinig nang biglang humilab ang tiyan niya. Bigla siyang napatayo sa upuan na labis nitong ipinagtataka. “Akala ko ba gusto mong makabawi ako sayo tapos ngayon iiwas ka na naman?” Reklamo nitong pinigilan siya sa kamay. “Hindi ako umiiwas, tinatawag lang ako ng kalikasan! Kaya bitawan mo na ako at bak dito pa ako abutin!” sagot niyang hindi na hinintay na sumagot pa ito. Agad niyang tinungo ang sariling silid niya at agad na nagbawas. Resulta nang pagiging matakaw niya. Napaligo tuloy siya ng wala sa oras sa tindi ng pawis niya. Napatda siya sa kinatatayuan nang makita si Dave na nakaupo sa kama niya at hinihintay siya. Napayakap siya sa sarili, tanging robe lang kasi ang suot niya at wala siyang panloob. Manipis lamang ang tela ng roba niya kaya napayakap siya sa  sarili. Maging ito ay nagulat nang makita siya. “I’m sorry, akala ko kasi nagbawas ka lang.” nataranta nitong sagot. “B-akit ba kasi pumasok ka?” sagot niyang nauutal. Namula yata ang buong mukha niya. “Baka kasi pinagtritripan mo lang ako.” Sagot pa nito.               Natigilan siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. Malakas ang kabog ng kanyang puso na at maging ang kanyang paghinga ay tumigil na yata. Hindi siya makakilos at wala ring salitang lumabas sa bibig niya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa mukha niya. Bahagya pang basa ng tubig ang kanyang mukha dahil galing pa lang siya sa pagligo. Gusto niya yatang maglupasay sa tensiyon na nararamdaman niya. Kahit malakas naman ang aircon ng silid niya ay pinagpapawisan pa rin siya. “Please assure me that I am yours and you are mine.” Bulong nito sa kanya. Bigla tuloy siyang natauhan, tinulak niya ito palayo sa kanya. “Pwede bang magbihis muna ako bago ko sagutin ang tanong mong yan?” tanong niya ditong umiwas ng tingin. “I need your answer Berna, gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo para sa akin bago ako lalabas ng silid mo.” Sagot nito sa kanya. Wala talaga itong balak na pakawalan siya. “I assure you that I’m yours if that’s what you want. You have already taken my heart at kahit ayaw ko man ay patuloy pa rin kitang minamahal. Now, tell me akin ka nga ba?” balik niya sa tanong nito. Ngumiti ito sa naging sagot niya at tila ba nakampante na. “Sasagutin ko yan mamaya, magbihis ka’na muna baka kung ano pa ang magawa ko sayo.” Nakangiti nitong turan sa kanya bago tumalikod pero pumihit ito pabalik at agad na lumapit sa kanya. Agad siya nitong kinabig at siniil ng halik. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. Hindi niya napaghandaan na babalik ito at hahalikan siya pero ang masaklap na hindi niya talaga inasahang mangyayari ay ang pagkatanggal ng tali ng robe niya. Hindi niya namalayan na nalantad pala dito ang alindog niya kaya pala natigilan ito at napatitig nalang sa katawan niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at agad na tumakbo sa cr.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD