WALANG araw na wala sa tabi niya si Dave nang mamatay ang kanyang ama Minsan ay sa bahay na nila ito natutulog hanggang sa nailibing ang kanyang ama kaya kahit papano gumagaan ang pakiramdam niya dahil sa nasa likod niya lang ito. Hindi siya nito iniwan sa panahon na kailangan niya ng karamay. Nobyo ang pakilala niya sa ina niya at natanggap naman ito ng ina niya. Ayon pa nga dito sana raw nakilala ng tatay niya si Dave para naman nakilatis ito ng ama.
“Wag mo na akong sunduin dito, magbubus nalang ako pauwi sa inyo. Pagod na kana rin.” Turan niya dito. Nagpapaalam na ito sa kanya pauwi ng Manila.
‘Are you sure?” tanong pa nito.
“Oo, kaya ko ng mag-isa.” Sagot niya pa.
“Wag kang magpahatid kay Charlie ha? Hindi ko siya gusto. Kung gusto mo susunduin kita.” Turan pa nito.
“At bakit naman napasok si Charlie sa usapan?” kunot-noong tanong niya.
“Nararamdaman kong may gusto siya sayo.” Sagot pa nito. Palagi kasing nakabuntot sa kanya si Charlie.
“Hindi ko siya gusto.” Sagot niya para mapanatag ito. Ngumiti ito sa sinabi niya. “ Promise, ikaw lang!” sagot niya pang itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. “Alam kong hindi mo pa naririnig na mahal kita. Nakikita mo naman siguro sa kilos ko noon pa man na may puwang ka na sa puso. Naduwag lang talaga ako pero ngayong alam ko na mahal mo rin ako, bakit pa ako maduduwag? Mahal din kita Dave, mahal na mahal. I’m so happy being with you.” Pahayag niya ng saloobin dito. Hinaplos nito ang mukha niya bago siya kinabig para yakapin.
“Hindi mo ako sinukuan sa panahon na nakakalimutan ko nang tumawa and I really appreciate your effort and the love na kahit minsan hindi mo sinabi pero tama ka, nararamdaman ng puso ko kung gaano mo ako kamahal. I love you, Berna.” Sagot nito sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Mamimiss niya ito kahit pa ilang araw lang sila hindi magkakasama. Isang Segundo nga lang na hindi niya ito makita ay nalulungkot na siya, ilang araw pa kaya?
Napangiti nalang siya nang maihatid niya ito ng tanaw. Nang mawala sa mga mata niya ang sasakyan nito ay saka palang siya pumasok sa bahay nila. Nadatnan niyang nililigpit kanyang ina ang mga gamit ng kanyang ama. Lumapit siya sa ina at inakbayan niya ito.
“Ayaw nang ama mo na malungkot tayo, isipin nalang daw natin na nag-ibang bansa siya. Malayo mula sa atin. Isa pa nasa tahimik na lugar na siya. Doon, hindi na siya pinahihirapan pa ng sakit niya.” Turan pa nito sa kanya. Pinigilan niyang umiyak at niyakap nalang ang nakakabatang kapatid.
“Alam ko nay, masakit man pero kailangan nating tanggapin.” Turan niya sa ina. “Hindi ko kayo pababayaan. Pingako ko kay tatay na bibigyan ko kayo ng magandang buhay.” Dagdag niya pa. May sapat na po akong ipon at pwede kayong magnegosyo para naman malibang ka.”
Iniwan niya ang perang naipon sa pagtratrabaho. Fifty thousand ang sinasahod niya kay Tita Sonia buwan-buwan dahil dinoble nito ang sahod niya at sapat na iyon para sa sari-sari store na gusto ng ina.
Sinigurado niya munang maayos ang magiging buhay ng kanyang pamilya bago siya umalis ng bahay nila para bumalik kina Tita Sonia. Agad siyang niyakap ni Tita Sonia nang dumating siya. Hinanap ng mga mata niya si Dave pero ayon sa ina nito ay wala raw ang lalaki. Tinawagan niya ito para ipaalam na babaliK na siya ng Manila pero out of coverage ang cellphone nito.
“Nasa restaurant si Dave, may gusto raw kasing mag franchised ng restaurant.”magiliw nitong kwento sa kanya. “By the way kumusta kana? Ang mga magulang mo?” usisa pa nito.
“Okay naman po. Kahit mahirap kailangan mo naming magmove-on mula sa nakaraan.” Nakangiti niyang sagot. Ayokong malungkot si Tatay kung nasaan man siya ngayon.”
“I’m happy to hear that.” Sagot pa nito.
NAPUYAT nalang siya sa paghihintay kay Dave pero hindi pa rin ito umuuwi. Natulog nalang siya at ipinagpabukas nalang ang paghihintay dito. Wala man lang siyang txt na natanggap dito na ngayon lang nangyari. Maaga palang ay gising na siya dahil gusto niyang maabutan si Dave pero ayon kay Manang tumawag daw si Dave kagabi na hindi makakauwi. Nalungkot siya sa nalaman. Hindi pa ba nito alam na umuwi na siya? At kahit txt man lang ay hindi nito magawa. Hindi niya mapigilang mainis sa lalaki. Kumakain sila nang tanghalian ng dumating si Dave, nagulat pa ito nang makita siya sa hapag kainan. Hindi niya ito pinansin at itinuon lang ang pansin sa pagkain.
“Saan ka ba galing at ngayon ka lang umuwi?” tanong ng ina nito. Nakikinig lang siya sa mga ito. Gusto niya ring malaman kung saan ito nagpalipas ng magdamag.
“Nag-imbita kasi si Ken, nag-inuman kami sa labas.” Sagot nito sa ina. Hindi niya kilala ang binanggit nitong pangalan.
“Kapatid ni Ella?” tanong ng ginang na nanlalaki ang mga mata. Maging siya ay nagulat kaya napatingin siya kay Dave. Nagkatinginan sila pero agad din siyang nagbawi ng tingin.
“Opo.” Sagot nito. Hindi na sumagot ang ginang sa sinabi ni Dave maging siya ay walang maapuhap na sasabihin. Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya tulad nalang kung bakit pa ito nakikisama sa kapatid ni Ella gayong wala na ang mga ito? “Kailan ka pa dumating?” tanong sa kanya ni Dave.
“Nang isang gabi pa.” matipid niyang sagot. Hindi niya man lang ito sinulyapan.
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Tumawag ako, out of coverage ang cellphone mo.” Sagot niya sa mahinahong boses. Gusto niyang magalit dito pero hindi niya magawa. Hanggang sa matapos sila sa pagkain ay iniiwasan niya ito. Palagi siyang nakasunod sa ina nito. Ayaw niyang mag-away lang sila kapag nag-usap sila ni Dave. Nagseselos siya nang malaman na ang kapatid ni Ella ang kasama nito. Sa pagkakaalam niya kay Tita Sonia, nasa ibang bansa raw si Ella kasama ang boyfriend nito. Kung anuman ang dahilan kung bakit ito nakipagkita sa kapatid ni Ella ay hindi niya alam.
“Galit ka ba?” tanong sa kanya ni Dave habang gumagawa siya ng meryenda nila ni Tita Sonia. Hindi niya ito tiningnan at itinuloy lang ang gagawin.
“Bakit naman?” kunot noo niyang tanong.
“Hindi mo ako pinapansin. Tulad nalang ngayon, nakatalikod ka pa sa akin.” Sagot pa nito. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. “I’m sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo.” Dagdag pa nito.
“Hindi ako nagpasundo sayo dahil sabi ko magpahinga ka, pero kasama mo ang kapatid ni Ella sa buong magdamag.” Nagdaramdam niyang sagot.
“Hindi ko sinasadya ang pagkikita namin ni Ken, nandun na ako sa bar na yun nang makita ko sila.” Katwiran pa nito. “I miss you.” Bulong nito sa kanya. Tila naglaho naman ang nadarama niyang tampo sa sinabi nito. Hindi siya tumutol ng yakapin siya nito bagkus yumakap pa siya ng mahigpit sa lalaki. “Galit ka pa rin ba?” tanong pa nito.
“Nagtatampo lang ako.”
“Wag ka ng magtampo, dahil nasa tabi mo na ako. Napilitan lang ako na sumama sa kanila at isa pa nag-usap din kami tungkol sa business.” Sagot pa nitong nakangiti siya kanya kaya agad ring nawala ang tampo niya. Wala naman itong nagawang kasalanan sa kanya para magdamdam siya ng sobra.
**************************
HINDI niya mapigilan ang sarili kung bakit nagdududa siya sa kilos ni Dave, palagi kasing tumutunog ang cellphone nito at sa tuwing may tumatawag ay lumalayo pa ito sa kanya at alam niyang hindi lang siya ang nakakapansin non kundi maging ang ina nito. Bihirang iwan sila ni Dave at magbababad sa cellphone nito. Kung trabaho man iyon parang sobra naman yata lalo pa at alam niyang nakakuha na ng bagong chef ito. Ayaw niya namang magtanong o di kaya maghinala na walang at basihan hanggang sa madatnan niya itong may kausap sa cellphone nito sa loob ng opisina nito. Nakatalikod ito sa swivel chair nito at lingid dito ang pagpasok niya. Mahina ang mga salita nito na tila ba ayaw iparinig kung kanino man pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mga tawa nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdaman niya nakikipagflirt ito sa telepono. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niyang kunin ang cellphone nito at pinakinggan niya ang boses. Natigilan ito sa ginawa niya. Malanding boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.
Nabigla si Dave sa ginawa niya. Sapat na ang narinig niya para mapatunayan may iba ito. Kung magkaibigan lang ang mga ito bakit pabulong at tila ba nang-aakit ang mga boses ng mga ito? Hindi siya pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang mga narinig niya. Binato niya dito ang cellphone nito sa labis na galit bago siya nagmartsa sa labas ng opisina nito. Tinangka pa nitong humabol pero agad niya itong sinampal. Umiiyak siyang pumasok sa guest room kung saan siya tumutuloy. Napahagulhol nalang siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Pakiramdam niya pinaglaruan lang siya ni Dave at pinaniwala. Pinigilan niya nalang sana ang sarili at hindi niya na ito minahal pa, tuloy siya itong naiwan na luhaan.
Hindi makapaniwala si Tita Sonia nang sabihin niya ang natuklasan sa anak nito. “Sigurado ako Tita at nararamdaman kong may tinatago sa akin si Dave.” Umiiyak niyang kwento dito.
“Pero hindi ka pa sigurado?”
“Tita, rinig na rinig ko kung paano siya landiin ng babaing kausap niya sa kabilang linya at kulang nalang mamilipit si Dave habang nakikinig.” Tugon niya pa.
“Okay alamin natin ang totoo.” Sagot pa nito. Sinadya niyang wag umalis sa silid ng nanay nito para hindi siya nito makausap. Nang umalis ang sasakyan nito ay agad silang sumunod. Sa Ortigas ito pumunta sa isang brach nito. Nakita nilang bumaba si Dave at nagulat pa sila nang biglang may sumalubong ditong babae, agad itong yumakap ng mahigpit kay Dave. Hindi naman sila kalayuan sa mga ito. Maganda ang babaing yumakap dito, makinis at sopistikada. Sunod-sunod na nag-unahan ang mga luha niya.
“Ella!” nakaawang ang bibig na bigkas ni Tita Sonia. “Kaya pala, bumalik na pala sa buhay nito si Ella kaya itsupwera na siya.”
Pakiramdam niya talong-talo siya sa nangyari. Ginamit lang siya ni Dave para may panakip-butas ito sa pagkawala ni Ella sa buhay nito. Napahagulhol nalang siya nang iyak.
“I’m sorry Berna kung nasasaktan ka dahil sa anak. Hindi ko alam ito.” Nahihiyang turan sa kanya ng ina nito.
“Hindi niyo po kasalanan. Kung may dapat man sisihin ay ako yun dahil pumasok ako sa relasyong walang kasiguraduhan.” Sagot niyang umiiyak. Hanggang sa makauwi sila ay umiiyak pa rin siya. Hindi niya alam kung ano ang mukhang ihaharap niya kay Dave, gusto niya itong sumbatan, awayin at ipamukha ang nakita niya pero wala siyang lakas ng loob gawin iyon. Lalo pa at alam niyang si Ella talaga ang babaing minahal nito. Hiniling niya nalang sa ina nito na wag na sanang makarating pa kay Dave ang nakita nila. Hindi pa siya handa.
Nagpaalam siya kay Tita Sonia na uuwi muna siya sa bahay ng kanyang tiyahing sa Greenhills. Nandun kasi ang nanay niya at kapatid dahil kaarawan nito. Kasama din ng mga ito si Charlie kaya nagpasundo na siya. Sinadya niya talagang makita ni Dave ang pagsundo sa kanya ni Charlie. Pumayag naman agad si Tita Sonia sa hiling niya.
Nag-ayos siya ng gabing iyon. Isinuot niya ang binigay na damit ni Tita Sonia. May pagkasexy ang dating non pero wala siyang pakialam kahit naiilang siya sa tabas ng mga iyon. Nabigla pa si Tita Sonia nang makita ang ayos niya.
“Akala ko may naligaw sa bahay.” Mangha nitong puri sa kanya. Mapakla siyang ngumiti. Ayaw niyang magmukmuk nalang sa isang tabi dahil kasama ni Dave si Ella.
“Bagay ba Tita?” tanong niya pang pilit ang ngiti.. Natagalan siya sa pag-aayos sa sarili lalo pa at namamaga pa ang kanyang mga mata. Nagawa niya namang takpan ng concealer ang mga mata niya.
“Oo naman, talampakan mo lang ang Ella na yun.” Turan pa nito. Muling siyang napangiti sa compliment nito. “Tama yan, ipakita mo kay Dave kung ano ang pinakawalan niya. Kung hindi ko lang anak yan baka itinakwil ko na siya.” Galit nitong turan.
“Sige na Tita, kanina pa naghihintay sa labas si Charlie.” Paalam niya dito. Maging si Charlie ay namangha sa ayos niya. Hindi naman alangan sa kanya si Charlie dahil gwapo rin naman ito, maputi at mataas. Higit nga lang na gwapo si Dave. Siguro nagtataka ito kung saan ang lakad niya samantalang bahay lang naman ang pupuntahan niya. Hindi pa man sila nakakalabas ng bahay nang dumating si Dave. Agad nitong nakita si Charlie, naningkit ang mga mata nito bago siya binalingan.
“Hihintayin na kita sa labas, Bern.” Paalam sa kanya ni Charlie kaya tumango nalang siya.
“Paano Tita, aalis na ako?” tanong niya sa ginang at hindi man lang sinulyapan siya Dave.
“Sige, goodluck sa date niyo.” Sagot pa ni Tita Sonia na gumawa na naman ng kwento. Nagbeso-beso pa ito sa kanya. Napansin niya ang pagtiim ng bagang ni Dave dahil sa sinabi ng ina nito.
“Anong date?” tanong nito sa kanila pero hindi nila ito parehong pinansin. “Berna, kinakausap kita?” pasigaw nitong tanong sa kanya.
“May date kami ni Charlie.” Sagot niyang hindi napigilan ang sarili. “Nauna lang sa date niyo ni Ella.”sagot niyang puno ng pauyam ang boses. Natigilan ito sa sinabi niya kaya hindi niya na pinansin na muling sumagot pa ito, agad siyang lumabas ng bahay ng mga ito at sumunod kay Charlie. Narinig niya pa ang pagtawag ni Dave pero hindi niya ito pinansin. Hindi niya mapigilang maiyak nang makasakay siya sa sasakyan ni Charlie.
“I hate you Dave! Sana nakinig na ako noon sa isip ko na hindi kita dapat mahalin. Pinaasa mo lang ako at pinaniwala!”
“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Charlie nang makasakay na siya sa sasakyan nito. Tama bang tanungin siya nito gayong hindi maipinta ang pagmumukha niya. Pilit ang naging ngiti niya dito kahit na gusto niyang magngangawa nalang at maglupasay sa sobrang sakit na nararamdaman niya. “Mahal mo talaga siya ano?” tanong pa nito. Napansin niya ang pait sa mga mata nito, alam niyang panibugho iyon dahil matagal na siya nitong gusto at hanggang ngayong nagbabakasali pa rin ito na sana isang araw mahalin niya rin ito. Wala naman talaga sa plano niya ang magmahal kaya nga ganun nalang kung tanggihan niya ang pagmamahal nito pero ito siya ngayon. Minamahal ang taong nagmamahal pa rin sa nakaraan nito. Sa taong hindi nakakamove-on.
“Hindi siguro ako masasaktan ng ganito kung hindi ko mahal si Dave.” mapakla niyang sagot.
“Siguro nga. Sa nakikita ko kasi sa mukha mo ngayon, alam kong labis mo siyang mahal.” Sagot pa nito.
“Alam kong masasaktan lang ako kapag minahal ko siya pero ito ako, hulog na hulog kay Dave. Sana kinontrol ko ang nararamdaman ko sa kanya. Sana, wala ako sa sitwasyon na ganito at sana hindi ako nasasaktan ngayon.” Sagot niya pinipilit na wag bumagsak ang mga luha.
“Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan. Dapat bago ka pumasok sa isang relasyon handa ka ring masaktan. Kaakibat ang masaktan kapag nagmahal ka.” Pangaral pa nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi ito tingnan. Nakatingin lang ito sa kalsada habang tuloy sa pagmamaneho.
“Alam ko, hindi ko lang inasahan na ganito kasakit ang lahat.” Sagot niya. “Ganito ba ang nararamdaman mo kapag tinatanggihan ko ang alok mong pagmamahal?” hindi niya mapigilang tanong.
“Oo at palagi akong nakahandang masaktan para sa taong mahal ko.” Tugon nito kaya natahimik siya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo Charlie. Sa nakikita mo naman ngayon, may mahal na ako at si Dave yun. Hindi mo naman kailangan masaktan. Buksan mo lang ang mga mata mo at makikita mo rin ang babaing karapat-dapat sa sakit na nararamdaman mo.” Dagdag niya pa.
Nagkibit balikat lang ito sa sinabi niya. Kung pwede lang sana turuan ang puso ginawa niya na. Mahirap ang magmahal lalo pa kung napipilitan ka lang. Kung nasasaktan siya ngayon hindi dapat na maghanap siya ng panakip-butas para may kadamay siya sa sakit na nararamdaman niya.