CHAPTER EIGHT

2440 Words
Kung siya lang ang masusunod ayaw niya talagang makita muna si Dave, sariwa pa sa isip niya ang naging reaksiyon nito nang makita ang buong katawan niya. Wala yata siyang mukhang maihaharap dito. Ano kaya ang iniisip nito nang makita nito ang katawan niya? Napakagat labi siya sa naisip. Nakakahiya talaga. Kung pwede lang na maglaho siya bigla ay ginawa niya na. Paglabas niya ng guest room ay nakita niya agad si Dave. Kumuha pa talaga ito ng upuan para lang masiguro na hindi siya makakaiwas pa at nakatambay lang sa labas ng silid niya Napansin niya ang bungkos ng bulaklak na hawak nito. Tumayo ito nang makita siya. Bihis na bihis ito at alangan ang suot niya para sa porma nito. Mukhang may lakad na naman ito. “For you!” sabay abot nito. Kimi ang ngiting tinanggap niya iyon. “S-alamat. May lakad ka?” nauutal ang boses na tanong niya. “Tayo.” Sagot nitong nakangiti. “Kasama ako?” sabay turo niya sa sarili. “Oo, kaya halika na.” sagot nito sabay hawak sa kamay niya. “Teka lang!” pigil niya dito. “Don’t worry pinaalam na kita kay Mama.” Sagot pa nito. “Hindi yun. Magbibihis lang ako baka magmukha naman akong yaya mo.” Reklamo niya. “Wag na, naiinip na ako sa paghihintay. Sayang ang oras natin.” Turan pa nito kaya wala siyang nagawa nang hilahin siya nito. Pinagbuksan siya nito ng pinto at ito pa mismo ang naglagay ng sealtbelt sa kanyang katawan. “Maganda ka kahit basahan pa ang suot mo, kaya ngumiti kana.” Turan pa nito sa kanya na akala mo batang inaalo nito. “Iwan ko sayo.” Irap niya dito. “Ang importante ay kung ano ang tingin ko sayo. I don’t care kung anuman ang sasabihin nila dahil para sa akin ikaw ang pinakamagadang babae na nakilala ko.” Pahayag pa nito sa kanya bago nito binuhay ang makina ng sasakyan. Nabuhay tuloy ang kumpiyansa niya sa sarili dahil sa sinabi nito. Dinala siya nito sa restaurant nito, mag-aalas-sais na ng gabi sila nakarating. Lahat ng emplayado nito ay ipinakilala siyang girlfriend na labis na nagpasaya sa puso niya. Hindi niya inaasahan ipapakilala siya nito sa mga tao. Kung isa iyon sa paraan nito para bumawi ay labis siyang napasaya nito. Nakaakbay pa ito sa kanya habang pinapakilala siya. “Saan tayo pupunta?” tanong niya dito. “Magpapahangin lang tayo sa rooftop.” Sagot nitong nakangiti. Nagpatiuna siya nang kahawakan siya nito sa kamay. Nauna itong humakbang sa hagdan at nakasunod lamang siya. Hindi pa sila nakakarating sa rooftop ay naririnig niya na ang musikang kay sarap pakinggan. Hindi siya makapaniwala nang tumambad sa kanya nag rooftop na sinasabi nito. Maraming balloon na pula ang nakapalibot sa gitna ng mesang may dalawang upuan, may ibat-ibang bulaklak rin na nakaayos pa ang pagkakalagay. May dalawang waiter at isang nagpiapiano sa isang tabi. Hindi naman kalakihan ang rooftop pero naging sapat na iyon sa ginawang paghahanda ni Dave. Hindi niya mapigilang maluha sa labis na tuwa. Pinunasan ni Dave ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Hindi ko ito ginagawa dahil gusto kong bumawi sa’yo. Noon pa man ay gusto ko na itong gawin, ito ang paraan na gusto ko para magtapat ng pag-ibig noon pero hindi nangyari and now gusto kong maisakatuparan ang matagal ko ng gustong mangyari.” Turan nito sa kanya kaya napatitig lang siya dito. “Matagal akong natakot na muling magmahal at muling magtiwala I wish and pray for love to come my way para baguhin ako, para haplusin ang puso ko at gamutin ang sakit na matagal nang namahay sa puso ko and God gave you to me. Hindi ko sinasadyang mahalin ka. I love you because it just happened.  I don’t need a perfect one, I just need someone who can make me feel that I’m the only one.” Pigil ang pag-iyak na turan nito sa kanya. Bawat katagang sinabi nito ay tumagos ng buong-buo sa puso niya. “I assure you Berna that I’m yours forever.” Dagdag pa nitong garalgal ang boses kaya napaiyak na siya. “Kung may nagawa man akong tama sa buhay ko, it was when I gave my heart to you Dave. For me, you are perfect. I wasn’t planning on loving you, but I’m happy that I did.” Umiiyak niyang turan. Niyakap siya nito ng mahigpit at hindi naman siya naging maramot sa pagganti ng yakap dito. Pumailanlang ang awiting God gave me you na tumugma sa nararamdaman nila para sa isat-isa. “I love you, Dave.” Bulong niya pa dito nang kumalas na ito sa pagkakayakap.. “Mahal din kita Berna, hindi na ako magmamahal pa ng iba and I promise I won’t hurt you again.” Pahayag pa nito sa kanya. “Sorry din kung nasaktan kita, kung napagsalitaan kita ng hindi maganda. Akala ko kasi pinaglaruan mo lang ang damdamin ko at naging panakip-butas sa pagkawala ni Ella sa’yo.” “At ngayong nagbalik na siya inisip mo na babalik ako sa kanya?” tanong pa nito sa kanya kaya napakagat-labi siya. Tumango siya dito bilang sagot. “Bumalik man siya hindi na muling maibabalik ang nakaraan sa pagitan namin. Ikaw, ikaw nalang ang gusto ko ngayon. You change my life, Berna at hindi ko kakayanin na pati ikaw ay mawala rin sa akin.” Turan pa nito. Napansin niya ang takot sa mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang yun. “Totoo ba ang lahat ng ito? Ang hirap yatang paniwalaan na mahal ako ng isang Dave Hamilton?” Naiiyak niyang turan. Sino ba naman kasi siya kumpara dito? Simple lang siyang babae samantalang ito ay ubod ng yaman. “Maniwala ka, and yes mahal na mahal ka ni Dave. Ikaw nga lang ang nag-iisa sa puso niya.” Sagot pa nito bago siya niyakap. Napaiyak na niyakap niya ito. Bago pa man bumaha ng luha ay kumalas na siya dito. “Kain na tayo.” Napahagikhik niyang yaya dito. Napangiti ito sa sinabi niya. “Gutom ka na naman?” nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya. “Nailabas ko kaya lahat ang kinain ko kanina.” Irap niya dito. “Oo na.’ natatawa nitong sagot. Hinawakan siya nito sa bewang at magkasabay silang lumapit sa mesa. Masaya silang kumain ng gabing iyon. Pinakamasayang araw na maituturing sa buhay niya, to be with Dave. Sana lang talaga wala nang hadlang pa sa pagmamahalan nila. Hindi niya na yata kaya kung mawawala pa ito sa kanya. Hanggang sa natapos silang kumain ay nanatili muna sila sa rooftop ng restaurant nito. Nagpaalam na sa kanila ang waiter at ang nagpia-piano kaya solong-solo na nila ang lugar. Inutusan ni Dave ang waiter na mag-akyat nang malaking upuan, at nang bumalik ito ay may dalang kahoy na upuan. Malapad iyon, good for three ang pwedeng umupo. Pinunasan muna ni Dave ang upuan bago siya niyayang umupo. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang senyasan siya nitong umupo doon. Dahan-dahan siyang tumayo sa upuan niya at lumapit dito. Nakaupo na ito sa upuan at hinihintay nalang siyang tumabi. “Natatakot ka ba?” tanong nito dahil alumpihit siyang lumapit. “Bakit naman?” tanong niya. Umupo siya sa tabi nito. “Mukha ka kasing kinakabahan.” Sagot pa nito sa kanya. “Hindi lang ako sanay. Alam kong weird dahil halos seven months na kitang kasama sa iisang bahay pero sa tuwing kasama kita pakiramdam ko ito ang una nating pagkikita.” Sagot niya pa. “Baka nakakalimutan mo, you kissed me sa una nating pagkikita.” Paalala pa nito kaya namula ang buong mukha nito. “Hindi ko yon sinasadya!” sagot niyang nakataas ang kilay. “But I’m happy dahil ako pala ang first kiss mo.” Sagot pa nito sabay kindat sa kanya. Inakbayan siya nito at kinabig palapit dito. Napahilig siya sa dibdib nito. “Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?” tanong pa nito sa kanya. “Ano?” tanong niyang nakikinig sa t***k ng puso nito. Kung ang puso niya ay nagwawala sa lakas ng t***k mas lalo yata ang puso nito. “Ayokong matapos ang sandaling ito.” Tugon nitong nakayakap sa kanya. “Ako man ay ganoon din. Mahal na mahal kita Dave. Natatakot akong masaktan at maiwan. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito kaya hindi ko alam kong makakaya ko pang tumayong mag-isa kapag nawala ka sa akin.” Seryoso niyang pahayag dito. “Hindi ako mawawala sayo. I love being loved you.” Napangiti siya sa sinabi nito. Umayos siya ng upo at tumitig dito. Napakagwapo talaga ng boyfriend niya. Walang panama ang mga Hollywood star sa kulay brown nitong mata. Hinaplos niya ang makinis nitong mukha. “Masaya ako dahil malaki na ang ipinagbago mo at lalong masaya ako dahil ako ang naging dahilan ng bawat ngiti mo. Sana sa bawat ngiti mong yan ay ako ang naiisip mo.” Turan niya pa dito. “Mukha mo ang palaging nasa isip ko kapag nakikita mong nakangiti ako.  My heart was happy because you are inside.” Sagot pa nito bago siya hinagkan. Nakalimutan na nila ang oras dahil sa naging pag-uusap nila. Nangako ito sa kanya na siya lang ang babaing mamahalin nito at panghahawakan niya ang pangakong iyon. Hindi na siya dapat pang magpaapekto kay Ella, tama si Dave isa nalang itong nakaraan pero para sa kanya isa itong bangungot sa buhay ng nobyo. Dahil dito kung bakit nasaktan ng sobra ang nobyo. Ipapakita niya kay Dave na hindi lahat ng babae ay katulad ni Ella. Hindi niya iiwan si Dave. Hanggan mahal siya nito hindi siya susuko. *****************************   NAGING napakasaya para sa kanila ni Dave ang sumunod na mga araw. Punong-puno ng pagmamahal ang puso niya dahil sa nobyo. Kung ang nanay nga lang nito ang masusunod ay gusto na siya nitong itulak para magpropose sa anak nito. Natatawa nalang siya kapag sinasabi nito iyon. Siya pa talaga itong magproprose ng kasal kay Dave? Nakakaloka lang. Kung hindi pa handa si Dave para pakasalan siya walang problema sa kanya. Siya man ay hindi niya alam kung handa na ba talaga siyang lumagay sa tahimik. Ayaw niyang lumagay sa tahimik hindi dahil sa ayaw niyang makasama si Dave kundi dahil hindi pa tapos sa pag-aaral ang nakakabata niyang kapatid at isa marami pa silang utang na kailangan bayaran dahil sa pagkakasakit ng kanya ama. Gusto niya ring bayaran ang binayad ni Dave sa hospital nang mamatay ang ama. Hindi porket nobyo niya ito ay kailangan niyang abusuhin. Hindi inaasahang bisita ang nadatnan nila ni Tita Sonia nang umuwi sila ng bahay. Sinamahan niya kasi si Tita Sonia sa doctor nito. Gumuhit agad ang kirot sa puso niya nang makita si Ella na kausap ni Dave sa sala. Parang gusto niyang maging palengkera at sugurin ito sa labis na selos. Hinawakan siya ni Tita Sonia sa kamay kaya napakalma niya ang sarili. Agad na tumayo si Dave nang makita siya, hinalikan muna nito ang ina nito bago siya hinalikan sa labi. Akala niya ay sa pisngi lang nito siya hahalilkan pero hindi, talagang pinakita pa nito kay Ella. Lihim na nagdiwang ang puso niya sa ginawa nito. Hinawakan siya nito sa kamay at ipinakilala kay Ella. Napansin niya ang mapanuring tingin sa kanya ni Ella na akala mo sinusukat ang buong pagkatao niya. Hindi ito pinansin ni Tita Sonia at agad na iniwan sila sa sala. Isang mapanuring tingin ang pinukol nito kay Ella bago tumalikod.  Hindi niya ito masisisi. Ito lang naman kasi ang babaing nanloko sa anak nito at ang kapal pa ng mukha para magpakita muli. “So ikaw si Berna?” tanong nito sa kanya. Pilit ang ngiting pinakawalan niya dito. Kung pwede lang talaga dukutin ang mga mata nito ginawa niya. Titig na titig kasi ito sa kamay ni Dave na nakahawak sa kanya. “I think kilala mo na ako?” tanong pa nito sa kanya. “Tama ka, kilala na kita.” Sagot niya. “Kilalang-kilala!” “Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa nurse, Dave.” Turan pa nito kay Dave. Pakiramdam niya naisulto siya sa sinabi nito. “Hindi ito tungkol sa proffesion, Ella. This is about love. Iyon ang nakita ko kay Berna.” Maagap na sagot ni Dave sa kanya. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak sa kamay niya ni Dave. “Well, kung yan ang nararamdaman mo congrats to both of you!” maarte pa nitong pahayag. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit nagustuhan ito ni Dave gayong malademonyo naman ang ugali at isa pa hindi naman ito kagandahan, punong-puno pa ng foundation ang mukha. May congrats-congrats pa itong nalalaman labas naman sa ilong ang isinasabi.       “Thank you!” pauyam niyang sagot kay Ella. “So, Dave aasahan kita sa opening ng coffee shop ko?” tanong nito kay Dave bago ngumiti nang pagkatamis-tamis. “Kung papayag si Berna.” Sagot ni Dave bago tumingin sa kanya na tila ba nagpapaalam. “Baka ma-out of place siya doon?” kunot-noong tanong ni Ella kaya umangat ang kilay niya. Hindi niya talaga napigilan ang magalit sa sinabi nito. Ano siya makahiya? Na kapag nakakita nang tao titiklop? Umakyat yata ang dugo sa ulo niya sa inis dito. Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na gusto lang talaga nitong masolo si Dave. “Don’t worry, hindi naman ako iiwan ni Dave.” Pang-iinis niya dito. Tumaas ang kaliwang kilay nito pero pakialam niya ba? Akala nito uurong nalang siya? No way! Hanggang sa nagpaalam si Ella ay mainit pa rin ang dugo niya. Pakiramdam niya hinamak siya nito ng sobra. “Kalimutan mo na si Ella, wag kang papaapekto sa kanya. Hindi worth it na magalit ka.” Turan sa kanya ni Dave. Inakbayan siya nito kaya yumakap naman siya sa bewang nito. “Bumabalik siya sayo?” tanong niya kay Dave nang makaalis si Ella.  “I don’t think so.” “Paano kung sabihin niya na nagkamali siyang iwan ka at humingi siya ng second chance?” tanong niya pa. “She doesn’t deserve the second chance.” Sagot pa nito. “Paano kung magpumilit siya?” “Too late, may laman na ang puso ko.” Sagot pa nito kaya lihim siyang kinilig. Kahit ilang Ella pa yata ang dumating sa buhay ni Dave sigurado siyang sa huli ay siya pa rin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD