CHAPTER NINE

2402 Words
LAHAT ay mga sosyalera ang bisita ni Ella sa grand opening ng coffee shop nito. Nakakailang pero keri pa rin. Ipapakita niya sa babaing ito na may ganda rin siyang itinatago. Maghapon yata siya sa parlor sa kagustuhan na rin ni Tita Sonia. Pinakulot pa nito ang buhok niya at kung anong anik-anik ang nilagay sa mukha niya. Ito pa ang nag-asikaso sa isusuot niya para maungusan niya raw si Ella at masasabing niyang, pak na pak talaga ang beauty niya. Pasok na sa beauty queen ang peg niya. Maging si Dave ay sobrang humanga sa transformation niya. Simple naman ang ayos niya pero eleganteng tingnan. Maiintimadate ang sinumang makakasaluha niya. Hindi na alangan sa kagwapuhan ni Dave. Lahat ay naagaw ang atensiyon nang dumating sila ni Dave. Lahat nang kalalakihan ay napapatingin sa kanya at maging ang ibang kababaihan. “You’re so perfect tonight.” Bulong sa kanya ni Dave. Maging ito ay napakagwapo sa suot nitong tuxedo na white. “Thank you.” Pabulong niyang sagot. “Kahit anong ayos mo maganda ka pa rin.” Turan pa nito sa kanya kaya napangiti siya. Nagbabaga ang matang sinalubong sila ni Ella, kahit ang tingnan siya ay hindi nito magawa. Si Dave lang ang hinalikan nito. Saglit lang na nagpaalam sa kanya si Dave para kumuha ng maiinom nang lumapit sa kanya si Ella. Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang. “Magkano kaya ni ginastos ni Dave sa damit mong yan?” tanong nito sa kanya bago sinuri ang suot niyang damit na gawa pa ng isang kilalang designer. Umusok ang ilong niya sa sinabi nito. Pakiramdam niya nainsulto siya nito. “Hindi ka ba nahihiya? Sa bahay ka na nga nila nagtratrabaho, inakit mo pa si Dave and now pineperahan mo siya?” turan pa nito. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa galit. Kung wala lang talagang tao baka kanina niya pa ito napatulog. “Bakit ba ang dami mong tinatanong? Issue ba sayo kung bigyan ako ni Dave?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Sa pagkakaalam ko kasi matagal na kayong wala. Subukan mo kayang magmove-on total sa pagkakaalam ko ikaw naman ang nang-iwan.” Dagdag niya pa. Namula ang mukha nito dahil  sa sinabi niya. “Ikaw, nasubukan mo na bang tanggapin ang katotohanan?” tanong nito sa kanya kaya napakunot noo siya. “Alam mo Berna, hindi mo alam kung ano ang meron sa amin ni Dave. Kung ano ang pinagdaanan ng relasyon namin.” Dagdag pa nito. “Kung anuman ang nakaraan niyo noon, that was before. Labas na ako kung anuman ang meron sa inyo. Isa lang ang alam ko, iyon ay isa ka nalang kabanata sa buhay ni Dave. Kabanata na malabo nang ibalik.” Taas noo niyang sagot. “You think so? Paano kung sabihin ko sayo na panakip-butas ka lang ni Dave. Na naghihigante lang siya sa akin kaya ka niya pinatulan?” turan pa nito sa kanya. Ang sarap talaga nitong piktusan. Akala mo kung sinong perpekto. “Hindi mo na kailangan sabihin pa Ella dahil alam ko at kilala ko si Dave.” Kampante niyang sagot. “Well, ito lang ang sasabihin ko. Wala kayo ngayon dito kung hindi pa ako gusto ni Dave. Itatak mo sa isipan mo na ako pa rin ang gusto niya, open your eyes! Ako pa rin ang mahal ni Dave.” nanggagalaiti nitong turan sa kanya. “Bukas na bukas ang mata ko Ella. Alam ko kung kailan ako dapat tumigil at hindi ikaw ang makakapagsabi non. Isa pa, hindi ako tanga para ipilit ang sarili sa taong hindi ako mahal. Bakit kaya hindi mo subukan gawin yun? Ang buksan ang mga mata na iba na ang mahal ni Dave. I thought hindi naging okay ang lalaking pinalit mo kay Dave? Iniwan ka ba niya tulad ng ginawa mo kay Dave?” sagot niya. Hindi niya napaghandaan ang pagdapo ng palad nito sa pisngi niya. Hindi siya nakakilos sa pagkabigla pero agad naman na umangat ang isang kamao niya. Agad niya itong sinuntok na naging dahilan kung bakit ito natumba. Sapo nito ang matang nasaktan. Nagkagulo ang mga tao sa opening ng coffee shop nito. Nakita niya agad si Dave na natarantang lumapit kay Ella. Itinayo nito ang babae. Akala niya nanalo siya kay Ella yun pala talo siya sa nakitang pag-aalala sa mga mata ni Dave para sa babae. Nagtama ang mga mata nila ni Dave at tila may sumbat siyang nabasa sa mga mata nito. Bakit kailangan siya ang sisihin? Bakit hindi nito tanungin kong sino ang nauna? Napansin niyang nag-inarte pa si Ella, nagkunwari itong nahihilo kaya inupo muna ito ni Dave sa bakanteng silya. Pakiramdam niya siya ang sinisisi ng lahat sa mapanuring tingin na pinukol ng mga ito sa kanya. Sa inis niya at pagkapahiya ay lumabas siya ng coffee shop at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Dave. Doon siya tumayo at  maghihintay sa lalaking abala sa pag-aasikaso sa dating girlfriend. Kalahating oras yata siya naghintay sa parking lot bago niya nakita si Dave na papalapit sa kanya. Madilim ang mukha nito nang makalapit sa kanya. Binuksan nito ang sasakyan nito at hindi man lang nag-abala na alalayan siya. Lihim siyang nagngitngit dahil sa ginawa nito. Tahimik ito sa loob ng sasakyan kaya hindi na siya nakatiis. “Wala akong kasalanan sa nangyari.” Depensa niya sa sariling napasulyap dito. “Wala? Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” tanong nito sa kanya na akala mo siya talaga ang may kasalanan sa nangyari. “Siya ang nauna! Kung hindi niya ako sinampal hindi ako gaganti.” Inis niyang sagot. Hindi niya kasi nagugustuhan ang himig ng boses nito. “Kahit na, sana pinalipas mo nalang muna dahil maraming tao.” “Pinalipas? Bakit sino siya para hayaan kong saktan nalang ako ng ganun? Sana bago ka man lang magalit at kampihan ang ex mo sana inisip mo muna o tinanong mo man lang ako kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi yang magagalit ka nalang.” Sigaw niya dito. “Wala akong kinakampihan. Marami ang nakakita sa ginawa mo kay Ella at lahat sila ay sinabing sinuntok mo siya.” Turan pa nito. “Wala silang alam! Alangan naman kasi kampihan nila ako samantalang si Ella ang kaibigan nila? Baka nga tama si Ella, siya pa rin ang mahal mo at panakip butas mo lang ako. Gusto ko lang linawin Dave, sumama  ako sayo dahil iyon ang gusto mo. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko at oo, tama siya, tama lahat ng sinabi niya dahil sa nakikita ko ngayon sayo!” hilam ang luhang sagot niya. Pakiramdam niya durog na durog ang puso niya dahil sa sinabi nito. “Ang kitid ng utak mo. Hindi naman yan ang ibig kong sabihin.” Sagot pa nitong mataas na rin ang boses. “Hindi makitid ang isip ko! Sinubukan  ko siyang unawain pero kung hahamakin niya lang naman ang pagkatao ko yun ang hindi ko papayagan and I’m so disappointed. Nakita ko kung gaano pa rin kahalaga sayo si Ella at hindi mo man lang ako magawang tanungin kung ano ang totoong nangyari. Naniwala ka agad sa sabi-sabi!” sumbat niya ditong hindi napigilan ang pagbagsak ng mga luha. “Hindi mo naman kasi kailangan patulan siya. Sana ikaw nalang ang umiwas.” Pilit pa nito sa kanya. “Stop it Dave. Wala kang alam sa nangyari at kung wala kang balak na alamin ang totoo wag mo nalang akong kausapin. Siya nalang ang kausapin mo baka sakaling magsabi siya ng totoo. Siya naman ang laging tama. Ako kasi, wala akong breeding!” sagot niya pang  punong-puno ng hinanakit. Hanggang sa makarating sila sa bahay nito ay wala pa rin siyang imik. Agad siyang tumuloy sa silid na tinutuluyan niya at doon niya binuhos ang lahat ng sama nang loob niya para kay Dave. Hindi niya matanggap ang ginawang pagkampi nito sa babae samantalang siya itong nasaktan.   PAG-GISING niya ay wala na si Dave. Malinaw pa sa isip niya ang nakita kagabi. Ang labis na pag-aalala nito para kay Ella at wala siya sa kalingkingan ni Ella para dito. Hindi man lang ito nag-abala na kausapin siya kung talagang mahal siya nito. Siguro nandun na naman yun kay Ella. “What happen? Baka gusto mong magkwento?” tanong sa kanya  ni Tita Sonia nang makita siya nitong nagkakape mag-isa sa garden. Tumayo siya at inalalayan niya itong umupo. Agad nitong napansin ang lungkot sa mga mata niya. “He did?” gilalas nitong tanong pagkatapos niyang magkwento. Hindi ito makapaniwala sa sinabi niyang kinampihan ni Dave si Ella. Napakibit-balikat siya sa tanong nito. “Lalo akong nangliit Tita dahil sa nangyari kagabi. Siguro nga may punto si Ella, wala kaong maipagmamalaki kay Dave, isang hamak na private nurse mo lang ako. Walang napapatunayan sa buhay at walang maipagmamalaki kay Dave. Unlike Ella, a successful career woman.” Sagot niya sa malungkot na tinig. “Kahit saang anggulo naman talaga tingnan hindi maganda tingnan na sa bahay ng nobyo ko ako nakatira.” Hilam ang luhang turan niya pa. “Hindi naman yan mahalaga diba? I like you para kay Dave at gusto ko ikaw na talaga. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang natapos mo o kung ano na ang napatunayan mo sa buhay.” Sagot pa nito sa kanya. Sana lang ganito rin si Dave, handang iparamdam sa  kanya na importante din siya. “Akala ko nga rin Tita ganun lang kadali pero hindi eh.” “What do you mean?” tanong nito sa kanya. “Kagabi ko lang naisip Tita na ituloy ko nalang ang pag-aabroad. Doon na muna ako magtratrabaho. Kagabi po tinawagan ko ang pinsan ko at sinabi niya sa akin na kumuha na ako ng US visa.” Wika niya dito. Nalungkot ito sa sinabi niya. “Honestly, ayokong umalis ka pero kung yan ang ikakapanatag ng loob mo sino ba naman ako para tumutol?” pilit ang ngiting sagot nito. “Salamat Tita, salamat sa lahat-lahat. Ako nalang muna ang lalayo para makapag-isip din kami ni Dave baka kasi pareho lang kaming nabigla sa pagpasok sa isang relasyon.” “Sana at the end of the day kayo pa rin.” Turan pa nito. Pilit ang naging ngiti niya sa sinabi nito. Hindi niya hawak ang puso ni Dave pero umaasa siya na sana magkatotoo ang sinabi nito.   NAGING abala na siya sa mga sumunod na araw. Hindi na sila halos nakakapag-usap ni Dave lalo pa at hindi na siya halos umuuwi sa bahay ng mga ito. Simula nang magtalo sila adahil kay Ella ay hindi niya na ito hinarap at tuluyan nang umalis sa bahay ng mga ito. Para saan pa kung magkita sila? Para mag-away? Para masaktan ng paulit-ulit? Dinadalaw-dalaw niya na lang si Tita Sonia at tinataon niyang wala si Dave sa bahay ng mga ito kapag siya ay pumupunta. Ayaw niyang makita muna ito, masakit pa rin kasi ang puso niya dahil sa nangyari. Siya nalang ang magpapalaya. Ayaw niyang maging panakip-butas tulad ng sinabi ni Ella. Hindi siya bato para hindi masaktan. Kaya hanggat kaya niyang umiwas, iiwas siya. Nagawa niyang maipasa ang interview niya sa embassy at anytime pwede na siyang lumipad papuntang US. Tourist visa lang ang nakuha niya pero okay na yun. Saka niya nalang iisipin kung ano ang magandang gawin. Hindi niya naihakbang ang kanyang mga paa nang makita niya si Dave sa loob ng isang Chinese restaurant. Iyon kasi ang usapan nila ng boyfriend nang anak ni Tita Sandra. May ipapadala ito para sa pinsan niya kaya sila nagkita. Nahagip ng mga mata niya si Ella na kasama ni Dave. Masayang kumakain ang mga ito at maging si Dave ay ganoon din. Pakiramdam niya ay kumirot ang puso niya dahil sa nakita. Hindi kalayuan ang pwesto ni Andy sa mga ito, ang nobyo ng  pinsan niya. Ang masaklap pa ay dadaanan niya sina Dave. Gusto niya sanang umurong pero nakita na siya ni Andy. Kinawayan siya nito kaya wala siyang nagawa. Napansin niyang nabigla si Dave nang makita siya. Akala siguro nito susugod siya, nginitian niya ito pagkatapos niyang lagpasan. Hindi niya alam kung paano niya iyon nagawa pero kinaya niya. Napansin niyang sinundan siya ng tingin ni Dave pero wala siyang pakialam. Tumayo si Andy at sinalubong siya. Nagbeso-beso pa ito sa kanya. Sabagay close naman sila nito, palagi kasi siyang kasama sa tuwing nagkikita ito at ng pinsan niya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong sa kanya ni Andy. Nasa likuran siya ni Dave kaya sigurado siya na naririnig sila nito. Kinakabahan man at bahagyang nanginginig ay pinilit niyang kumalma. “B-akit kasi hindi ka nalang pumunta sa bahay?” tanong niya dito. “Marami kasi akong inaasikaso pero wag na nating pag-usapan yun. Nandito na ako at wag ka ng mag-alala pa.” sagot pa nito. “Tuloy na tuloy ka na talaga sa makalawa?” tanong pa nito sa kanya. “Oo, ang hirap kasi ng buhay sa Pilipinas.” Sagot niyang pinalakas ang boses para marinig ni Dave. “Sabagay, but don’t worry susunod ako dun. Bakasyon lang naman ako dito. Kapag bumalik ako dun pakakasalan kita para hindi kana bumalik pa ng Pilipinas.” Sagot pa nito. Amerikano kasi si Andy pero sa Pilipinas na lumaki dahil ang lola nito ang nag-alaga simula bata palang ito. Napangiti siya dahil tinupad ng pinsan niya na magkaroon siya ng green card kapag nakarating sila dun. Inabot nito sa kanya ang mga pasalubong para sa pinsan niya at hindi niya napigilang matuwa nang bigyan din siya nito. “Ang dami naman yata. Baka naman mag-over baggage na ako nito.” Reklamo niyang natatawa. “Hindi yan” sagot pa nito.. Nauna silang lumabas ni Andy sa naturang restaurant at muli nadaanan niya na naman sina Dave. Nagsalubong ang mga mata nila Ella pero hindi niya ito pinansin. Pinakita pa talaga nito na hawak nito ang kamay ni Dave sa itaas ng mesa. Pinagpawisan yata siya nang makalabas na sila ng restaurant. Gusto niyang umiyak at magalit pero hindi niya magawa. Kaya pala hindi man lang siya sinusuyo ni Dave dahil abala ito kay Ella nito. Kunwari pa ito noong una pero  sa huli kay Ella pa rin ang bagsak nito. Magsama kayo! Dinamay niyo pa ako sa kabaliwan niyo!” inis niyang bulong sa sarili.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD