CHAPTER TEN

1792 Words
DALAWANG-araw nalang at aalis na siya papuntang US, tiyak na for good na siya doon kaya hindi siya nakatanggi nang makiusap sa kanya si Tita Sonia. Ayaw niya sanang pumunta dahil ayaw niyang makita si Dave pero hindi naman yata tama na idamay niya ang nanay nito na naging napakabuti naman sa kanya. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay may salo-salo siyang nadatnan. Ayon kay Tita Sonia, despedida party daw niya. Parang kailan lang at masaya silang dalawa kasama si Dave pero lahat ay pansamantala lang sa muling pagbabalik ni Ella.  Sa pagkakatanda niya dalawang linggo pa lang simula nang umalis siya sa bahay ng mga ito. Nakahinga siya ng maluwag nang sabihin nito na wala si Dave at nasa restaurant pa raw nito. “Hindi ka ba talaga magpapaalam kay Dave?” tanong pa sa kanya ni Tita Sonia pagkatapos nilang kumain. “Para saan pa po Tita? Masaya na siya ngayon kasama si Ella.” Sagot niya. “Alam mo bang malungkot siya palagi?” “I doubt it Tita, siguro palabas niya lang yun para hindi ka magalit. Gusto niya lang ipakita sayo na apektado siya sa nangyari sa amin.” Sagot niya pa. “Mamimiss kita iha.” Mangiyak-ngiyak nitong turan sa kanya kaya niyakap niya ito. “Basta Tita, alagaan niyo palagi ang sarili niyo. Kayo na rin ang bahala kay Dave. Wag na na kayong magalit sa kanya dahil natanggap ko na po ang lahat sa amin. Masakit man pero kailangan mag-move on.” Sagot niya pa. INABOT ng gabi ang naging kwentuhan nila kaya hindi na ito pumayag na umuwi pa siya lalo pa at mag-cocummute lang siya. Medyo hilo na rin siya dahil sa nainom nilang novelino Hinatid niya muna si Tita Sonia sa silid nito bago siya lumabas ng silid nito para pumunta sa silid na tutuluyan. Hindi niya pa naman nasasara ang pinto ng  silid ni Tita Sonia nang magkasalubong sila ni Dave. Saglit lang silang nagkatitigan kaya inalis niya ang mga mata dito at tumalikod. “Aalis ka?” tanong nito kaya natigilan siya sa paglalakad. “Oo.” Matipid niyang sagot. “Bakit?” tanong pa nito. “Sa tingin ko hindi mo na dapat malaman pa ang dahilan ko.” Sagot niya bago niya ipinagpatuloy ang paglalakad pero hinila siya ito sa braso kaya napaharap siya dito. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit. “Siya ba ang ipinalit mo sa akin?” tanong nito. Blangko ang isip niya sa tinutukoy nito. “Pakakasalan ka ng kano na yun?” tanong nito na ang tinutukoy ay si Andy. “Ano naman ngayon sayo? Hindi ba may Ella ka’na?” tanong niya rin. “Tulad ka rin niya. Iiwan mo rin ako!” puno ng hinanakit ang boses nito. “Hindi ako katulad niya. Ikaw ang nagtulak sa akin para lumayo at kailanman hindi kami magiging magkatulad!” galit niyang sagot sa mahinang tinig. “Ikaw ang umiwan sa akin. Iniwan mo ako dahil gusto mong matupad ang gusto mong mag-ibang bansa!” turan pa nito kaya naningkit ang mga mata niya. “Aalis ako dahil gusto kong may mapatunayan. Para hindi ako magmukhang walang breeding kapag nagkaboyfriend ako at balang araw maipagmalaki niya rin ako at magawang ipagtanggol!” paiyak niyang pahayag. Bumalik na naman ang sakit na nararamdaman niya. “Ang simple nang nangyari ng gabing yun. Ginawa mo lang issue at pinaabot mo sa ganito.” “Simple na ikinagalit mo kasi napahiya ka sa mga tao dahil sa ginawa ko. Hindi ko pinalaki ang issue Dave, kundi umiwas lang ako. Ako nalang ang lalayo, nakakahiya naman kasi sayo!” umiiyak niya ng turan. “Wala na akong pakialam pa kung ano ang iisipin mo sa akin total naman wala kang pakialam sa isasagot ko! Makinig ka nalang sa Ella mo! Siya naman ang magaling sayo hindi ba?” panghahamon niya pa. “I love you!” sigaw nito sa kanya kaya natigilan siya. Napatingin siya sa maamo nitong mukha. “Para saan? Para saktan ng paulit-ulit? Para muling paniwalain sa kung anu-anong kasinungalingan? O para hindi na ako umalis at paikutin na naman ang buhay ko sayo?” galit niyang tanong. “Hindi ganun.” Mahina ang boses na sagot nito. “I want you to stay because I love you.” Dagdag pa nito. “Para ano pa Dave? Anong magagawa ng I love you kung paulit-ulit nalang akong masasaktan? Durog na durog na ako dahil sa lintik na pagmamahal na ito. Lahat binigay ko para sayo pero ano? Naiwan pa rin akong luhaan? Naiwan pa rin ako sa isang tabi na parang kuting na talunan? Ayoko ng matalo Dave, kung alam ko naman na hindi ako mananalo. Nakakapagod din kasing magmahal sa taong walang kasiguraduhan.” Umiiyak niyang pahayag. “Kaya ko kinampihan noon si Ella dahil buntis siya, nag-alala lang ako nab aka masaktan ang baby na nasa sinapupunan niya. Kaya siguro ganun ang naging reaksiyon ko nang malaman ko na sinuntok mo siya. I’m sorry kung pakiramdam mo hindi ka mahalaga sa akin.” Turan pa nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito pero ganun pa man buo na ang desisyon niya. Aalis pa rin siya. “Hangga’t importante sa buhay mo si Ella, walang tayo Dave.” Sagot niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. *********************************   ARAW ng alis niya papuntang US. Naiiyak na ang nanay niya sa pangungulila para sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Iiwan niya na ang Pilipinas at hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sa pag-alis niyang iyon pati ang puso niya ay maiiwang durog at luhaan. Hanggang dito lang siguro talaga ang lahat para sa kanila ni Dave, kailangan niyang tanggapin iyon. Hila-hila niya ang kanyang maleta habang nakahawak sa kamay ng ina nang lumabas sila ng gate nang kanyang tiya Sandra. Ayaw niya nang ihatid siya ng mga ito dahil tiyak na magkakaiyakan lang. Napatigil siya sa pag-iyak nang makita si Dave sa labas ng gate. Pakiramdam niya tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Mukhang kanina pa ito sa labas ng bahay nila. Nakasandal ito sa labas ng kotse nito. Napansin niya ang pag-unahan ang mga luha nito nang makalapit ito sa kanila. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya ditong pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Ayokong umalis ka Berna. Ayokong iwan mo ako ng ganito nalang. Ayoko ng masaktan na naman. Napapagod na akong mawalan nang babaing minamahal. Kapag umalis ka baka hindi ko na kayanin pa.” sagot nitong walang tigil ang pagtulo ng luha. “Dave, pinag-usapan na natin ito.” Sagot niyang pigil ang paghinga. “Oo, pero hindi ko sinabi na pumapayag akong umalis ka. Kahit anong gawin mo hindi ako papayag.”sagot nitong matigas ang boses. “Kahit ano pa ang sabihin mo hindi na magbabago ang pasya ko.” Matigas ang puso na turan niya kahit pa dalang-dala na naman siya sa paliwanag nito. Ayaw niya kasing maulit na naman ang lahat. Magkakabati sila pagkatapos ay mag-aaway na naman. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. “Ang hirap mong mahalin Dave, nahirapan akong paibigin ka. Handa na sana akong sumuko at tuluyang kalimutan ka nalang pero ito ka na naman. Pinipigilan mo ako. Kailangan kong umalis para naman may mapatunayan ako sayo, sa inyo ni Ella para wala na siyang masabi pa tungkol sa akin.” “Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang meron ka at wala rin akong pakialam kung may napatunayan kana sa akin. Isa lang ang alam ko ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso ko at sapat nang patunay sa akin ang mahalin mo rin ako.” Sagot pa nito. Nabigla pa siya nang lumuhod ito sa paanan niya. Nabigla tuloy ang tiyahing niya at ina sa ginawa nito. “Ano ka ba tumayo ka nga diyan.” Singhal niya dito. Hindi niya namalayang may dinukot ito sa bulsa. “Mahal mo pa ba ako?” tanong nito sa kanya. “Tumayo ka na at aalis na ako.” Turan niya dito. “Hindi ka aalis.” Sagot pa nitong tuluyang pa ring nakaluhod. “Will you marry me Berna?” tanong nito sa kanya bago inilahad ang maliit na box sa harapan nila. Tumambad ang mamahalin singsing sa mga mata nila. “You can’t be good enough for everybody, but you will always be the best for me. My past is past, but you made me who I am today. Hindi ko kakayanin kung magmamatigas ako at hahayaan ka nalang na umalis ka.  Ayokong masaktan muli kaya ako nandito ngayon and asking you to be my partner now and forever.” Madamdamin nitong pahayag kaya muling tumulo ang mga luha niya. Lumukas lalo ang pag-iyak niya. “Anong drama na naman ito? Kung ito ang paraan mo para hindi ako umalis, itigil mo na.” sagot niya. “Wala akong panahon para magdrama. Ikaw lang ang gusto ko Berna. Gusto kitang maging asawa. Ayokong mawala ka sa akin kahit isang segundo. I want you to  in my life. You are the love of my life. Mababaliw ako kapag nawala kang muli. Ayoko nang magmatigas pa at tiisin ka, akala ko kasi hindi mo ako maititis pero natiis mong iwan ako at hindi ko yun matanggap. Now I’m here, sa harapan ng nanay mo, kapatid at tiyahin mo. Be my wife, Berna?” tanong nito sa kanya. Sa haba nang sinabi nito ang huli lang yata ang naintidihan niya.       Sinenyasan niya itong tumayo na. “Matatag akong tao Dave pero pagdating sayo parang wala akong magawa kundi ang magpadala nalang sa sinasabi mo. Hindi madaling magpatali pero ito ka ngayon itinatali ang sarili sa akin. Sa ginawa mong ito ngayon napatunayan mong mahal mo talaga ako. Oo, Dave  I will marry you.” Nakangiti niya ng bigkas. Nabigla pa siya nang sumigaw ang mama niya at si Tita Sandra. Hindi niya rin namalayan na kasama nito sa loob ng sasakyan si Tita Sonia at pumapalakpak sa tuwa. “You mean hindi kana aalis?” masaya nitong tanong. “Oo, basta pakasalan mo na ako.” Sagot niyang natatawa. Niyakap siya nitong labis ang tuwa. “Yes baby, I’m yours and you are mine. I will marry you  para hindi na tayo umabot  pa sa ganito.” Turan pa nito sa kanya. “I will love you for the rest of my life. I love you Dave.”  sigaw niya pa. “And I will love you as much as tomorrow. Pinapangako kong ako ang pinakamabuting asawa sa buong mundo!” sagot pa nito bago siya kinabig at siniil ng halik.                                                                          END

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD