“MAY LAKAD KA?” tanong sa kanya ni Dave nang makita siya nitong bihis na bihis. Napakunot noo siya sa tanong nito. Mukhang may lagnat yata ito at iba ang aura ng buhat. Bagong ligo ito at muli na namang nanuot sa kalamnan niya ang pabango nito.. Off niya kaya balak niyang mamasyal nalang. Napansin niyang nakangiti ito at tila ba maaliwalas ang mukha. Napatingin siya kay Tita Sonia na nakamasid lang sa kanila. Maging ito ay nagtataka.
“Off ko ngayon.” Sagot niyang nagtataka. Nagising kaya ito sa sinabi niya kagabi?
“Gusto mo samahan na kita?” alok nito sa kanya kaya nanlaki ang mata niya. Napatayo ang ina nito at parang naexcite sa narinig. “Anong drama nito?”
“Mamamasyal lang ako.” Tanggi niya sa alok nito. Nanlalaki ang mga mata ni Tita Sonia sa kanya na tila ba sinasabi na pumayag siya sa alok ng anak nito.
“Samahan na kita, gusto ko rin mag-unwind.” Sagot pa nitong nakangiti sa kanya. Kulang na’lang magpalakpak si Tita Sonia sa tuwa dahil sa pagbabago ni Dave. Kung alam lang nito ang nangyari kagabi. “Ma, pakisabi kay Berna na hintayin niya ako, magpapalit lang ako ng damit.” turan nito sa ina bago tumalikod. Nagulat pa siya ng tumili si Tita Sonia habang niyuyugyog siya. Kulang nalang matanggal ang kamay niya sa paghila nito. Hindi siya nakilos sa nangyari. Pinagpapawisan siya habang hinihintay si Dave, higit itong naging gwapo kanina dahil sa pag-ngiti nito at pati yata ang paligid niya ay tumigil ng masilayan niya ang masaya nitong mukha.
Todo ang ngiti sa kanya ni Dave nang lumabas ito sa silid nito. Niyakap pa nito ang ina bago sila umalis. Oa, na masyado ang pagiging masaya nito. Mabuti sana kung hindi niya alam kung bakit nagbago ito bigla pero hindi niya maiwasang hindi maging masaya lalo pa at nakita niya ang masayang mukha ng ina nito. Sapat na iyon. Akala niya muling magiging tahimik ito pagdating nito sa kotse pero hindi dahil masaya pa rin ito. Walang nagbago sa aura nito.
“Ano bang nakain mo?” hindi niya mapigilang tanong dito. Nagmumukha na kasi itong iwan sa pag-ngiti nito.
“Gusto kong maging masaya.” Sagot nito sa kanya. “Thank you dahil pinarealized mo sa akin ang maling ginagawa ko.” Dagdag pa nito.
“Masaya ako at nakatulong ako pero wag masyadong exaggerated yang ngiti mo, nagmumukha kang baliw.” Hindi niya mapigilang sagot. “Hindi mo kailangan ngumiti para masabing masaya ka, tandaan mo na ang mga mata mo ang bintana ng iyong kaluluwa. Ibig sabihin ay nababasa sa mga mata mo ang totoong nararamdaman mo. Sana hindi mo lang yan ginagawa para sa nanay mo. Sana para na rin sa sarili mo.” Dagdag niya pa. Pwede na siyang maging guidance councilor sa sinabi niya.
“Alam ko.” Sagot pa nito sa kanya.
“Teka, bakit ka ba sumama sa akin?” tanong niya dito.
“Mamasyal tayo diba?” tanong pa nito sa kanya.
“Ako oo, pero ikaw? I doubt it. Now, tell me?” pamimilit niya pa sa lalaki.
Tumikhim ito. “Sana wag mo nang sabihin kay Mama ang sinabi mo sa akin kagabi? Tulad mo gusto ko rin siyang maging masaya. I’m so selfish dahil hindi ko inisip na nasasaktan siya sa lahat ng ginagawa ko.” Amin nito sa kanya. Kaya naman pala sinamahan siya dahil may gusto itong ipakiusap sa kanya.
“Your wish is my command, sir.” Tugon niya.
“About that, stop calling me sir. Nagmumukha akong matanda. Just Dave.” Nakangiti nitong turan sa kanya. “Say it.” Utos nito sa kanya.
“Masusunod D-ave.” Tanging naisagot niya. Kaysarap sa pakiramdam na hindi ito masungit sa kanya. Nginitian niya ito. Ang gwapo pala talaga nito kapag nakangiti.
“Salamat nga pala sa pagmamalasakit sa nanay ko. Alam kong hindi na yun kasali sa trabaho mo pero ginagawa mo pa rin.” Turan pa nito.
“Wala yun, napakabait din naman sa akin ng nanay niyo. Parang anak kung ituring niya ako kaya hindi siya mahirap mahalin.”
Nagulat pa siya ng ginagap nito ang kamay niya na nasa hita niya. Nanigas yata ang katawan niya dahil sa ginawa nito. Napatitig siya dito. Tila umurong ang dila niya dahil sa labis na kaba na nadarama.
“Tigilan mo ako Dave, wala sa plano ko ang mainlove sayo! Ayoko!” agad niyang turan dito bago niya inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pakiramdam niya nakuryente siya sa paglapat ng kamay nito sa balat niya. Iwan niya ba kung bakit napakavocal niya sa kanyang nararamdam. Walang makakapigil sa kanya kapag gusto niyang sabihin ang isang bagay tulad nalang ngayon.
Natawa ito sa sinabi niya kaya pinandilatan niya ito.
“Mainlove? Bakit ba ayaw mong mainlove sa akin?” tanong pa nito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang isasagot sa tanong nito.
“Basta, ayoko! Marami pa akong problema para unahin ang problema sa love life!” paingos niyang sagot dito.
“Like?” usisa pa nito.
“Mas okay pala kung hindi ka nalang nagsasalita. Ang usisa mo!” sagot niya dito. Makulit din pala ito. Hindi niya lubos maisip kung paano nito kinikimkim ang sarili na hindi magsalita at tumawa gayong madaldal pala ito. Muli na naman itong natawa sa sinabi niya. “May nakakatawa ba?” hindi niya mapigilang tanong.
“Natutuwa lang ako sayo,” sagot nito kaya lihim siyang kinilig.
“Nababaliw ka na nga!” paingos niyang sagot. Humalukipkip siya sa kanyang upuan at hindi na kumibo pa pero tila balak siya nitong asarin.
“Diba sabi mo ako ang first kiss mo?” tanong nito sa kanya kaya napaayos siya ng upo. Bakit kailangan pa nitong tanungin ang mga bagay na iyon.? “Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend?” usisa pa nito.
“Ayokong ma-hurt kaya iwas-iwas muna sa love!” hindi niya mapigilang sagot. “Mamaya magaya pa ako sa’yo!” sa loob-loob niya.
Natahimik ito sa sinabi niya na tila ba may iniisip. “Siguro iniisip nito si Ella.” Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng panibugho sa isiping iyon. Wala siyang karapatan magselos! Hindi niya ito gusto!
Nagulat pa siya nang bumaba sila sa Luneta park. Inalalayan siya nitong bumaba. Nang makababa siya ay tumanaw ito sa langit at napabuga ng hangin. Hindi gaanong mainit kaya naman kay gandang pagmasdan ang kalangitan na kulay asul. Napatingin siya kay Dave, muli niyang napansin ang malungkot nitong mga mata na tila ba labis ang pangungulila.
“Siya pa rin ba?” hindi niya mapigilang tanong. Tumingin ito sa kanya at nakakunot ang noo.
“Sino?”
“Si Ella.”
“Wala na talaga akong maitatago sayo. Lahat ng tungkol sa akin ay alam mo.” Sagot nito. Inakay siya nito at naghanap sila nang mauupuan. Pakiramdam niya magboyfriend at girlfriend sila ng mga oras na iyon. Hinayaan niyang alalayan siya nito sa siko kahit pa naiilang siya. Pinagtitinginan din ito ng ilang kababaihang namamasyal. Paano ba naman kasi napagwapo ng kasama niya na naligaw sa Luneta. Napahawak tuloy siya sa braso nito para walang magpapansin dito.
“About Ella, oo siya pa rin ang laman ng puso ko.” Sagot nito sa kanya. Pakiramdam niya nadurog ang puso niya sa sinabi nito. Ang umuusbong na nadarama sa puso niya ay biglang naglaho at napahiya. Kaya ganun nalang kung pigilan niya ang sarili sa nadarama para dito. Alam niya kasing ibang babae pa rin ang laman ng puso nito.
“Kahit na sinaktan ka na niya?” mapait ang boses na sagot niya. Tumango ito sa kanya bilang tugon kaya hindi na siya kumibo pa.
“Si Ella ang babaing minahal ko. Ang inalayan ko ng buong pagmamahal ko kaya ng mawala siya sa akin ay hindi ko kinaya. Naging bugnutin ako at hindi na muling nagmahal pa pagkatapos niya akong iwan. Natakot na kasi akong muling masaktan. Pinuno ko ang buong panahon ko sa trabaho para lang hindi ko siya maisip.” Kwento nito sa kanya.
“Ang swerte ni Ella dahil siya ang minahal mo.” Tanging nasagot niya.
“Sana alam niya yan.”
“Kapag ba bumalik siya tatanggapin mo pa rin?” tanong niya pang napatitig sa mukha nito. Hindi agad ito nakasagot sa tanong niya at alam niya na kung ano ang sagot sa pagiging tahimik nito. “I’m sorry. Wag mo nalang pansinin ang sinabi ko.” Turan niya pa.
Iniba nila ang naging topic kaya muling naging masaya sila sa naging kwentuhan. Nalibot na yata nila ang buong Luneta at panay ang posing nila para kumuha ng litrato. Nabigla pa siya nang itutok nito ang cellphone sa kanya at inakbayan siya. Sa pagclick nito ng camera ay kapwa sila napalingon sa isat-isa kung kaya sa pangalawang pagkakataon ay nagtama ang mga labi nila. Kapwa sila natigilan at walang gustong magsalita sa nangyari. Namula yata ang mukha niya dahil sa nangyari. Gusto niyang maghuhumiyaw sa kilig pero kinontrol niya ang sarili. Naging awkward na tuloy ang pamamasyal nila dahil sa aksidenteng paglapat ng mga labi nila.
Sayang naman ang oras na kasama niya ito ngayon kaya pilit niyang binalewala ang nararamdamang pagkailang. Nginitian niya ito at tila ba sinasabing hindi naman nila sinadya. Hinawakan siya nito sa kamay. Magkaholding hands silang bumili ng dirty ice cream at masayang kumain.
Naramdaman niya ang pagpunas nito ng daliri sa gilid ng bibig niya. Hindi niya nalamayang na tumulo na pala ang ice cream sa gilid ng bibig. Napatitig siya sa ginawa nito at sa tuwing nagkakatitigan sila ay napapatulala nalang siya at walang maapuhap na isasagot.
Kapwa latang-lata ang mga katawan nila nang makauwi sila. Inabot na sila ng gabi sa daan kaya minabuti nalang nilang kumain sa labas. Kahit pareho pagod ay hindi pa rin maalis sa mga labi nila ang saya na nadarama. Tahimik na ang buong kabahayan nang dumating sila. Nakatulog na siguro si Tita Sonia. Magkasabay silang pabagsak na umupo sa sofa.
Napatingala siya sa kisame at malakas na bumuntong-hininga. Halos magkalapit lang sila pero agad na naging kampante sila sa isat-isa at nakalimutan nang mailing.
“Thank you for the day.” Turan sa kanya ni Dave. Tulad niya nakatingin din ito sa kisame.
“Thank you din. Kung hindi mo ako sinamahan tiyak na hindi ganito kasaya.” Tugon niya pa.
“Are you tired?” tanong pa nito.
“Oo, napagod yata ako sa kakaikot sa Luneta.” Sagot niya. Umayos ito ng upo at tumingin sa kanya.
“Akin na ang mga paa mo, mamasahiin ko.” Turan nito sa kanya. Napaayos siya ng upo at namilig ang mga matang napatingin dito.
“Naku hindi na.” nahihiya niyang tanggi pero hindi ito pumayag. Kinuha nito ang dalawang paa niya at inalis ang sandals niya bago nilagay sa mga hita nito. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa ginawa nito pero lihim ring kinilig. “Dave nakakahiya!” saway niya dito nang umpisahan nitong masahiin ang paa niya. Nakaramdam siya ng ginhawa sa ginawa nito. Sana lang talaga hindiu madumi ang paa niya.
“Walang nakakahiya.” Sagot pa nitong napatitig sa kanya. Siya ang naunang umiwas ng tingin dito.
“Wag mo akong tingnan ng ganyan. Napapaso ako!” saway niya dito kaya humalaklak ito.
“Don’t worry hindi nag-aapoy ang kamay ko.” Sagot pa nito. Hindi na siya sumagot pa at hinayaan nalang itong masahiin ang paa niya hanggang sa nakatulog siya sa sarap nang pagmamasahe nito.