CHAPTER THREE

3597 Words
MAAGA palang ay gising na siya. Ayaw niya namang abusuhin ang kabaitan ni Mrs. Hamilton. Suot ang kanyang uniporme ng lumabas siya ng silid. This time tiniyak niyang hindi siya haggard at ilang beses pa siyang sumulyap sa salamin para pagmasdan ang sarili. Blooming siya, iyon agad ang napansin niya sa sarili. Kung dati ay mukha siya losyang sa una nilang pagkikita ni Dave ngayon ay iba na. Gusto niyang maging maganda sa paningin nito. Nadatnan niya abala sa paghahanda ng almusal ang kusinera ng mga ito. Napag-alaman niyang late na pala kung magising ang ina ni Dave. Tumulong nalang siya dito at inaral ang paghahanda ng kape ni Dave. “Masungit ba talaga si Sir Dave, Manang?” tanong niya dito. Tiningnan siya nito bago umiling. “Mabait na bata yang si Dave, may pinagdadaanan lang siya ngayon.” Sagot nito. “Pinagdadaanan? Ano na naman kaya yun?” Kung ganun tama nga ang hinala niya, may pinagdadaanan nga ito. Hindi nalang siya nag-usisa pa dito tungkol sa lalaki baka mamaya pag-isipan pa siya nito ng masama. Napapitlag siya nang makitang lumabas na ito sa silid nito. Malapit lang kasi ang silid nito sa kusina at tanaw niya rin ang silid ni Dave. Bagong ligo at abot hanggang kusina ang pabango nito. Napakakisig nito sa suot na light blue t-shirt at six pocket short. Napansin niya ang paglakas ng t***k ng puso niya. Hindi na naman normal ang pagtibok non, nang huling tumibok ng ganito ang puso niya ay noong magkalapat ang mga labi nila. Tumalikod siya at nagkunwaring hindi ito napapansin. Tumulong siya kay Manang sa pagluluto. “Manang pahingi ng kape.” Malambing nitong tawag sa matanda.. Nilingon niya ito at sa paglingon niya ay nagtama ang mga mata nila. Nginitian niya ito pero hindi siya nito pinansin. “Pakihatid nalang manang sa opisina ko.” Dagdag pa nito bago tumalikod. Dedma na naman ang beauty niya sa kumag na ito. “Ako nalang manang ang maghahatid.” Turan niya sa matanda kaya tumango ito. Agad siyang gumawa ng kape at excited na dinala iyon sa opisina na tinuro ni Manang. Pinihit niya ang doorknob at tuluyang pumasok sa loob. Nakabukas ang laptop nito at tila ba may binabasa. Tumikhim siya para maagaw ang pansin nito. Nagtaka pa ito nang makita siya. “Coffe sir.” Nakangiti niyang wika pero inisnab nito ang ngiti niya. Bumalik ito sa harapan ng laptop nito. “Palagay nalang sa table ko.” Sagot nito kaya  nilapag niya ang tasa ng kape nito at hindi pa rin umalis sa harapan nito. “Sir, pasensiya na pala sa nangyari noon. Hindi ko talaga sinasadya yun and about sa kiss---- “Stop!” pigil nito sa kanya at iniharang pa ang kamay nito. “That kiss, matagal ko nang nakalimutan yun.” Dagdag pa nito. “Ako hindi, dahil first kiss ko yun.” Madaldal niyang sagot. Tinitigan siya nito dahil sa sinabi niya. “What do you mean by that? Kasalanan ko ba kung nawala ang first kiss mo?” nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya. “Hindi sa ganun sir, what I mean po ay hindi ko nakalimutan ang araw na iyon.” Katwiran niya pa. “I think hindi ko na problema yan.” Sagot pa nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis nalang sa opisina nito. Ang hirap naman nitong kausap at kung bakit ba kasi sinabi niya pang ito ang nakakuha ng first kiss niya. Nakakainis din minsan ang pagiging madaldal niya.  Ano nga naman ang paki nito nong ito ang nakauna sa labi niya? Wala! Wala itong paki! Nagbasa nalang siya ng diyaryo habang hinihintay na lumabas ang ina ni Dave, napapanis ang laway niya kapag wala siyang makausap hanggang sa natapos niya nalang basahin ang diyaryo ay tulog pa rin ito. Umikot nalang siya sa buong kabahayan hanggang sa mapansin ng mga mata niya ang mga picture frame na nakasabit sa hallway. Lumapit siya sa mga larawang yun, pawang mga litrato ni Dave ang nakita niya. Simula pagkabata nito ay nakita niya ang larawan nito at masasabi niyang lalong naging gwapo ito habang tumatanda. Napansin niyang may dumi sa mukha ng litrato kaya pinunasan niya iyon gamit ang kanyangg kamay. “Anong ginagawa mo?” tanong sa kanya Dave. Tamang-tama ang dating nito dahil nakahawak ang kamay niya sa litrato nito na para bang hinahaplos niya ang larawan nito. Pinamulahan siya ng mukha. Baka mamaya isipin nito na die hard siya dito. “M-ay dumi kasi sir.” Nauutal niyang sagot. “Hinahanap ka ni Mama.” Turan nito sa kanya at agad siyang tinalikuran. “Ang sungit mo!” bulong niya sa larawan ni Dave na nakasabit sa dingding. AGAD siyang nagbigay galang kay Tita Sonia nang makita niya ito. Alam niyang nakamasid lang sa kanya si Dave. Nakaupo na ito sa hapag at hinihintay nalang ang ina na umupo para magsimula nang kumain. “Kumusta ang tulog mo?” tanong nito sa kanya. “Okay naman tita.” Sagot niyang napatingin kay Dave. Nakakunot na naman ang noo nito na tila ba nagtataka sa tawag niya sa ina nito. “Nagkakilala na ba kayo ni Dave?” usisa pa nito sa kanya. “Yes, Ma. Magkakilala na kami before.” Agaw nito sa tanong ng ina nito. Napatingin sa kanya si Tita Sonia na tila ba nagtataka.. “Mabuti naman kung ganun Dave.” Sagot nito. Sinenyasan siyang umupo ni Tita Sonia para kumain na. Tahimik siyang umupo lalo pa at sa tabi ni Dave siya pinaupo. Maging ang kutsara niya ay takot na takot siyang lumikha ng ingay. Napakaintimidating kasi ng katabi niya. “Dave, iabot mo kay Berna ang kanin, kailangan niyang kumain ng maayos.” Utos nito sa anak nito. Napatingin siya kay Dave, kulang nalang mamatay siya sa titig nito. “I can manage Tita.” Maagap niyang sagot pero sinunod pa rin  nito ang ina at inabot sa kanya ang kanin. “Thank you.” Bulong niya dito pero as usual, dedma na naman ang beauty niya. “Hindi mo ba alam Dave na napuyat kami kagabi sa paghihintay sayo?” basag ni Tita Sonia sa katahimikan. “Ma, hindi mo naman ako kailangan hintayin.” Sagot nitong hindi man lang sinulyapan ang ina. “Natural lang na hintayin kita. Kailan mo ba paparusahan ang sarili mo? Noon pinagbibigyan na kita pero napapansin ko na bugnutin ka’na.” sermon ng ina nito kaya nanatili lang siyang nakikinig sa mga ito. “Please Ma, wag ngayon.” Pakiusap nito sa ina kaya hindi na nagsalita pa si Tita Sonia. Siguro nahihiya sa kanya si Dave. “Wala na pala akong gamot at tinawagan ko na si Doctor Mercid para ihanda ang prescription ko. Kunin mo nalang sa kanya.” Utos pa nito kay Dave. Tumango lang si Dave bilang pagpayag. “Isama mo si Berna.” Dagdag pa nito. Kapwa pa sila napatingin sa ginang. “But Ma, kaya ko naman kunin ang mga prescription mo without her like I did before.” Pagtanggi pa nito sa kanya. Mukhang may naaamoy siya sa gusto ng ina nito, mukhang gusto siyan ireto kay Dave. Lihim siyang natutuwa sa isipin iyon pero lihim ring nainis sa pagtanggi na makasama siya nito. “Gusto kong alam niya ang lahat tungkol sa kalusugan ko. Paano kung wala ka at kailangan kong puntahan si Dr. Mercid?” katwiran pa nito kaya walang nagawa si Dave kundi ang sumang-ayon nalang sa ina. NASA loob siya ng silid niya nang biglang pumasok ang ina ni Dave, para itong kinikilig sa hindi niya malamang dahilan. Agad itong umupo sa kama niya. Kinukulit siya nito kung paano sila nagkakilala ni Dave kaya wala siyang nagawa kundi ang ipagtapat dito ang lahat. Napasigaw pa ito nang aminin niya na si Dave ang first kiss niya. Kulang nalang takpan niya ang bibig nito sa lakas ng hiyaw. “You kissed him?” ulit pa nito sa malakas na tinig. Impit ang naging tango niya. “Naniniwala na talaga ako sa destiny, isipin mo nakita mo pa rin ang first kiss mo sa laki ng Pilipinas and I think hindi nagkataon yun. Both of you are destined to be together.” Dagdag pa nito. “Nagkataon lang siguro tita.” Sagot niya pa. “Believe me, nakikita ko na ikaw ang rason para humilom ang sakit na nadarama ngayon ni Dave. Make him alive, Berna. Buhayin mo ang dating anak ko.” Turan pa nito na ikinalaki niya ng mga mata. “Hindi po ako magician Tita.” Natatawa niyang sagot. “Berna, sa nakikita ko ngayon alam kong mabubuhayan ulit ng pag-asa si Dave para magmahal.” Turan pa nito sa seryosong tinig. “Tita, private nurse niyo po ako hindi po ako gamot sa sugat ng puso ni Sir Dave.” Pagtatama niya sa ginang. “You don’t like my son?” tanong nito sa kanya kaya natigilan siya. “Naging miserable ang buhay ng anak ko simula nang iwan siya ni Ella. Hindi niya matanggap nang ipagpalit siya nito sa ibang lalaki. Akala niya lahat ng babae ay katulad ni Ella, that was two years ago. Hanggang ngayong pinaparusahan niya pa rin ang sarili niya.” Kwento nito sa kanya kaya hindi niya mapigilang maawa para sa lalaki. Iyon pala ang dahilan kung bakit bugnutin ang kumag. “Mahal na mahal niya ba si Ella?” hindi niya mapigilang tanong. “Oo, si Ella lang ang babaing minahal niya kaya hindi niya natanggap nang piliin nitong sumama sa ibang lalaki.” Kwento pa nito. “Tulungan mo ako Berna, tulungan mo akong makalimutan ni Dave ang nakaraan niya. Tulungan mo siyang maghilom ang sugat na nilikha ni Ella sa puso niya.” Hilam ang luhang turan nito sa kanya kaya nakadama siya ng awa para sa ginang. “Pero tita, malamig ang pakikitungo sa akin ni Dave. Kulang na nga lang ipagtabuyan niya ako.”  Sagot niya dito. “Alam kong kaya mo, Berna. Labis ang tuwa ko nang malaman ko na may nakaraan na pala kayo ni Dave. Ayaw mo ba kay Dave? May nobyo ka na ba?” tanong pa nito. Kung maka-nakaraan ito para naman may relasyon sila dati ng anak nito. “Wala po akong boyfriend at opo, gusto ko si Dave pero hanggang pangarap lang po yun.” Turan niya pa. “Malabo pong magkagusto siya sa akin at hanggang paghanga lang naman ang gusto ko sa kanya. Ayoko na pong maglevel up pa.” pag-amin niya dito. “Crush mo siya at lahat naman ay nagsisimula sa paghanga. Bigyan mo ng laya ang paghangang nadarama mo. Naniniwala ako na ikaw na ang sagot sa mga dasal ko Berna. Subukan mo lang mapalapit sa anak ko. Ipaintindi mo sa kanya ang buhay na sinasayang niya sa babaing yun. Kung hindi man magiging kayo atleast sinubukan mo. Masaya na ako dun.” Nakangiti nitong turan sa kanya.   TULIRO ang isip niya nang lumabas ng silid si Tita Sonia. Bigla tuloy siyang nagkaproblema, gusto niya si Dave, noong unang beses niya palang itong nakita ay agad na naagaw nito ang pansin niya. Lihim itong nagkaroon ng puwang sa puso niya kaya nga labis ang tuwa niya nang malaman na ito ang anak ng kanyang magiging amo. Bigyang-laya?  Hindi niya naman tinatago ang nararamdaman niya, nagpapakatotoo lang siya na mahirap maabot ang tulad ni Dave Hamilton. “May hinihintay ka pa?” untag sa kanya ni Dave. Hindi pa kasi siya sumasakay ng kotse nito, paano ba naman kasi nenerbiyos pa rin siyang kasama ito. Crush lang naman niya ito at ayaw niya nang maglevel up pa ang nararamdaman niya para dito. Siya lang ang lugi. Hindi niya ito mamahalin dahil iyon ang pakiusap ng ina nito kundi dahil iyon ang nararamdaman ng puso niya. Ayaw niyang maging unfair dito kung sakali man na mahal niya na ito. “Wala na.” sagot niya bago siya sumakay ng kotse. Agad nitong pinaandar ang sasakyan nang makabit niya ang sealtbelt niya. Inutusan siyang magpalit ng damit ni Tita Sonia dahil mukha raw siyang yaya ni Dave kaya wala siyang nagawa kundi ang magpalit nalang. Short ang suot niya at blouse na hapit sa kanyang balingkinitang katawan. Lumabas ang kanyang ganda sa suot niyang iyon. Tahimik lang ito habang nasa biyahe sila, kahit man lang ang sulyapan ay hindi nito ginagawa hanggang sa makarating sila sa UST hospital. Wala pa si Dr. Mercid ng dumating sila . Nasa meeting pa raw ito ayon sa secretary nito at pinapabalik nalang sila mamaya. “Bumalik nalang tayo mamaya sir.” Turan niya dito. “Hintayin nalang natin.” Sagot nito sa kanya. Muli silang sumakay ng elevator para bumaba at naghanap sila ng pwedeng matambayan. Pumasok sila sa starbucks at agad itong nag-order para sa kanila. Nabigla pa siya ng alalayan siya nitong umupo. Lihim siyan kinilig sa ginawa nito. Tahimik itong nagkape samantalang hindi naman siya mapakali. “May cr ba dito?” hindi niya mapigilang tanong. “Bakit?” “Naiihi na ako.” Sagot niyang pigil na pigil ang pantog na wag maihi sa salawal. Luminga-linga ito at naghanap ng cr, maliit lang kasi ang naturang starbucks sa labas ng UST at tiyak na walang cr. Mukhang ito pa ang nataranta sa sitwasyon niya. “Sa loob ng UST may cr.” Sagot nito. “Halika samahan na kita.” Akmang tatayo na ito pero pinigilan niya ito. “Kaya ko na. Hintayin mo nalang ako dito.”sagot niya. “Are you sure?” tanong pa nito. Napangiti siya sa tanong nito. “Hindi na ako bata sir.” Natatawa niyang sagot kaya natigilan ito. Bago pa man ito magalit o mayamot sa kanya agad niya na itong iniwan. Mukha kasing good mode ito. KUNG kailan naman ihing-ihi na siya saka pa napakaraming pila sa cr. Ang masakit pa naghihintay sa kanya si Dave. Kung bakit ba kasi hindi nakisama ang pantog niya. “Bakit ngayon ka lang?” yamot na tanong nito sa kanya. Bumalik na naman ang mga linya sa noo nito kaya hindi niya napigilan ang sarili. Lumapit siya dito at inayos ang noo nito upang mawala ang linya. “Ayan! Bagay na sayo!” palatak niya pa. Napanganga nalang ito sa ginawa niya. Hindi siguro nito inaasahan ang gagawin niya. “Dont worry naghugas naman ng kamay.” Dagdag niya  pa bago siya umupo. “Pasensiya ka’na mahaba kasi ang pila sa banyo, dinaig pa ang LRT sa haba ng pila. Kung bakit kasi nakalimutan kong magsuot ng diaper.”turan niya. Napansin niyang bahagya itong ngumiti sa huli niyang sinabi pero agad ding bumalik sa dati. May bayad yata para mapangiti niya ito ng husto. “Ubusin mo na yang pagkain mo at babalik pa tayo kay Dr. Mercid.” Utos nito sa kanya. “Ang tanda niyo na pong tingnan sir. Sayang ang gwapo niyo pa naman kaso palaging nakakunot ang noo mo.” Nakaingos niyang sagot. Tiningnan siya nito. Kung magalit man ito sa sinabi niya okay lang. Mukhang nachachallege siya sa mokong na ito. Kung bakit ba kasi napakagwapo nito kahit na binagsakan ito ng langit at lupa. “Pwede bang kumain ka lang at wag mo ng pakialaman ang mukha ko? Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ako ang alaga mo.” Sagot nito sa kanya. “Sinasabi ko lang naman ang opinion ko.” Sagot niya pa na likas na hindi makikipagtalo. Sanay yata siya sa debate. “Hindi ko kailangan ang opinion mo!” pambabara nito sa kanya kaya minabuti niyang wag na muna itong kausapin baka mamaya hindi na siya nito kausapin sa bahay. Katapusan niya na. Sabi nga di baling dahan-dahan basta sigurado. Dadaan pa yata siya sa santong dasalan. “Bakit ko ba ipipilit ang sarili ko? Kung ayaw mo eh di wag! Ikaw na nga itong kinakausap!” sa loob-loob niya pa. HANGGANG sa makuha nila ang prescription kay Dr. Mercid ay hindi na siya nito muling nag-usap. AGAD silang sinalubong ni Tita Sonia nag dumating sila. Humalik lang si Dave sa ina nito at agad na umalis. Tiningnan siya ng ginang kaya napakibit balikat lang siya. Niyaya siya nito sa terrace para makapagpahinga sila. “Ang hirap po arukin ng anak niyo. Akala ko nga magiging mabait na siya kanina dahil napangiti ko na siya, yun nga lang wala pang segundo bumalik na naman ang pagiging suplado niya.” Kwento niya dito. “Siguro tumawid pa sa alambre si Ella para mapansin ni Sir Dave.” Dagdag niya pa kaya natawa ito. Kung bakit ba kasi napa-oo siya sa ina nito tuloy kailangan niyang sumuot sa butas ng karayom na mukhang imposible niyang magawa. Kung sa alambre, possible pa. “Hindi kailangan mag-circus ni Ella para mahalin siya ni Dave. Nakuha lang talaga niya ang kiliti ni Dave kung kaya siya minahal ng labis. Mabait si Dave at pagdating sa pagmamahal lahat gagawin niya.” Turan pa nito. “Eh Tita hindi naman ako mahal ni Dave. Malaki po ang pagkakaiba namin ni Ella.” Katwiran niya pa. “Baka mamaya ako pa ang mainlove kay Dave, malaking problema yun lalo pa at palaging ito ang laman ng isip niya.” “Lahat po gagawin ko pero hindi po ako nangangako na bumalik sa dati si Dave at tuluyan niya nang makalimutan si Ella.” Turan niya dito. Malungkot itong ngumiti. “Okay lang naman. Siguro desperado na akong makita siyang muli na masaya.” Ginagap niya ang kamay nito at hindi niya kayang nahihirapan ito para kay Dave. “Hindi po tayo susuko. Gagawa po tayo ng paraan para muling maging sumaya si Sir Dave.” Sagot niya dito. SINADYA niya talagang late matulog para makausap niya si Dave. Ayon sa ina nito ay hindi naman umaalis ng bahay si Dave kapag hindi kailangan. Napag-alaman niyang chef si Dave at may dalawang Italian Restaurant. Sa edad nitong thirty two ay nakapasuccessful na nito pero hindi sa pag-ibig. Hindi niya maintidihan kung bakit nagawang iwan ito ni Ella samantalang lahat ng gusto ng isang babae ay na kay Dave lahat except sa pagiging masungit nito. Pakiramdam niya kilalang-kilala niya ito base sa kwento ng ina nito. Lumabas siya ng silid niya para punatahan ito sa opisina nito. Kumatok siya sa pinto nito pero walang sumasagot. Baka nasa silid niya na. Babalik sana siya sa silid niya nang mahagip ng mga mata niya ang isang pigura ng katawan. Si Dave, nakatayo ito sa terrace at tila ang lalim ng iniisip. Naramdaman niya ang malakas na pagtahip ng puso niya habang lumalapit siya dito. May kadiliman na sa buong kabahayan. Alam niyang hindi siya nito napansin. Umupo siya sa sofa malapit sa kinatatayuan nito. “Masasaktan ka lang lalo kapag inisip mo pa siya.” Turan niya. Hindi niya napansin kung nabigla ba ito sa bigla niyang pagsalita pero nilingon siya nito. Tumayo siya at lumapit dito. “At sino ang may sabi sayong nasasaktan ako? Look Berna, hindi ako si Mama. Kung close kayo hindi tayo.” Sagot nito sa kanya. Kahit nainis siya sa sinabi nito hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. “Don’t worry, wala akong balak na makipag-close sayo at lalong wala akong balak na ipilit ang sarili ko sayo. Nandito ako para sa Mama.” Sagot niya sa mataray na boses. Napansin niyang napakunot noo ito sa sinabi niya. “Ayoko sana itong sabihin sayo pero naaawa ako sa nanay mo.” Turan niyang hindi pinansin ang sinabi nito. Tiningnan siya nito dahil sa sinabi nito. “What do you mean?” “Nasasaktan siya. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang malungkot ka. Sa katunayan nga sinabihan niya ako na tulungan siya para bumalik ang pagiging masaya mo. Gusto niyang makipaglapit ako sayo baka sakali na mahalin mo ako pero hindi ko kaya Sir Dave. Alam ko naman na malabo ang gusto ng nanay mo na mainlove kayo sa akin. Mas natatakot ako na ako ang mainlove sayo.” Mahaba niyang turan dito.                 “Inutusan ka ba niyang kausapin ako?” tanong nito. “Hindi, dahil wala naman akong mapapala. Ginawa ko ito para sabihin sayo na wag mong ipakita sa nanay mo na miserable ang buhay mo dahil lang sa isang babae. Mahal ka ni Tita Sonia at hindi niya kayang makita kang nasasaktan.” Sagot niya kaya hindi ito nakakibo sa sinabi niya. “Pasensiya ka’na Sir kung mukhang atribida na naman ako para sa’yo. Gusto ko lang makatulong. Kung ayaw mo bahala ka. Kung masaya ka na nakikita ang nanay mo na malungkot, nasa sayo na yan.” Dagdag niya pa bago niya ito iniwan. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating siya sa kanya silid. Pakiramdam niya nabunutan siya ng tinik. Sana man lang matauhan si Dave sa sinabi niya, maging siya kasi ay nahihirapan sa sitwasyon ng ina nito at hindi lang yun dahil napapasubo siyang makipaglapit dito. Hanggang sa pagtulog niya ay mukha ni Dave ang nakikita niya. Tama lang ang ginawa niya para hindi na siya mapilitang makipaglapit dito, natatakot siya sa sarili niyang nararamdaman. Isang linggo palang siya sa bahay ng mga ito pero may umuusbong  ng pag-ibig sa puso niya at pilit niya iyong iniignora. Hindi maaari! Hindi niya pwedeng mahalin ang isang Dave Hamilton, masasaktan lang siya sa huli. Ayaw niyang maging miserable ang buhay niya dahil sa pagmamahal niya dito. Ayaw niyang matulad dito. Aayaw niyang magpakatanga. Hindi siya pwedeng magmahal sa lalaking nagpapakatanga pa rin sa nakaraan.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD