CHAPTER FIVE

3479 Words
Inayos niya muna ang gamot na iinumin ni Tita Sonia bago siya nagpasyang magdilig ng mga halaman sa bakuran ng mga Hamilton nang biglang may tumakip sa mga mata niya. Kinapa niya ang kamay sa mga mata. Hindi niya binanggit ang pangalan ni Dave kahit na alam niyang ito ang may kagagawan. Naging malapit na sila sa isat-isa simula nang mamasyal sila sa Luneta. Hindi na rin ito masungit tulad dati. Naging simula iyon ng pagiging magkaibigan nila.  Kung kaibigan lang ang turing nito sa kanya siya ay hindi dahil mahal niya na si Dave, mahal niya na ang kanyang first kiss. Pilit niya mang itago iyon ay hindi niya magawa. Agad siyang umikot at itinapat sa lalaki ang hose ng tubig. Napasigaw ito sa ginawa niya. Nagtatakbo ito sa bakuran para maiwasan ang ginagawa niya pero wala itong ligtas. Tinakbo niya ito hanggang sa mabasa ito. Kapwa na sila napapasigaw at walang pakialam sa paligid. Nagulat pa siya nang lumapit ito sa kanya at inagaw sa kanya ang hose. Hinawakan siya nito sa bewang at itinapat sa mukha niya ang tubig. Hindi siya nakapalag sa ginawa nito kundi ang salubungin ang malamig na tubig sa katawan niya. Kahit anong pakiusap niya at pagpupumiglas ay hindi ito nakinig. Talagang gusto nitong gumanti sa ginawa niya. Kapwa nalang sila nagtatawanan sa nangyari. Nakalimutan niyang nakayakap na pala siya sa basang katawan ni Dave at naliligo sa hose na nakatutok sa kanyang ulo.  Nagtama ang mga mata nila. Napansin niya ang kinang sa mga mata nito at maging siya ay ganoon din. Nabigla pa siya nang maibuga niya sa mukha nito ang tubig na pumasok sa bibig niya. Napapikit ito sa ginawa niya pero sa halip na magalit ay natawa pa ito. Nakawala siya sa mga kamay nito at tumakbo palayo pero hindi ito pumayag. Bitbit ang hose ay hinabol siya nito at muli na namang nakulong siya sa mga bisig nito. Natagpuan nalang nila ang mga sarili na magkayakap ang mga basa nilang katawan.   NAKANGITING mukha ni Tita Sonia ang lumapit sa kanya, nauwi kasi sa swimming pool ang harutan nila ni Dave. Kung hindi pa sila napagod sa paglangoy ay hindi sila titigil sa pagkakarera sa tubig. Nakaupo siya sa counter ng kusina at sumusubo ng cake. “I’m so thankful na dumating ka sa buhay namin, Berna.” Wika sa kanya ng ginang. Ngumiti siya dito. “Dahil sayo ang lahat kung bakit naging napakasaya ng anak ko ngayon.” Dagdag pa nito. “Tita, magkaibigan lang kami ni Dave.” Paglilinaw niya. “Yan din ba ang nararamdaman mo para sa anak ko? Sa nakita ko kanina kapwa kayo may nararamdaman sa isat-isa. Wala mang mamagitang salita sa inyo alam ng mga puso niya kong ano ang gusto niyo.”turan pa nito na tila natumbok ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya kasi kanina sapat na ang pag-uusap ng mga mata nila para magkaintindihan sila, para magkaintindihan ang mga puso nila. “Tita, mahal ko na yata si Dave.” Amin niya dito. Umaliwalas ang mukha nito dahil sa sinabi niya. “Pinilit ko namang balewalain ang nararamdaman ko pero hindi ko kaya Tita, natatagpuan ko nalang ang sarili ko na minamahal na ang anak niyo.” Dagdag niya pang pag-amin. “Hindi mo kailangan matakot kung yan ang nararamdaman mo.” “Pero Tita, si Ella pa rin ang mahal niya.” Sagot niya ditong nasasaktan. “Wala na si Ella at kailanman ay hindi ko siya matatanggap para sa anak ko. Sinaktan niya na si Dave at ang minsang ginawa ay pwede pang maulit.” Matigas ang boses na sagot nito. “Ikaw ang gusto ko para sa anak ko. Dahil sayo kaya muli siyang sumaya. Ikaw ang nagsisilibing kasiyahan niya ngayon, Berna.” Turan pa nito kaya napangiti siya. Sana nga ay magdilang-anghel ito.  Sana nga ay siya ang dahilan kung kaya masaya ngayon si Dave. Kapwa pa sila nabigla nang biglang sumulpot si Dave at kapwa sila inakbayan. “Anong pinag-uusapan niyo?” usisa ni Dave sa kanila. Sana lang ay wala itong narinig sa pag-uusap nila. “Balak kasing mag-off ni Berna para umuwi ng Laguna.” Sagot ng ina ni Dave. Napatingin siya sa ginang.  Kinindatan siya nito para sumang-ayon sa sinabi nito nang tingnan siya ni Dave kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang. Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanila at kinuha ang kutsara niya sa kamay at kumuha ng cake sa platito niya at isinubo. Hindi man lang ito nahiya sa ina nito. Nagkatinginan sila ni Tita Sonia at napangiti nalang ito na tila ba nanunukso. “Kailangan ba talagang umuwi ka?” tanong nito sa kanya. “Oo, hinahanap daw kasi ako ni Tatay.” Tanging sagot niya nalang sa pagsakay sa sinabi ng ina nito. Mabuti nalang at may lumapit na katulong at sinabing may tawag raw si Dave kaya saglit na nag-excuse ito sa kanila. Nang mawala sa paningin nila ay kimompronta niya ang ina nito. “Magpamiss ka kunwari, titingnan ko kung ano ang reaksiyon ni Dave kapag wala ka.” Kinikilig nitong sagot. Napailing na lang siya sa sinabi nito.   HINDI na muling bumalik si Dave pagtapos itong tawagin ng katulong. Nanood nalang sila ng tv ni Tita Sonia sa entertainment room. Romcom ang pinapanood nila pero wala doon ang atensiyon niya kundi abala ang isip niya sa pag-iisip kay Dave. Nagtataka siya kung bakit hindi na ito nakabalik pagkatapos ng phone call nito. Kung hindi pa humilik si Tita Sonia hindi niya mapapansin na kanina pa pala ito tulog. Napailing nalang siya. Maluwag naman ang sofa at may kahabaan kaya  inihiga niya ito at nilagyan ng throw pillow ang ulo. Inulit niya nalang ang palabas para higit na maintindihan niya. Wala pa siya sa kalagitnaan ng palabas nang pumasok si Dave at tumabi ng upo sa kanya. “What happen to mama?” usisa nito na nakatingin sa ina. “Tinulugan ako.” Sagot niyang pilit na ngumiti. Naramdaman niya ang mabilis na t***k ng puso niya dahil sa pagtabi nito sa kanya. Napagitnaan nila ito ng ina nito. “Ganyan talaga si Mama kapag nanonood, nakakatulog.” Bulong nito sa punong tenga niya kaya lihim siyang napapitlag. Umayos ito ng upo at nilagay ang kamay sa likuran sa sofa., Akala niya ang aakbayan siya nito pero hindi  naman pala. Napahiya siya sa naisip. Mayat-maya pa ay naramdaman niya ang pagbaba ng kamay nito sa balikat niya. Inakbayan siya nito kaya nahigit niya ang pahinga. Kahit may aircon naman ang entertainment room ay pinagpapawisan siya ng malapot. Hinayaan niya lang ito sa pag-akbay sa kanya. “Nagkaroon ng problema sa isa sa mga restaurant ko.” Kwento nito sa kanya. “Bakit?” hindi niya mapigilang tanong. “Umalis ang isang chef namin kaya kinulang kami ni chef. Bukas ay kailangan kong pumasok para maging kahalili ni chef Mark.” Malungkot nitong kwento sa kanya. “Okay lang yan para naman hindi ka mabored at may pagkaabalahan ka.” Tanging sagot niya. Kinabig siya nito at inihilig sa balikat nito. “Aalis ka ba talaga bukas?” tanong pa nito. “Oo, kailangan ko kasing umuwi.” Sagot niya pa. Nalungkot ito sa sinabi niya. “Bakit?” hindi niya mapigilang usisa. Mukhang okay ang pamiss epek na naisip ng ina nito. “Nalulungkot lang ako at hindi ko alam kung bakit.” Sagot nito sa kanya. Hindi niya mapigilang  hindi kiligin sa sinabi nito. Inangat nito ang mukha niya mula sa pagkakasandal niya sa balikat nito kaya nagkatitigan sila. Huli na para pigilan niya ang lahat, kinabig siya nito palapit at hinagkan ang mapula niyang mga labi. Slow mo, lang ang halik nito pero ramdam niya ang paggalaw ng labi nito sa labi niya. Hindi niya magawang huminga sa takot na hindi iyon matuloy. Nagawa nitong sakupin ang mga labi niya at hindi siya tumuloy. Banayad ang haplos ng paghalik nito., Kaysarap sa pakiramdam na magkahinang ang mga labi nila ng mga oras  na iyon. Saglit nilang nakalimutan na nakahiga sa tabi nito ang ina nito. Kung hindi pa gumalaw sa sofa si Tita Sonia ay hindi siya maghihiwalay. Hinagkan pa siya nito sa noo bago ito kumalas ng halik sa kanya. “Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.” Turan pa nito sa kanya kaya tumango siya. Pinahiga siya nito sa mga hita nito kaya wala siyang nagawa kundi ang humiga patagilid habang nanonood sila ng palabas. Naramdaman niya ang paghaplos nito ng kamay sa mukha niya at bahagyang pinaglalaruan ang mahaba niyang buhok. Nawala sa atensiyon niya ang panonood ng tv kundi sa ginagawa nito.  Bahagya pa itong yumuyuko at ninanakawan siya ng halik sa pisngi. Hindi siya tumututol sa ginagawa nito at aaminin niya nagugustuhan niya ang paglalambing nito sa kanya. Hindi niya na napigilang ang sarili at inabot niya ang kamay nito. Idinikit niya iyon sa labi niya at hinagkan hanggang sa nakatulugan niyang hawak niya ang kamay nito. Hindi niya mapigilang malungkot dahil aalis siya nang hindi nagpapaalam kay Dave. Gusto niya pa naman sana ito makita bago siya umuwi ng Laguna. Gusto niya kasing linawin ang lahat sa kanila. Kung ano ba ang etado ng relasyon niya at kung bakit hinalikan siya nito? Hindi naman kasi iyon gawain ng magkaibigan. Ang maghalikan nalang banda. Oo at espesyal ito sa puso niya. Sa katunayan nga mahal na mahal niya na ito. Mabait itong tao at maalaga pero gusto niyang malaman kung ano ba siya sa buhay nito? Hindi pa man siya nakakalabas ng gate nang mga Hamilton nang biglang dumating si Dave. Nabigla pa siya sa paghinto ng sasakyan nito sa tapat niya na para bang itinaon ang paglabas niya ng gate. Nawindan na naman ang puso niya pagkakita sa lalaki. Agad itong bumaba at masayang sinalubong siya. “Akala ko ba busy ka?” tanong niya dito. Kinuha nito sa kamay niya ang bag na dadalhin niya  sa pag-uwi. “Busy ako pero hindi ko hahayaan na umalis ka na hindi tayo magkita. So, I’m here. Ihahatid kita hanggang terminal.” Masaya nitong wika. “Hindi na kailangan Dave, kaya ko na. Isa pa sanay na akong umuwi sa amin mag-isa. Bumalik ka nalang sa restaurant mo baka kailangan ka’na dun.” Taboy niya dito pero nagpumilit pa rin ito. Inalalayan siya nito papasok sa kotse nito. Ito pa mismo ang nagkabit ng sealtbelt niya. “Ayaw mo ba akong makasama kahit saglit lang?” tanong pa nito sa kanya. “Ang drama mo!” irap niya dito. “Mamimiss kita.”sagot nito kaya natigilan siya. Napatitig siya dito. Binuhay na nito ang engine at nagsimula nang magmaneho. “Para naman akong mawawala niyan eh.” Sagot niya. “Sa pagbalik mo mag-usap tayo.” “Tungkol saan?” kunot noon g tanong niya. “About us.” Sagot nito kaya natigilan siya. Tulad niya kaya ang dahilan nito kung kaya gusto siya nitong makausap. “Okay.” Hinatid nga siya nito hanggang sa terminal at nagulat pa siya nang malamang marami itong pinamili para pamilya niya. Masyado kasi siyang abala dito kung kaya hindi niya napansin ang mga box sa likod ng kotse nito. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit at hinalikan sa labi sa harap ng maraming tao. Hindi siya nakahuma sa ginawa nito. Natigilan pa siya ng pakawalan nito ang labi niya. Daig niya pa ang namatanda dahil sa ginawa nito.     ***************************** SA DALAWANG BUWAN na pananatili niya sa bahay ng mga ito ay lalong minamahal niya si Dave. Ibang-iba na ito sa unang Dave na nakilala niya. Masayahin na ito at palangiti. Hindi niya alam kung matatawag ba na mutual understanding ang nararamdaman nila, dahil kung siya ang tatanungin masasabi niyang may unawaan sila. Hindi man iyon sinasabi ni Dave pero iyon ang nararamdaman niya sa pinapakita nito at pinaparamdam. Gustuhin niya mang aminin dito ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa. Syempre gusto niya pa rin na ito ang unang magtapat sa kanya. Sapat na siguro ang pinapakita niya ditong mag-aalala sa tuwing busy ito sa trabaho. Labis niyang mahal si Dave kaya natatakot siya sa maaaring mangyari. Natatakot siyang muling sabihin nito na tanging si Ella lang ang mahal nito. Tiyak na masasaktan siya kapag nagkataon. Hindi niya iyon kakayanin. Isang masamang balita ang natanggap niya ng gabing iyon. Matutulog na siya nang tumawag ang nanay niya at binalita sa kanyang wala na ang kanyang tatay. Nanghihinang napaupo siya sa kama niya at nabitawan niya ang cellphone. Nag-uunahan ang pagpatak ng mga luha niya ng mga oras na iyon. Walang salitang gustong kumawala sa bibig niya kundi ang hikbi niya lamang. Isa lang  ang gusto niyang gawin ng mga oras na iyon kundi ang umuwi agad ng Laguna. Ayon sa nanay niya ay pinakiusapan nito si Charlie na sunduin siya. Si Charlie ang masugid niyang manliligaw noong nasa Laguna pa siya, kababata niya rin ito. Mabigat ang mga paa niya habang nag-iimpake ng dadalhin.. Nagising si Dave at Tita Sonia kalagitnaan ang gabi dahil sa pagdating ni Charlie sa bahay ng mga ito. Hindi niya magawang buksan ang kanyang silid dahil sa labis na pag-iyak kahit pa may paulit-ulit na kumakatok sa silid niya. Nasa isang sulok lang siya ng kanyang silid at panay ang pag-iyak. Tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Dave nang mabuksan nito ang kanyang silid. Agad siya nitong nilapitan at maging ang ina nito ay ganoon din. Itinayo siya ni Dave at niyakap ng mahigpit. “Bakit hindi mo kami ginising?” tanong nito sa kanya pero walang boses na kumawala sa bibig niya kundi ang pagsinok niya sa labis na pag-iyak.. “I’m sorry iha.” Naiiyak na wika ng ina nito habang hinahagod ang kanyang likod. Pinaupo siya ni Dave sa kama habang yakap-yakap pa rin. “Ako ang maghahatid sa’yo sa Laguna.” Boluntaryo ni Dave. Gustuhin niya mang tumutol pero hindi niya magawa. Pinunasan ni Dave ang mga luha na naglandas sa kanyang pisngi bago siya nito kinantilan ng halik sa labi. Napansin niyang namilog ang mga mata ng ina nito pero hindi niya na iyon napansin. Nagdurugo ang puso niya dahil sa pagkawala ng kanyang ama. Nakaalalay sa kanya si Dave nang lumabas siya ng silid niya. Nadatnan niya si Charlie sa sala. Nag-aalala rin ito sa kanya pero hindi nito magawang lumapit dahil hawak siya ni Dave. “Ako na ang maghahatid sa kanya pare, magconvoy nalang tayo.” Turan ni Dave kay Charlie. “Sasama ka ba Ma?” tanong nito sa ina. “Sige para ako ang magmamaneho at nang maalalayan mo ng mabuti si Berna.” Sagot nito kaya agad na inabot ni Dave ang susi sa ina. Hinang-hina pa rin siya ng mga oras na iyon, pakiramdam niya para siyang hihimatayin. Mabuti nalang at kaya pang magmaneho ni Tita Sonia. Sa likuran sila puwesto ni Dave, samantalang nauna nang lumabas si Charlie at nakasunod nalang dito si Tita Sonia. Yakap pa rin siya ni Dave ng mga oras na iyon at wala nang pakialam kung nakikita pa ng ina nito ang ginagawa sa kanya. “Okay ka na ba?” tanong sa kanya ni Dave nang umayos siya ng upo. “Ayokong makita ni Nanay na nasasaktan ako.” Sagot niyang pinigilan ang pagtulo ng mga luha. “Magpahinga ka lang muna iha.” Turan naman sa kanya ng ina nito na patuloy pa rin sa pagmamaneho. Pinunasan ni Dave ang luhang natuyo sa kanyang pisngi bago siya muling niyakap ng mahigpit. “Nandito lang ako, Berna.” Bulong nito sa kanya. “I love you.”turan pa nito sa kanya. Nagulat siya sa narinig pero hindi niya iyon masyadong pinansin pero si Tita Sonia ang nabigla dahil naapakan nito ang preno. Napasubsob sila sa pagkabigla ni Dave. Kikiligin sana siya kung wala siyang problemang kinakaharap pero namatayan pa lang siya. “I’m sorry.” Hindi mapigilang turan ng ina nito sa kanya. “Kaya niyo pa ba talagang magdrive? Ako nalang kaya Ma?” tanong ni Dave. “Hindi na! Kaya ko pa.” sagot nitong natatawa. SA hospital nila nadatnan ang kanyang inay at kanyang kapatid. Ayon sa mga ito ay iniimbalsamo na raw ang ama niya. Napayakap nalang siya sa ina at kapatid. Nang maiuwi na sa bahay ang labi ng kanyang ama ay nagpaalam na si Dave na uuwi na muna. Nangako itong babalik nalang kinabukasan. Babayaran niya sana ang bills nila sa hospital pero napag-alaman niya lahat ay binayaran ni Dave at maging ang kabaong ng kanyang ama ay binayaran nito. Hinatid niya ang mga ito sa labas ng bahay nila pagkatapos magpasalamat ng kanyang inay sa mga ito. “Tita, salamat po talaga. Kung hindi dahil sa inyo baka hindi ko pa mailabas ng morgue si tatay.” Umiiyak niyang pasasalamat sa ina ni Dave. “Ano ka ba naman, diba anak na ang turing ko sayo? Basta tumawag ka lamang kapag may kailangan ka. Bukas na bukas din ay babalik dito sa Dave at lahat ng kakailanganin mo ay ipapadala ko sa kanya.” Sagot pa nito bago siya nito niyakap ng mahigpit. “Be strong.” Bulong nito sa kanya. Napatingin siya kay Dave. Nahihiya siya dito sa pag-ako nito sa mga bayarin nila. Ginagap nito ang kamay niya at hinila siya payakap dito. “Kung magagawa ko lang sanang pawiin ang sakit na nararamdaman mo ngayon gagawin ko, tulad ng pag-alis mo sa sakit na nararamdaman ko noon. Be strong and I’m always here for you.” Bulong nito sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinitigan ito. Gusto niyang marinig ang sinabi nito kanina sa loob ng sasakyan pero mukhang wala na itong balak sabihin ang hininhintay niyang mga kataga. Nabigla pa siya ng kabigin siya nito at siniil ng halik. Mabuti nalang at hindi na sumama pa ang kanyang ina sa paghatid sa mga ito pero nahihiya pa rin siya dahil nakikita iyon ni Tita Sonia. “Mahal na mahal kita. Ever since you came into my life, I am a different person.” Turan pa nito sa kanya. “Dave naman, wrong timing na yang pagtatapat mo. Hindi kikiligin si Berna sa mga banat mo, namatayan kaya siya! Wag kang mag-assume na lulupasay siya sa kilig!” natatawang turan sa kanila ng ina nito kaya kahit na nasasaktan siya ay napangiti pa rin siya sa sinabi ng ina nito. “Gusto ko lang naman malaman niya na mahal ko siya.” Sagot nito sa ina. “Wala pa ring kilig!” sabat pa nitong tinapik sa balikat ang anak. Nagmumukha akong masama dahil napapangiti ako sa mga banat mo. Nakakahiya sa mga namatayan.” Turan pa nito kaya natawa na naman siya. “Sige na nga, uuwi na kami. Bukas babalik ulit ako.” Napapakamot nitong paalam sa kanya. “Mag-iingat kayo.” Sagot niyang pilit na ngumiti.   ****************************     “ANAK naman, magtatapat ka nalang kay Berna sa lamay pa ng ama niya at tinaon mo pang first day ng lamay!”  pangaral sa kanya ng ina. This time siya na ang nagmamaneho pauwi. “I can’t help it ma.” Tugon niya. “Nag-aalala ako kay Berna. Hindi ako sanay na nalulungkot siya. Sanay akong palagi siyang nakangiti.” Tugon niya. “Matapang na bata si Berna at alam ko na malalagpasan niya lahat ng ito. Maiba ako do you really love her?” tanong pa nito sa kanya. “I smile, laugh more and feel so loved because of her. Siya ang rason ng lahat ng ito ma, tulad niya ayoko rin mainlove pero natagpuan ko ang sarili kong minamahal na pala siya.” Pag-amin niya sa ina. “Napakawalan mo ba ang pagmamahal mo kay Ella? Don’t be unfair to Berna, kapag nagmahal ka make it sure na sigurado ka at tanging si Berna lang ang itinitibok ng puso mo.” Turan pa nito kaya hindi siya nakakibo. “Mahal ko si Berna.” Pagputol niya sa usapan nila. Hindi niya alam kung kailan nagsimula na nagkakaroon na ng puwang sa puso niya si Berna. Ibang-iba ito kay Ella pero aminado siyang higit na maganda si Berna sa dating kasintahan lalo na kapag nakaayos ito, It’s all started with a kiss. Ang halik nito sa daan ay ang halik na hindi nagpaalis sa sistema niya. Kaya nga lihim siyang natuwa nang malaman niya na ito pala ang private nurse ng kanyang ina. Natuwa pa siya nang mapag-alaman niyang siya ang first kiss nito. Mahirap paniwalaan pero sigurado siyang totoo ang sinasabi nito lalo pa at napatunayan niya iyon sa kawalang alam nito sa paraaan ng paghalik. She’s innocent. Ang pagiging madaldal nito ay parang wake up call sa kanya na panahon na para magmahal siyang muli at wala siyang pinagsisihan sa mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD