CHAPTER TWO

2113 Words
“TALAGA PO?” hindi niya mapigilang bigkas nang kausapin siya ng kanyang pinagtratrabahuan. Namatay na kasi ang kanyang inaalagaan kapag off niya, nalungkot siya dahil mawawalan siya nang pagkakakitaan pero agad din iyong nawala nang sabihin nito na may gustong kumuha sa kanya bilang private nurse. “Naku Berna mayaman yun, tiyak na malaki ang ibabayad sayo non.” Dagdag pa nito. “Pwede ko ho ba siyang makausap?” natutuwa niyang tanong. “Tamang-tama at nandiyan sa loob ng bahay. Halika at ipakikilala kita.” Sagot pa nito. Kakagaling lang nila sa North Cemetary dahil nakilibing siya sa kanyang namatay na inaalagan. Kumplikasyon sa diabetes ang kinamatay at hindi na kinaya ang matagal na dialysis. Hawak ang kamay niya nang pumasok sila sa loob ng bahay nang mga ito. Masasabi niyang may kaya rin ang pamilyang pinagsisilbihan niya, magara ang bahay at mamahalin ang mga kagamitan sa loob. Ngumiti siya nang ubod ng tamis nang tawagin nito ang isang sopistikadang matanda.  Kahit na may edad na ito ay likas na napakaganda pa rin nito. “Mare, siya ang tinutukoy ko sayong nag-aalaga sa asawa ko tuwing off niya, si Berna.” Pakilala pa nito sa kanya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. “Mukhang matapobre!” sa loob-loob niya. Nakataas kasi ang kilay nito. “Kaya naman pala tumagal pa si Kumpare dahil napakaganda ng kanyang nurse.” Biro nito kaya napangiti siya. Mabait naman pala. Naglaho ang una niyang impresiyon dito. “Naku, giliw na giliw nga dito si Antonio. Paano ba naman likas na mabait itong si Berna at palangiti pa. Nakakawala ng stress.” “Kung ganun pwede ko ba siyang makuha mula sayo?” nakangiti nitong sagot. “Payag ka bang magtrabaho sa akin iha?” baling nito sa kanya. “Sa tuwing off lang po ako pwedeng magpart-time.” Nakangiti niyang sagot. “Hindi ba pwedeng sa akin ka nalang magtrabaho? Kailangan ko kasi ng private nurse, alam mo na tumatanda na rin. Kailangan ko na ng nagpapaalalang uminom ng gamot sa oras.” Nakangiti nitong turan. “Don’t worry, hindi ka malulugi sa akin. Kung magkano ang sinasahod mo ay dodoblehin ko.” Dagdag pa nito kaya lumuwang ang pagkakangiti niya. “Sigurado po kayo?” namilog ang mga matang tanong niya. Sino ba naman kasi ang taong magdodoble ng sasahurin. Ang swerte niya kung ganun. Once in a blue moon lang ito. “Mukha ba akong nagbibiro? Gusto ko naman makakita ng maganda sa loob ng bahay ko.” Biro pa nito kaya pinamulahan siya ng mukha. Hindi naman siguro ito kasapi ng third s*x, dahil sa kilos pa lang nito ay babaing-babae na. “Nababasa ko mare ang nasa isip mo?” nakangiting wika ng dati niyang pinagtratrabahuan.  Tumawa ito ng malakas kaya kinabahan siya. “I’m sure magugustuhan siya ni Dave.” Sagot pa nito kaya napakunot noo siya. “At sino namang Dave ang tinutukoy nito? Balak yata siyang ireto sa Dave na iyon.” “Sigurado ako diyan mare.” Nakangiting wika pa nito. “So, Berna. Payag ka na bang magtrabaho sa akin?” untag nito sa kanya. Kailangan niya pa bang mag-isip kung doble naman ang sasahurin niya? Wala siyang karapatang umarte lalo pa at kailangan niya ng pera para sa ama. “Magreresign po muna ako sa pinagtratrabahuan ko.” Nakangiti niyang sagot baka mamaya magbago pa ang isip nito. Mahirap na. Maluwag itong napangiti sa naging sagot niya. Magiliw nitong binuksan ang bag niya at inabot sa kanya ang calling card nito. Pinasadahan niya iyon ng tingin. “Sonia Hamilton.” Basa niya sa isip. Pangalan palang tunog mayaman na. Tunog imported at madatong. “I want you to stay in my house, Berna.” Nakangiti nitong turan sa kanya. Private nurse siya nito, alangan naman umuwi siya tuwing gabi. “But don’t worry magkakaroon ka ng off.” Dagdag pa nito. Ngiti lang ang isinagot niya. PAGDATING niya ng bahay ay agad niyang sinabi sa tiyahing ang bagong trabaho niya. Nalungkot ito sa sinabi niya pero sa huli ay natuwa naman ito. Malaking tulong ang pagiging full time nurse para sa pagpapagamot sa ama. Hindi niya mapigilang malungkot dahil ang ibang tao nagagawa niyang alagaan samantala sa sarili niyang ama ay hindi niya magawa. Agad siyang nagresign sa dating pinagtratrabahuan para makareport na siya sa bagong trabaho. Tumawag na siya kay Mrs. Hamilton na darating siya sa bahay ng mga ito bago mag-alas siyete ng gabi.. Hindi na siya nabigla nang makitang napakaganda ng bahay nito sa Ayala. Halata naman kasi sa itsura nito na hindi ito basta-bastang tao at kung sino-sino lang. Pinagbuksan siya ng nakaunipormeng katulong. Malugod itong nakangiti sa kanya at pinapasok siya agad. Bitbit ang maliit niyang maleta nang pumasok siya sa malaking gate. May malaking bakuran ang mga ito at napansin niya ring may swimming pool pa, gawa sa marmol ang nakapalibot sa naturang pool. Kaysarap lumangoy at tumira nalang sa swimming pool. Hindi alintana ang dilim dahil may mga naggagandahang ilaw na nakapalibot sa buong bahay. Nagniningning ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang buong bahay. Nabigla pa siya ng salubungin siya ng halik ni Mrs. Hamilton. Para siyang namatanda sa ginawa nito. Napakahumble nitong tao samantalang ito ang magiging amo niya. “Tamang-tama ng dating mo iha, sabayan mo na akong magdinner.” Nakangiti nitong turan sa kanya. Kinuha nito sa kamay niya ang maleta niya at binigay sa katulong. “Okay lang po ako maam.” Nahihiya niyang sagot. “Tita, call me tita.” Nakangiti nitong turan sa kanya. “Nakakahiya naman po.” “Ano ka ba, walang nakakahiya dun.” Saway pa nito sa kanya. Hinila siya nito sa hapag kainanan. Maraming pagkaing nakahain sa hapag na akala mo ay may okasyon. “Umupo ka’na.” turan pa nito. “Tayo lang po ba ang kakain?” nahihiya niyang tanong. “Sad to say.” Sagot nitong napakibit balikat. “Ang anak ko kasi hindi ko mapredict ang gustong mangyari sa buhay. Walang oras kapag lumalabas ng bahay.” Pagmamaktol nito. “Siya po ba si Dave?” hindi niya mapigilang tanong. Ngumiti ito ng maluwag nang banggitin niya ang pangalan na narinig niya noon. “Yeah.” Sagot nito. “Kapag nandito yun masanay kana, likas talaga na masungit yun pero mabait yun. May pinagdadaanan lang.” bulong pa nito sa huling sinabi. Nacurious tuloy siya sa anak nito. “Hindi naman siguro nangangagat.” Nakangiti niyang sagot kaya napangiti ito. “Gwapong vampire kapag nagkataon.” Pilya pa nitong turan. Natuwa siya sa pagiging kalog nito, tiyak na makakasundo niya ito. Natabunan yata ang pagiging madaldal niya dahil dito. Kung anu-ano kasi ang kwene-kwento nito at lahat ay tungkol sa anak nito. Hindi niya na mabilang kung ilang salitang gwapo ang narinig niya. Kung mahihigitan ng anak nito ang gwapong ma’ma na ninakawan niya ng halik maniniwala siya sa sinasabi nito. Ngayon pagbibigyan niya muna ito sa sinasabi nito total hindi niya pa naman nakikita ang anak nito. Sa nakikita niya mukhang wala pa naman itong sakit at kung tutuusin kayang-kaya pa nito ang sarili alagaan. Iba talaga kapag may pera, you can prolong your life. Malaki talaga ng nagagawa ng pera sa tao at aminado siyang hindi mabubuhay ang tao kapag walang pera. Sige nga paano ka kakain kung wala kang pera? Pagkatapos nilang kumain ay nag-tea muna sila dahil ayon dito ay gusto nitong hintayin ang anak. Nang sulyapan niya ang pambisig na orasan niya ay mag-aalas diyes na ng gabi. Panay na rin ang hikab nito at maging siya ay ganoon na rin. “Nasaan na ba kasi ang anak nito? Hindi ba nito alam na napupuyat ang ina nito sa paghihintay? Napakaerisponsable naman!” napahalukipkip siya. Lihim siyang naiinis sa anak nito pero hindi niya naman kailangan ipahalata hanggang sa sumuko nalang ito at niyaya na siyang matulog. Nagulat pa siya nang sabihin nito na sa guest room siya matutulog. Nandun na ang maleta niya at maayos na ang tutulugan niya. Ilalagay niya nalang ang mga damit sa cabinet. Napangiti siya sa magarbo niyang silid. Pabagsak siyang humiga sa napakalambot niyang kama. Hindi yata magagalusan ang mukha niya kapag pabagsak siyang dumapa ng kama. Nagpaikot-ikot siya sa kanyang queen sized bed, amoy palang amoy mayaman na. Nang magsawa sa kakaikot ay tumayo siya at hinanap ang banyo. Ayon kay Tita Sonia may sarili raw na banyo ang silid niya. Kumuha lang siya ng pantulog sa kanyang maleta at agad na binuksan ang banyo. Agad na tumambad sa mga mata niya ang bathtub. Napaawang ang kanyang mga labi dahil sa nakita. Sa tanang buhay niya ay isang beses palang siya nakababad sa bathtub nang minsang sumama siya sa bahay ng mayaman niyang kaibigan pero ngayon ay mukhang araw-araw na siyang makakababad sa bathtub. Feeling mayaman sa ngayon. Dali-dali siyang lumapit sa bathtub at binuksan iyon. Nagsawa siyang maligo at nang magsawa ay nagbihis na siya at lumabas ng silid. Nauuhaw kasi siya. “Anak ng sampung kabayo!” hiyaw niya at agad na nabitawan ang hawak na baso nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya. May kadiliman sa paligid at tanging ilaw lang sa labas ng bahay ang nagsisilbing liwanag niya. Hindi niya makita ang mukha ng lalaking dumagundong ang boses sa buong kusina. “Sino ka? Magnanakaw ka ano?” tanong pa nitong pasigaw ang boses. “Hindi no! Tubig lang ang kinukuha ko!”depensa niyang sagot. Napansin niyang kinapa nito ang switch ng ilaw at kapwa pa sila nagulat nang mamukhaan ang isat-isa. “Sinusundan mo ba ako?” bulalas nitong tanong nang makilala siya. Napaawang ang bibig niya, ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking ninakawan niya ng halik. Sinampal niya ang mukha sa pag-aakalang nananaginip lang siya. “Answer me!” utos nito sa kanya. Gising nga siya dahil nasaktan siya sa sampal niya. “At bakit naman kita susundan? Bakit ka ba kasi nandito?” tanong niya dito. “Bahay namin ito.” Sagot nito. Wala pa ring pinagbago ang mukha nito, pasan pa rin nito ang mundo. “You mean ikaw si Dave?” tanong niya pa. Napakunot-noo ito. “Bakit mo ako kilala?” “Naekwento ka kasi ng Mama mo sa akin. Ako nga pala si Berna, private nurse ng mama mo.” Pakilala niya dito. Lumalim ang guhit nito sa noo. “Kailan pa?” “Kanina lang.” sagot niya. Tila nakunbinsi niya naman ito kaya tumahimik na ito. Napansin niyang kakarating lang nito dahil may sukbit pa itong bag sa balikat. “Ligpitin mo na yang mga bubog baka masugatan ka pa!” turan nito sa kanya bago tumalikod. “Salamat sa concern sir!” pahabol niyang sigaw. Paikot itong humarap sa kanya at tulad ng inaasahan niya kunot-noo na naman ang mukha nito, sayang lang talaga ang kagwapuhan nito kung napakalalim naman ng guhit sa noo nito. Nagmukha tuloy itong kuwarenta. Sa tantiya, nasa thirties palang ito. “Concern?” nanlalaki ang mga  nitong tanong. Lumapad ang ngiti niya sa labi at tumango siya dito. “Wala akong panahon sayo!” sagot pa nito bago tuluyang umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Napansin niyang nasa dulo ang silid nito.           “Kapag nagbiro nga naman ang tadhana!”  sa loob loob niya. Ang taong ilang beses na nagpapaggulo sa isipan niya ay kasama niya sa iisang bubong. Sino ba naman ang mag-aakala na ito palang ang anak ni Mrs Sonia, si Dave Hamilton at tama ito napakagwapo ng anak nito kahit pa pasan ang buong daigdig. Nacurious tuloy siyang malaman kung bakit ito masungit. Akala niya tuluyan nang maibabaon sa limot ang kanyang first kiss dahil hindi niya naman ito kilala pero ngayon nanganganib na magkakagusto siya sa anak ng magiging amo niya. Sa napagwapong anak nito. Kung bakit ba kasi hindi ito mawala-wala sa isip niya simula nang halikan niya ito. Kung kayamanan na maituturing ang halik na iyon mayaman na siya dahil tinatago niya sa puos niya ang lalaking kumuha sa una niyang halik. Mukhang magiging masaya siya sa bagong trabaho. Magkakaroon na siya ng inspirasyon para naman magkaroon ng kulay ang mundo niya. “Single pa kaya siya?” hindi niya mapigilang tanong sa sarili. Siguro hindi na, sa gwapo ba naman kasi nito tiyak na magkakandarapa lahat ng babae. Nagtataka lang talaga siya sa lungkot na nababasa niya sa mga mata nito.  Malakas ang pakiramdam niya niya na may problema ito. “Inspirasyon lang ang kailangan mo para sumaya ka Dave!” sigaw pa ng isip niya.  Hindi na kita kailangan iadd pa sa f*******: dahil kaharap na kita ngayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD