MALAKAS ang t***k ng puso niya habang naglalakad, paano ba naman kasi may mamang kanina pa nakasunod na siya. Labis na ang kabang nadarama niya. Lakad takbo na ang ginawa niya. Nasa LRT station siya kanina nang makatabi niya ito at dahil nainip siya sa mahabang pila minabuti niyang mag-bus nalang na labis niyang pinagsisihan. May kadiliman na sa daan at walang ilang tao ang nakakasalubong niya. Dapat talaga hindi na siya umalis sa LRT station kanina. Kung holdaper ito aba wala itong makukuha sa kanya, lalo pa at isang daan nalang ang pera niya sa wallet samantalang hindi naman kagandahan ang cellphone niya. Wala itong mapapala sa kanya. “r**e?” hiyaw na utak niya. Tiyak na iyon ang habol nito sa akin. Sunod-sunod ang naging dasal niya sa takot. Hindi naman siya panget para hindi pagnasaan. Alam niyang maganda siya, maganda ang maamo niyang mukha, balingkinitan, matangos ang ilong at pantay ang mapuputing ngipin. Tiba-tiba ang mamang ito kapag nerape siya. Juskolord, ang pangit niya! Hiyaw ng isip niya. “Virgin pa po ako, at ayokong sayangin yun sa lalaking ito!”
Pabilis nang pabilis ang naging lakad niya at sa tuwing bumibilis siya ay lalong bumibilis din ito. Nakahinga siya nang maluwag nang may nakita siyang mamang naglalakad. Matangkad ito, sa tantiya ay six footer ito. Hindi niya pa naman nakikita ang mukha nito nang makisabay siya sa paglalakad dito. Bumagal ang hakbang niya kaya nalapitan siya nang mamang nakasunod sa kanya. Humawak siya sa six footer na lalaki. Tiningnan siya nitong nagtataka, infairness sa mamang ito ang gwapo niya. Kung ito ang magrerape sa kanya, go na! Maamo ang mukha nito pero mukhang galit sa mundo. Sa tingin niya naman ay kaya siya nitong ipagtanggol sa mamang nakasunod sa kanya.
“Halikan mo ako!” utos niya sa gwapong lalaki. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. “Dalian muna, halikan mo na ako!” utos niya ulit dito pero hindi ito kumilos kaya kinabig niya ito at agad na siniil ng halik sa labi. Nakatingkayad siya habang magkalapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkabigla. Kay lambot ng mga labi, daig niya pa ang kumakain ng mallows. Kay sarap lasapin ng halik nito.
“Miss!” tawag sa kanya ng mamang panget. Minabuti niya pa lalo ang paghalik kay gwapong mama at walang pakialam sa tumatawag sa kanya. Gusto niyang matakot ito kay gwapong mama pero hindi iyon nangyari kaya napilitan siyang kumalas sa lalaking hinalikan niya. Napasinghap siya nang maghiwalay ang mga labi nila. Kumapit siya dito bago niya hinarap ang mamang kumausap sa kanya. “Miss ang panyo ko!” Turan nito. Napamaang siya sa narinig.
“Anong panyo?” gilalas niyang tanong.
“Naipit po ng bag niyo ang panyo ko.” Sagot nito sa kanya. Agad niyang sinipat ang bag at tama nga ito naipit ng bag niya ang panyo nito. Nagtaka lang siya kung paano iyon nangyari.
“Dahil sa panyong yan kaya mo ako sinusundan?” bulalas niyang tanong. Tumango ito sa tanong niya. “Diyos ko naman manong, tinakot niyo ako ng husto! Kulang nalang maihi ako sa takot sa inyo dahil lang sa lintik na panyo na yan! ” Bulalas niyang turan sabay hawak sa sentedong sumasakit.
“Hinabol kasi kita pero tumatakbo ka naman.” Katwiran pa nito.
“Sana tinawag niyo ako at isa pa wala naman akong interes sa panyo niyo. Hindi ko yan kukunin!” paingos niyang turan.
“Abala nga ang ginawa mo sa akin, dahil sayo kaya naiwan ako ng LRT.” Reklamo nito sa kanya.
“Kasalanan ko pa ngayon?” inis niya tanong.
“Oo, kung hindi mo kasi kinuha ang panyo ko sana nakaalis na ako.”
“Eh di sorry, makakaalis kana.” Taboy niya dito.
“Paano yan wala na ang LRT, kulang na ang pamasahe ko?” tanong nito na ikinagulat niya.
“Hihingi ka ng pamasahe sa akin?” gimbal niyang tanon. Ano naman ang ibibigay niya eh pamasahe rin lang niya ang laman ng wallet niya. Petsa de peligro na siya dahil wala pa siya dahil matagal pa ang sahod niya. Tumango ito sa kanya. “Manong naman, wala rin akong pera.” Sagot niyang ipinakita ang laman ng wallet. Nagulat pa siya nang may nag-abot ng pera sa mamang kausap niya. Nakalimutan niyang may tao pala silang kasama. Si mamang gwapo na bigla niya nalang hinalikan. Nanlaki ang mata niya sa inabot nito. Five hundred? Bulalas niya. Agad niyang kinuha ang limang daan na inaabot nito at pinalitan ng isang daan.
“Wag kang abusado manong, ikaw na nga itong nanakot ikaw pa itong bibigyan ng limang daan.” Paingos niyang turan bago niya inabot ang isang daan sa kamay nito. Napakamot ito sa ulo. “Sige na, umalis ka’na baka maging fifty pa yan.” Turan niya pa kaya naman agad itong umalis. Naiwan siya sa gwapong mama. Galante pa’la ito. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Ang gwapo-gwapo talaga nito. Pang artistahin ang kapugian nito. Ian Veneracion! Oo, kamukha nito si Ian, ang crush niya sa teleseryeng pangako sa’yo.
“Bakit mo yun ginawa?” tanong nito sa kanya.
“Ang alin?” takang tanong niya.
“Yung five hundred.” Sagot nito. Maging ang boses nito ay Ian na Ian. Kilig na kilig siya. Pakiramdam niya nakita niya si Ian Veneracion sa personal na buhay. Kung may dala nga lang siyang ballpen magpapa-autograph talaga siya dito.
“Tama na sa kanya yun.” Sagot niya. Napailing ito sa sinabi niya.
“Ngayon lang ako naka- encounter ng tulad mo.” Papailing nitong turan bago siya tinalikuran.
“Hoy, ako nga pala si Berna Angeles. Ikaw?” tanong niya ditong hinawakan pa sa braso para tumigil.
“Hindi ako nakikipagkilala sa taong ayaw kong kilalanin.” Sagot nito sa kanya.
“Ang sungit mo naman, pangalan lang naman ang gusto kong malaman. I-add sana kita sa facebook.” Madaldal niya pang turan.
“What?” kunot noo nitong sagot.
“f*******: hindi mo alam?”
“Alam ko ang f*******:, ang ibig kong sabihin ay kung bakit mo ako iaadd?” kunot noong tanong nito.
“Gusto lang kitang makilala.” Sagot niyang nakangiti na akala mo nagpapapansin. Umiral na naman ang pagiging madaldal niya.
“Miss, wala akong panahon sayo!” sagot nito sa kanya kaya natameme siya. Nagulat pa siya nang buksan nito ang sasakyan na nakaparada sa tabi nila.
“Sasakyan mo?” tanong niya sa monterong sasakyan.
“What do you think, ninakaw ko?”
“Aba, hindi ako ang nagsabi niyan.” Sagot niya. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng sasakyan nito, nang akmang isasarado na nito ang bintana ay pinigilan na naman niya ito.
“What?” nanlalaki ang matang tanong nito pero syempre walang kabawasan ng kagwapuhan nito ang panlalaki ng mga mata nito.
“Pwede maki ride?” pagmamakaawa niya. Kung makalusot lang naman.
“Hindi.” Sagot nito sa kanya kaya nanlumo siya.
“Sige, salamat nalang.” Sagot niya. Lumayo na siya dito at tila parang nakakaawa.
“Sige na, sakay na!” yaya nito sa kanya kaya agad na nagliwanag ang mukha niya. Patakbo niyang binuksan ang pinto ng kotse nito sa likod. “At balak mo pa talaga akong gawing driver.” Turan nito sa kanya.
“Sorry nakalimutan ko.” Sagot niya at agad na lumipat sa unahan ng sasakyan. “Salamat sa ride.” Turan niya dito nang maikabit niya ang sealtbelt sa katawan niya. Hindi ito tumugon kaya minabuti niyang kausapin ito ng kausapin. Sayang naman kasi kung hindi niya samantalahin ang oras na kasama ito, tiyak na malabo nang magkita pa sila sa laki ng Manila. “Sorry kong hinalikan kita kanina, natakot lang kasi ako sa mamang yun.” Turan niya dito.
“Dahil natakot kaya ka nanghalik? Dahilan ba yun?” tanong nito sa kanya sa seryosong tinig.
“Inisip ko kasi na kapag hinalikan kita iisipin niya na kakilala kita.” Katwiran niya pa.
“Paano kung masamang tao pala ako?”
“Hindi naman diba?”
“Paano nga?” sagot nitong nauubusan ng pasensiya sa kabaliwan niya.
“Iwan ko.” Sagot niya kaya tumahimik na naman ito at dahil likas na madaldal siya hindi talaga siya nakatiis na hindi magsalita. “Gwapo ka pa naman pero nagmumukha kang matanda dahil nakasimangot ka.” Turan niya.
“Kung ayaw mong ibaba kita sa daan tumahimik ka nalang.” Sagot nito sa kanya kaya tumahimik nalang siya. “May pinagdadaanan si Kuya!” sa loob-loob niya. “Ayokong pinanghihimasukan ang buhay ko.” Dagdag pa nito.
“Hindi naman ah.” Katwiran niya pa at hindi na muling kumibo. “Gwapo ka nga ang sungit mo naman!” Tiyak na mapapanis ang laway niya sa lalaking ito.
“Saan ba kita ibababa?” tanong nito nang makalipas ang ilang minuto.
“Diyan lang sa cubao, sasakay nalang ako ng bus papuntang Greenhills.” Sagot niya.
“Taga- greenhills ka?” tanong pa nito kaya tumango siya. “Ihahatid na kita.” Turan nito kaya natigilan siya.
“Ihahatid mo ako?” bulalas niyang sagot. Pasimple pa ito interesado naman palang malaman ang address niya.
“On the way sa pupuntahan ko, kaya idadaan nalang kita.” Sagot nito kaya napaismid siya. Assume pa Berna! Wala kang aasahan sa gwapong ito. Walang mapapala ang ganda mo.
Hanggang sa makarating sila sa tinutuluyan niya ay hindi na ito kumibo pa. Napanis na talaga ng tuluyan ang laway niya. Kumaway pa siya nang umalis ito pero dedma lang ito, daig pa nito ang tuod. Di bale na, nahalikan niya naman ito. Natikman niya ang mapupula nitong labi. Ang harot lang! Pero ang swerte nito dahil ito ang first kiss niya. Wala siyang nakapang panghihinayang sa naging first kiss niya. A kiss with a stranger.
Nakangiti siyang habang binubuksan ang gate ng kanyang tiyahin kung saan siya tumutuloy. Isa siyang nurse sa Makati Medical Hospital pero hindi pa rin sapat ang kinikita niya lalo na at nagpapa-chemotherapy ang kanyang ama. Isa ang kanyang ama sa nakikipaglaban sa sakit na cancer. Liver cancer ang sakit nito. Masakit para sa pamilya nila ang nangyari sa ama niya lalo na sa kanya dahil daddy’s girl siya. Nalubog sila sa utang dahil sa pagpapagamot nito, mabuti na nga lang at nakatapos na siya bago ito nagkasakit dahil kung hindi baka nahinto pa siya sa pag-aaral. Inako niya rin ang pag-papaaral kay Sef sa sekondarya lalo pa at hindi na kaya ng nanay niyang paaralin ang kapatid. Sa gamot palang kasi ng ama niya ay kinakapos na sila at bilang panganay, trabaho niyang tulungan ang mga magulang. Dalawang taon nang nag-susuffer ang ama niya sa sakit nito at bente tres palang siya noon. Napilitan siyang lumipat ng trabaho sa Manila dahil di hamak na mahal ang bayad sa mga nurse kaysa sa Manila. Sa Laguna kasi nakatira ang mga magulang niya kaya nakikitira nalang muna siya sa tiyahing niya. Sana talaga matuloy siya sa US para naman malaki ang kikitain niya at matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Nagmano siya sa kanyang Tita Sandra nang madatnan niya ito sa sala. Kapatid ito ng kanyang ina.
“Ang aga mo yata?” nagtataka nitong tanong. Thirty minutes din kasing napaaga ang pag-uwi niya lalo pa at galing pa siya sa Quezon City. May pasyente kasi siyang dinadalaw kapag off niya sa Makati, binabayaran naman ng mga ito ang serbisyo niya kaya okay lang. Caregiver ang role niya kapag off niya.
“Hinatid po kasi ako ng anak ng amo ko kaya hindi ko na kailangan pang mag-commute.” Pagsisinungaling niyang sagot bago siya napaupo sa katabing sofa at nanuod ng balita. Ayaw niya ikwento pa dito ang nangyari, baka mamaya kung ano pa ang isipin nito. Single mom ang kanyang Tita Sandra. Nag-iisa lang din ito dahil nasa US na ang anak, si Ate Nina.
“Mabuti naman kung ganun. Hala, kumain ka na muna at nang makapagpahinga ka’na.” turan pa nito.
“Busog pa po ako. Matutulog na muna ako para naman makabawi ako ng lakas.” Sagot niyang napapahilab. Tumango lang ito sa kanya kaya dumiretso na siya sa silid niyang inukupa. Pagpasok niya palang sa kanyang silid ay muli niyang naalala ang estrangherong hinalikan niya kanina. Impit siyang napapikit na tila ba kinikilig sa nangyari. Hindi man niya alam kung tama ba ang paraan ng paghalik niya pero sumige pa rin siya. Iyon lang kasi ang nakita niyang paraan kanina para iwasan siya ng lalaking sumusunod sa kanya. At iwan niya kung ano ang pumasok sa kukuti niya at halik ang naisip niyang paraan. Tinalo niya pa ang manyak sa ginawa niya.
Ano kaya ang iniisip ng lalaking yun sa kanya? Mukhang disappointed ito sa ginawa niya, pero pakialam niya ba? Hindi niya naman ito kilala at sa laki ng Manila imposibleng magtagpo pa ang mga landas nila. Lihim na nakaramdam siya ng lungkot sa naisip. Gusto niya ulit ito makita. Sayang lang at ipinagdamot nito ang pangalan nito.
Pagod na pagod ang katawan nang humiga siya sa kama. Drain na drain na ang utak niya at maging ang katawan niya ay ganoon rin ang nararamdaman. Nakakapagod mabuhay pero hindi siya nawawalan ng pag-asa lalo pa at para sa ama niya ang ginagawa. Sabi nga think positive, maswerte pa rin siya sa mga taong walang trabaho at walang pinag-aralan. Wala siyang karapatang magreklamo. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama at tumitig sa malaking salamin sa silid niya. Mukha na siyang zombie, natabunan na ang maganda niyang mukha dahil haggard na siyang tingnan. Parang walang buhay ang kanyang mukha. Nakakalimutan niya nang mag-ayos dahil palagi siyang busy sa trabaho at lalong wala siyang panahon sa lovelife. Kung sa sarili niya ay wala siyang panahon sa lalaki pa kaya? Muli na naman siyang natigilan nang maalala ang lalaking hinalikan.
Napangitan kaya siya ssa akin?” hindi niya mapigilang tanong sa sarili. “Ano kaya ang naramdaman niya habang magkalapat ang mga labi namin?”
dagdag niya pang tanong na parang nababaliw na.
Nang maglapat ang mga labi nila ay saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo niya. Nawala sa isip niya ang lalaking sumusunod sa kanya at higit sa lahat tumibok ng malakas ang kanyang puso sa hindi niya malamang kadahilanan. Bago iyon para sa kanya dahil wala pa namang tao ang nagpapatibok ng ganun kalakas sa puso niya na tila ba gustong kumawala sa dibdib niya.
Ang weird lang dahil tumibok iyon sa lalaking hindi niya naman kakilala. Naniniwala pa naman siya sa malakas na pagtibok ng puso kapag gusto mo ang isang lalaki. Oo at malakas ang s*x appeal nito pero hanggang dun lang yun.
Erase! Erase! Erase!