THIRD PERSON POV
*Past*
Maririnig ang sunud-sunod na pagsinghap ng mga taong nasa loob ng school gymnasium ng Winterville High nang pumasok na sa loob ng gymnasium si Nicolai Bernardino kasama si Princess Sta. Miranda. Sa loob ng school gymnasium kasalukuyang ginaganap ang Junior-Senior Prom para sa mga Junior and Senior High School students ng Winterville High.
Hindi makapaniwala ang karamihan sa mga taong nasa loob ng school gymnasium nang makita si Princess Sta. Miranda na suot ang halos kaparehong blue mermaid silhouette gown na suot ni Sharmaine Bustos sa Junior-Senior Prom nang nakaraang taon. Parehong-pareho ang kulay at ang cut ngunit nagkakaiba lamang sa ginamit na lace and satin. Halatang mas mamahalin ang mga ginamit na materyales para sa suot na gown ni Princess.
Gabbie: Is that Princess? Our friend Princess?
Nanlalaki ang mga mata ni Gabbie nang makita ang suot na gown ni Princess na halatang tailor-made.
Margaret: How could she afford that type of gown?
Nakataas ang dalawang kilay ni Margaret habang hinahagod ng tingin ang suot na gown ni Princess.
Parang Dagat na Pula na nahawi ang mga tao habang naglalakad si Princess palapit sa mga kaibigan nito. Napuno ng "Ooh" at "Aah" ang loob ng school gymnasium habang parang modelong naglalakad si Princess sa gitna ng maraming tao.
Bored na bored na sumimsim ng orange juice sa hawak nitong baso si Janine. Unaffected ito sa pagdating ni Princess.
Janine: Pretty sure Nicolai bought that gown for Princess. Look at her. Para siyang artist na proud na proud sa kanyang obra maestra.
Tiningnan ng mga kaibigan ni Janine si Nicolai na naglalakad sa tabi ni Princess palapit sa kanila.
Nagpatuloy si Janine.
Janine: Haven't you noticed? Simula nang natalo ni Sharmaine ang kanyang best friend na si Princess sa pagiging Class Muse ay ginawa na niyang project si Princess.
Kumunot ang noo ni Sharmaine.
Sharmaine: A-ano ang ibig mong sabihin, Janine?
Nag-eye-roll si Janine bago nagsalita. Ang atensyon ng mga kaibigan nitong sina Sharmaine, Danica, Gabbie, Katie, at Margaret ay nalipat na mula kay Princess papunta rito.
Janine: Hindi niyo ba napapansin? All of Princess' recent T-shirts, dresses, skirts, shoes, items, even her hairstyle at kung anu-ano pa ay katulad ng lahat ng gamit na mayroon si Sharmaine.
Biglang nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ni Janine. Unti-unting binalikan sa kanilang isipan ang mga bagong gamit na mayroon si Princess.
Bigla ay nagsalita ang parang tumatayong leader ng grupo na si Danica. Nasa mukha nito ang pagkamangha.
Danica: Wow. You really are a keen observer, Janine. How I didn't notice that is beyond me.
Nagkibit-balikat si Janine.
Janine: And we all know that Princess doesn't have any means to buy all those items.
Tumango-tango si Margaret.
Margaret: So are you saying that Nicolai bought all those items for Princess?
Muling nagkibit-balikat si Janine.
Janine: That's pretty obvious. Even a child could tell.
Kumunot ang noo ni Katie.
Katie: B-but why would Nicolai do such thing?
Ngumiti si Janine bago tumingin ng matiim kay Sharmaine.
Janine: Because Sharmaine beat Princess to be our Class Muse.
May diin sa bawat salitang binibitiwan ni Janine.
Akmang magsasalita si Sharmaine nang maramdaman na nila ang presensya nina Nicolai at Princess mula sa kanilang likuran.
Tumikhim si Nicolai. Sabay-sabay na napalingon sa kanya sina Sharmaine, Danica, Gabbie, Janine, Katie, at Margaret.
Nicolai: Ano na nga 'yong sinabi nila?
Tinapik-tapik pa ng kanang hintuturo ni Nicolai ang kanyang baba na parang may inaalala sa kanyang isip.
Nicolai: Ah, right. Kung sino ang wala sa grupo, siya 'yong pinag-uusapan. Tama ba, Janine?
Matiim na tinitigan ni Nicolai si Janine. Hindi rin naman nagpatalo si Janine at nilabanan ang titig ni Nicolai. Nagtagisan ang kanilang mga titig.
Princess: Tama na 'yan.
Mahinahon ang pagsasalita ni Princess pero may talim sa tinig ng boses nito.
Nang marinig ang pagsaway ni Princess ay agad-agad na iniwas ni Nicolai ang kanyang mga mata mula sa pagkakatitig kay Janine.
Biglang nagsalita si Danica.
Danica: Oh, Princess. You look so lovely tonight. You actually look like Sharmaine when she wore that gown last year.
Marahas na napasinghap si Princess nang ma-realize ang ibig ipakahulugan ni Danica.
Namula naman ang magkabilang pisngi ni Nicolai sa sobrang inis kay Danica.
Nicolai: That isn't Sharmaine's gown.
Halos madurog ang mga ngipin ni Nicolai habang sinasabi ang mga salitang iyon sa mismong pagmumukha ni Danica.
Hindi man lang naapektuhan si Danica at nagkibit-balikat lang na mas lalong nagpainis kay Nicolai.
Danica: Well, it looks like second-hand to me.
Napasinghap ang mga kaibigan ni Danica nang sabihin nito iyon. Si Nicolai ay naikuyom ang mga palad.
Princess: I-it's tailor-made, Danica.
Painsultong hinagod ng tingin ni Danica ang suot na mermaid silhouette gown ni Princess.
Danica: Who made you wear that gown? You look cheap in that trash, Princess.
Kay Nicolai nakatingin si Danica nang sabihin ang mga insultong iyon patungkol kay Princess.
Nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa mga mata ni Princess. Si Nicolai ay pigil na pigil na saktan ang kaibigan lalo na at anak ito ng isa sa shareholders ng Winterville High.
Princess: Da-Danica...
Lumapit si Sharmaine kay Danica at binulungan ito.
Sharmaine: That's too much, Danica.
Nanlisik ang mga mata ni Nicolai nang nakitang bumubulong si Sharmaine kay Danica. Dito niya naisipang ibuhos ang kanyang inis kay Danica.
Nicolai: Are you happy now, Sharmaine? Napahiya na naman si Princess nang dahil sa iyo.
Nanginginig ang tinig ng boses ni Nicolai sa sobrang inis at namumula ang kanyang magkabilang pisngi.
Si Danica ang sumagot para kay Sharmaine. Sadyang nilakasan nito ang tono ng boses.
Danica: No, Nicolai. Ikaw ang nagpapahiya sa best friend mong si Princess sa patuloy mong ginagawa na ipakitang mas nakalalamang siya kay Sharmaine sa lahat ng bagay. Look at her. Lahat ng mayroon si Sharmaine ay gusto mo ay mayroon din siya para ipakitang kaya niyang talunin si Sharmaine. But the truth is, Princess will never be Sharmaine.
Tumiim ang mga bagang ni Nicolai sa sinabing iyon ni Danica. Si Danica ay ngumisi lang at muling painsultong tiningnan si Princess mula ulo hanggang paa.
Napansin ng mga magkakaibigan na naagaw na pala nila ang atensyon ng ibang estudyante at nagbubulungan na ang mga ito.
Iniisip ni Princess na ito ang pinagbubulungan ng mga kamag-aral. Luminga-linga si Princess sa loob ng buong school gymnasium at ang tanging nakikita nito ay ang mga nakatawang mukha ng schoolmates nito.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Princess sa magkabilang pisngi nito. Nanlalambot ang mga tuhod nito. Naghanap ito ng pwedeng makakapitan ngunit wala itong makita.
Parang nauupos na kandilang nagsimulang lumakad si Princess palabas ng school gymnasium. Patakbong lumapit sina Gabbie at Katie kay Princess para alalayan ito palabas ng gymnasium.
Princess: Na-napahiya ako. Napahiya ako.
Humahagulgol na si Princess habang nanghihinang lumalakad palabas ng gymnasium. Nakaalalay sa magkabilang bisig nito sina Gabbie at Katie.
Katie: I-I'm really sorry, Princess.
Marahas na lumingon si Princess kay Katie. Hilam sa luha ang mga mata nito.
Princess: No. Wala kang kasalanan, Katie. It's her fault. Kasalanan niya ito.
Madiin ang pagbitaw ni Princess sa mga salitang iyon.
Bumulong si Gabbie.
Gabbie: Don't mind Danica, Princess. Parang hindi mo siya kilala. Bukas, parang wala na ulit nangyari.
Lumingon si Princess kay Gabbie at matiim itong tinitigan.
Princess: Not her. Not Danica.
Kumunot ang noo ni Gabbie.
Gabbie: Then, who?
Nanlilisik ang mga mata ni Princess hanggang sa tuluyan nang nakalabas ng gymnasium. Nang nasa labas na ng gymnasium ay binawi na ni Princess ang mga bisig nito mula sa pagkakahawak nina Gabbie at Katie.
Nakayukong humarap si Princess kina Gabbie at Katie.
Princess: Sharmaine. It's Sharmaine's fault.
Sa loob ng gymnasium ay matalim ang mga matang tinitigan ni Nicolai si Danica pero hindi siya nagsasalita. Nang si Sharmaine na ang kanyang tinitigan ay dinuro niya ito.
Nicolai: You will pay for this!
----------
*Present*
Nakangiti si Nicolai habang pinagmamasdan ang kanyang obra maestra. Ang iginuhit niyang mukha ng babae na ang bawat detalye ay nakaukit na sa kanyang isipan.
Mahal na mahal ni Nicolai ang babaeng kanyang iginuhit. Napakaganda ng babae. Isang anghel sa kanyang paningin.
Muli na namang naalala ni Nicolai ang gabing iyon kung kailan kanyang ipinagtapat sa kaibigang si Sharmaine ang kanyang totoong nararamdaman para sa babaeng minamahal.
Napamaang si Sharmaine sa inamin ni Nicolai.
Sharmaine: You-you love Princess?
Lumuluhang tumango si Nicolai. Yumuko siya rahil hindi niya gustong salubungin ang mga mata ni Sharmaine. Umaasa siyang walang panghuhusga roon.
Nicolai: I-I love her not as a friend, b-but someone who I can spend the rest of my life with.
Ngumiti si Sharmaine at maging ito ay parang naluluha rin sa sinasabi ni Nicolai.
Sharmaine: Ta-tama ang aking hinala. All this time ay may pagtingin ka nga kay Princess.
Nang marinig iyon ay umangat ang ulo ni Nicolai at tumingin kay Sharmaine. Mas lalo siyang lumuha nang makita ang kasiyahan sa mukha ni Sharmaine.
Nicolai: Y-you're not gonna judge me?
Nakangiting umiling si Sharmaine.
Sharmaine: No. Why would I? Your feelings are valid, Nicolai. Puso mo 'yan at walang sinuman ang maaaring magdikta sa iyo kung sino ang mamahalin mo.
Parang nagliwanag ang mukha ni Nicolai nang marinig iyon mula kay Sharmaine kahit na hilam sa luha ang kanyang mga mata. Parang may mga dumaang anghel at nagliwanag ang buong paligid.
Bigla ay parang nagkalakas ng loob si Nicolai na aminin sa babaeng minamahal ang kanyang totoong saloobin.
Hindi namalayan ni Nicolai na dumadaloy na pala ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Nicolai: Salamat. Salamat sa lahat, Sharmaine.
----------
to be continued...