CHAPTER 10

2228 Words
THIRD PERSON POV *Past* Gamit ang kanang hintuturo ay sunud-sunod ang ginawang pagsundot ni Katie sa kanyang lalamunan sa loob ng kanyang bibig para maisuka ang kanyang mga kinain nang mananghalian siya at mga kaibigan sa loob ng kanilang school canteen. Namumula na ang buong mukha ni Katie habang tuluy-tuloy ang kanyang pagsuka sa toilet bowl sa loob ng isang cubicle sa women's restroom ng Winterville High. Namamasa na rin ang mga mata ni Katie at halos manlabo na ang kanyang paningin. Hindi namalayan ni Katie na kasabay ng kanyang pagsusuka ay tumutulo na rin ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Muli na namang bumalik sa isipan ni Katie ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang ganitong uri ng bagay sa tuwing natatapos siyang kumain ng napakaraming masasarap na pagkain. Pitong taong gulang si Katie nang kanyang mahuli ang sariling ama na nakikipagtalik sa kanyang tita, ang bunsong kapatid ng kanyang ina, sa mismong kwarto ng kanyang mga magulang. Sinabihan si Katie ng kanyang ama at ng kanyang tita na kung magsusumbong siya sa kanyang ina ay kanyang sisirain ang kanilang masayang pamilya. Umiyak si Katie nang gabing iyon dahil naaawa siya sa kanyang ina ngunit ayaw naman niyang masira ang kanilang pamilya. "Para sa aking masunurin at mabait na anak, Katarina, ito ang isang box ng chocolates. Lagi kang magpapakabait, Katarina, para lagi kang love ni Daddy." Iyon ang laging ginagawa ng ama ni Katie sa tuwing itinitikom niya ang kanyang bibig at hindi isinusumbong sa kanyang ina ang bawal na relasyon ng kanyang ama at ng kanyang tita. Ang bigyan ng iba't ibang uri ng masasarap na pagkain si Katie at purihin ang anak bilang kanyang gantimpala sa pagiging isang masunuring bata. At sa tuwing kakainin ni Katie ang mga masasarap na pagkaing ibinibigay ng kanyang ama ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Naaalis ng mga pagkaing iyon ang mga alalahanin sa kanyang isipan. Ngunit isang araw ay bigla na lang nagwala ang ina ni Katie nang matuklasan ang ginagawang pagtataksil ng asawa nito. Lumuluha si Katie habang pinapanood ang pagpapalayas ng kanyang ina sa kanyang ama mula sa kanilang bahay. "Pagsisisihan mo ito, Katarina! Tandaan mong ikaw ang sumira sa pagsasama ng iyong mga magulang! Sumbungera kang bata ka!" Umiiyak na umiiling si Katie habang nakatingin sa kanyang papalayong ama. Alam ni Katie sa kanyang sarili na hindi siya ang nagsumbong sa kanyang ina. Mula nang araw na iyon ay madalas nang pagbuhatan ng kamay si Katie ng kanyang ina rahil nga sa nalaman nitong alam niya ang ginagawang pagtataksil ng kanyang ama ngunit hindi siya nagsalita. Madalas na ring tuksuhin si Katie ng kanyang ibang mga kamag-aral dahil sa kumalat na balitang hiwalay na ang kanyang mga magulang. Na siya raw ang dahilan kung bakit nalaman ng kanyang ina ang pangangaliwa ng kanyang ama. "Katarina, sumbungera! Katarina, maninira ng pamilya! Katarina, sumbungera! Katarina, maninira ng pamilya!" Iyon ang madalas na china-chant ng ibang kamag-aral ni Katie sa tuwing dumaraan siya sa corridor o kaya ay kumakain sa loob ng canteen. Gabi-gabing umiiyak si Katie rahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang ina at ibang kamag-aral. Nasasaktan si Katie sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ina rahil sa kanyang paglilihim na kaya lamang niya ginawa ay para manatiling buo ang kanilang pamilya. Nagdadalamhati si Katie sa tuwing sinasabi ng ibang kamag-aral na siya ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya gayong hindi naman siya ang nagsumbong ng pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang ina. Dahil sa hindi magandang tratong natatanggap ni Katie ay bumaba ang kanyang tingin sa sarili. Gustong magalit ni Katie sa taong nagsumbong sa kanyang ina ng pagtataksil ng kanyang ama. Gusto niyang magalit sa pagiging pakialamera nito. At sa tuwing nalulungkot si Katie ay bumibili siya ng mga masasarap na pagkain katulad ng mga pagkaing ibinibigay sa kanya ng kanyang ama noon sa tuwing may ginagawa siyang nagugustuhan nito. Ginagamit niya ang mga perang naiipon mula sa maliit na baon na ibinibigay ng kanyang ina sa araw-araw. At ang mga pagkaing iyon ang pansamantalang pumapawi ng lungkot sa puso ni Katie. Nang mag-High School si Katie ay sa Winterville High siya pinag-aral ng ina. Nagbago ang buhay ni Katie nang makilala sa bagong school ang mga estudyanteng sina Sharmaine, Danica, Gabbie, Janine, Margaret, Nicolai, at Princess na kalaunan ay kanyang naging mga kaibigan. Danica: So, how do you want me to address you? Katarina? Sandaling natigilan si Katie nang marinig ang tanong na iyon ng bagong kakilalang si Danica. Katarina. Ang pangalang maraming nakakabit na malulungkot at masasamang alaala. Naisipan ni Katie na sa bagong school na kanyang pinapasukan ay magsisimula siya ng panibagong buhay. Buhay na malayo sa mga dating kamag-aral. Buhay na hindi tinutukso sa araw-araw. Buhay na kasama ang mga bagong kaibigan ni Katie. Katie: Uhm... Y-you can call me Kat-Katie. Yes, Katie. Ngumiti si Katie sa mga bagong kakilala. Katie: Parang sexy Katie! Pahabol pa ni Katie at sinundan ng malakas na pagtawa. Gustong ipakita ni Katie sa mga bagong kakilala na isa siyang masayahing tao kahit na sa kaloob-looban niya ay durog na durog siya. Dahil sa bumaba ang tingin ni Katie sa kanyang sarili ay nagsimula siyang maging people-pleaser. Lahat nang iutos ng kanyang mga kaibigan ay kanyang sinusunod para makaramdam ng validation, lalo na kung ang utos ay nanggagaling sa itinuturing nilang leader ng grupo na si Danica. Sumasaya ang pakiramdam ni Katie sa tuwing nakikitang napapasaya niya ang kanyang mga kaibigan. Lalo na kapag pinupuri siya ng mga ito. Si Danica ang pinakagusto niyang i-please dahil mataas ang tingin dito ng kanyang mga kaibigan at sa tuwing napapahanga niya ito ay tumataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Danica: Good job, Katie. Danica: That's my girl. Danica: Keep on making me proud, Katie. Sa bawat papuring naririnig ni Katie ay naaalala niya ang kanyang ama. Ang mga papuri nito sa kanya sa tuwing nagagawa niya ang mga gusto nito. At mas lalo pang naaalala ni Katie ang kanyang ama sa tuwing binibigyan siya ng mga kaibigan ng masasarap na pagkain bilang gantimpala sa kanyang mga ginagawang pabor para sa mga ito. Ganoon din ang ginagawa sa kanya ng kanyang ama noon. Tuwang-tuwa si Katie rahil hindi na niya kailangan pang gumastos para sa mga masasarap na pagkain dahil madalas siyang bigyan ng mga kaibigan lalo na at alam nilang mahilig siyang kumain. Dahil din dito kaya rumating sa puntong kumakain si Katie nang higit sa kinakailangan ng kanyang katawan lalo na kung nakararamdam siya ng lungkot sa tuwing naaalala ang mga nangyari sa kanyang pamilya. Naging takbuhan ni Katie ang mga masasarap na pagkain para gumaan ang kanyang pakiramdam. Pinapaalala ng mga pagkaing iyon ang masayang buhay ng kanyang pamilya noong buo pa sila. At sa tuwing natatapos kumain si Katie ay nakararamdam siya ng kagustuhang isuka ang kanyang mga kinain dahil sa alaala ng nakaraan. Hindi napigilan ng pagbibigay sa kanya ng mga masasarap na pagkain ng kanyang ama ang pagsambulat ng kataksilan nito sa kanyang ina. Kaya naman sa tuwing natatapos kumain ng mga masasarap na pagkain si Katie ay naiisip niyang may kapalit na masamang bagay ang mga iyon tulad nang nangyari sa kanyang pamilya. At sa murang isip ni Katie, ang naiisip niyang paraan para hindi matuloy na mangyari ang mga masasamang bagay na iyon ay isuka ang mga pagkain mula sa kanyang sistema. Ilang sandali pa ay natapos na si Katie sa kanyang sapilitang pagsusuka at inayos ang sarili. Nang makalabas mula sa cubicle ay humarap muna si Katie sa malaking salamin ng women's restroom. Siniguradong parang walang nangyari at bumalik sa umpukan ng kanilang barkada. ---------- *Present* Pinaglalaruan ni Katie sa kanyang mga daliri sa kanang kamay ang maliit na bote na naglalaman ng mga pildoras na pwedeng makaapekto sa memorya ng isang tao. Ang kaibigang si Janine ang nagsu-supply kay Katie ng mga pildoras na iyon sa tuwing humihingi siya rito matapos maubos ang laman ng isang bote. Ngunit ang totoo ay hindi kailanman ginalaw ni Katie ang mga boteng iyon. Humihingi lamang siya ng mga panibagong supply kay Janine para hindi ito magduda. Gusto ni Janine na inumin ni Katie ang mga pildoras na iyon para makatulong sa paglimot ni Katie sa gabing iyon. Ang gabing namatay ang kaibigan nilang si Sharmaine. Ang alam ni Janine ay dumanas ng matinding trauma si Katie matapos ang gabing iyon kaya nagkusa itong tulungan siyang makalimot sa pamamagitan ng mga pildoras na iyon. At dahil sa gusto ni Katie na i-please ang kanyang mga kaibigan ay tinanggap niya ang mga pildoras na iyon. Ngunit kahit kailan ay hindi tinikman ni Katie ang mga pildoras na iyon. At alam ni Katie ang totoong dahilan kung bakit gusto ni Janine na kanyang inumin ang mga pildoras na iyon. Hindi rahil para tulungan siyang malimutan ang gabing iyon at mabawasan ang kanyang trauma kundi rahil para unti-unti na niyang makalimutan ang mga pinagawa nito sa kanya nang gabing iyon. Pero ang totoo ay malinaw pa sa alaala ni Katie ang mga nangyari nang gabing iyon. Si Katie ang nakatoka sa pag-aayos ng mesa para sa seventeenth birthday ng kaibigang si Sharmaine kaya naroon siya ngayon sa malaking dining room ng mansyon ng pamilya ng kaibigang si Danica. Nanginginig si Katie habang isinasalin ang soda sa mga baso sa tabi ng bawat plato. Malapit nang dumating sina Sharmaine at ang isa pa niyang kaibigan na si Nicolai at ang ibig sabihin ay malapit na rin niyang gawin ang ipinapagawa sa kanya ng kaibigang si Janine. Nagulat si Katie nang biglang lumitaw sa kanyang likuran si Janine. Janine: What are you waiting for, Katie? Malapit nang dumating sina Sharmaine. Kinakabahang lumingon si Katie sa direksyon ng malawak na living room. Naroon na ang iba pa nilang mga kaibigan at nagkukwentuhan habang hinihintay ang pagdating nina Sharmaine at Nicolai. Nanginginig ang mga kamay ni Katie na dinukot mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon ang maliit na bote na naglalaman ng maraming capsule. Sinimulan nang buksan ni Katie ang maliit na bote. Marahil ay napansin ni Janine ang pangamba sa kanyang mga mata kaya naman inudyukan siya nito sa pabulong na paraan. Janine: You know you can do it, Katie. You want to make me happy, right? Lumingon si Katie kay Janine at marahang tumango. Marahang isinusuklay ni Janine sa mahabang buhok ni Katie ang mga daliri nito sa kaliwang kamay nang muling magsalita. Janine: And you know it's for the better, Katie. Inagaw ni Sharmaine ang lahat. Inagaw niya ang pagiging Valedictorian kay Princess. Inagaw niya rin ang atensyon ni Nate mula kay Gabbie. Inagaw niya rin ang atensyon ni James mula kay Margaret. Nakita ni Katie na biglang tumalim ang mga mata ni Janine. Janine: At inagaw niya rin ang atensyon ng aking boyfriend na si Marco. May diin sa bawat salitang binitiwan ni Janine. Nanlalaki ang mga mata ni Katie kay Janine. Sa lahat ng mga binanggit nito ay ang tungkol kay Marco lang ang wala siyang ideya. Katie: Si-sigurado ka ba sa iyong mga sinasabi? Naningkit ang mga mata ni Janine. Janine: Hindi ba at kahit ikaw ay inagawan niya rin? Dati-rati ay ikaw ang parang kanang-kamay ni Danica. Pero tingnan mo ngayon, mas malapit na si Danica kay Sharmaine. Huwag mong sabihing hindi mo napansin iyon. Biglang nagkalambong ang mga mata ni Katie. Napansin naman niya iyon, pero wala naman siyang karapatang magreklamo. Janine: Hindi ba at sinabihan ka rin ni Sharmaine na matutong humindi sa mga utos ng iyong mga kaibigan kung alam mong hindi na tama? But she has no idea that pleasing people is your happiness. Nakikialam si Sharmaine sa kasiyahan mo and I know na hindi mo gusto ang mga pakialamerang tao tulad ng taong nagsumbong sa iyong ina ng kataksilan ng iyong ama. Napasinghap si Katie sa sinabing iyon ni Janine. Paano nalaman ni Janine ang kwento ng pamilya ni Katie? Ngumisi si Janine. Janine: I know everything, Katie. Nagdududang tiningnan ni Katie si Janine. Janine: Mang-aagaw si Sharmaine, Katie. Kung mawawala siya ay magagawan mo ng pabor ang iyong mga kaibigan. Maraming kaibigan kung ikukumpara sa nag-iisang si Sharmaine. Alam kong hindi mo gustong masira ang ating pagkakaibigan tulad nang kung paanong nasira ang iyong pamilya. Our fate is in your hands, Katie. The power is in your hands tonight. Sharmaine needs to die. Parang nanigas sa kanyang kinatatayuan si Katie nang marinig iyon mula kay Janine. Makakaya ba ni Katie na kumitil ng buhay para lang mabigyan ng pabor ang marami niyang kaibigan? Kung dati ay walang nagawa si Katie para hindi tuluyang masira ang kanyang pamilya, ngayon ay may kakayahan siyang hindi tuluyang masira ang samahan nilang magkakaibigan. Itinuon ni Katie ang mga mata sa basong nakalaan para kay Sharmaine. Janine: Okay. I'll go to the living room na. Sumunod ka matapos mong ibudbod at haluin ang laman ng capsule sa soda na nakalaan para kay Sharmaine. Iyon lang at bumalik na sa malawak na living room si Janine. Nanginginig ang kamay ni Katie na dumukot ng isang capsule mula sa loob ng maliit na bote. Palipat-lipat ang tingin ni Katie sa hawak na capsule at basong naglalaman ng soda. Naramdaman na lang ni Katie na dumadaloy na ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Umiiyak na bumulong sa hangin si Katie. Katie: I-I didn't kill Sharmaine. I didn't kill her. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD