THIRD PERSON POV
*Past*
Muling napataas ang kilay ni Janine nang marinig na tumunog sa ikaapat na pagkakataon ang cellphone ng kanyang kasintahang si Marco. Katulad kanina ay c-in-ancel na naman ni Marco ang tawag.
Ilang beses nang nangyayari ito nitong mga nakalipas na araw. May taong tatawag nang ilang beses kay Marco at hindi naman ito sasagutin ng kasintahan ni Janine.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang sagutin ni Janine ang panliligaw ni Marco. Halos tatlong buwan din ang itinagal ng panliligaw ni Marco kay Janine bago nito napasagot ng oo ang babae.
Alam ni Janine na babaero si Marco. Lagi niyang nababalitaan at pati ng kanyang mga kaibigan ang ilang beses na pagpapalit-palit ng girlfriends ni Marco.
Ilang beses na ring may nakakahuli kay Marco na may kahalikang mga babae sa iba't ibang lugar sa loob ng school campus.
Lapitin talaga ng mga kababaihan si Marco rahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Idagdag pa na magaling ito sa basketball at swimming.
Malaking bulas si Marco kaya minsan ay napagkakamalan itong College student gayong High School student pa lamang ito. Ilang kolehiyala na rin ang nakarelasyon nito rahil sa mga matatamis nitong mga salita.
Tanging si Janine Bolivar lamang ang hindi agad nahulog sa mga pambobola ng isang Marco Dela Acuesta.
Hindi si Marco ang tipo ni Janine na maging boyfriend dahil alam niyang oras na sagutin niya ito ay siguradong mambababae lamang ito.
Pero tanging si Marco lamang ang nagkalakas ng loob na ligawan si Janine.
Matalino si Janine, maganda at galing sa kilalang pamilya sa kanilang nayon. Ngunit walang ibang nagtatangkang manligaw sa kanya rahil sa kanyang malakas na personalidad.
Kayang-kayang dalhin ni Janine ang sarili sa kahit anong sitwasyon. Lagi siyang may solusyon sa bawat problema.
Magaling din mag-observe si Janine. Marunong bumasa ng mga tao at nararamdaman niya kung ang isang tao ay nagsisinungaling sa kanya.
Kaya naman maraming tao ang umiilag kay Janine dahil sa kanyang mga taglay na katangian.
Ngunit hindi ang mga kaibigan ni Janine na sina Sharmaine, Danica, Gabbie, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess. Sanay na ang mga ito sa kanyang ugali.
Kaya naman naaliw si Janine nang ligawan siya ni Marco. Humanga siya sa katapangan nito.
Ngunit bago sinagot ni Janine si Marco ay pinaimbestigahan muna niya si Marco sa private investigator ng kanyang mga magulang.
Napag-alaman ni Janine na salat sa buhay ang pamilya ni Marco. Na kaya ito nakakapag-aral sa Winterville High ay dahil isa ito sa mga beneficiary ng scholarship foundation na itinatag ng ama ng kanyang kaibigang si Danica.
Napag-alaman din ni Janine na may Stage 4 Cancer ang ina ni Marco at nangangailangan ng treatment para tumagal pa ang buhay.
Ipinagtaka ni Janine kung bakit umaastang mayaman si Marco sa loob ng school campus kung hikahos naman pala sa buhay ang pamilya nito.
Nagtataka rin si Janine kung paanong nagkaroon ng magarang kotse si Marco na ginagamit nito sa pagpasok sa school.
Madalas ding mamahalin ang mga ibinibigay na regalo ni Marco kay Janine sa tuwing nanliligaw ito sa malaking bahay ng babae.
Kapag itinatanong ni Janine ang tungkol doon sa private investigator ng mga magulang ay wala naman itong masabi sa kanya.
Ngunit nawala rin ang mga alalahanin sa isipan ni Janine nang dalawang buwan nang nanliligaw si Marco ay unti-unting naramdaman ni Janine na nahuhulog na ang kanyang loob kay Marco.
Pinatagal pa ni Janine nang ilang araw ang panliligaw ni Marco para masigurong mahal nga niya ito hanggang sa sagutin na niya ito rahil habang lumilipas ang mga araw ay mas sumisidhi ang pagmamahal niya para rito.
Kahit hindi si Marco ang ideal boyfriend para kay Janine ay sinagot niya pa rin ang lalaki rahil mahal niya ito.
Alam ni Janine na mas gusto ng kanyang mga magulang na makapag-boyfriend siya ng isang lalaking galing sa mayamang pamilya, pero alam din niyang hindi siya tatanggihan ng kanyang mga magulang sa kanyang gusto.
Ilang beses na nakunan ang ina ni Janine bago siya rumating sa buhay ng kanyang mga magulang. Malaki ang pasasalamat ng mga magulang ni Janine dahil sa kanyang pagdating sa hindi inaasahang pagkakataon.
Thirty-nine years old na ang ina ni Janine nang siya ay ipinagbuntis nito. Itinuturing ng mga magulang ni Janine na isa siyang miracle baby.
Halos lahat ng layaw ni Janine ay sinunod ng kanyang mga magulang habang siya ay lumalaki. Kaya sigurado si Janine na tatanggapin ng kanyang mga magulang si Marco gusto man ng mga ito o hindi.
At hindi nga nagkamali si Janine. Nang maipakilala niya sa kanyang mga magulang si Marco at sabihin sa mga ito na mahal niya ito ay agad na tinanggap ng kanyang mga magulang ang lalaki.
Nang magkasarilinan si Janine at ang kanyang mga magulang ay binanggit niya sa mga ito ang estado ng buhay ni Marco. Nakita ni Janine ang pag-aalangan sa mukha ng kanyang mga magulang.
Sinubukang kumbinsihin si Janine ng kanyang mga magulang na pag-isipang mabuti ang pakikipagrelasyon kay Marco ngunit sinabi niya sa mga ito na ilang beses na niyang pinag-isipan iyon bago pa sagutin si Marco.
Sa huli ay nakumbinsi rin ni Janine ang kanyang mga magulang na sigurado siya sa kanyang nararamdaman para kay Marco.
Agad na gumawa ng paraan ang mga magulang ni Janine para hindi maging kahiya-hiya si Janine sa harapan ng ibang tao sa pagkakaroon ng isang boyfriend na hindi nila kapantay ang estado.
Agad na inilipat ng bahay ng mga magulang ni Janine si Marco at ang ina nito. Binilhan din ng mga magulang ni Janine ng bagong gamit si Marco at ang ina nito.
Sinimulan na rin ang treatment para sa ina ni Marco na may Stage 4 Cancer dahil na rin sa tulong ng mga magulang ni Janine.
Binigyan din ng trabaho ang ina ni Marco sa company na pagmamay-ari ng mga magulang ni Janine.
Sa ngayon ay iyon muna ang ginagawa ng mga magulang ni Janine para kay Marco at sa ina nito. Isang linggo pa lamang mula nang sagutin ni Janine si Marco pero ang dami nang nabago sa buhay ni Marco at ng ina nito.
Nang tanungin ni Janine si Marco kung saan galing ang ginagamit nitong kotse at ang mga mamahaling gamit nito noong hindi pa sila magkarelasyon ay sinabi ni Marco na galing iyon sa mayamang kaibigan ng ina nito.
Sinabi ni Marco na pati ang mga inireregalo nitong mamahaling bagay kay Janine ay galing sa perang ipinapadala ng kaibigan ng ina nito mula sa ibang bansa.
Magaling bumasa ng tao si Janine kaya alam niyang nagsisinungaling si Marco. Ngunit pinalagpas iyon ni Janine dahil ang mahalaga sa ngayon ay karelasyon na niya si Marco at hindi niya hahayaang may makasira sa kanilang dalawa.
Janine: Bakit ayaw mong sagutin ang tawag?
Halatang nabigla si Marco sa sinabing iyon ni Janine.
Naging malikot ang mga mata ni Marco.
Marco: Wa-wala lang 'yon. Ku-kung nakita mo, number lang, 'di ba? Nanggugulo lang.
Halata sa mga titig ni Janine kay Marco na nagdududa siya sa kanyang boyfriend.
Kumulo ang dugo ni Janine nang mga oras na iyon. Sigurado siyang may inililihim si Marco sa kanya.
Mahal ni Janine si Marco at masyado nang maraming pera ng kanyang pamilya ang nasayang para rito at sa ina nito kaya hindi hahayaan ni Janine na masira ang kanilang relasyon ni Marco rahil lang sa taong nangungulit dito.
Mula nang araw na iyon ay pinamanmanan na ni Janine si Marco sa private investigator ng kanyang mga magulang dahil pakiramdam niya ay may ibang babae si Marco.
Sa tuwing kasama ni Janine ang kanyang mga kaibigan ay bigla na lang siyang nawawala o nagmamadaling umalis dahil nakatatanggap siya ng mensahe mula sa private investigator kung saan nito nakikita si Marco.
Sa lahat ng mga lugar na sinasabi ng private investigator ay palaging hindi naaabutan ni Janine si Marco roon. Sinasabi naman ng private investigator na wala itong nakikitang kasama ni Marco.
Hindi buo ang tiwala ni Janine sa private investigator ng kanyang mga magulang kaya siya na mismo ang sumubok na magmanman sa kanyang kasintahan. Ngunit kahit kailan ay wala siyang nakitang patunay na may babae si Marco.
Hanggang sa isang araw ay napansin ni Janine na may isa pang phone sa loob ng bag ng kaibigang si Sharmaine ngunit kahit kailan ay hindi niya nakitang ginamit iyon ni Sharmaine. Biglang kinutuban si Janine.
At dahil sa phone na iyon na nakita ni Janine sa loob ng bag ni Sharmaine ay napatunayan niyang may ibang babaeng kinalolokohan si Marco kaya isang masamang plano ang namuo sa isipan ni Janine.
Isang plano na itinakdang gawin ni Janine sa seventeenth birthday ni Sharmaine.
----------
*Present*
Matalim na tinitigan ni Janine ang kanyang natutulog na asawang si Marco sa ibabaw ng kanilang marital bed. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito.
Malinaw pa rin sa isipan ni Janine ang kanyang narinig na sinabi ng kanyang asawa sa kausap nito sa kabilang linya sa loob ng kanilang study room.
Marco: Talaga ba? Sabik na sabik ka na ba sa akin? O sabik ka rito sa malaki kong alaga? Lagot ka sa akin. Miss na miss na kitang kainin. Huwag ka nang magsuot ng thong at wawarakin ko lang naman 'yan.
Naikuyom ni Janine ang kanyang dalawang palad.
Maya-maya ay bumulong si Janine sa hangin. Halos madurog ang kanyang mga ngipin dahil sa pagtatagis ng kanyang mga bagang.
Janine: Hindi ako papayag na isang babae lamang ang sisira sa ating pagsasama, Marco. Nagawan ko na ng paraan ang pambababae mo noon. Inulit mo na naman ngayon.
Biglang lumitaw sa isipan ni Janine ang mukha ng babaeng dating kinalokohan ni Marco.
Ang mukha ng dating kaibigan ni Janine na si Sharmaine.
Ilang beses sinampal-sampal ni Janine ang magkabilang pisngi ni Sharmaine habang walang malay itong nakahiga sa lupa sa tabi ng isang malaking puno ng molave.
Janine: I hate you, Sharmaine! I hate you! You betrayed my trust! Malandi! Hindi mo maaagaw sa akin si Marco! Marco is mine!
Tuluy-tuloy ang malakas na pagsampal ni Janine sa mukha ni Sharmaine habang binabanggit ang mga katagang iyon.
Ipinikit ni Janine ang mga mata rahil sa alaalang iyon ng nakaraan.
Malalim na nagbuntung-hininga si Janine at nang idilat ang kanyang mga mata ay muling bumulong sa hangin.
Janine: Wala kang utang-na-loob, Marco. Pinulot kita mula sa basurahan. Pati ang iyong ina ay nabubuhay nang dahil sa akin. Pagkatapos ay ganito lang ang igaganti mo sa akin. No way.
Maya-maya ay may butil ng luha na tumulo sa pisngi ni Janine.
Janine: If I have to kill someone, then I will.
----------
to be continued...