THIRD PERSON POV
*Past*
Nakangiting isa-isang pinagmasdan ni Danica ang kanyang pitong kaibigan na tahimik na naghihintay ng kanyang sasabihin.
Pinapunta ni Danica sa kanilang mansyon ang kanyang mga kaibigan para humingi ng pasensya sa kanyang inasal noong Junior-Senior Prom nila.
Ang pitong kaibigan ni Danica na pinili niya base sa iba't ibang kadahilanan.
Isa sa mga dahilang iyon ay ang ama ni Danica.
Pumanaw ang ina ni Danica sa panganganak sa kanya kaya naman lumaki si Danica na hindi naramdaman ang pagmamahal ng isang ina.
Pagmamahal ng isang ina na rapat ang ama ni Danica ang magpupunan ngunit hindi ganoon ang nangyari.
Mula sa pagkabata ay ipinaramdam na kay Danica ng kanyang ama na hindi siya gusto nito.
Ipinaramdam ng ama ni Danica sa kanya na paborito at mahal na mahal nito ang kanyang kuyang si Nate, samantalang siya ay laging pinapagalitan nito kahit lamang sa mga maliit na pagkakamali.
Kahit kailan ay hindi pinaboran si Danica ng kanyang ama, lalo pa nga at hindi siya nakapag-uuwi ng parangal mula sa paaralan.
Hindi katulad ng kapatid ni Danica na si Nate na consistent honor student na mas lalong nagpalayo kay Danica ng loob ng ama.
Mabuti na lamang na kahit ganoon ay lumaki pa ring maayos ang magkapatid na Danica at Nate. Hindi sila close ngunit hindi rin naman magkaaway.
Pakiramdam ni Danica ay siya ang sinisisi ng kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina.
Lumaki si Danica na may hinanakit sa kanyang ama. Ang pagmamahal ng isang magulang na sana ay nararanasan niya mula sa kanyang ama ay hindi niya nakamtan mula rito.
At dahil hindi nararamdaman ni Danica ang love and belongingness mula sa sariling bahay kaya hinanap niya ang pagmamahal at pagtanggap na iyon mula sa mga tao sa paaralang kanyang pinapasukan.
At dahil anak si Danica ng isa sa mga influential people sa kanilang bayan ay naging madali para sa kanya na maging kaibigan ang mga taong gusto niyang isali sa kanyang circle of friends.
Pero rahil sa hindi magandang karanasan ni Danica mula sa kanyang ama kaya kinailangan niyang maghanap ng mga kaibigan na magpapataas ng tingin niya sa kanyang sarili.
Nasa ikatlong baitang na sa Elementarya si Danica nang makilala ang mga kaibigang sina Sharmaine, Gabbie, Janine, Margaret, Nicolai, at Princess.
Si Sharmaine ay naging kaibigan ni Danica rahil matalino ito at magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral ni Danica.
Si Gabbie ay naging parte ng circle of friends ni Danica rahil napapansin niyang may lihim na pagtingin ito sa kanyang Kuya Nate at sigurado siyang susunod ito sa lahat ng kanyang iniuutos para lamang mapalapit sa kanyang kapatid.
Si Janine ay kinaibigan ni Danica rahil mayaman din ang pamilya nito katulad ng kanilang pamilya at kailangan niya ng isang miyembro sa kanyang circle of friends na mula sa kilalang pamilya para hindi isipin ng mga tao na may hidden agenda siya.
Si Margaret ay nakasama sa circle of friends ni Danica rahil sa stepbrother nitong si James na lihim na hinahangaan ni Danica.
Medyo nag-alangan lang si Danica na isama si Margaret sa kanyang circle of friends dahil mayaman din ang pamilya nito at hanggang maaari ay gustong ibalanse ni Danica ang grupo.
Ngunit gusto talagang mapalapit ni Danica kay James kaya kinaibigan niya pa rin si Margaret sa huli.
Ganoon din ang naging concern ni Danica pagdating kay Nicolai rahil mula rin ito sa maalwang pamumuhay, pero malakas ang pakiramdam ni Danica na magiging asset ito ng grupo rahil sa iba't ibang talento nito.
Si Princess ay mula sa maralitang pamilya at sigurado si Danica na nararanasan din ni Princess ang pakiramdam ng naghahanap ng isang grupo kung saan ito mamahalin at tatanggapin ng buo bilang isang tao.
Pagdating ng High School ay napagdesisyunan ng magkakaibigan na mag-aral sa school kung saan ang isa sa shareholders ay ang ama ni Danica.
Sa Winterville High nakilala ng magkakaibigan si Katie.
Isinali ni Danica sa kanyang circle of friends si Katie rahil sa nakita niya sa mga mata nito nang una niya itong makilala. Naroon sa mga mata ni Katie ang desperasyon.
Desperasyong matanggap ng isang grupo at base sa nasilip ni Danica sa mga mata ni Katie ay naroon ang kagustuhang gagawin nito ang lahat para lamang matuwa ang mga tao sa paligid nito.
Malakas ang pakiramdam ni Danica na si Katie ang taong naghahanap ng validation at iyon ang ibibigay niya rito. At hindi nga siya nagkamali. Naging sunud-sunuran si Katie sa lahat ng kanyang mga utos.
Pagdating ng High School ay mas sumikat pa si Danica sa mga kamag-aral nito. Maliban sa pagiging anak ng isa sa mga shareholder ng school ay maganda rin si Danica.
Maganda rin ang hubog ng katawan ni Danica at bawat kilos niya ay talaga namang kaakit-akit. Maraming lalaki ang naakit sa isang Danica De Angeles.
At isa sa mga lalaking iyon ay si James Montellon, ang stepbrother ni Margaret.
Palihim na niligawan ni James si Danica rahil bukod sa alam ng lalaki na kaibigan siya ng stepsister nito ay iyon din ang gusto ni Danica na mangyari.
Kahit hindi malapit si Danica sa kanyang ama ay ilang beses siya nitong pinagsabihan na huwag munang papasok sa pakikipagrelasyon hanggang hindi pa nakakatapos ng pag-aaral, lalo na nga at hindi naman ganoon kaganda ang kanyang mga grado sa school.
Ngunit sadyang mahal ni Danica si James kaya naman matapos ang tatlong linggong panliligaw nito sa kanya ay sinagot na niya ito. Pinanatili nilang lihim ang kanilang relasyon hanggang sa makaabot sila ng Fourth Year High School.
Noong panahon ding iyon ay mas lumala ang mga pinaggagagawa ni Danica sa loob ng school.
Dahil sa hindi nakaranas ng pagmamahal si Danica mula sa kanyang ama ay may nabuhay na apoy sa kanyang puso na dala-dala niya hanggang makatuntong siya ng High School.
Apoy ng kagustuhang makita rin sa ibang tao ang sakit na kanyang nararamdaman dulot ng mga taong malalapit sa mga ito.
At dahil sa tulong ng mga kaibigan ni Danica ay naisakatuparan niya ang pag-awayin ang mga malalapit na magkaibigan, ang mga magkasintahan, at kahit ang mga magkapatid at mga magkakamag-anak sa Winterville High.
Marami ang naghihinala na ang grupo ni Danica at ng kanyang mga kaibigan ang dahilan ng mga alitan sa Winterville High, ngunit dahil sa maimpluwensyang tao ang ama ni Danica at maging ang pamilya ng kanyang mga kaibigan na sina Janine, Margaret, at Nicolai kaya walang naglalakas-loob na kalabanin ang kanilang grupo.
At ang kagustuhang pag-awayin ang mga tao ay umabot hanggang sa mga kaibigan ni Danica katulad nang ginawa niyang pagtapatin sa Nomination for Class Muse ang kaibigan niyang sina Sharmaine at Princess.
Si Princess ang laging hinihirang na Class Muse kahit noong nasa Elementarya pa lamang sila rahil talaga namang maganda ito. Pagdating nang Second Year at Third Year High School ay wala nang kumalaban sa posisyon nito bilang Class Muse.
Kaya naman pagdating ng Nomination for Class Muse noong Fourth Year High School na sila ay naisipan ni Danica na i-nominate si Sharmaine para paglabanin ang kanyang dalawang kaibigan lalo na at alam niyang magkatunggali rin sina Sharmaine at Princess pagdating sa pagiging First Honor kahit noon pa man.
At ibang kasiyahan ang naramdaman ni Danica nang si Sharmaine ang hiranging Class Muse nang taong iyon na alam niyang hindi ikinatuwa ni Princess.
Sa mga ganitong pagkakataon na may nag-aaway na malalapit na tao sa isa't isa nang dahil kay Danica ay nakararamdam siya ng ibang kasiyahan.
Doon lamang nararamdaman ni Danica na hindi siya nag-iisa sa kanyang pakiramdam na hindi siya mahal ng taong dapat ay nagmamahal sa kanya, ang kanyang ama.
Nang mga sumunod na buwan matapos ang Nomination for Class Muse na iyon ay napapansin ni Danica ang mga palihim na pagsulyap ng kanyang kasintahan na si James sa kanyang kaibigang si Sharmaine.
Ang mga tinging ipinupukol ni James kay Sharmaine ay katulad ng mga tinging ipinupukol ng kasintahan ni Danica sa kanya noon bago siya nito niligawan.
Nagsimulang manibugho si Danica kay Sharmaine rahil pakiramdam niya ay inaagaw nito ang atensyon ng lalaking nag-iisang nagmamahal sa kanya.
At lalong nanibugho si Danica kay Sharmaine nang makumpirmang may lihim itong pagtingin sa kasintahan niyang si James.
Naalala pa ni Danica kung paano siyang nagpanggap na kilig na kilig habang nakatitig si James kay Sharmaine nang minsang maglaro ito ng basketball sa school gymnasium kasama ang mga kaibigan nito at si Danica naman at ang kanyang mga kaibigan ay nakatambay sa bleachers ng school gymnasium.
Palihim na siniko ni Danica si Sharmaine habang nakatanaw silang dalawa kay James. Naglalaro ng basketball sa malawak na school gymnasium ng Winterville High ang lalaki kasama ang mga kaklase at kabarkada nito.
Danica: Gosh, Sharmaine. Sumusulyap pa sa 'yo si James bago mag-shoot. Sabi ko sa 'yo ay crush ka niyang lalaki na 'yan.
Nakita ni Danica kung paanong pinamulahan ng mukha si Sharmaine.
Sharmaine: Huwag mo nga akong paasahin, Danica.
Pigil na pigil si Danica na sabunutan si Sharmaine nang mga oras na iyon at pinipilit na maging kalmado.
Danica: Aasa? Bakit ka naman aasa, Sharms? Ikaw, ah.
Pabiro pang hinampas ni Danica si Sharmaine sa kaliwang balikat nito kahit gusto na niya itong itulak at magpagulung-gulong ito sa bleachers ng school gymnasium.
Sharmaine: Ano, kasi, ahm, Danica, crush ko si James. Matagal na. Kahit noong nasa Elementarya pa lang tayo at ipakilala siya sa atin ni Margaret.
Ibinulong lang iyon ni Sharmaine kay Danica para hindi marinig ng iba nilang kaibigan.
May paghawak-hawak pa si Sharmaine sa magkabilang pisngi nito rahil parehong namumula ang mga iyon.
Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ni Danica para hindi lalong papulahin ang mga pisngi ni Sharmaine sa pamamagitan nang pagsampal niya rito.
Kaya isang masamang plano ang naisipang gawin ni Danica para patunayan sa kanyang sarili na siya pa rin ang mahal ng kasintahang si James.
Gumawa ng isang eskandalo si Danica kung saan may pinag-away siyang dalawang magkaibigan at sinigurado niyang madadawit ang pangalan ng kanyang kaibigang si Margaret.
Dahil sa eskandalong iyon ay labis na nag-alala si James para sa stepsister nito, ngunit nangako ang girlfriend nitong si Danica na tutulong ito sa paglinis ng pangalan ni Margaret kung gagawin nito ang iuutos ni Danica.
Napapayag ni Danica ang kasintahang si James na gawin ang kanyang ipinag-uutos na ligawan nito si Sharmaine kapalit ng paglilinis ni Danica sa pangalan ng kapatid nitong si Margaret.
Sinabi ni Danica sa boyfriend na si James na kailangang mapasagot nito sa panliligaw nito si Sharmaine sa mismong seventeenth birthday ng kanyang kaibigan at hihiwalayan din kinabukasan sa mismong High School graduation nila sa harapan ng maraming tao at doon ay aaminin ni James sa lahat na siya ang totoong mahal nito.
Gusto ni Danica na makitang may isang taong ipinagsisigawan kung gaano siya kamahal nito at gusto niya ring makitang nasasaktan ang Little Miss Perfect na si Sharmaine.
Tamang-tamang pagkakataon na rin ito para saktan si Sharmaine dahil nagsisimula na ring mainis si Danica rito rahil madalas siyang ikumpara ng kanyang ama rito rahil sa pagiging matalino nito.
Isa pa ay ibang klase ang ipinaparamdam na concern ng kapatid ni Danica na si Nate kay Sharmaine.
Gustong isipin ni Danica na may lihim na pagtingin ang kapatid na si Nate kay Sharmaine kung hindi lang niya alam na hindi ito ang tipo ng babae ng kanyang kapatid.
Ang alam ni Danica na tipo ng babae ni Nate ay iyong katulad ng kanyang kaibigang si Gabbie. Kaya kung magkakaroon ng interes ang kanyang kapatid sa isa sa kanyang mga kaibigan, paniguradong kay Gabbie iyon at hindi kay Sharmaine.
Kaya naman matapos linisin ni Danica ang pangalan ni Margaret ay agad na niligawan ni James si Sharmaine.
Ngayon nga ay aayusin ni Danica ang hindi pagkakaintindihang naganap sa kanilang magkakaibigan noong Junior-Senior Prom.
Malapit na ang seventeenth birthday ni Sharmaine at gusto ni Danica na maramdaman ng kaibigan ang sobrang kasiyahan sa kaarawan nito kasama silang lahat na mga kaibigan nito bago ang matinding pasabog na inihanda nilang dalawa ni James para kay Sharmaine sa kanilang High School graduation.
Humingi ng pasensya si Danica sa kanyang mga kaibigan dahil sa ginawa niyang pang-iinsulto sa suot na gown ni Princess na kapareho ng suot na gown ni Sharmaine noong Junior-Senior Prom nila nang nakaraang taon.
Totoo namang parehong-pareho talaga ang dalawang gowns at baka totoo ang sinabi ng kaibigang si Janine na isang obra maestra ang tingin ng kanilang kaibigan na si Nicolai kay Princess.
Na itinutulad ni Nicolai si Princess sa ayos ni Sharmaine para ipamukha kay Sharmaine na mas bagay kay Princess ang mga uri ng damit na isinusuot ni Sharmaine at mas akmang tingnan kay Princess ang mga uri ng kagamitang ginagamit ni Sharmaine.
Tingin ni Danica ay may lihim na pagtingin si Nicolai kay Princess at apektado ito sa kompetisyon na namamagitan kina Sharmaine at Princess.
At nang dumating nga ang seventeenth birthday ni Sharmaine ay isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap na nagpagimbal kay Danica.
----------
*Present*
Napatingin si Danica sa kanyang phone nang marinig na tumunog iyon.
Nakatanggap si Danica ng isang mensahe mula kay Dominic. Ang lalaking lagpas isang taon nang nanliligaw sa kanya.
Nakilala ni Danica si Dominic sa isang charity work na kanyang sinalihan noon. Pareho silang volunteers ni Dominic nang panahong iyon. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa niligawan siya ng lalaki.
Ngunit sadyang iba ang itinitibok ng puso ni Danica. Hanggang ngayon ay si James pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.
Si James na stepbrother ng kanyang kaibigang si Margaret.
Naalala pa ni Danica ang naging usapan nila ni Margaret nang magpunta sila sa malaking bahay ng kaibigan nilang si Janine at ng asawa nito para sa isang get-together kanina.
Margaret: Ikaw naman kasi, ayaw mo pang sagutin si Dominic. Taon nang nanliligaw sa iyo 'yon, ah. Naka-focus ka masyado sa charity works na hindi mo na binibigyang-pansin ang love life mo.
Tumingin si Danica kay Margaret at mahinang tumawa.
Danica: Well, charity work is my way of giving back sa lahat ng blessings na natatanggap ko.
Bigla ay lumungkot ang mukha ni Danica at mahinang bumulong.
Danica: Para makabawi.
Maya-maya ay kinumusta ni Danica si James kay Margaret.
Danica: How's James? Bakit hindi mo siya isinama?
Lumungkot ang mga mata ni Margaret pagkarinig sa pangalan ng stepbrother.
Napabuntung-hininga si Margaret.
Margaret: He's fine, Danica. Busy lang sa pagma-manage ng company.
Tumango si Danica.
Pero alam ni Danica ang totoo. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Margaret.
Sigurado si Danica na hanggang ngayon ay malungkot pa rin si James dahil sa biglaang pagkawala ni Sharmaine.
Doon napatunayan ni Danica na matagal na siyang wala sa puso ni James at si Sharmaine na ang itinitibok ng puso nito.
Kahit wala na si Sharmaine ay mahal pa rin ito ni James.
At alam ni Danica sa sarili na siya at ang kanyang mga kaibigan ang dahilan nang pagkawala ni Sharmaine.
Dahil kay Danica at sa kanyang mga kaibigan kaya nahihirapan ang kalooban ni James, ang kalooban ng kanyang lalaking minamahal.
Nasasaktan si Danica at nagagalit sa kanyang sarili na siya ang dahilan kung bakit naghihirap ang kalooban ni James magpasahanggang-ngayon.
At ang pagsali sa iba't ibang charity works ang nakikitang paraan ni Danica para makabawi sa lahat ng kanyang mga naging kasalanan sa mga taong pinag-away-away niya rati, sa kanyang iniibig na si James, at sa kanyang kaibigang si Sharmaine.
After all these years ay itinuturing pa ring kaibigan ni Danica si Sharmaine.
Bigla na lamang naramdaman ni Danica ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Danica: I'm so sorry, Sharmaine. I'm really sorry.
----------
to be continued...