THIRD PERSON POV
De Angeles Mansion Study Room…
Gabbie: Marge, I know you love your brother. And not just as a brother, but as a man.
Gulat na napatingin si Margaret kay Gabbie.
Margaret: What are you…
Gabbie: Come on, Margaret. I can see it in your eyes. I know the feeling because I'm also in love with an older guy. I'm in love with…Nate. But…he loves someone else.
Nagulat si Margaret sa sinabi ni Gabbie. Ang alam nilang magkakaibigan ay crush lamang ni Gabbie ang kuya ni Danica. Napansin ni Margaret ang pangingilid ng luha ni Gabbie.
Gabbie: I'm sorry. I have to pee.
Naiwan si Margaret sa study room na tahimik na lumuluha. Hindi matanggap na boyfriend na ni Sharmaine ang kanyang stepbrother.
----------
Winterville High Library…
Danica: You've done the deal, babe. I can't believe you did it. Napasagot mo ang Little Miss Perfect. Bravo! Hindi ko akalain na magagawa mo. Para sa kapatid mo ay ginawa mo ang isang bagay na alam mong makasasakit sa taong mahal mo. Come here, babe. Get your price. Hindi ko naman nakalimutan ang napag-usapan natin. Pero kailangan mo pa ring tapusin ang plano bukas. Okay?
Lumapit ang lalaking kausap ni Danica sa kanya. Unti-unting hinubad ni Danica ang kanyang jacket. Kumapit siya sa batok ng lalaki at hinalikan ito.
Danica: Mmm… Sa iyo ako ngayon, babe. Alagaan mo ang puso ko.
At muling hinalikan ni Danica ang lalaki.
----------
De Angeles Mansion Powder Room…
Gabbie: Argh! Nakakainis! Bakit ba ako naiiyak? Dapat ngayon ay tanggap ko ng iba ang mahal ni Nate at hindi ako 'yon. Kainis talaga!
Iginala ni Gabbie ang paningin sa buong paligid ng powder room. Parang CR sa mall ang banyo na ito ng pamilya ni Danica. Sadyang ginawa para sa mga guest. Tatlo ang cubicle nito ngunit sarado ang isa. May naririnig siyang nag-uusap. Boses ng lalaki at babae.
Lalaki: Ginawa ko na ang gusto mo. Siguro naman ay pagbibigyan mo na ako.
Babae: Oo. Alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kung hindi rahil sa iyo ay hindi siguro matatanggap sa College ang kapatid ko. Kailangan niya ang academic scholarship na 'yon.
Lalaki: Hindi mo alam kung ilang tao ang kinasangkot ko para lang walang maging butas ang plano natin. Ginawa ko ang lahat para sa pagmamahal ko sa iyo.
Babae: Alam ko, babe. Alam ko…
Ilang minuto pang nakinig sa labas ng nakasaradong cubicle si Gabbie hanggang sa marinig niya ang isang bagay na ikinagulat niya. Napabulong siya sa sarili.
Gabbie: Oh my gosh! No. Hindi pwede 'to. Napakalaking eskandalo nito kapag nagkataon. Pero kailangang malaman ito ni Princess. Kailangang makausap ko siya.
Lumabas siya ng powder room. Pagkalabas niya ay nabunggo niya si Nate, ang kuya ni Danica.
Nate: Gabbie?
Magkasalubong ang kilay ni Nate.
Gabbie: Nate…
Nate: Anong ginagawa mo sa powder room?
Gabbie: Ah… Eh… Syempre…nag-CR. Ano ka ba naman, Nate?
Nate: Amoy-alak ka, ha? Pinainom ba kayo ni Danica?
Kinabahan si Gabbie. Matalim ang tingin ni Nate. Sa takot ay unti-unti siyang tumango.
Nate: Pasaway talaga 'yang batang 'yan! Ano bang okasyon at uminom kayo?
Gabbie: B-birthday ni Sharmaine.
Nate: Birthday ni Sharmaine? So…nandito si Sharmaine?!
Hinaklit ni Nate ang kaliwang braso ni Gabbie ng mahigpit.
Gabbie: Nate, na-nasasaktan ako. Bitiwan mo ko. H-hindi siya nakarating. H-hindi siya pinayagan ng Mama at Papa niya. Nagsi-celebrate kami para kay Sharmaine.
Nagsinungaling si Gabbie rahil natatakot siya sa maaaring gawin ni Nate. Pinakawalan ni Nate ang braso ni Gabbie. Tingin niya ay nagsasabi naman ito ng totoo.
Nate: Makakaalis ka na, Gabbie. Huwag kayong masyadong magpakalasing ng mga kaibigan mo. Graduation niyo na bukas. Baka hindi kayo makapag-martsa? Pupuntahan ko kayo mamaya. Okay? Oo nga pala. Lahat ng narinig mo sa powder room ay sa 'yo lang. Dahil alam kong may narinig ka. Kung hindi ay may mangyayaring masama.
Nanlilisik ang mga mata ni Nate. Nanlaki ang mata ni Gabbie sa narinig. Tumango siya at nagmamadaling bumalik sa dining area. Nakalimutan ng balikan si Margaret sa study room.
----------
De Angeles Mansion Dining Area…
Sharmaine: It is supposed to be a joyous celebration, but why do I feel so sad? Hindi ko gustong saktan si Margaret. Mahal ko si James. Noon pa man. Kaya noong niligawan niya ako ay natuwa ako. Hindi ko akalaing hindi matatanggap ni Margaret na maging kasintahan ako ng kuya niya. Nalulungkot din ako para kay Princess. Alam kong pangarap niya ang maging Valedictorian. Pero alam ko rin na ang karangalang ito ay makakatulong sa pag-ahon ko sa aking pamilya mula sa kahirapan. Nalulungkot ako sa mga nangyayari, Katie, Janine.
Nangingilid ang mga luha ni Sharmaine.
Janine: You don't have to feel bad, Sharms. Hindi mo ginusto ang mga nangyari. I know, eventually, matatanggap din nila ang mga bagay-bagay.
Katie: I do agree, Sharmie. *hik* Magkakaibigan *hik* tayo. Mananaig sa atin *hik* ang friendship over *hik* rivalry. Right, *hik* Janine?
Lasing na si Katie at halatang malapit nang bumagsak sa ibabaw ng table.
Tumango lamang si Janine sa tanong ni Katie.
Katie: Anyway *hik*, change topic tayo. Masyado ng emo *hik* at negative ang vibe *hik* at atmosphere dito. Kumustahin *hik* natin ang love life *hik* mo, Janine?
Tumawa ng mapakla si Janine.
Janine: Oh well. Monthsary namin ngayon ni Marco. Pero, hayan, hindi nagti-text simula pa kanina. Funny, pareho pa ang monthsary date namin ni Sharms, since kanina niya sinagot si James. Exactly one month after nang sagutin ko si Marco.
Napatawa nang mahina si Janine. Habang napangiti naman si Sharmaine nang maisip ang boyfriend.
Katie: Awww… So *hik* kilig!
Biglang tumunog ang phone ni Sharmaine. May nag-text sa kanya.
"I'm waiting for you, babe."
Kinabahan si Sharmaine sa text message na natanggap niya. Napalingon siya kay Janine na matamang nakatingin sa kanya. Nailang siya rito.
Gabbie: Guys! Nasaan si Princess?
Napatingin sina Sharmaine, Janine, at Katie sa humahangos na si Gabbie.
Katie: Why were you *hik* running so fast, Gabbie? Nakakawala *hik* ka ng poise. Hingal na hingal *hik* ka tuloy.
Gabbie: Tell me where Princess is.
Janine: At the backyard. Why?
Gabbie: None of your business.
Bago lumabas patungong bakuran ng mga De Angeles ay tinapunan ng masamang tingin ni Gabbie si Sharmaine na ikinagulat nito.
Katie: What's her *hik* problem? At bakit ba bigla-bigla na lang nawawala *hik* at sumusulpot ang mga tao rito? Hay! Nakakaloka. Uminom na *hik* nga lang tayo.
Tumayo si Sharmaine para sundan si Gabbie sa bakuran ng mga De Angeles. Naiwan niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dining table.
----------
De Angeles Mansion Backyard…
Nicolai: Princess, are you okay?
Hinihimas ni Nicolai ang likuran ni Princess. Pinapatahan niya ito sa pag-iyak mula pa kanina.
Princess: I'm sorry, Nico. Akala ko tanggap ko na, pero hindi pala. In-expect ng family ko na ako ang magiging Valedictorian ng batch natin. Masyado kaming umasa…at nasaktan, Nicolai.
Nicolai: Naiintindihan kita, Princess. Pero isipin mo na lang na may dahilan kung bakit nangyayari ito. Alam ko mahirap sa una, pero kailangan mong tanggapin.
Princess: Nico…mabuti at palagi kang nandiyan para sa akin.
Tumaas ang kamay ni Nicolai sa pisngi ni Princess at hinimas ito.
Nicolai: Lagi lang akong narito sa tabi mo, Princess.
Naiilang sa mga titig ni Nicolai si Princess. Iniwas niya ang kanyang mukha.
Princess: Nico…kung hindi ka lang babae…ay iisipin kong may gusto ka sa akin.
Tumawa si Princess at tumawa rin si Nicolai, ngunit hindi ito umabot sa kanyang mata.
Gabbie: Princess!
Napalingon sina Nicolai at Princess sa humahangos na si Gabbie.
Princess: Gabbie?
Nicolai: Anong nangyari? Bakit humahangos ka?
----------
to be continued...