CHAPTER 1

1912 Words
THIRD PERSON POV Naka-blindfold ang dalagitang si Sharmaine papasok sa mansyon ng mga De Angeles habang inaalalayan ni Nicolai ang kanyang dalawang kamay. Sharmaine: Saan mo ba ako dadalhin, Nico? Sabi mo ay magkikita-kita tayong magkakaibigan ngayon sa bahay nina Princess para sa kaarawan ko. 'Yon ang ipinaalam ko kina Mama at Papa kanina. Baka mag-alala ang mga iyon? At saka ang sakit na ng mga mata ko. Kanina pa ako naka-blindfold, Nico. Nicolai: Huwag kang mainip, Sharms. Malapit na tayo. Tuloy-tuloy lang ang pag-alalay ni Nicolai kay Sharmaine hanggang sa tanggalin na nito ang piring sa mga mata ni Sharmaine. "SURPRISE!!!" Nabigla si Sharmaine sa kanyang nakita. Nasa dining room siya ng mga De Angeles at nakapaligid sa isang mahabang table ang kanyang anim na kaibigan. Nasa tabi naman niya si Nicolai. Ang paligid ay napapalamutian ng mga makukulay na lobo at mga bulaklak. Punung-puno ang mahabang table ng pagkain. May mga cake, spaghetti, pancit, salad, maja blanca, biko at kung anu-ano pang mga masasarap na pagkain. May malaking banner pa na nakasabit sa dingding at may lettering na "Happy 17th Birthday, Sharmaine!". Danica: Hey! Mukha kang nakakita ng multo riyan, Sharmaine. Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa namin sa 'yo? Happy 17th birthday, my friend! Nilapitan ni Danica ang namamanghang si Sharmaine at niyakap ito. Danica: We granted one of your wishes on your wish list. Enjoy the night, Sharms! Muling niyakap ng mahigpit ni Danica ang kaibigan saka niya iginiya si Sharmaine sa harap ng isang cake na umabot sa tatlong layer. Nanlalaki pa rin ang mata ni Sharmaine sa kanyang mga nakikita. Margaret: Tatayo ka na lang ba riyan, Sharms? Blow your candles na. But not before you make a wish. Ngumiti ng matamis si Margaret sa birthday celebrant. Katie: Whatever, Margaret! Just let Sharms blow the candles, so we can eat na. Super gutom na ko! Eksaheradong hinimas ni Katie ang flat nitong tiyan. Princess: Come on, Sharms. Hipan mo na ang mga candles bago pa matunaw ang mga 'yan. Sige ka. Masisira ang cake mo. Tinitigan ni Sharmaine ang dedication sa cake. "Happy 17th Birthday, Sharmaine - From your 7 besties", 'yan ang nakalagay na dedication sa chocolate cake na nakahain sa table. Hindi pa rin makapaniwala si Sharmaine sa kanyang nakikita. Narito siya ngayon kasama ang kanyang pitong best friends sa mansyon ng mga De Angeles. Ipinagdiriwang ang kanyang ika-17 na kaarawan. Ngayon niya lang naranasan ang magkaroon ng engrandeng selebrasyon para sa kanyang kaarawan. Gusto niyang maiyak sa tuwa. Tiningnan niya isa-isa ang kanyang mga kaibigan. Malalaki ang ngiti sa labi ng mga ito. Ang pitong taong nakasama niya ng tatlong taon sa high school. Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay bukod sa kanyang pamilya. Huminga siya ng malalim at pumikit bago humiling sa kanyang isip. Hiniling niya na sana ay mapahaba pa ang kanyang buhay para makasama pa niya ng matagal ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at hinipan isa-isa ang labimpitong kandila na nasa kanyang harapan. "YEY!!! Kainan na!" Katie: Finally! I'm so gutom na simula pa kaninang nagpe-prepare tayo for Sharms' birthday. Nakakaloka! Janine: Para namang napakarami mong naitulong, Katie. Eh, kulang na lang matulog ka roon sa sofa sa living room nina Danica. Katie: Whatever, Janine! Let's just eat na lang. Okay? Nagtawanan sila at isa-isa nang kumuha ng kanya-kanyang pagkain. Habang nagkakainan ay biglang tumayo si Danica at lumabas ng dining room. Danica: Excuse me. I'll just get something, guys. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Danica na may dala-dalang paper bag. May laman itong walong maliliit na boxes na may pangalan ng kanyang mga kaibigan. Isa-isa niya itong inabot sa kanyang mga kaibigan at itinira ang isa para sa kanya. Gabbie: What is it this time, Danica? Ano na naman 'tong pakulo mo? Don't tell me it's one of your little pranks again. Danica: No, Gabbie. Open it, guys. You'll like it. Isa-isang binuksan ng walong dalagita ang mga box na hawak nila. Naroon ang isang bracelet na mayroong malalaking bilog na beads. Walong bilog iyon na sinisimbolo silang walo. Ang bilog sa gitna ang nagsisilbing sentro ng kanilang pagkakaibigan. Katie: I kinda like it. It's cute. Nicolai: Masyadong pambabae ang itsura nito. Parang pa-tweetums. Margaret: I think it's fine, Nico. Maganda naman ang quality. Hindi mukhang cheap. Gabbie: Magugustuhan kaya ito sa akin ng kuya mo, Danica? Hmmm? Hindi pinansin ni Danica ang tanong ni Gabbie. Danica: Those bracelets are promise bracelet. It symbolizes our friendship. We all know that tomorrow is our Graduation Day. Hindi naman kaila sa atin ang posibilidad na magkakahiwa-hiwalay na tayo ng landas pagdating sa College. Pero ang mga bracelet na 'yan ang magkokonekta sa ating walo. Ipapaalala ng mga bracelet na 'yan na kahit anong mangyari ay may mga kaibigan tayong nakasuporta sa atin. Nakaalalay sa kahit anong landas na tahakin natin. Mahal ko kayong pito. Maaaring higit pa kaysa pamilya ko. Isa-isang tiningnan ni Danica ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Danica: Ngayong gabi ay mangangako tayo sa isa't isa na walang iwanan. Mangangako tayo na kahit anong mangyari ay hindi natin kakalimutan ang isa't isa. Makakaasa ba ako sa inyo, guys? Nagtitinginan ang walong magkakaibigan. Tinatantiya ang isa't isa. Janine: Who are we kidding here? It's Danica De Angeles who is asking all of us to make a promise in front of these stupid bracelets. You know the drill. We should say 'Yes'. Right, Danica? Napa-eyeroll si Danica. Danica: Don't be so sarcastic, Janine. Janine: I'm just kidding. Don't take it seriously. Nagkibit-balikat si Janine. Tumingin muli si Danica sa mga kaibigan niya at naghintay ng sagot. Nicolai: Okay. No problem. Margaret: Of course, Danica. Katie: Whatever, Danica. As if we have a choice. It's a yes. Gabbie: Yes. No big deal. Princess: Wala namang mawawala. Okay. Yes. Janine: I want to say 'No'. But, of course, I have to say 'Yes'. Napailing si Danica kasabay ng pagtingin kay Sharmaine. Hinihintay ng lahat ang sagot ni Sharmaine. Sharmaine: I really love the relationship we have, guys. Dahil sa inyo, natuto akong magtiwala muli. Dahil sa inyo, natuto akong magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya ko. Mahalaga kayo sa akin. I wouldn't trade what we have for the world. Yes na yes! Natawa ang lahat sa pagkampay ng kamay ni Sharmaine habang sinasabi ang 'Yes na yes'. Sabay-sabay na isinuot ng magkakaibigan ang kanya-kanyang bracelet sa kanilang palapulsuhan. Danica: Okay! Let's continue eating. You really made me happy tonight, guys. At nagpatuloy na sila sa pagkain. Patuloy ang kwentuhan at tawanan. ---------- 35 minutes later… Danica: Don't get yourself too drunk, guys. Lagot ako kay Daddy kapag nahuli niya tayong lasing na lasing. Malaki ang tiwala sa ating lahat ni Daddy kaya hinahayaan niya kong magpa-party dito sa bahay. Swerte pa nga at out of town si Daddy. Paghahanda para sa nalalapit na eleksyon. Tumingin si Danica kina Sharmaine at Janine. Danica: Are you sure ayaw niyong uminom, Sharms, Janine? Janine: I don't drink, Danica. Sharmaine: Alam niyo namang pagagalitan ako ni Mama at Papa kapag nalaman nilang umiinom ako. Okay na ko sa juice, Danica. Thanks. Danica: Walang makakaalam, Sharms. You know, promise bracelet. Iniangat pa ni Danica ang bisig kung saan nakasuot ang promise bracelet nito. Sharmaine: Thanks, but no thanks, Danica. Sana maintindihan mo. Nagkibit-balikat si Danica. Danica: Oh well, hindi kita pipilitin. Wait, kumusta na pala ang panliligaw sa 'yo ni James? Sinagot mo na ba siya? Lahat ng mga kaibigan ni Sharmaine ay interesadong malaman ang estado ng panliligaw ni James sa kanya. Napayuko si Sharmaine. Parang nahihiya at namumula siya. Gabbie: Come on, Sharms. Tayo-tayo lang ang nandito. Para ka namang others. Nag-eye-roll pa si Gabbie matapos sabihin ang linyang iyon. Katie: OMG! Don't tell me na isinuko mo na ang Bataan. Tiningnan ng masama ni Margaret si Katie. Katie: Oops! Sorry. Margaret: Hindi magagawa ni James 'yon. Kilala ko siya. Janine: Oo nga pala. Kapatid mo siya. Kaya kilalang-kilala mo siya. Sarkastiko ang tono ng boses ni Janine. Margaret: Sarcastic. May I remind you, Janine, he is my stepbrother. Janine: Still. Magkapatid pa rin kayo kahit hindi kayo magkadugo. Ayaw mo ba siyang tawaging kapatid, ha, Margaret? Margaret: Don't start, Janine. Janine: Why? I'm just asking. Nagtagisan ng tingin sina Janine at Margaret. Danica: Come on. Stop it, guys. We're celebrating Sharmaine's birthday here. Don't argue over petty things. So, Sharmaine, have you? Tumingin si Sharmaine kay Danica at unti-unting tumango. Nahihiya siyang sumagot. Sharmaine: Oo. Kanina lang. Danica: Oh! Finally! I'm so happy for you, Sharmaine. Pumalakpak pa si Danica dahil sa tuwa. Sharmaine: Thanks. Nagpalakpakan na ang lahat para kay Sharmaine, maliban kay Margaret. Umiiling ito. Margaret: I can't believe it, Sharmaine. Sinagot mo si James?! Janine: Are you deaf, Marge? She just said 'Yes'. Margaret: Shut up, Janine! Janine: Why? Hindi mo ba matanggap na may makakahati ka na sa attention ng stepbrother mo? Come on, Margaret. Sharms is our friend. A best friend! Mariing umiling si Margaret. Margaret: Ugh! I can't take this! Tumayo si Margaret at lumabas ng dining area. Sumunod sa kanya si Gabbie. Tatayo sana si Sharmaine para sumunod ngunit hinatak siyang paupo ni Danica. Danica: Hayaan niyo siya. Pasasaan ba at matatanggap niya rin ang relasyon nina James at Sharmaine. Nabibigla lang siya sa ngayon. Alam niyo naman kung gaano ka-close ang dalawang iyon. Princess: Napakaswerte mo, Sharmaine. Buo ang pamilya mo. May boyfriend kang nagmamahal sa 'yo. Marami kang friends. At…ikaw ang tatawaging Valedictorian bukas sa graduation natin. Napalingon si Nicolai kay Princess. Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. Tumayo siya para yakapin ito, ngunit nauna na itong tumayo palabas ng bakuran ng De Angeles. Hindi nito mapigilang mapaiyak. Sinundan siya ni Nicolai. Nag-aalalang napatingin si Sharmaine sa pintong nilabasan nina Princess at Nicolai. Danica: Don't mind her, Sharmaine. Hindi pa lang siguro niya matanggap na hindi siya ang naging Valedictorian ng batch natin. Napayuko si Sharmaine. Hindi niya gusto ang mga nangyayari. Parang kanina lang ay ang saya-saya nila. Ngunit ngayon ay parang ang lungkot na ng vibe. It must be the alcohol. Janine: You can't blame Princess, Danica. Consistent siyang First Honor simula noong First Year tayo hanggang Third Year. Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka nakapanakit na ako ng tao. Nagulat si Sharmaine sa sinabi ni Janine. But Janine is Janine. Diretsahan talaga itong magsalita. Danica: Tama na 'yan, Janine. Huwag mo nang gatungan. It's Sharmaine's birthday. Okay? Biglang nag-ring ang phone ni Danica. Sinagot niya ito. Danica: Hello? Yes. Okay. I'll be there. Ibinulsa na ni Danica ang kanyang phone. Danica: Guys, excuse me. I have to meet someone. Mabilis lang ako. Kumain lang kayo nang kumain. Si Kuya Nate ay nasa kwarto niya kung may kailangan kayo. Pero hindi niya alam na may mga bisita ako, kaya magugulat 'yon kapag nagpakita kayo sa kanya. Tell the other girls I'm going to come back later. Napatayo si Sharmaine nang malamang lalabas si Danica ng mag-isa sa kalaliman ng gabi. Sharmaine: Mag-isa ka lang, Danica. Gabi na. Delikado sa daan. Sasamahan kita. Danica: No! Mariin ang pagtanggi ni Danica. Danica: I have to do this on my own, Sharms. See you later. Don't worry. I can manage this one. Pagdaan ni Danica sa living room ay hindi niya nadatnan doon sina Margaret at Gabbie. Nagkibit-balikat na lamang siya. Paglabas niya ng main door ay hindi niya rin napansin sa bakuran sina Princess at Nicolai. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD