THIRD PERSON POV
De Angeles Mansion Study Room…
Tuluy-tuloy pa rin ang pagluha ni Margaret.
Margaret: Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit?! Bakit, James?! I hate you! I hate you, Sharmaine!
----------
De Angeles Mansion Backyard…
Princess: No! Hindi totoo 'yan!
Gabbie: Totoo ang lahat ng sinabi ko, Princess. They are being unfair to you.
Princess: No! Kailangan kong makausap ang Principal. O kaya ang may-ari ng school. I need to go.
Tumakbo palabas ng gate ng mga De Angeles si Princess. Wala siyang pakialam kung gabi na at delikado sa daan. Sa pag-aalala ay sinundan siya nina Gabbie at Nicolai.
Hindi nila alam na narinig ni Sharmaine ang lahat ng sinabi ni Gabbie. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Sharmaine. Pinahid niya ang kanyang mga luha at nagbalik sa dining area. Nakasalubong niya si Janine na hawak ang phone niya.
Janine: Nakalimutan mo. Two messages received.
Nataranta si Sharmaine. Iniisip niya kung nabasa ba ni Janine ang message na natanggap niya kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone mula kay Janine.
In-open at binasa ni Sharmaine ang unang unread message.
"I'll wait for you."
Sunod naman niyang binasa ang second unread message.
"You need to meet me. NOW. I NEED YOU!"
Bumalik ang tingin ni Sharmaine kay Janine ngunit nakaupo na ulit ito sa dining table. Kinabahan siya. Pero kailangan niyang kitain ang taong makasasagot sa mga tanong niya sa mga bagay na narinig niya mula kay Gabbie.
Sharmaine: Guys, I have to go.
Nagmamadaling lumabas ng mansion si Sharmaine. Hindi na niya hinintay pang makasagot sina Janine at ang lango na sa alak na si Katie.
Hindi na rin niya napansin ang mga matalim na matang nakatingin sa kanya nang siya ay lumabas ng main door.
----------
At one of the streets in Winterville City…
Nakasunod kay Princess sina Gabbie at Nicolai habang naglalakad ito ng mabilis.
Gabbie: Sigurado ka ba sa plano mong ito, Princess? Iskandalo ito kapag nagkataon. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na sinabi ko sa 'yo. Binantaan ako ni Nate na huwag sasabihin ang narinig ko. Pero kaibigan kita. I don't want to be unfair to you.
Princess: Mali ang ginawa nila sa akin, Gabbie. Maling-mali! Alam mo 'yan!
Nanginginig sa galit si Princess. Kinakapa niya sa bulsa ang baong nebulizer. Humithit siya para pakalmahin ang sarili.
Mula sa di-kalayuan ay napansin ni Nicolai ang kotse ni Marco, ang kasintahan ni Janine. Nakabukas ang bintana ng passenger seat at nakita niya si Danica.
Nicolai: Si Danica 'yon, ah.
Gabbie: Are you sure, Nico? Paano naman siya mapupunta sa kotse ni Marco? Parang aso't pusa ang dalawang 'yon, 'di ba?
Nicolai: Sigurado ako sa nakita ko, Gabbie. Nakita mo ba…Princess?
Bigla na lamang nawala si Princess. Hindi napansin nila Gabbie at Nicolai iyon dahil sinundan nila ng tingin ang kotseng pagmamay-ari ni Marco na tinatahak ang daan patungong De Angeles mansion.
Gabbie: Saan siya nagpunta, Nico?
Nicolai: Hindi ko alam. Nandito lang siya kanina. Maghiwalay tayo. Hanapin natin siya.
Naghiwalay ng landas sina Nicolai at Gabbie para hanapin si Princess. Kinakabahan si Nicolai sa maaaring gawin ni Princess.
----------
De Angeles Mansion Dining Area…
Katie: Hindi ko na kaya *hik* ang kalasingan, Janine. Mmm…
Blag!
Tuluyang bumagsak sa mesa ang ulo ni Katie. Ch-in-eck mabuti ni Janine kung tulog na nga ba talaga sa kalasingan si Katie. Nang masiguradong lasing na lasing na ito at hindi na magigising ay agad-agad na tumawag siya sa kanyang phone.
Janine: What happened? Hmmm? Tell me! What have I done to deserve this?! You don't mess with Janine Bolivar! You won't get away from this. I'm telling you. I'm telling you!
Nanggigigil na in-off ni Janine ang kanyang phone at tinitigan ang tulog na si Katie.
----------
Inside Marco's car…
Mysterious guy: I love her, Danica.
Danica: What?! Who?!
Mysterious guy: Sharmaine. Sharmaine Bustos. That's why I'm backing out from the plan.
Danica: You're not serious, right? Pagkatapos kong…
Mysterious guy: I'm dead serious, Danica.
Danica: But how about your revenge on your brother?
Naiiyak na si Danica.
Mysterious guy: Half-brother.
Danica: Kahit ano pa man. Kailangan mong ituloy ang plano. Two birds in one stone ang mangyayari kapag itinuloy mo ang plano. Mapoprotektahan mo ang isa mong kapatid at magagantihan mo naman ang isa mo pang kapatid. Come on! Mag-isip ka naman!
Halos maghisterya na si Danica.
Mysterious guy: It's final. Non-negotiable.
Danica: Argh!
----------
Sa kailaliman at katahimikan ng hatinggabi ay may isang bangkay ng dalagita ang hila-hila ng isang tao patungo sa bakuran ng mga De Angeles. Puro pasa ang mukha ng babae at mapapansin ang laslas sa palapulsuhan nito.
----------
De Angeles Mansion…
Dali-daling pumasok si Danica sa loob ng mansyon. May taong hinahanap. Dumiretso siya sa dining area. Ginising ang dalawang taong naroon.
Danica: Katie! Janine! Gumising kayo. Nasaan si Sharmaine?
Medyo lasing pa na gumising sina Katie at Janine.
Danica: I thought hindi umiinom si Janine.
Katie: Mmm… What time is it, Danica?
Danica: 12:15 midnight. Where's Sharmaine?
Umiling si Katie.
Katie: I don't know.
Janine: Nagmamadali siyang umalis kanina.
Maingat na inayos ni Janine ang nagulong buhok.
Danica: Lumabas siya? Oh my…
Dire-diretsong tumungo sa main door si Danica. Pagbukas niya ay saktong pagdating nina Nicolai at Princess.
Danica: Kasama niyo ba si Sharmaine?
Princess: I don't want to talk about her, Danica. Please.
Makikita ang galit sa mata ni Princess.
Danica: What?!
Nicolai: Hindi namin siya kasama, Danica.
Gabbie: What's the commotion, guys?
Sabay-sabay na napalingon sina Danica, Nicolai, at Princess kay Gabbie na bumababa ng grand staircase ng mga De Angeles.
Nicolai: Nakabalik ka na agad, Gabbie?
Manghang tanong ni Nicolai kay Gabbie.
Gabbie: Napagod ako sa paghahanap kay Princess. Mukha namang nakita mo na siya, Nico.
Kalmadong sagot ni Gabbie.
Lumabas na rin ng dining room sina Katie at Janine.
Danica: I don't understand this. Where is Sharmaine…and Margaret?
Gabbie: Oh my effin' gosh! I've already forgotten about Margaret. She's in the study room. Let's go!
Dire-diretsong nagtungo sa study room ang anim na magkakaibigan at doon ay natagpuan nila si Margaret na umiiyak. Nakaluhod sa harap ng isang bangkay.
Parang nawala ang dugo nila sa kanilang nasaksihan. Si Sharmaine ay nakahiga sa sahig ng study room. Puno ng pasa ang mukha at wala ng malay. May laslas ang kanang pulso. Wala na roon ang promise bracelet na ibinigay ni Danica.
Biglang nawala ang kalasingan ni Katie at napanganga sa nakita. Unti-unting tumulo ang mga luha niya. Napayakap naman si Princess kay Nicolai rahil nanghihina ang mga tuhod niya. Nahihirapan siyang huminga. Pinipilit naman ni Nicolai ang magpakatatag. Wala namang makikitang emosyon sa mga mata ni Gabbie. Nanatiling tahimik lamang si Janine at animo'y nag-iisip ng mataman. Shocked si Danica at nang maka-recover ay…
Danica: SHARMAINE!!!
----------
to be continued...