THIRD PERSON POV
*Past*
Pigil na pigil si Margaret na maningkit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kanyang kaibigan na si Sharmaine na masayang nagme-merienda kasama ang kanyang stepbrother na si James sa loob ng canteen. Hindi pa rin siya makapaniwalang nanliligaw ang kanyang stepbrother sa kanyang kaibigan. Hindi niya matanggap na may nakakahati na siya sa atensyon ni James. Ang atensyon na inilalaan lang nito sa kanya rati.
At nagseselos si Margaret.
Bata pa lamang si Margaret nang pumanaw ang kanyang ina rahil sa isang malalang sakit. Nasaksihan niya kung paanong nangulila ang kanyang ama rahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Gabi-gabi itong naglalasing pagkauwi galing trabaho. Halos mapabayaan na siya sa pangangalaga ng kanyang tita na kapatid ng kanyang namayapang ina.
Hanggang sa makilala ng ama ni Margaret ang biyudang ina ni James. Nahulog ang loob ng biyudo at biyuda sa isa't isa. Makalipas ang ilang buwan ay nagpakasal sila at tumira sina Margaret at ang kanyang ama sa malaking bahay nina James at ng ina nito. Unang pagkikita pa lang nina Margaret at James ay magaan na agad ang loob ni Margaret sa kanyang stepbrother. Naging malapit sila sa isa't isa.
Ilang taon matapos ang kasal ay pumanaw ang ina ni James. Ang sabi ay inatake ito sa puso. Ang winery business na naiwan nito ay pinamahalaan na ng naiwang asawa, ang ama ni Margaret at stepfather ni James.
Muling nasaksihan ni Margaret kung paanong nagdusa ang kanyang ama rahil sa pagkamatay ng pangalawang asawa. Dahil sa pagkamatay ng ina ay mas naging malapit si James sa stepsister nitong si Margaret. Kay Margaret ito naglalabas ng sama ng loob. Kay Margaret ito umiiyak at sa stepsister din ito unang nagkukwento kapag may nangyayaring maganda sa araw nito. Gayundin si Margaret. Lahat ng mga masasaya at malulungkot na sandali sa kanyang buhay ay si James ang unang nakakaalam.
Habang lumilipas ang panahon ay mas naging malapit sina Margaret at James sa isa't isa na halos hindi na sila mapaghiwalay. Hanggang makilala ni Margaret ang mga bagong kaibigan niya na sina Danica, Gabbie, Janine, Katie, Nicolai, Princess, at Sharmaine ay hindi nawala ang closeness nilang magkapatid. At kahit nagkaroon ng mga bagong kakilala at kabarkada si James ay hindi nawala ang atensyon na ipinupukol nito sa kanya.
Hanggang sa nakuha ng kaibigan ni Margaret na si Sharmaine ang atensyon ni James.
Lihim na iniibig ni Margaret ang stepbrother na si James. Oo, sa sobrang pagiging malapit nilang dalawa sa isa't isa ay hindi napigilan ni Margaret ang sariling mahulog ang loob sa kanyang stepbrother. Sa una akala niya ay isang malaking paghanga lamang ang nararamdaman niya para sa kapatid, ngunit sa tuwing nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lalo na si Sharmaine, ay napupuno ang puso niya ng panibugho.
Sumasakit ang dibdib ni Margaret sa kaalamang si Sharmaine ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ay sumisilip-silip si James sa loob ng classroom nila. Tatawagin nito si Sharmaine at kapag lumingon ang kanyang kaibigan sa kanyang kapatid ay kakaway si James dito na may kasamang matamis na ngiti. Nakikita ni Margaret kung paanong pamulahan ng mga pisngi si Sharmaine kaya sigurado siyang may gusto rin si Sharmaine sa kanyang stepbrother.
Minsan ay nasisilip ni Margaret si James sa kwarto nito na nagsusulat ng love letters at umaasa siyang sa kanya nito ibibigay ang mga iyon. Ngunit nadi-disappoint siya kinabukasan kapag nakikita niya ang love letters na nakaipit sa locker ni Sharmaine. Alam na alam niya ang kulay ng papel na pinagsusulatan ni James ng love letters na ginagawa nito.
Minsan ay sumasabay si James maglakad pauwi sa kanilang magkakaibigan at makikita niyang nag-uusap ang kanyang kapatid at si Sharmaine sa bandang likuran. Halatang nagbubulungan ang dalawa at ayaw iparinig sa kanya at iba pa niyang mga kaibigan ang pinag-uusapan.
At ngayon nga ay nakikita na naman ni Margaret sina Sharmaine at James na magkasama. Nilalamon ng selos ang kanyang buong sistema. Narinig niyang nagsalita sa kanyang tabi ang kaibigang si Janine.
Janine: They look good together. James and Sharmaine.
Nilingon ni Margaret si Janine at tiningnan ng masama.
Janine: What? I'm just telling the truth. You should be happy for your brother. Hindi 'yong ikaw lagi ang babaeng kasama niya. Baka isipin pa ng ibang tao na...
Sadyang ibinitin ni Janine ang sasabihin at tumingin ng nakakaloko kay Margaret. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niyang parang palaging nagpapahaging si Janine tungkol sa totoong damdamin niya para kay James. Nakikita niya sa mga mata nito ang pang-aasar at naiinis siya roon dahil hanggang maaari ay gusto niyang walang makaalam na mahal niya si James. Gusto niyang sabihin iyon sa tamang panahon kung kailan hindi na isang kapatid ang tingin sa kanya ni James.
----------
*Present*
Sinilip ni Margaret sa loob ng cellar si James. Tulad nang nagdaang mga gabi ay naglalasing ito. Simula nang kumalat ang balitang nawawala si Sharmaine ilang taon na ang nakalipas ay hindi na nakakausap ng matino si James. Lagi itong galit at aburido. Hanggang sa makapagtrabaho na ito ay ganoon pa rin. Walang makatibag ng pader na iniharang nito sa sarili.
Sa tuwing sinusubukan ni Margaret na kausapin si James ay lagi siya nitong sinisigawan at sinisisi siya at ang iba pa niyang kaibigan sa pagkawala ni Sharmaine. Inasahan niyang mas magiging malapit silang dalawa sa pagkawala ni Sharmaine tulad nang nangyari noong pumanaw ang ina ni James. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Lumayo ang loob ni James sa kanya lalo na at nalaman nitong sila ng mga kaibigan niya ang huling kasama ni Sharmaine bago ito mawala.
Dahan-dahang isinara ni Margaret ang pinto ng cellar at umakyat sa itaas ng malaking bahay patungo sa kanyang kwarto. Sa loob ng kanyang kwarto ay hindi niya mapigilang sisihin sa isip si Sharmaine dahil ito ang dahilan kung bakit galit si James sa kanya. Kahit patay na ito ay ginugulo pa rin ang buhay niya.
Muling pumasok sa isipan ni Margaret ang gabing iyon.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagluha ni Margaret sa loob ng study room ng malaking bahay ng pamilya ng kaibigang si Danica. Iniinda niya ang sakit ng katotohanang magkarelasyon na ang kanyang stepbrother na si James at ang kaibigang si Sharmaine.
Margaret: Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit?! Bakit, James?! I hate you! I hate you, Sharmaine!
Ilang minutong umiyak lang nang umiyak si Margaret hanggang sa maisipan na niyang lumabas ng study room at kausapin si Sharmaine. Ngunit saktong paglabas niya ng study room ay ang paglabas din ni Sharmaine sa main door ng malaking bahay. Hindi napansin ni Sharmaine ang mga matalim na mata ni Margaret na nakatingin dito nang ito ay lumabas ng main door.
Ilang minutong pinag-isipan ni Margaret kung susundan ba si Sharmaine o hindi hanggang sa maisip niyang baka makikipagkita ito kay James. Muling nabalot ng selos at galit ang kanyang puso kaya naisipan niyang sundan ang kaibigan sa kailaliman ng gabi.
Ilang minutong naglalakad si Margaret para hanapin si Sharmaine hanggang sa makita niya ito malapit sa malaking puno ng molave. Nakaupo ito sa damuhan at umiiyak. Lalapitan na sana niya ito nang isang lalaki ang dumating at dinaluhan ito sa damuhan. Si Marco, ang boyfriend ng kaibigan nilang si Janine.
Nakita ni Margaret kung paanong inalalayang tumayo ni Marco si Sharmaine. Nakita niyang ikinulong ni Marco sa mga palad nito ang mukha ni Sharmaine at marahang pinunasan ang mga luha sa mukha nito. Nag-uusap ang mga ito ngunit hindi niya marinig ang kanilang mga sinasabi rahil sa malayong pwesto niya mula sa mga ito. Nakita niya nang biglang halikan ni Marco si Sharmaine. Ngunit itinulak ni Sharmaine palayo ang lalaki.
Naikuyom ni Margaret ang dalawang kamao. Inisip niyang pinagtataksilan ni Sharmaine ang stepbrother niya. Maya-maya ay umalis na si Marco rahil ipinagtutulakan ito palayo ni Sharmaine. Nang makaalis si Marco ay dali-daling naglakad patungo kay Sharmaine si Margaret.
Margaret: How dare you!
Nagulat si Sharmaine nang marinig ang boses ni Margaret sa likuran nito. Nilingon nito ang kaibigan.
Margaret: Kasasagot mo lang kay James and now nakikipaghalikan ka kay Marco. Alam ba ito ni Janine? You cheater! You're cheating on my brother!
Hilam sa luha ang mukha ni Sharmaine. Mabilis itong umiling.
Sharmaine: No, Margaret. I-I can explain. Marco kissed me. I didn't respond to his kisses.
Pero ayaw makinig ni Margaret sa rason ni Sharmaine dahil sa isip niya ay may dahilan na siya para paghiwalayin sina Sharmaine at James.
Margaret: Liar! Lahat na lang ay gusto mo na mapunta sa iyo. Ikaw na nga ang Valedictorian, gusto mo pa lahat ng lalaki ay mapunta sa iyo. You're a traitor! You don't deserve that promise bracelet dahil sarili mong kaibigan ay tinatraydor mo. Snake!
Nanlalaki ang mga mata ni Sharmaine nang hilahin ni Margaret ang kanyang kanang bisig at hatakin mula roon ang promise bracelet na ibinigay ng kaibigan nilang si Danica. Naputol ang bracelet. Inihagis ni Margaret sa lupa ang kanyang naputol na promise bracelet at pinagtatapakan.
Margaret: Dahil sinira mo ang pangako mo sa harap ng promise bracelet na ito, sisirain ko na rin ito!
Umiiyak na pinipigilan ni Sharmaine si Margaret sa tuluyang pagsira ng promise bracelet nito. Nang tuluyan nang madurog ang promise bracelet ni Sharmaine ay biglang umiyak si Margaret.
Margaret: I hate you! I hate you, Sharmaine, for stealing James away from me! Nakiusap ako! Sinabi kong huwag mong sagutin ang panliligaw niya! But, no! You broke your promise!
Biglang naputol ang paglalakbay sa nakaraan ni Margaret nang maramdamang nagsisimula nang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Margaret: You broke your promise, Sharmaine.
----------
to be continued...