THIRD PERSON POV
*Past*
Kitang-kita ni Gabbie ang palihim na pagsiko ni Danica kay Sharmaine habang nakatanaw ang dalawa kay James. Naglalaro ng basketball sa malawak na gymnasium ng Winterville High ang lalaki kasama ang mga kaklase at kabarkada nito.
Danica: Gosh, Sharmaine. Sumusulyap pa sa 'yo si James bago mag-shoot. Sabi ko sa 'yo ay crush ka niyang lalaki na 'yan.
Halatang kilig na kilig si Danica habang nagsasalita. Hinihinaan pa nito ang boses para hindi marinig ng iba nilang kaibigan. Pero dinig na dinig sila ni Gabbie na kanina pang naiinis dahil nakikita niya si Nate na pasulyap-sulyap kay Sharmaine mula sa kabilang bleacher.
Lihim na iniibig ni Gabbie si Nate. Kapatid ito ng kaibigang si Danica. Isang College student. Lagi niya itong palihim na sinusulyapan sa tuwing may pagkakataon. Sa tuwing nakakasalubong niya ito sa corridor. Kapag may pagkakataong kumakain ito sa loob ng canteen. Sa tuwing nakikita niya itong nag-aaral sa library. Tuwing tumatambay ito sa gymnasium katulad ngayon.
Pero kahit isang segundo ay hindi naman niya nakitang sumulyap ito sa kanya. Si Sharmaine lamang ang sinusulyapan nito sa kanilang walong magkakaibigan.
At nagseselos si Gabbie.
Sa tuwing nababalitaan niyang may bagong kasintahan si Nate ay nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Sa tuwing nakikita niyang may kasamang babae si Nate sa loob ng campus ay parang gusto niyang manibugho. Sa tuwing nakikita niyang masaya si Nate at hindi siya ang babaeng dahilan ng kasiyahang iyon ay parang gustong madurog ng kanyang puso.
At dahil sa mga damdaming iyon na nararamdaman ni Gabbie, kaya niya napatunayan sa sariling mahal niya si Nate.
Lagi niyang itinatanong sa sarili kung bakit hindi natutuon sa kanya ang atensyon ni Nate. Hindi ba nito alam na siya ang secret admirer nito? Na siya ang laging nag-iiwan ng love letters and love notes sa labas ng locker nito? Na parang hindi niya kakayanin kung hindi man lang makita ang ngiti sa mukha nito sa araw-araw?
Mahal ni Gabbie si Nate.
Kaya gayon na lang ang inis niya ngayon habang nakikita niyang sumusulyap si Nate kay Sharmaine na kaibigan niya.
Tiningnan niya ang mga kaibigang sina Janine, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess na nagkukwentuhan habang nanonood sa mga lalaking estudyante na naglalaro ng basketball. Nandito sila sa gymnasium ngayon dahil uwian na at tulad ng nakagawian nilang magkakaibigan ay tumambay muna sila sa gymnasium bago umuwi.
Sigurado si Gabbie na nakatanaw din ang kaibigang si Margaret sa stepbrother na si James tulad nina Sharmaine at Danica. Alam na alam ni Gabbie ang ganoong uri ng tinging ipinupukol ni Margaret kay James. Parehong-pareho sa kung papaano niyang tingnan si Nate. Alam niyang may lihim ding damdamin si Margaret para sa stepbrother nito.
Napangiti si Gabbie nang makitang masuyong sinusuklay ni Nicolai ang buhok ni Princess sa likod gamit ang mga daliri nito. Ang buhok ni Princess na nakaayos ng tulad sa pagkakaayos ng buhok ni Sharmaine. Kung hindi niya kilala ang kaibigang si Nicolai ay iisipin niyang may gusto ito sa kaibigan nilang si Princess. Iba ang pagtrato ni Nicolai pagdating kay Princess kung ikukumpara sa kung paano nito itrato ang ibang kaibigan.
Naagaw ang pansin ni Gabbie nang tumunog ang cellphone ni Janine habang kausap nito si Katie na tuluy-tuloy ang pagsubo ng junk food. Isinusubo pa ang mga daliri nito para dilaan ang kumapit na cheese dito.
Nakita ni Gabbie na tumayo si Janine mula sa pagkakaupo sa bleacher at nagpaalam ito sa kanila na mauuna nang umuwi. Mukhang nagmamadali ito at patakbong lumabas ng gymnasium. Lately ay lagi itong biglang umaalis sa tuwing magkakasama silang magkakaibigan.
Pero ang laging sinasabi ni Janine ay may inaasikaso ito.
----------
*Present*
Nakaupo si Gabbie sa kanilang marital bed ni Nate at nakasandal ang likod sa headboard habang pinagmamasdan ang asawa niyang tulog na tulog na sa kanyang tabi. Napakagwapo talaga nito. Naaalala pa niya ang unang beses na nakita niya ito. Nang gumawa sila ng group project sa malaking bahay nila Danica.
Pawis na pawis si Nate nang araw na iyon at mukhang galing sa pag-e-exercise. Kumaway lang ito sa kanilang magkakaibigan bago umakyat ng bahay para mag-shower at magpalit ng damit. Simula nang araw na iyon ay hindi na nawaglit sa isip ni Gabbie ang kapatid ni Danica. Hinangaan niya agad ang kagwapuhan nito sa kabila ng puro pawis ang mukha nito nang araw na iyon. Hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito. At habang lumilipas ang mga araw na nakikita niya ito sa Winterville High ay nahulog ang loob niya rito sa kabila ng agwat ng kanilang mga edad.
At ngayon nga ay mag-asawa na sila. Mayroong isang anak. Si Emmanuel na nagbubuklod sa kanila bilang isang pamilya. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya ng gabing iyon.
Pero minsan ay nakararamdam pa rin siya ng insecurity sa tuwing maaalala kung paano niya nakuha ang asawa at pinakasalan siya nito. Nararamdaman niyang hindi siya ang nilalaman ng puso ni Nate kahit na mag-asawa na sila. Tingin niya ay pinakikisamahan lamang siya nito para sa anak nilang si Emmanuel.
Nararamdaman ni Gabbie na parang naninikip ang kanyang dibdib at parang sasabog ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ayaw niyang makita siya ng asawang umiiyak kung sakaling magising ito kaya tumayo siya mula sa kama para pumunta sa loob ng banyo ng kanilang kwarto ni Nate. Doon ay humarap siya sa salamin sa ibabaw ng sink.
Hinayaan ni Gabbie na dumaloy ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Ayaw sanang isipin ni Gabbie na kaya siya nakakaramdam ng insecurity sa kanyang marriage ay dahil sa nangyari nang gabing iyon. Ayaw na niya iyong alalahanin. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot. Pero pilit na bumabalik sa kanyang isipan.
Hinihingal na si Gabbie sa kakatakbo habang hinahanap si Princess. Nag-aalala siya rahil baka kung ano ang gawin ni Princess dahil sa mga nalaman niya ngayong gabi na sinabi niya rito at kay Nicolai. Umaasa siyang nakita na ni Nicolai si Princess. Nagpahinga siya sandali sa tabi ng punong molave. Habang nagpapahinga ay may napansin siyang pamilyar na bulto ng tao sa di-kalayuan. Si Sharmaine. Mukhang may hinihintay ito. Maya-maya ay tumunog ang phone na hawak nito. Pinakinggan ni Gabbie ang mga sinasabi ni Sharmaine sa kausap sa kabilang linya.
Sharmaine: I-I'm sorry, Marco. Ti-tinawagan ko na si Danica, but she wasn't answering her phone. Sh-she was the one who was messaging you. Not me. Please. Wa-wala akong kinalaman dito. Hi-hindi kita gusto. No. Don't tell Janine. Marco? Marco!
Tingin ni Gabbie ay pinatayan na si Sharmaine ng tawag ng tao sa kabilang linya. Lumapit siya kay Sharmaine.
Gabbie: Una si Princess, ngayon naman si Janine. Sino pa kaya ang sunod mong tatraydurin sa mga kaibigan mo?
Gulat na gulat ang mukha ni Sharmaine nang makita si Gabbie sa lugar na iyon. Kinakabahan ito rahil maaaring dumating na anumang oras ang taong kikitain nito sa lugar na iyon.
Sharmaine: Ga-Gabbie, na-narinig ko ang mga si-sinabi mo kina Princess at Nicolai kanina. I swear. Wala akong kinalaman doon. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon, pero wala akong kinalaman doon. Maniwala ka. Please.
Naiiyak na si Sharmaine sa harap ni Gabbie. Umiling si Gabbie.
Gabbie: Oh, stop the crap, Sharmaine. Alam mong makikinabang ka sa ginawa nilang 'yon kaya hinayaan mo lang. Kahit ang kapalit niyon ay ang pagiging Valedictorian ni Princess. Traitor! At ngayon naman ay si Janine. Alam ba ni Janine na nag-uusap kayong dalawa ng boyfriend niya behind her back?
Umiling si Sharmaine at tuluyan nang humagulgol.
Sharmaine: Please, Gabbie. Janine doesn't have to know. Si-si Danica. Aayusin niya 'to. Si-sila ni Marco ang may da-dapat ayusin.
Nakikiusap ang mukha ni Sharmaine. Lumuhod ito sa harapan ni Gabbie. Nabitiwan nito ang hawak na cellphone sa may damuhan. Nanggigigil na umiling si Gabbie. Nagtatagis ang mga ngipin nito.
Gabbie: No, Sharmaine. Malalaman ito ni Janine.
Tumalikod si Gabbie at lumakad palayo sa lugar na iyon. Bigla ay may naramdaman siyang humawak sa kanyang kanang braso. Si Sharmaine. Umiiyak pa rin ito.
Sharmaine: Please, Gabbie.
Malakas na binawi ni Gabbie ang kanang braso mula sa pagkakahawak ni Sharmaine at itinulak ito sa damuhan.
Gabbie: Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa 'yo ni Nate!
Dinuro pa ni Gabbie si Sharmaine na nakaupo na sa damuhan at umiiyak. Pagkatapos ay nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.
Nanatiling nakatingin sa harapan ng salamin sa loob ng banyo si Gabbie habang bumabalik sa isipan ang gabing iyon. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Gabbie: You deserved what happened to you, Sharmaine.
----------
to be continued...