CHAPTER 4

1126 Words
THIRD PERSON POV Lalapitan sana ni Danica ang katawan ni Sharmaine na nakahandusay sa sahig ng De Angeles study room ngunit pinigilan siya ni Janine na makalapit dito. Janine: Danica, ano ka ba? Nababaliw ka na ba? Hindi mo pwedeng hawakan ang bangkay ni Sharmaine. Mag-isip ka naman. Nanlalaki ang mga mata ni Janine habang kinakausap si Danica. Danica: P-pero, Jan. Nagdurugo si Sharmaine. Kailangan siyang madala sa hospital. Umiling si Margaret. Margaret: Pa-patay na siya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Princess at humagulgol na si Katie. Parang maghi-hysterical naman si Danica. Danica: No! Hindi pwede! Hindi! Anong nangyari, Margaret?! Ano?! Hinawakan ni Danica ang magkabilang braso ni Margaret at niyugyog ito. Patuloy ang pagluha nilang dalawa. Margaret: Hi-hindi ko alam, Danica. Pag-pagkabalik ko galing sa labas ng mansion ay tumuloy ako rito…at na-nadatnan ko na ang ba-bangkay…ni Sharmaine di-dito sa study room. Tuluy-tuloy lang sa pagluha sina Margaret, Katie, at Danica. Tahimik lamang si Gabbie at nananatiling nakamasid. Magkayakap naman sina Princess at Nicolai. Pilit na inaalo ni Nicolai si Princess. Habang si Janine ay matamang nag-iisip. Katie: Makukulong tayong lahat! Makukulong tayo! No! Nagpa-panic si Katie kaya sinubukan itong pakalmahin ni Janine. Janine: Walang makukulong, Katie. Maging kalmado tayong lahat. Okay? Danica? Nilingon ni Janine ang nanlalamig at lumuluhang si Danica. Kalmadong-kalmado si Janine. Pero mahahalatang naroon ang takot sa kanyang mga mata. Danica: Y-yes, Janine? Bumuntung-hininga si Janine bago muling nagsalita. Janine: Sa mansyon ninyo nangyari ang krimen. Alam natin ang ibig sabihin nito at sa nalalapit na eleksyon, hindi ba? Matalim ang tingin ni Danica kay Janine. Marahas na umiling si Danica. Danica: You can't do this, Janine! No! Humarap si Janine sa kanilang lahat. Patalikod sa nakahandusay na katawan ni Sharmaine. Pinipilit pa ring maging kalmado. Janine: Guys, this day never happened. This is all part of a nightmare. This is the time we have to prove the power of the promise bracelet. Madiin na pahayag ni Janine. Napatingin silang lahat kay Janine. Itinaas ni Janine ang kanang bisig at ipinakita ang promise bracelet na suot nito. Napatingin din sa kani-kanilang promise bracelets sina Danica, Gabbie, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess. Nagkatinginan ang magkakaibigan. Maya-maya ay sabay-sabay silang tumango. ---------- Sa isang madilim na bahagi ng tulay sa bayang iyon ay nakaparada ang van ng pamilya ni Danica. Ang babae na rin ang nag-drive nito. Bago nila nilisang magkakaibigan ang De Angeles mansion ay sinilip muna ni Danica ang Kuya Nate niya sa kwarto nito. Tulog na tulog ang binata. Nang titigang maigi ni Danica ay mukhang pagod na pagod ang kanyang kapatid. Nicolai: W-we're here. Danica: Are we…are we really going to do this, guys? This is very dangerous. Nanginginig ang mga kamay ni Danica habang nakakapit sa manibela ng van. Janine: No one will ever know, Danica. Hindi nila alam kung saan humuhugot ng lakas si Janine para maging kalmado sa mga oras na iyon. Parang hindi ito nababahala sa mga nangyayari. Princess: A-ano pang hinihintay natin? I-itapon na natin ang ka-katawan ni Sharmaine. Parang maduduwal si Princess habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kinakabahan man ang magkakaibigan ay pinilit nilang magpakatatag. Itatapon nila ang katawan ni Sharmaine sa ilog. Iyon ang kanilang napagdesisyunan. Sasabihin nila sa pamilya ni Sharmaine na umalis ito sa kalagitnaan ng party. Sa pagsikat ng araw ay wala ng Sharmaine Bustos na masisilayan. Dahil sa mansion ng mga De Angeles natagpuan ang walang buhay na katawan ni Sharmaine, mananatiling lihim ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Hindi hahayaan ng ama ni Danica na masira ang pangalan nito sa pulitika rahil lamang sa pagkamatay ng isang Sharmaine Bustos. Paniguradong poprotektahan ng ama ni Danica silang magkakaibigan kung sakali mang mag-imbestiga ang pamilya ni Sharmaine. Nicolai: Ako na lang ang magtatapon. Hindi pwedeng lahat tayo. Baka makatawag ng pansin? Nag-aalalang nilingon ni Princess si Nicolai. Gusto niya itong samahan ngunit mas maigi nga sigurong isa lang ang magtatapon ng katawan ni Sharmaine sa ilog. Princess: Mag-iingat ka, Nico. Lumingon si Nicolai kay Princess at nginitian ito. Inabot niya ang kanang kamay ni Princess at masuyong pinisil. Nicolai: Mag-iingat ako, Princess. Sa isang sulok ng van ay patuloy pa rin sa pagluha si Katie. Yakap-yakap at pinapatahan naman ni Gabbie si Margaret. Habang patuloy sa pagluha si Katie ay may naalala siya. Bigla siyang napatigil sa pagluha at iniikot ang paningin sa buong van. Walang nakatingin sa kanya. Pasimple niyang dinukot mula sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang isang bagay. Ipinaloob niya iyon sa kanyang palad at muling iniikot ang paningin sa mga kaibigan. Nang masigurong walang makapapansin ng kanyang gagawin ay itinapon niya ang bagay na iyon sa ilalim ng upuan ng van. Ang bagay na iyon na may malaking parte sa pagkamatay ni Sharmaine. ---------- Pabalik na ang van ng mga De Angeles sa De Angeles mansion. Tumigil na ang pagluha nina Danica, Katie, at Margaret. Tahimik ang lahat. May kanya-kanyang iniisip. Hanggang magsalita si Janine. Janine: Mula ngayon ay wala nang magbabanggit sa bagay na 'to. Maliwanag ba? Parang wala sa sariling tumango si Danica. Naisip ang lalaking kasama niya kanina bago ang krimen. Danica: Para sa kandidatura ng aking ama, pumapayag ako. Tumingin si Danica sa mga kaibigan niya. Danica: Para sa ama ko. Please? Sabay-sabay na sumagot sina Gabbie, Katie, Margaret, Nicolai, at Princess. "Nangangako kami." Janine: Wala tayong kilalang Sharmaine Bustos. Tumiim-bagang si Janine nang maalala ang text message na nabasa niya sa cellphone ni Sharmaine. Nicolai: Walang Sharmaine na hindi-makabasag-pinggan. Nanlisik ang mga mata ni Nicolai nang maalala kung paanong nasaktan si Princess sa nalamang katotohanan kanina mula kay Gabbie. Princess: Walang Sharmaine na matalino. Napapikit ng mariin si Princess nang maalala ang ginawang panlalamang ni Sharmaine sa kanya. Gabbie: Walang Sharmaine na paborito ng lahat. Napakuyom ang mga palad ni Gabbie nang maalala ang tono ng boses ni Nate nang mabanggit nito si Sharmaine kanina. Katie: Walang Sharmaine na mabait. Nanginginig ang kalamnan ni Katie habang nakatunghay sa isang tao sa loob ng van na iyon. Margaret: Walang Sharmaine na hinahangaan ng halos lahat ng mga lalaki. Parang madudurog ang puso ni Margaret sa kaisipang naging kasintahan ng stepbrother niyang si James si Sharmaine. Danica: At walang Sharmaine na perpekto. Muling naalala ni Danica ang sinabi ng lalaking kasama niya kanina. Mahal nito si Sharmaine. Parang may nakatarak sa kanyang dibdib sa sobrang sakit nito. Nagkatinginan ang mga magkakaibigan at isa-isang napahawak sa promise bracelet na suot nila. Isa lang ang nasa isip nila. Wala na si Sharmaine Bustos. ---------- Ano nga kaya ang buong nangyari ng gabi ng kaarawan ni Sharmaine? Sinu-sino ang mga taong may kaugnayan sa pagkawala ni Sharmaine? Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Sharmaine? At higit sa lahat, sino ang kumitil sa buhay ni Sharmaine? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD