CHAPTER 5

1481 Words
THIRD PERSON POV Isang mukha ng babae ang makikitang ipinipinta ni Nicolai sa canvas na nasa harapan niya. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang itinuturing niyang isang obra maestra. Ang ningning sa mga mata ng babae, ang tungki ng ilong nito na mukhang kaysarap pisilin, ang mapupulang mga labi na mukhang kaysarap halikan, ang natural na pula ng mga pisngi nito, at ang itim na buhok, lahat ng iyon ay kabisadong-kabisado ni Nicolai sa kanyang isipan. Naputol ang concentration ni Nicolai nang may kumatok sa kanyang art room. Sumungaw si Princess sa may pinto. Parang nakakita ng anghel si Nicolai at nagliwanag ang mukha pagkakita kay Princess. Princess: Busy? Tumawa si Nicolai at umiling. Tumayo mula sa kinauupuan at sinalubong si Princess na tuluyan nang pumasok sa loob ng art room. Nicolai: Ang aga mo yata. Hindi ba mamaya pa tayo pupunta kina Janine? Nagkibit-balikat si Princess. Princess: Well, gusto ko lang makasama ang best friend ko ng mas matagal. Ano ba 'yang ginagawa mo? Napatingin si Princess sa likod ng canvas. Curious ito kung ano ang ipinipinta ng matalik na kaibigan. Nicolai: Malalaman mo rin sa tamang panahon. You know the drill. Hindi ninyo pwedeng silipin ang iginuguhit ko. Nakangiting umiling si Princess. Napatingin naman si Nicolai sa kanang bisig ng kaibigan. May napansin siya roon. Nicolai: Hindi mo suot ang promise bracelet? Nagulat si Princess sa tanong ni Nicolai at napatingin sa kanang bisig nito. Princess: Oh. Alam mo naman ang inaanak mo, gustung-gusto ang bracelet na 'yon. Hayun. Pinaglaruan at hindi ko makita nang hanapin ko sa bahay kanina. Napatango si Nicolai at maya-maya ay kinumusta ang asawa ni Princess. Nicolai: Kumusta si Nelson? Okay ba siya sa trabaho niya kay Marco? Biglang naging malikot ang mga mata ni Princess. Princess: Ah, uhm, ti-tingin ko naman ay-ay okay siya bi-bilang driver ni Marco. Tumango-tango si Nicolai. Nicolai: I see. Noong una kasi ay parang hindi comfortable ang asawa mong maging driver ni Marco. Parang he knows something about Marco na hindi natin alam. Hindi pa rin makatingin ng diretso si Princess kay Nicolai. Princess: Ahm, wa-wala naman akong na-napapansin. Ngumiti si Nicolai kahit parang nararamdaman niyang hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigan. Iniba niya ang usapan. Nicolai: Okay. Anyway, maiba ako, hindi mo ba isasama sina Nelson at Kiara sa get-together party natin kina Janine at Marco. For sure matutuwa si Kiara na makita ang iba pang mga ninang niya. Pilit na ngumiti si Princess. Princess: Namasyal silang mag-ama. Alam mo naman, minsan na lang makasama ni Kiara ang Papa niya rahil madalas kasama ni Nelson si Marco. Tumatango-tango si Nicolai. Nicolai: Oh, I see. Bibisitahin ko na lang ang inaanak ko next time. Ngumiti si Princess. Muling bumalik ang sigla sa mukha. Princess: Well, I guess mas maganda siguro kung aalis na tayo ngayon. Kilala mo naman ang mga kaibigan natin, palaging on time. Tumawa si Nicolai at sumang-ayon kay Princess. Nicolai: Halika na. Sa garden ng malaking bahay ng mag-asawang Janine at Marco ay naroon na sina Danica, Katie, Margaret, at Gabbie. Kasama ni Gabbie ang asawang si Nate at ang anak nilang si Emmanuel. Pinagsasaluhan nila ang mga pagkaing inihanda ni Janine. Nasa loob ng bahay ang asawa nito at hindi pa lumalabas para samahan sila. Gabbie: Grabe, Katarina. Halos pumutok na 'yang mga pisngi mo sa sunud-sunod mong pagsubo. Lunukin mo kaya muna 'yong mga nasa loob ng bibig mo. Tumawa naman si Danica at iniabot kay Katie ang isang basong tubig. Mabilis na nilagok ni Katie ang laman ng baso bago sinagot si Gabbie. Katie: Ewww. Don't call me Katarina. Hindi bagay sa akin. Call me sexy Katie. Nag-eye-roll si Gabbie at natatawang umiling. Gabbie: Mahiya ka naman dito sa inaanak mo at baka gayahin ang table manners mo. Hinimas ni Gabbie ang buhok ng anak na si Emmanuel na nakaupo sa tabi nito. Sinilip ni Gabbie ang asawa na si Nate at mukhang bored na bored na ito. Gabbie: Mabuti na lang at may mga iniinom kang gamot para mas bumilis ang metabolism mo. Biglang napahinto si Katie sa pagsubo ng mga pagkain dahil sa sinabing iyon ni Gabbie. Wala sa loob na napatingin si Katie sa kaibigang si Janine na naka-focus ang attention sa iniihaw na barbecue sa di-kalayuang bahagi ng malawak na garden. Danica: Eh, Gabbie, kailan niyo ba susundan ni Kuya Nate ang pamangkin ko? Napatingin si Danica sa Kuya Nate niya na napansin niyang kanina pang tahimik. Danica: Kuya, kanina ka pa tahimik diyan. Hindi ka rin tumitikim ng mga luto ni Janine. Napailing lang si Nate at tumingin kay Gabbie. Nate: Stressed out lang sa work. Napalunok naman si Gabbie rahil sa mga titig na iyon ni Nate. Parang tumatagos hanggang kaluluwa. Nate: Pero baka hindi na masundan si Emmanuel, tama ba, Gabbie? Nakatuon pa rin ang mga mata ni Nate kay Gabbie na hindi na makatingin ng diretso sa asawa. Napakunot ang noo ni Danica. Danica: Bakit naman? I thought gusto mo ng big family, Kuya. Hindi napapansin ni Danica ang mga titig ng Kuya Nate niya sa hipag at kaibigang si Gabbie rahil sa pamangkin niyang si Emmanuel na nakatutok ang kanyang mga mata. Nilalaro nito ang promise bracelet sa kanang bisig ni Gabbie. Gabbie: Ano kasi, ahm, na-napagdesisyunan namin ni Nate na mas ma-mabuti kung isa lang ang magiging anak namin sa panahon ngayon. Umangat ang tingin ni Danica kay Gabbie. Nakita niyang parang kinakabahan ito. Pero tumango siya at sumagot. Danica: Sabagay, mahirap nga ang panahon ngayon. Gusto ko lang talaga ng maraming pamangkin dahil mukhang tatanda na akong dalaga. Tumawa si Danica sa sinabing iyon at muling tiningnan ang pamangking si Emmanuel. Margaret: Ikaw naman kasi, ayaw mo pang sagutin si Dominic. Taon nang nanliligaw sa iyo 'yon, ah. Naka-focus ka masyado sa charity works na hindi mo na binibigyang-pansin ang love life mo. Tumingin si Danica kay Margaret at mahinang tumawa. Danica: Well, charity work is my way of giving back sa lahat ng blessings na natatanggap ko. Bigla ay lumungkot ang mukha ni Danica at mahinang bumulong. Danica: Para makabawi. Maya-maya ay kinumusta ni Danica si James kay Margaret. Danica: How's James? Bakit hindi mo siya isinama? Lumungkot ang mga mata ni Margaret pagkarinig sa pangalan ng stepbrother at nang maalala ang nangyari kanina bago umalis ng kanilang bahay. Nagulat si Margaret nang biglang basagin ni James sa harapan nito ang isang wine glass at kumalat ang wine sa sahig ng cellar. Minura at dinuro ni James ang stepsister. Galit na galit ito. James: Ang lakas ng loob mo at ng mga kaibigan mong magsaya habang hindi pa rin nakikita ang kaibigan niyong si Sharmaine! Pinipigil ni Margaret na huwag tumulo ang mga luhang nagbabadyang bumulwak mula sa mga mata. Margaret: Kuya, ma-matagal na siyang wa-wala. For all we know, maybe she's already...dead. Napatili si Margaret nang biglang pinagbabasag ni James ang mga bote ng wine sa loob ng cellar. Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ng babae sa pisngi nito. James: Kayo! Kayo ng mga kaibigan mo ang mamamatay! Mga demonyo kayo! Humahagulgol na lumabas ng cellar si Margaret habang walang-tigil ang pagwawala ng kapatid na si James sa loob ng cellar. Napabuntung-hininga si Margaret. Margaret: He's fine, Danica. Busy lang sa pagma-manage ng company. Tumango si Danica at napansing papalapit sa kanila ang kaibigang si Janine. Janine: Guys, pupuntahan ko lang ang asawa ko sa loob. Sasabihin kong nandito na kayo. Tumango naman ang mga kaibigan ni Janine. Pagkapasok sa loob ng malaking bahay ay dumiretso si Janine sa study room. Nang nasa tapat na ito ng nakasaradong pinto ay narinig nitong may kausap ang asawa sa phone. "Talaga ba? Sabik na sabik ka na ba sa akin? O sabik ka rito sa malaki kong alaga? Lagot ka sa akin. Miss na miss na kitang kainin. Huwag ka nang magsuot ng thong at wawarakin ko lang naman 'yan." Narinig pa nitong malalim na tumawa ang asawa. Halatang nakikipaglandian. Biglang binuksan ni Janine ang pinto ng study room. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Marco at mabilis na tinapos ang tawag sa phone. Janine: Really, Marco? Sa sarili nating pamamahay? My friends are in the garden for Pete's sake. At nandito ka at nakikipaglandian sa ibang babae. Hindi ka ba makapaghintay hanggang mamaya? Painsultong tumawa si Marco at umiling-iling. Marco: Oh, I'm sorry that I forgot. Hindi nga pala pwedeng masira ang magandang image ng misis ko. Ang good reputation ni Janine Dela Acuesta. Isang mapang-insultong tawa ang pinakawalan ni Marco ngunit natigil ito nang isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nito. Nanlalaki ang mga mata nito sa gigil kay Janine. Janine: Kilala mo ako, Marco. You know my capabilities. Huwag mo akong subukan. Hindi ko hahayaang babuyin mo at ng mga babae mo ang pangalang matagal kong iningatan. Don't mess with Janine Bolivar-Dela Acuesta. Tumiim ang mga bagang ni Marco habang nakatitig kay Janine. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD