CHAPTER 6

1490 Words
FREYAH'S P.O.V. Isang buwan mula ng tumungtong ako ng manila, tatlong linggo siguro bago pa ako nasanay sa takbo ng buhay sa manila. Nagagawa ko na ding pumunta ng mall at palengke mag-isa, "Freyah, Bumili ka ng gusto mo sa mall." Sabay abot sa'kin ni kuya Hendry ng pera mahigit dalawang libo iyon. Nakangiti ako. Habang kinukuha ko ang pera, ang bait talaga ni kuya hendry. Binigyan nya ako ng pera, "Salamat po kuya!" Sabi ko, "Oh kaya mo na bang mag-isang pumunta ng mall?" Tanong ni kuya, Tumango ako, "Syempre naman kuya. Araw-araw akong sinasama ni Rosie at Eloisa sa mall e," "Sige, mag-iingat ka ha! Tawagan mo ako kung may problema." Sabi pa niya bago ako sumakay ng trycycle. "Thanks kuya," sagot ko naman. Mahigit kalahating oras ang biyahe ko bago ako makarating ng Mall. Nagpalakad-lakad ako sa loob ng mall, hinahanap ko kasi ang book store, may gusto kasi akong bilhin na libro. "Ahm, excuse me! Alam niyo po ba kung saan ang book store dito?" Tanong ko sa matandang babae na nakatayo sa gilid ng bilihan ng mga gadgets. "Ay do'n banda! Deretsohin mo lang yan!" Sagot ng babae. Ngumiti ako, "Thank you po!" Pagkatapos umalis na ako, Tinungo ko ang deretsong daan na tinuro ng babae, habang naglalakad ako, palingon-lingon ako. Marami kasi akong mga magagandang nakita, mga tindahan ng damit, sapatos at mga cellphone halos nadaanan ko. "Ayun!" Sabi ko, nagtatakbo ako nang matanaw ko ang bookstore, nag madali akong pumasok sa loob at hinanap ang mga libro about greek mythology, gusto ko kasing basahin yung story ng mga God and goddesses. ***** DAISUKE'S P.O.V. Nakashade at nakasuot ulit ako ng jacket upang hindi ako mapansin ng mga paparazzi. Mainit kasi ang pangalan ko sa showbiz, kahit na nga sinabi kong hindi ako bakla sa mga nag daang interview sa'kin. May mga tao pa ring hindi naniniwala sa'kin. Deret-deretso ako sa loob ng mall. Bibili ako ng libro ng little sister ko. Habang patingin-tingin ako ng mga libro. Napansin ko ang familiar na bulto ng babae, huminto ako saglit, at agad na kinilala ang babaing nakatayo sa tapat ng fictional books. "Si Freyah ba iyon?" Bulong ko. Sandali kong hinintay kung saan ito pupunta, tapos ng makita ko ito na tuwang -tuwang tinungo ang mga libro about mythology, lumapit ako sa kanya ngunit mukha hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa binabasa niyang hawak na libro. "Ayun! May isa pang greek mythology book." Halos pasigaw niya sa sobrang excited. Napangiti ako ng may bigla akong naisip, bago pa abutin ni Freya ang huling libro, mabilis ko itong dinampot at tumalikod sa kanya. "Hoy! Akin yan!" Aniya. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad upang bayaran sa counter ang libro. "HOY! MAMANG MANG-AAGAW!!" Pasigaw niya sa'kin. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa i-abot ko ang bayad sa cashier, pagkatapos nag madali akong lumabas ng bookstore. "HOY!!MAMA SAGLIT LANG!!" Hinawakan niya ang braso ko ng maabutan niya ako at pilit na pinapihit paharap sa kanya. "IKAW!!"galit niyang sigaw. Tiningnan ko lang siya mula ulo ang paa, tapos ngumisi ako. "Bakit?" Tipid kong sagot, "AKIN NA YAN!!" "Ang alin?" Kitang-kita ko ang pagtaas at pagbaba ng kilay niya. "Akin na 'yang libro, ako ang nauna diyan!" "Ikaw? Eh, bakit hawak ko ngayon?"pang-iinis ko pa. "Ako dapat ang unang kukuha niyan, inagaw mo lang! Ibigay mo 'yan sa'kin." "Paano kong ayaw ko?" "Pag hindi mo sa'kin binigay ang librong 'yan, makikita mo ang bagsik ng kamao ko!" Pagbabanta niya sa'kin. Gusto kong tumawa sa sinabi niya, ngunit mas gusto ko siyang nakikitang naasar, kaya tumalikod ako upang umalis na. "Sinabing akin na 'yan eh!" Pasigaw nito, nakatawag tuloy ng pansin sa loob ng mall, kaya bago pa mag iskandalo si Freyah lumabas na agad ako, pero hindi ko alam na susundan niya ako, hinila niya ang damit ko, sa sobrang lakas natanggal sa ulo ko ang hood ng suot kong jacket. "Akin na 'yan!" Hinila-hila niya ako. hanggang sa mawalan ako ng balanse. Pero bago ako bumagsak sa semento nahila ko rin siya. Kaya sabay kaming bumagsak, una ang likod kong bumagsak, natanggal ang suot kong sunglass. Si Freyah nasa ibabaw ko, nagkasalubong ang tingin naming dalawa. "Bigay mo na sa'kin! Hindi na sana tayo aabot pa sa ganito." Gigil niyang sabi sa'kin. Matalim ko siyang tiningnan. Hindi niya alam kung anong ginawa niya. Hindi niya ba ako kilala? Sa itsura niya parang hindi niya ako kilala, sabagay kababa lang pala niya ng bundok. Kaya wala siyang ibang kilala kundi ang kalabaw, Kambing, baka at mga manok lang. Mabilis akong bumangon, nakaramdam na ako ng galit sa babaing ito, ngunit bago ko pa maitago ang sarili ko, may nakakita na sa'king reporters. "Ayun! Ayun! Daisuke, Bilis!" Sigaw ng isang reporter. Nagmadali akong tumakbo. "Saan ka pupunta? Bumalik ka dito! Yung libro ko ibalik mo yan!" Habol sa'kin ni Freyah. Psh! Bigla tuloy akong nag-sisi kung bakit pinansin ko pa ang babaing iyon, nagkaroon tuloy ako ng problema, huminto ako at pagkatapos hinagis ko ang libro. Tumama iyon sa mukha ni Freyah, sa sobrang lakas nang pang kakahagis ko natumba si Freyah, "Damn!" Wala akong choice kung hindi ang lapitan siya para tulungan. "Are you okay?" Tanong ko habang ina-alalayan ko siyang tumayo. "Akin na 'tong libro," aniya. Ibang klaseng babae ito, nasaktan na lahat-lahat libro pa rin ang nasa isip, huli na para tumakbo pa ako. Dahil wala ng tigil ang pag-click ng camera sa'ming dalawa ni Freyah. "Panibagong issue na naman ito sa'kin." Sa isip-isip ko. "Daisuke, totoo bang bakla ka?" Deretsong tanong ng reporter. "Totoo bang boyfriend mo yung bartender na iyon?" Tanong nila. Pinagmasdan ko ang paligid ko, padami ng padami ang taong nakiki-usyoso sa'min. "Hoy! Anong meron ha? Tanong ni Freyah!" Tiningnan ko si Freyah at saglit na nag-isip, "bahala na!" Hinila ko si Freyah, at niyakap ko siya at ngumiti ako sa sa camera, "Hindi totoong bakla ako, as you can see? I'm with my girlfriend now." "So hindi totoong bakla ka?" "Oo hindi ako bakla, Excuse me, we have to go." Hinila ko si Freyah palabas ng mall. "Saan mo ako dadalhin?" Galit na sabi ni Freyah sa'kin ng itulak ko siya sa loob ng kotse. Pumihit ako paikot upang makasakay sa driver seat. "Ihahatid na kita!" Sagot ko. "Ayoko! Aalis na ako dito. Habang pinipilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko. "Kapag hindi ka tumigil!! itatapon kita sa payatas!" Gigil ko'ng sabi. "Anung payatas? Sa palengke lang ang meron patatas, Bitawan mo ako! Baba ako!!" Nilamukos ko ang mukha ko sa kunsumi sa babaeng ito. Hindi lang tanga, binge pa! Ilang babae pa kaya ang meron ganito. Napaka-malas niya siguro. "BINGE! PAYATAS! PAYATAS!!" inulit-ulit ko pa sa tapat ng tenga niya. Huminto ito sa pagpupumiglas, "Yon ba yung tapunan ng mga basura?" Tumango ako, "Oo at kapag hindi ka tumigil diyan dun kita itatapon." Bigla itong umayos ng upo, "Ito naman! Hindi mabiro. Joke lang! Sige go!" Aniya. "Psh!" Tapos mabilis kong pina-andar ang kotse ko patungo sa bahay namin, balak ko kasi siyang ipahatid sa driver namin para hindi na lumala ang issue. gusto kong matawa sa itsura nito habang tinatanggal ang bulok nitong cellphone. "Bakit ngayon ka pa nasira!!" Inis nitong sabi sa cellphone nya, "Bulok na kasi yan!"Sabi ko. "May nakikita ka bang uod?" Sagot niya. "Hindi lahat ng bulok inu-uod," "Ganun ba? Ahh, S-saan ba tayo pupunta? Baka kasi hanapin ako ni kuya." tanong niya. Tapos bigla itong nanahimik. "Sa bahay namin." Nakita ko ang ang pagkunot-noo niya ng tumingin sa'kin. "Anong gagawin mo sa'kin?" "Wala naman! Bakit gusto mo ba meron?" Tanong ko. "Ayoko! Baka gustong mo'ng gripuhan kita sa tagiliran." Sagot niya. "Bakit kaya mo ba?" Sa itsura kasi nito, parang madali itong maloko. "Oo naman," mula sa likuran inilabas niya ang balisong at tinapat sa'kin. "Shittt!" Bigla akong nagpreno, buti na lang hindi ito nagulat kung hindi baka natusok na ang leeg ko, itutuk ba naman sa'kin ang balisong. "Ano ba? Gusto mo ba talagang makulong ako, bakit ka biglang nagpreno? muntik na kitang matusok." React niya. "FUCKIN IDIOT! bakit mo tinapat sa'kin 'yan? Tanga ka talaga!" Inis kong sabi. "Kasalan mo 'yan tse!" Sabay irap niya sa'kin, pagkatapos itinago na nito ang hawak na balisong. Ibang klase talaga ang babaing ito, nakaka-stress kasama, hindi na siya muling kumibo sa'kin, nang lingunin ko siya tulog na siya. mabuti na rin iyon, upang hindi niya malaman kung saan ako nakatira,Tulog pa rin siya ng makarating kami ng bahay kaya tinawag ko ang isa sa mga katulong namin para ihatid si Freyah sa bahay nila. Tulog na tulog pa rin ito ng buhatin siya ng driver namin. Upang ilipat sa isang kotse. "Yaya ,ikaw na bahala diyan sa babaing yan." Sabi ko habang papaalis na sila. "opo, Sir." "Good, mag-iingat kayo." tapos pumasok na ako sa loob ng bahay. Siguradong may bagong issue na namang pagpi-fiestahan ang media, "Nakakapagod na talagang maging artista."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD