FREYAH'S P.O.V.
Nakakaboring ang gabing ito, bakit pa ako sinama sa lugar na ito. Hindi naman ako nag-eenjoy! Sila lang naman. Tiningnan ko si Eloisa, tuwang-tuwa sa kausap niya, habang itong katapat ko si Mr hoody, hindi nagsasalita, syempre hindi rin ako magsasalita, sabi nga. "Never talk to a stranger."
"Freyah! Hindi ka ba iinom ang alak?" Tanong sa'kin ni Rosie,
"Ayoko ng alak eh, may tubig ba dito?" Tanong ko.
Tumingin sila sa'kin lahat. Pagkatapos nagbunghalit ng tawa.
Tumaas tuloy ang kilay ko."Huh? What's wrong with them?" Do i look funny?"
Kinuha ko ang salamin na nasa loob ng bag ko at tiningnan ko ang mukha ko. "Wala namang dumi sa mukha ah!"
"Anong nakakatawa?" baling ko sa kanila.
"Ha-ha-ha! W-wala-wala. . Eh, kasi naman. Nagrerequest ka ng tubig." Sagot ni Loue.
Tumaas ang kilay ko. "Anong masama sa Tubig ha!" Inis ko'ng sabi.
"Freyah! Hindi uso ang tubig dito. Alak ang ginagawang tubig dito." Paliwanag ni Eloisa na hindi mapigilan ang pagtawa.
"Ewan ko nga sa inyo!" Sabi ko, tapos biglang sumilay ang ngiti ko ng may maalala ako, dinukot ko sa pinakailalim ng bag ko ang mineral water na tinago ko sa guard, tapos tumalikod ako para dukutin sa ilalim ng cleavage ko ang mani at candy na binili ko pa sa tindahan, "Charaann!! May pagkain na ako!"
Pagpihit ko paharap sa kanila. Nakatingin sila sa'kin lahat pwera lang si Dice na bising-bisi sa pag-inom ng alak.
"Gusto niyo ng mani?"
"Ahh! Freyah! Galing ba 'yan diyan sa ANO mo?" Turo ni Eloisa sa dibdib ko.
Tumango-tango ako. "Oo, sayang naman kasi kung itatapon ko, bente pesos din ito." Sagot ko habang kain ako ng kain.
Nagtinginan silang lahat. Pagkatapos biglang tumawa nang tumawa ng sobrang lakas.
"Ano bang nakakatawa? Nakakainis na!"
"Hindi mo ba alam ikaw ang pinagtatawanan nila." Sabad ni Dice.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit ano bang nakakatawa sa'kin?"
Tinitigan niya ako ng masama, "Natatawa sila sayo kasi. NAPAKA-TANGA MO!" Mariin niyang sabi sa'kin.
"AKO TANGA? Ulit ko pa.
"STUPID!" sabay lagok nito ng alak.
"Dice!!" Tawag ni Fiddel.
"Why? Aminin niyo nang pinagtatawanan niyo siya dahil sa katangahan niya diba? Tanga lang ang magtatago ng mani at candy sa loob ng boobs niya." Ani Dice.
"Ano bang masama sa pagtago ng mani doon. Boobs ko naman iyon hindi sa inyo!" Inis kong sabi.
"Psh! Very stupid!" Sagot pa ni Dice.
Umikot ang mata ko sa inis."Uuwi na lang ako! Mukha pala akong tanga!"
Pagkuway kinuha ko ang 3210 na cellphone ko. At nagtext ako kay kuya Hendry, pagkatapos kong magtext nakita kong nakatingin sila lahat sa'kin.
"BAKIT??" Tanong ko sa kanila.
"What model of your cellphone?" Nakangising tanong ni fiddel.
"3210. Bakit masama? Medyo sira na nga lang ang housing niya kaya may nakataling goma. pero matibay pa yan!"
"Creepy!" Usal ni Loue.
"Ahh- wag niyo na lang guys pansinin si Freyah, bago pa lang kasi siya dito sa manila, alam niyo na laking probinsya siya eh," sabat ni Eloisa.
Tiningnan ko si Eloisa, sa wakas pinagtanggol din ako ng babaing iyon, akala ko buong magdamag akong i-iwan ni eloisa sa ere.
"Sabagay! Let's have fun!" Sabay taas ng baso nila. Tinaas ko din ang hawak kong mineral water at sabay sabi kong "CHEERSS!"
Asual, sa'kin sila nakatingin, pakiramdam ko. Sobrang ganda ko na. Sa'kin kasi nakafocus ang mga mata nila. Pagkatapos nilang magkwentuhan, nagpasyang sumayaw ang apat. Naiwan kaming dalawa ni Mr hoody, binuksan ko ang panglimang piraso kong kopiko na candy, habang nakatanaw sa mga nagsasayaw.
"Waiter!!" Napalingon ako ng biglang nagsalita si Mr Hoody,
"Bigyan mo nga ng isang galon na mineral water itong babaing ito!" Turo niya sa'kin.
"Sigurado ba kayo sir?" Muling tanong ng waiter,
Nagsalubong ang kilay ni Dice. "BINGE KA BA?"
"Sorry sir, yumuko pa ito at agad na bumalik sa pwesto nito.
"Hoy Mr hoody!" Tawag ko sa kanya.
Tinitigan niya ako ng masama,
"Pakiulit nga ang tawag mo sa'kin?"
"BINGE kaba? Sabi ko Mr Hoody!"
Nakita kong nakasimangot ito sa'kin, "Narinig ko iyon tanga! What i mean is bakit mr hoody ang tawag mo sa'kin?" Inis nitong sagot sa'kin.
I pout, "Gusto ko lang! Halos hindi na kasi makita ang mukha mo siguro ang panget mo! Noh!"
Nakita ko ang patikom ng kamao nito, "Wala kang alam stupid!"
Ngumisi siya. Asarin ko na lang si Mr Hoody. Para hindi masayang ang gabi ko. Hindi naman siguro niya ako susuntukin nito eh, ang bading lang kapag ganoon.
"Panget! Panget!" Bleeh!! Papanget si Mr Hoody!!" Pang-iinis ko pa.
"Psh! Hindi kita papatulan sa pang-a-asar mo kasi mag mumukha lang akong tangang katulad mo!"
Napasimangot ako. "TANGA TALAGA!!" nakakahiya naman sa katalinuhan mo. Ang brainy mo eh,"
Ngumisi siya. "Compare with you. Talagang mas matalino ako!"
Tinitigan ko siya ng masama. Matalino din naman ako nung elementary ako may award kaya ako dati. Most honest, perfect attendance at best in math ako.
"Mas matalino ako. Marami nga akong award noong elemenantary ako eh," pagyayabang niya.
Kahit nakatago ang mga mata nito. Nakita kong nakatitig siya sa'kin. pagkatapos bigla itong tumawa ng malakas.
"Wala kang kasing tanga! Tsk! Tsk!"
Sa inis ko binato ko ito ng maning kinakain ko huminto ito sa pagtawa at tinitigan ako ng masama.
"Wala kang manner noh!"
"Ikaw din naman pareho lang tayo!" Inis kong sabi.
"Psh! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa tangang katulad mo." Sagot nito.
"Tse!" Irap ko. Sabay baling ko sa mga kasama naming masayang-masayang nagsasayaw.
"Nakakainis ang mga tao dito sa manila."
"Sir, ito na po yung mineral water na request niyo." Ani ng waiter na bitbit-bitbit ang isang galong mineral water.
"Pakibigay diyan sa babaing 'yan! ng makaroon ng laman ang utak. Kahit tubig ang laman!"
"Opo sir,"sagot ng waiter, pagkatapos inilagay sa tapat ko ang mineral water, inis ko siyang tinapunan ng tingin, ngumisi siya ng parang nang aasar ng magsalubong kami ng tingin,
"Bleehhhh!!" Gigil kong sabi. Tapos umirap ako, kung pwede lang gripohan ang tagiliran nito. Ginawa ko na. May balisong pa naman akong nakaipit sa garter ng panty ko.
Inis na inis ako habang walang patid ang halakhak niya sa'kin, nilibang ko na lang sarili ko sa panonood sa mga sumasayaw. Maya-maya biglang may lumapit sa'king lalaki. Mataba ito at maraming balbas. Nasa edad trenta.
"Hi Miss beautiful, pwede ba kitang maisayaw?" Nakangisi pa itong nakatingin sa'kin.
"Eeww!!" Napangiwi ako. Hindi sa panglalait. Itsura kasi nito ay parang hindi papahuli ng buhay, kung kilala niyo si Patrick sa Sponge bob. Gano'n ang katawan ng lalaki. Super stomach IN, para na ngang bola ng basketball. Makapal ang bigote at balbas. At yung amoy? eeww!! Amoy ng kalabaw namin sa probinsya kapag naglublub sa tubigan, ang sakit sa ilong.
"A-ayoko!" Sagot ko. At bahagya pa akong umiwas dahil sa pagdikit ng balat noya sa'kin.
"Why miss beautuful.. ayaw mo bang makipagsayaw sa gwapong katulad ko?"
Umirap ako. "Oo talaga saan banda?" Usal ko.
"Anong sabi mo miss?"
"Ahh- sabi ko magagalit yung boyfriend ko eh,"
"Huh. Sino, ang boyfriend mo?"
Lumingon-lingon ako upang maghanap ng sasalo sa'kin sa panget na ito, nahagip ko ng tingin si Mr Hoody. "No choice na!"
"Siya oh!" Turo ko sa kinaroroonan ni Mr Hoody. "Siya ang boyfriend ko."
Nilingon ng matabang kalabaw este lalaki si Dice.
"Ah, sorry akala ko wala kang kasama eh," tapos umalis na ito.
Nakahinga ako ng malalim ng umalis na ito. "Kinabahan ako doon."
Pagkatapos muli akong humarap kay Dice. "Thank you! Dahil hindi ka kumibo diyan!" Tapos tumalikod ako. At muling pinanood ang mga nagsasayaw. Habang nilalantakan ko ang mani at candy ko. Hindi ako tumikim ng kahit ano. Mahirap ng mapahamak. Bilin ni kuya Hendry wag na wag akong tatanggap ng kahit inumin at pagkain. Dahil baka lagyan ng pampatulog ang kinakain ko O iniinom ko.
Daisuke's P.O.V.
Pagbaba ko ng kotse agad kong nakita ang dalawang kaibigan ko. Si Fiddel at Loue, napakunot ako ang noo ko. Habang papalapit ako sa kanila. "Where's Toffee?" Tanong ko sa dalawa. Napansin ko kasing kulang kami ng isa.
"My family dinner sila ngayon. Hindi siya makakasama." Sagot ni Loue.
"Okay!"
"May kasama pala tayo! Si Rosie my girlfriend and her friends." Ngiting sagot ni Loue.
Napasimangot ako. Paano ako makakainom ng alak kung may kasama kami. kapag nakilala nila ako. Pagkakaguluhan pa ako, psh! Badtrip!
"Loue uuwi na lang ako ng bahay! May kasama ka pala kayo." Tatalikod na sana ako. Nang harangin ako ni Fiddel.
"Hep!hep!hep!" Wag kang aalis! Wag mo akong iiwan dito!" Ani Fiddel.
"Huh? Bakit naman?" May mga date na kayo eh, kaya uuwi na lang ako sa bahay namin."
"Bawal ang kj Dice, let's go inside naghihintay na ang ka date natin." Pag-yaya ni Loue.
Umiling na lang ako. Nag-effort pa akong magdisguise. Hindi rin naman pala makakapag-enjoy, inis na inis ako kay Loue kasi nauto na naman ako.
Pagpasok namin sa loob ng bar. Agad kaming nagtungo doon sa VIP room.
"New girlfriend Loue?" Halos pabulong kong tanong.
"Quite Dice. Just enjoy the night." Sagot niya sa'kin.
Umiling na lang ako at agad akong umorder ng alak, hindi ko pinansin ang mga babaing kasama namin. Nagsalin ako ng alak at tinungga ko iyon.
"Siya si Freyah." Narinig kong sabi ni Loue, saka ko lang napansin ang babaing kaharap ko. Napakunoot ako nang may bigla akong maalala.
"Nakita ko na yata siya."
Muli ko siyang sinipat ng tingin, morena ang babae at maganda naman. pasimple ko itong tiningnan. Habang tumatagal lalong gumaganda ang dalaga sa paningin ko. Buti na lang nakadisguise ako. Kung kaya't hindi mapapansin ni Freyah na nakatingin ako sa kanya.
Napaangat ang kanang kilay ko ng makita ko ang ginagawa ni Freyah, tama ba 'yung nakikita ko? May kinukuha siya sa loob ng damit niya? pagpihit nito may hawak na itong mani at candy, masayang-masaya pa ito habang nag-aalok samin ng pagkain, "Geezz! Yung mani at candy galing sa loob ng bra niya?" Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Bigla ko tuloy naisip kung gaano kalaki ang hinaharap nito para maitago sa loob.
Nanatili akong nakatingin dito. Habang ang mga kasama niya, Walang patid ang halakhakan bigla tuloy akong nakaramdam ng inis sa mga ito.
"Bakit ano bang nakakatawa sa'kin?" Narinig kong tanong ni Freyah.
"Stupid!"
"Natatawa sila sayo kasi. NAPAKA-TANGA MO!" Mariin kong sabi.
"AKO TANGA?'ulit ni Freyah, parang gulat na gulat pa ito.
Kung nakikita lang ng babaing ito kung paano magsalubong ang kilay ko sa asar sa kanya.
"STUPID!" sabay lagok ko ng alak.
"Dice!!" Warning sa'kin ni Fiddel.
Tinapunan ko ng masama si Fiddel, gayon din ang ibang kasama namin.
"Why? Aminin niyo nang pinagtatawanan niyo siya dahil sa katangahan niya diba? Tanga lang ang magtatago ng mani at candy sa loob ng boobs niya" sarkastikong sabi ko.
"Ano bang masama sa pagtago ng mani doon. Boobs ko naman iyon hindi sa inyo!" sagot naman ni Freyah.
Gustong batukan sa inis ang Freyah na ito, sobrang stupida, I cant believe that there's have a stupid creature na nag-E-exist sa mundo na sobrang slow.
"Very stupid!" Inis kong sagot.
Tapos nakita ko ang pagtalikod nito samin, maya-maya biglang may dinukot ito na kung ano sa loob ng bag niya, tapos halos gusto kong matawa dahil sa cellphone nitong kahit taong grasa hindi pag-i-interesan. Bukod sa old model na ito ng cellphone may nakatali pa ng goma ang cellphone nito. Sayang maganda pa naman siya. Kaya lang may pagkatanga at halatang walang ka-alam alam sa mundo.