CHAPTER 3

2068 Words
DAISUKE'S P.O.V. "Where have you been? Daisuke!" bungad ni Dad sa akin nang makarating ako ng mansion. Sumalampak ako sa sofa, at naglaro ng xbox, "Yayaa! Juice please!" sigaw ko. Tumayo sa harapan ko si Dad, Fifty-years old na ito, pero brusko pa rin ang pangangatawan. Nakakunot ang noo niya habang naka-cross-arm. "I'm talking to you, Daisuke! Alam mo ba ang pinaggagawa mo ha!" gigil na sermon ni Dad sa akin. "Ano ba iyon, Dad? Nag-out of town lang ako masama na ba iyon?" "Noo! Pero nanood ka ba ng news? Nagbabasa ka ba sa tabloids or do you visit your social media? For god sake Daisuke, ikaw ang laman ng lahat ng mga yan!" "Yah! I know and the hell I care, puro lang 'yan chismis at walang halong katotohanan." "Bakit hindi ka magsalita at linisin mo ang pangalan mo? Ilang beses ng may mga reporter na pumunta dito, ang manager mo. Ilang beses nang pabalik-balik dito, at ikaw? wala kang pakialam!" "Ayokong magpa-interview dahil wala naman akong pakialam sa career ko. I'm planning to quit in showbiz." "Son of a b***h! Kapag pati ang kumpanya ko Daisuke naapektuhan diyan sa isyu sa iyo. I swear! Tatanggalan kita ng mana!" Tiningnan ko si Daddy, mukhang seryoso nga ito sa sinasabi niya. Huminga ako ng malalim. "Go ahead! Just do it Dad." "Damn it" sigaw ni Daddy bago umalis. "Sa tingin niya maapektuhan ako sa pagtanggal niya ng mana may pera naman ako." Habang naglalaro ako ng xbox lumapit sa 'kin ang kapatid kong si Ara, she's nine years old, menopause baby siya nang pinanganak, spoiled siya sa amin, lalong-lalo na sa akin. "Kuya!" Niyakap ko ang little sister ko. "Why are you crying?" She sniff. "Sabi ng classmate ko bakla ka raw? Nag-kiss daw kayo ng boy bartender! Isn't true 'di ba Kuya?" Tiim-bagang ako. Hindi ko inaasahan na kahit sa maliit na bata magiging big deal ang ganong isyu. "Don't believe them, your Kuya is a real man! Look my muscle!" Pinakita ko pa sa kapatid ko ang muscle ko. "See? I'm super Macho." Tumatango si Ara. "Kuya, I believe you, but they didn't stop making fun of me. And I'm getting upset." "Look, Kuya will clear up his name. Then Kuya will have a lot of films. Just wait, little sister." "Okay kuya." Ngumiti na siya sa'kin. "Good girl, kumain ka na ba?" Tumango ang bata, "I have to go may assignment pa ako, bye Kuya!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago ito tuluyang umalis. Pinagmasdan ko ang kapatid ko habang papalayo, napakabata pa niya para maapektuhan sa isyu, lalo na isyu ng matatanda, at kahit ayoko na sanang patulan ang mga iyon mapipilitan akong linisin dahil kay Ara, ayokong masaktan siya dahil do'n. Dina-dial ko ang number ng manager ko. "Thanks God, Daisuke at nagparamdam ka na rin, ano bang pictures ang kumakalat na iyon?" bungad agad sa 'kin ng manager ko. "We need to talk, I will tell you everything." "Sure, I'll go to your house, don't leave." "Here at home, no. Let's meet somewhere else" "Noo! Mas safe diyan, maraming paparazzi ang aaligid-aligid sa 'yo." "Fine! Bye!" Tapos ini-end of call ko na ang tawag, at muling naglaro ng xbox. Wala naman talaga akong balak na ayusin pa sana ang isyu na iyon. But for the sake of Ara, kailangan kong gawin iyon. Pagkaraan ng ilang oras dumating na ang manager ko. Nakaupo kami ngayon sa may terrace ng mansion namin. "Daisuke, ano ang kalokohan ang ginawa mo? Alam mo ba ang macho ang role mo sa bago mong movie. Paano na ngayon 'yan?" Nagkibit-balikat ako. "Ipa-cancel mo." "Alam mo ba ang sinasabi mo? Daisuke, we're already signed of a contract. Madedemanda tayo kapag hindi natin ipinagpatuloy." Tinitigan ko ang Manager ko. "I don't care!" "Naku! Daisuke, ang sakit talaga ng ulo ko sa 'yo. Bukas na bukas din magpapa-interview ka. Linisin mo ang pangalan mo," "Fine!" Tiningnan ako ng mabuti ni Manager. Alam kong naiinis na ito sa ugali ko. "Okay, I have to go! Hindi ako puwedeng magtagal dito. Bye! See you tomorrow," sabi pa niya. "Bye!" Simple kong sagot. Tapos hinayaan ko na lang ang katulong namin ang naghatid kay manager palabas ng mansion. Mayamaya biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello!" "Kumusta na, Dice" "Loue, anong masamang hangin at tumawag ka?" "Woahh! Ano ba 'yan Dice, ikaw na nga itong inaalala." "Hindi ako sanay lalo na kung ikaw ang magsasabi niyan," sarkastikong sagot ko. "Ikaw talaga Dice, anyway come with us tonight." "Are you insane? Alam mo na ngang hindi ako puwedeng maglalabas ngayon. Mainit ako sa media." Narinig ko ang malakas na tawa ni Loue sa kabilang linya. "Then just do something. Maybe you can hide your identity." Bigla akong napaisip. Bakit ko kailangan buruhin ang sarili ko sa loob ng mansion namin kung may paraan namang makalabas. "You know what Loue, for those nonsense talks you said, I think? That one is the most brilliant idea. Thank you." "Sabi ko naman sa 'yo pagdating sa tactics magaling ako diyan." "Oh, sige bye! See you later." Tapos ini-end call ko na hindi ko na inantay na muling magsalita si Loue. FREYAH'S P.O.V. "Freyah, gusto mo bang sumama sa amin mamayang gabi magba-bar kami?" tanong ni Eloisa kapitbahay ito nila Kuya Hendry. Isa siya sa naging close ko agad dito sa lugar nila Kuya Hendry. "Bar? Ano bang bar ang pupuntahan natin? Marami pa naman kaming mga sabon dito. hindi gumagamit sila Kuya ng bar, powder at liquid ang gamit nila." Umikot ang mata ni Eloisa. "Freyah! My God saang planeta ka ba nanggaling? Bar, as in disco sayawan, inuman, ganern!" "Eh, bakit kasi hindi mo na lang sabihin sayawan, ayokong sumama hindi ako marunong sumayaw. Mapagkamalan akong babaeng mababa ang lipad," sagot ko, habang nakaupo ako sa malambot ng sofa nila Kuya Hendry. Nanonood kasi kami ng movie. "Freyah, sumama ka na para masanay ka na dito sa Maynila. I-enjoy mo ang pag-stay mo dito," sabat ni Kuya Hendry. "Oo, nga Kuya Hendry, para kasing galing itong kapatid mo sa panahon ng mga JAVA." "Pagpasensyahan mo na 'yang si Freyah, Eloisa. Hindi kasi 'yan lumaki sa siyudad kaya ganyan 'yan." "Gano'n po ba? Oh, ano Freyah? Sasama ka ba?" muling tanong ni Eloisa. "Pero kasi ano-" "Ako nang bahala sa gagastusin mo," muling sabi ni Kuya Hendry. Ngumiti si Eloisa. "Oh, si Kuya Hendry na raw bahala sa gastusin sumama ka na!" "Puwede bang mag-isip muna saglit?" Nag-cross-arm si Eloisa. Habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. "Ano bang gusto mo? Sumakay tayo sa kalabaw o sa kabayo para sumama ka lang!" "Sige na nga!" Inis kong sagot. Pumalakpak si Eloisa. "Yehey! Basta susunduin kita mamaya rito," masayang sabi ni Eloisa. Tumango ako. "Sige, ikaw ang bahala." "Eloisa, ingatan mo itong kapatid ko, ikaw na ang bahala diyan, first time niyang sumama sa ganyan. May tiwala ako sa 'yo," wika ni Kuya Hendry. Itinaas ni Eloisa ang kanang kamay niya. "Opo, Kuya, promise!" "Good," sagot ni Kuya Hendry. "Oh, paano susunduin kita bago mag-ala siyete ng gabi." "Oo, ang kulit." "Bye!" Tapos bakendeng-kedeng itong umalis. "Kuya naman! Bakit mo ba ako pinipilit na sumama do'n? Alam mo namang wala akong kahilig-hilig sa mga gano'n mas nais ko pang magburda o kaya maggantsilyo mas mag-e-enjoy pa ako." Lumapit si Kuya Hendry sa akin, at inakbayan niya ako. "Kapatid, iyon nga ang dahilan kung bakit gusto kong matutunan mo ang buhay sa Maynila. Dahil nakasanayan mo na ang buhay sa probinsiya. Paano ka mabubuhay dito kung hindi mo alam kung paano kumilos?" Paliwanag ni Kuya Hendry. Sumimangot ako. "Pero parang nag-aaksaya lang ako ng oras do'n, eh," "Basta sumama ka! Ang bilin ko lang sa 'yo. 'Wag na 'wag kang aalis sa tabi ni Eloisa. 'wag na 'wag kang tatanggap ng anumang pagkain o inumin na binibigay ng mga tao roon. Kung may problema mag-text o tumawag ka sa 'kin, okay?" "Parang nakakatakot naman yata ang pupuntahan ko Kuya, 'wag na lang kaya ako sumama?" Tinitigan ako ng masama ni Kuya Hendry. "Sabi ko nga sasama na ako." Pasado alas-siyete ng gabi ng dumating si Eloisa. Bihis na bihis na ito. Nakatayo siya sa harapan ko habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Tapos nakataas ang kilay niya sa 'kin. "Hindi pa naman buwan ng wika. Bakit nakasuot ka ng kimona?" tanong niya sa 'kin. Nakasuot kasi Eloisa ng damit na abot hanggang hita ang haba. Samantalang nakasuot naman ako ng kimona. Tinitigan ko ang sarili ko. "Ano bang masama sa suot ko?" Pormal naman!" Nilamukos ni Eloisa ang mukha. Halatang nagpipigil mainis, huminga muna ito ng malalim bago muling tumingin sa'kin. "For god sake Freyah, wala tayo sa panahon ng himagsikan. Palitan mo ng suot mo please!" Mariin niyang bigkas. "Pero okay na- "I said change your outfit!" sigaw ni Eloisa. Nataranta akong pumasok ng silid niya. "Huhu. Bakit ba nagagalit si Eloisa? Maayos naman ang aking pananamit." Umupo ako sa kama at kinamot ko ang ulo ko, pagkatapos biglang pumasok si Kuya Hendry at ang asawa nito. "Kamusta na ang su—" Nagkatinginan silang mag-asawa pagkatapos nagbunghalit na sila ng tawa. Napakunoot tuloy ako sa dalawa. "What's wrong with me. Do I look funny?" sabi ko. "Ay! Teka lang english pala iyon nosebleed." Kinuha ko ang panyo at pinunas ko sa ilong ko. Walang patid ang halakhakan ng mag-asawa. Hawak-hawak ng mga ito ang tiyan, nakasimangot ako. Yung nguso ko puwede ng pagsabitan ng kaldero. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang naka-cross-arm. "Hon, bigyan mo nga ng tamang damit yang kapatid ko," sabi ni Kuya Hendry Matapos tumigil sa pagtawa sa 'kin. Tumango ang asawa nito. "I think she need to learn how to wear proper outfit." Lumabas ang asawa ni Hendry at nagtungo sa silid nila. Pakalipas ng ilang minuto, bumalik itong may mga dala-dalang damit at sandals. "Which one you may like?" Habang itinataas ang tatlong dress. "Wala po ate, ang i-iksi kasi eh, kita ang legs ko diyan." "'Yan nga maganda. Kitang-kita ang maputi mong balat. Try this one." Kinuha nito ang kulay black na above the knee ang tabas ng tela. Plain black pero off shoulder. "Ayoko po, Ate!" Pagtanggi ko. "Freyah!" tawag ni Kuya Hendry. "Sabi ko nga susuotin ko na eh," kakamot-kamot akong sumunod sa gusto nila. "Wow! Ang ganda mo na Freyah! sabi ni Kuya Hendry, nang naisuot ko ang damit, Napangiwi ako. "Maganda ba ito, labas na kaluluwa ko? Gusto ko nang umuwi ng probinsya. Kahit kailan hindi ko pa nagawang ilabas ang mga tuhod ko. lagi akong naka-jogging pants." "Kuyaa! sobrang iksi naman eh, mag-jogging pants na lang ako, or kaya pantalon." Reklamo ko. "Freyah! Wag mo akong inisin," warning ni Kuya Hendry. Yumuko na lang ako at palihim na nagluluksa sa suot kong damit. "Hon, puwede mo ba siyang ayusan?" Tanong ni Kuya sa asawa niya. Nakangiti namang tumugon ang asawa ni K7uya. Parang tuwang-tuwa ang mga ito na paglaruan ako. Para akong si chuckie (yung manika) na inaayusan. "Sige, Hon, alam mo naman diyan ako magaling eh," "Thank you Hon," Pagkatapos paglaruan ang mukha ko. Humarap ako sa salamin. "See ang ganda mo 'di ba, Freyah?" Tumango ako. Ako ba ito? Parang ibang tao na ako. "Sabi ko sa 'yo mas lalo kang gaganda," wika ni Kuya. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa salamin. "Oh, sige aalis na kami ng Ate mo. Hintayin ka namin sa labas ha!" Tumango na lang ako. Nanatili akong nakatingin sa salamin at hinahaplos ko ang mukha ko. "Ako ba talaga ito?" "Teka nga! ma-testing nga kung ako ba talaga ito!" Pinagsasampal-sampal ko ang sarili kong mukha. "Oouuchh!! Ang sakit, ako nga ito." Lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko nakita kong nakangiti ang mukha ni Eloisa. "Much better, pero bakit parang nasobrahan ka yata sa blush on? buong mukha mo namumula. "Hindi naman ganyan kanina ang nilagay kong blush on," wila ng asawa ni Kuya Hendry, "Ha? Wala ito, Ano kasi eh, first time niyang nabahiran ng makeup kaya namula hindi sanay ang balat ko," alibi ko. Hindi ko puwedeng sabihin na sinampal ko ang sarili ko baka sabihan nila akong tanga. "Gano'n ba? Masasanay ka rin niyan, let's go!" wika ni Eloisa sa akin. Sumunod naman ako. "Alis na po kami, Kuya, Ate!" "Mag-ingat kayo Eloisa. Si Freyah, 'wag mong pabayaan. Ikaw Freyah, yung sinabi ko sa'yo." "Opo, Kuya Hendry!" sabay naming sagot ni Eloisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD