CHAPTER 2

1454 Words
FREYAH'S P.O.V. "Inang! Aalis na po ako! Mag-i-ingat po kayo dito. Benny, alagaan mo si Inang," sabi ko sa nakababata kapatid kong "Oo, Ate! Basta pagdating mo sa Maynila. Ibibili mo ako ng cellphone." Sumimangot ako. "Hay! Naku! Ibibili lang kita kapag nag-aral ka nang mabuti." "Promise 'yan, Ate." Niyakap ko ang nanay at kapatid ko. "Aalis na ako, Inang. Benny, tulungan mo si Inang magtabas ng palay at magtanim." "Oo, Ate, umalis ka na baka gagabihin ka pa niyan." "Freyah, sige na umalis ka na. Mag-ingat ka do'n sa Maynila. Ikumusta mo ako sa Kuya Hendry mo." "Opo. Alis na po ako." "Sige na at baka gabihin ka pa pagbaba ng Bayan, baka hindi mo pa maabutan ang bus papuntang Maynila." "Sige po Inang, Benny mag-ingat kayo rito." Sumakay ako ng kalabaw pagbaba ng Bayan, walang dumadaan jeep o tricycle sa lugar namin dahil sobrang kipot at pa-akyat ang lugar. Tahimik at kuntento ng mga tao dito. Nabubuhay sila sa pagtatanim ng palay, pagkokopra, pagtatanim ng mga gulay at pangingisda. Simpleng buhay at malayong-malayo sa sibilisasyon. Ngunit makikita mo naman ang pagiging kontento ng ibang tao. Bente minutos bago ka makarating ng bayan, mula doon sasakay ako ng bus papuntang Maynila Susunduin ako ni Kuya Hendry sa Terminal ng Maynila. "Freyah, luluwas ka na ba ng Maynila?" tanong ni Tata Ading, ang may-ari ng kalabaw na sinasakyan ko. "Opo, Tata Ading, magtatrabaho po ako." "Nais mo nang doon magtrabaho? Paano na ang Inang mo? Wala nang tutulong sa pagsasaka. "Si Inang po ang nagsabi na doon muna ako kay Kuya Hendry, ayoko ngang lumuwas ng Maynila dahil magulo roon." "Ay tunay nga iyon Freyah, kilala mo ba si Jojo anak ni Tata Ambo mo? Aba'y nakakulong sa Manila at nag-jaywalking daw." "Nabalitaan ko nga po iyon, magulo po talaga doon, eh, tatawid ka lang sa kalsada ikukulong ka na." "Mag-ingat ka doon, Freyah." Tumango-tango, first time kong pumunta sa Maynila, wala akong ka-alam-alam doon. Hindi ko naman kasi pinangarap na tumungtong sa Manila. Si Inang lang talaga ang may nais na lumuwas ako, halos iyak baka na nga ako para lang hindi ako paalisin. Ngunit sadyang matigas na si Inang, nais pa rin niya akong makarating sa Maynila. "Tata Ading! Maraming salamat po," sabi ko, nang makarating ako ng Bayan. "Walang anuman, mag-i-ingat ka doon ha!" "Opo, salamat po!" Bitbit ko ang dalawang bayong. Ang isang bayong ay may laman ng dalawang buhay na manok, ang isa naman ay mga gulay at banig na pinabili ni Kuya Hendry, may dala din akong limang kilong bagong giling na bigas, halos hirap na hirap akong bitbitin ang mga iyon nang makarating sa terminal ng bus papuntang Maynila. "Manong saan papunta ito?" tanong ko bago ako sumakay. "Cubao, Hindi mo ba nabasa ang nakalagay?"anito. Sinilip ko ang nasa may harap ng bus, kakamot-kamot ako ng makita ko ang sign board. "Pasensiya naman po, malay ko bang diyan pala nakadikit 'yan." Umakyat ako sa loob ng bus, doon ako sumakay sa pangatlong hanay na upuan malapit sa unahan. Dalawa lang ang maaring makaupo doon kaya iyon ang napili kong upuan. "Grabe! Nakakapagod naman. Nakakainis naman si Kuya Hendry nagpadala pa ng mga bitbitin ang hirap tuloy." "Excuse me, pausog naman." Napalingon ako sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng jacket, nakasalamin ito, at ang hood ng jacket niya ay nakapatong sa ulo niya, umusog ako ng bahagya. "Ahmm.. papunta ka rin ba sa Maynila?" tanong ko. Ngunit hindi niya ako pinansin. Muli ko siyang kinausap. "H-Hello!" Ngunit hindi pa rin niya ako kinausap, sumimangot ako. "Ang binge naman." Nagsimula nang umandar ang bus, dahil puno na ito, mayamaya unti-unti na akong napapaidlip, ngunit ilang minuto pa lang akong nakakaidlip, nagising ako sa ingay ng katabi ko, kumakanta ito kaya tinapik ko siya, lumingon naman ito. "Pakihinaan naman, ang ingay mo, eh." Napansin ko na parang may tinanggal ito sa tenga niya. "Anong sabi mo?" "Sabi ko binge ka! Tse!" Irap ko sa kanya, at muli akong pumikit. "Psh! Stupid, hindi mo ba nakikitang naka-headset ako? Stupid girl," narinig ko bulong niya. Idinilat ko ang isang mata ko, at pasimple ko siyang tiningnan. "Airpod ba tawag doon? Kaya pala walang wire? Ang akala ko hikaw." Bigla kong na alalang i-text si Kuya Hendry sabi kasi niya i-text ko raw siya kapag umaandar na ang bus. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko, at nag-text ako kay Kuya Hendry. Napansin kong pasilip-silip ang katabi kong lalaki sa cellphone ko kaya nang matapos kong i-text si Kuya Hendry agad kong isinilid sa bag ko ang phone ko. "Bakit mo tinitingnan ang cellphone ko? gusto mong nakawin, noh!" Tinitigan niya ako, sabay tumawa ng malakas sa sobrang lakas napatingin ang ibang pasahero ng bus sa aming dalawa. "Alam mo Miss? Wala ng magkaka-interes sa cellphone mo. Anong model ba 'yan?" Saglit itong nag-isip, "Hmm.. nokia 3210 haha! Kahit holdaper hindi na 'yan pag-i-interesan, baka ibato pa 'yan sa 'yo. May goma pa ang keypad, haha! Wala nang value 'yan," sagot ng lalaki. "Tse! Kunwari ka lang, pero gusto mo itong nakawin, anong walang value? Nakakapag-text at nakakatawag pa nga ako rito, walang value!" Inis kong sabi. Ngumisi ang lalaking katabi ko. Hindi ko nakikita ang mukha nito dahil nakasuot siya ng eyeglasses at nakabalot ng jacket. "Whatever! Stupid!" Tapos tumagilid ito sa pag-upo at sinalpak ulit ang headset niya. Gigil na gigil ako habang nakapikit. Lintek na lalaking katabi koo, nanlait pa. Nakakainis! Kung ganito ba naman ang tao sa Maynila baka bumalik na agad ako sa Sitio Laresa. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko kahit ihing-ihi na ako at gutom. Natatakot akong maiwan ng bus. Ang ibang mga pasahero bumababa kapag humihinto ang bus, pero ako hindi ako bumababa. Bumibili na lang ako ng mga pagkain na binebenta sa bus, ilang oras ko ding tiniis ang sakit ng puwet ko at ngalay dahil hindi nga ako tumatayo. Bukang liwayway nang makarating kami sa terminal ng bus. Pagbaba ko ay agad kong nakita si Kuya Hendry. Kinawayan ko siya habang tinatawag. Agad naman niya akong sinalubong ng makita niya ako. "Freyah! Buti naman at nakarating ka nang ligtas, hindi ka ba nahirapan?" tanong ni Kuya Hendry. Inunat-unat ko ang katawan ko, "Medyo, ang sakit ng katawan ko daig ko pa ang nag-ani ng buong araw. Kuya, nagugutom at naiihi na ako." "Tayo na! Ililibre kita ng pagkain sa isang fast-food dito." Nakangiting sabi ni Kuya Hendry. Ngumiti ako, hindi pa ako Kumakain sa fast-food na sikat, ang layo kasi nito sa amin sa probinsya. "Talaga Kuya! Tayo na dali!" Excited kong sagot kay Kuya Hendry. Tumawa si Kuya Hendry sa 'kin at binitbit niya ang mga gamit ko. Nilagay niya sa likod ng kotse niya ang mga dala ko. Si Kuya Hendry, nagkaroon ng magandang trabaho dito sa Maymila, nakapagpatayo na ito ng sariling bahay at may sarili na rin siyang pamilya, matagal ng nais ni Kuya Hendry na papuntahin ako sa Maynila. Gusto niya akong pag-aralin ng kolehiyo. Ako lang ang may ayaw. Nag-aral naman ako ng kolehiyo vocational. practical nursing ang kinuha ko, kaya may alam naman ako kahit papaano sa mga basic. "Kuya Hendry! Magbabanyo lang ako 'wag mo akong iwan," sabi ko sa kanya ng makarating kami sa loob ng fast-food chain. Naka-order na si Kuya at hinihntay na lang namin ang mga order niya. Pagpasok ko sa loob ng women's comfort room, namangha ako sa ganda ng loob, puro tiles at marmol ang buong paligid. Pumasok ako sa loob ng CR, habang umiihi ako bigla itong kusang nag-flush, napasigaw ako at kinabahan. "May multo yata rito?" Nagmamadali akong lumabas ng banyo, putlang-putla ako, nanlalamig ako kaya pinakalma ko muna ang sarili ko. Naisipan kong maghugas ng kamay, pero nang tinatapat ko ang kamay ko ay walang tubig na lumalabas, hinanap ko ang gripo ngunit wala akong makita. Tiningnan ko ang babae na naghuhugas ng kamay, may lumabas naman na tubig, kung kaya't inantay ko siyang matapos maghugas ng kamay at lumipat ako sa pinaghugasan niya, pero nang gagamitin ko na wala pa rin lumalabas, pinidot-pindot ko wala pa rin. "Miss, ganito lang 'yan," sabi ng janitor. Tinapat niya ang isang daliri niya sa may gilid ng pauset at bigla na lang lumabas ang tubig, ginaya ko siya at nagkaroon ng tubig. "Sensored kasi 'yan," aniya. "Ah, sensored pala, hindi agad sa akin sinabi, paano ito kapag papatayin na?" Muli kong tanong. "Tatanggalin mo lang 'yang kamay mo." "Ah gano'n po ba, salamat po." Ngumiti ang Janitor sa akin. "Walang anuman." "Nakakatanga naman rito." Paglabas ko ay naroon na ang pagkain na order ni Kuya Hendry. Tuwang-tuwa ako habang kumakain ako. Inisip ko si Benny, kapag nagkatrabaho ako dadalhin ko rin siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD