"Kumusta ka naman? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Geraldine nang pumasok na si Lorna. "Oo maayos na. Sadyang nilagnat lang talaga ako. At parang binugbog ang katawan ko..." aniya sabay kagat labi. Umarko ang kilay ni Geraldine. "Ha? Bakit? Ano na ang nangyari sa iyo? Nakipag- away ka ba o ano?" Kinagat ni Lorna ang kaniyang pang ibabang labi upang pigilan ang sarili na ngumiti. Ayaw niya munang malaman ni Geraldine na nagpabiyak na siya kay Lucian. Siguradong matatawa ito at aasarin siya. At nahihiya rin siya. Sa katunayan, nakiusap muna siya kay Lucian na susunod na ulit may maganap sa kanila dahil baka maiyak na naman siya sa laki ng k argada ni Lucian. "Ahm... hindi ko rin talaga alam eh. Basta, nagising na lang ako na nilalagnat tapos parang binugbog ang katawan ko sa sak