"Prinsesa, my love... bakit ngayon ka lang umuwi?" nag- aalalang tanong ni Lucian sa dalaga. Alanganing ngumiti si Lorna. "Pasensya na po, kuya my love... medyo natagalan po kasi kami sa paggawa ng project. Ahm... syempre nagbibigayan kami ng ideya sa isa't isa. Tapos pipiliin kung sino ang sa tingin namin mas okay ang ideya kaya humaba ang discussions." "Sabagay, naintindihan ko naman. Sa susunod, mag- message ka na lang sa akin, okay? Dapat kada oras may update ka sa akin para hindi ako nag- aalala ng sobra. Alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi ako mapakali at mapanatag kapag wala ka sa tabi ko..." malambing na wika ni Lucian bago niyakap nang mahigpit si Lorna. Kinikilig namang gumanti ng yakap ang dalaga. "Opo... sa susunod kahit minu- minuto pa akong mag- message sa iyo, walan