"Hanggang kailan mo ipagtatanggol at kakampihan ang kapatid mo, Lucian? Ako ang girlfriend mo! Ako dapat ang kinakampihan mo at hindi ang impaktang iyon!" "Shut the f uck up, Cheska! Tama na! Nakakasawa na ang paulit - ulit mong sinasabi sa kapatid ko na bruha siya! Hindi siya ganoon. Mabait naman ang kapatid ko kung makukuha mo ang loob niya pero anong ginagawa mo? Pinapatulan mo siya! Sino ba ang mas matanda sa inyong dalawa? Hindi ba ikaw? Bakit hindi mo siya kayang unawain? Bakit pinapatulan mo siya?" Nangingilid ang luha ni Cheska sa kaniyang mata dahil masama ang loob niya kay Lucian. Sinusubukan naman talaga niyang huwag patulan si Lorna. Sinusubukan niyang maging kalmado pero hindi niya kinakaya. Talagang naiirita siya kay Lorna. Talagang kumukulo ang dugo niya sa dalaga. Na para