Bumuga ng hangin si Lucian bago nahiga sa kanilang kama kung saan nakaupo si Cheska at umiiyak. Masama ang loob niya lalo pa't hindi siya pinaniwalaan ng kaniyang nobyo. "Matulog na tayo. Inaantok na ako," sambit ni Lucian bago nahiga. Tiningnan siya ni Cheska. "Ganoon na lang iyon? Matapos akong sabihan ng pokpok ng bruha mong kapatid? Ganoon na lang?!" "Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi alam ni Lorna ang salitang iyon! Kaya puwede ba, huwag ka ng gumawa pa ng kuwento!" inis na wika ni Lucian. Asar na tumawa si Cheska. "Wow? At ako pa talaga ang gumagawa ng kwento? Hindi ba puwede ang impakta mong kapatid? Napakasinungaling niya!" Tiningnan ng masama ni Lucian ang kaniyang nobya. "Hindi na ako natutuwa sa sinasabi mo sa kapatid ko. Huwag mo akong sagarin. Pumapatol ka pa sa bata alam