8

1104 Words
3 years later.... "Anong klaseng mukha iyan? Nakabusangot ang aga- aga! Hindi ka ba masaya na first day natin ngayon bilang 2nd year college student?" tanong ni Geraldine kay Lorna. "Hindi. Hindi ako masaya. Bakit ba kasi kailangan pang mag- aral? Dapat itong college na ito, two years lang eh. Bakit ba kasi four years pa? Katamad mag- aral!" maktol ni Lorna. Binatukan siya ni Geraldine. "Magtigil ka nga diyan! Inaatake ka na naman ng katamaran mo. Bakit kasi hindi ka na lang humanap ng inspirasyon mo sa school na ito? Ang dami - daming guwapo sa school na ito, wala ka man lang bang napili?" Umirap si Lorna. "Wala. Wala ng mas gaguwapo pa sa paningin ko kun'di si kuya Lucian lang." "Hoy! Lumalala na iyang pagkaadik mo kay kuya Lucian mo. Baka hindi mo namamalayan, mahal mo na siya bilang lalaki. Hindi bilang kuya. Alam mo namang bawal iyon dahil sa tingin ng mga magulang niyo, magkapatid kayong dalawa..." paalala ng kaniyang kaibigan. Natahimik si Lorna. Kahit siya sa kaniyang sarili nagtataka na rin kung bakit puro na lang din siya kuya Lucian. At wala ng mas guwapo pa sa kaniyang paningin kun'di ang kuya Lucian niya. Para sa kaniya, wala ng mas hihigit pa sa kanyang kuya Lucian. Masaya nga siyang tatlong taon na ring single ang kaniyang kuya Lucian simula nang maghiwalay sila ni Cheska. Balak pa nga siyang saktan ni Cheska noon ngunit wala itong nagawa nang magalit ang kuya Lucian niya. Hindi niya alam kung paano tinakot ng kuya Lucian niya si Cheska para tigilan siya nito. "Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Basta ang alam ko lang, ang katulad ni kuya Lucian ang maaaring kumuha ng atensyon ko. Iyon bang mahihigitan niya si kuya Lucian sa pagiging maalaga at mapagmahal pati na sa pagiging guwapo. Kaya lang, wala akong makitang mas higit pa kay kuya Lucian. Kaya hindi ako attracted sa iba." Humalukipkip si Geraldine bago tinaasan ng kilay si Lorna. "Tsk. Umayos ka lang. Huwag kang magtatangkang magustuhan ang kuya mo. Kuya mo siya. Kapatid dapat ang turing mo sa kaniya. Mahal mo dapat siya bilang kapatid hindi bilang lalaki. Dahil bawal kayong magmahalang dalawa bilang babae at lalaki. Bawal. Magkapatid kayo sa mata ng mga magulang niyo kahit na hindi mo siya tunay na kadugo." Mabilis na tumango si Lorna. "Oo na! Oo na! Hindi ako magkakagusto sa kuya ko! Tsk. Sana lang talaga makahanap ako ng lalaking magpapatibok ng puso ko dito sa school na ito." Naglakad na silang dalawa patungo sa classroom nila para sa unang klase nila nang araw na iyon. Parehas sila ng kinuhang kurso. At parehas ang schedule na kinuha ni Lorna sa schedule ni Geraldine para magkaklase silang dalawa. Scholar si Geraldine sa school na iyon dahil sa galing niya sa klase. Kung saan tuwang - tuwa ang magulang niya dahil kakaunti na lang ang babayaran nila. Masipag mag- aral si Geraldine habang si Lorna naman, pasaway talaga. Tamad mag - aral at gustong palagi lang nasa bahay o gumagala. "Hi!" Kumunot ang noo ni Lorna nang tabihan siya ni Clark. Papansin ito sa kaniya noon pang maging kaklase niya ito nakaraang taon. At ngayon, magkaklase na naman sila. Parehas lang din sila ng kurso. Hindi niya akalain na magiging kaklase niya si Clark dahil marami silang estudyante na BSBA- Financial Management ang kinuhang kurso. "Hello..." walang gana niyang sabi. Mahinang natawa si Clark. "Ang sungit mo naman. Hindi ka na nagbago." Nilingon siya ni Lorna. "Ano bang pakialam mo? Eh 'di kapag naging sweet ako sa iyo, baka ma- in love ka pa. Tsk." Muling natawa si Clark sabay kamot sa kaniyang batok. "Kahit naman magsungit ka pa sa akin, talagang mai- in love ako sa iyo. Bukod sa maganda ka at sexy, gusto ko iyang pagiging masungit mo. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Ni hindi ka man lang nagpapansin sa akin noong una mo akong makita." Ngumiwi si Lorna. "Aba! Bakit naman ako magpapapansin sa iyo? Ano ka? Artista? Guwapo ka bang sobra? Marami pang mas guwapo sa iyo kaya huwag lang feeling na sobrang guwapo mo para magpapansin ako sa iyo." Natatawang umiling si Clark. Totoo naman kasi ang sinabi niyang si Lorna lang ang tila na hindi na naguwapuhan sa kaniya. Guwapo naman talaga kasi si Clark. Sa katunayan, nagmo- model nga siya at sikat sa social media. Maraming babae ang todo papansin sa kaniya at hinaharot siya ngunit si Lorna, walang pakialam sa kaniya. Palibhasa, si kuya Lucian niya lang ang mahalaga sa kaniya at pinakaguwapo sa kaniyang paningin. Kaya wala siyang pakialam sa ibang lalaki. "Napansin ko parang walang lalaking nagtatangkang manligaw sa iyo. Tinatakot mo siguro 'no?' "Talaga! Ang papangit kasi ng mga lalaki dito. Hindi nakaka- inspired ang pagmumukha," mabilis na sabi ng dalaga. Hindi napigilan ni Clark na matawa ng malakas. "Sobra ka naman kung magsalita! Ang dami kayang mga guwapong lalaki dito. Hindi mo nakikita? Ano ba iyang mata mo?" Umikot ang mata ni Lorna. "Wala kang pakialam. Eh sa napapangitan ako sa kanilang lahat lalo na sa iyo." Hindi na nagsalita pa si Clark dahil dumating na ang kanilang professor. Umayos na silang lahat ng pagkakaupo habang si Lorna naman ay tamad na tamad na nakatingin sa harapan. Inaantok kasi siya dahil nagpuyat siya kagabi kanunuod ng paborito niyang series kaya wala siyang ganang makinig. MABILIS NA SUMAPIT ANG UWIAN. Bago tuluyang umuwi, bumili muna si Lorna ng paborito niyang pagkain dahil bigla siyang nagutom at natakam kainin ito. Pagkatapos, mabilis niyang minaneho ang kaniyang sasakyan pauwi. "Hi, mommy and daddy!" magiliw niyang sabi nang makapasok siya sa kanilang bahay. "Hello, anak kong napakaganda! Ang nag- iisang prinsesa ng aming buhay!" wika ni Angelica sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang anak. Yumakap na rin sa kanilang dalawa ang daddy Joseph niya. Matanda na ang mga magulang niya dahil may edad na rin si Angelica noong iniluwal siya nito. Senior na parehas ang kaniyang mga magulang kaya nag- retired na ito sa kanilang trabaho. Puro negosyo na lang ang pinagkakaabalahan ng kaniyang mga magulang. "Hi, Lorna..." Nilingon ni Lorna ang kaniyang kuya Lucian kung saan agad na nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang babae sa tabi nito. Nginitian siya nito bago kumaway pa. Hindi niya ito napansin kanina dahil nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang mga magulang. "H- Hello sa iyo, Lorna..." ani ng babae. Tumingin si Lorna sa kaniyang kuya Lucian. "Kuya, sino siya?" Hinawakan ni Angelica sa balikat ang kaniyang anak. "Siya si Divine. Girlfriend ng kuya Lucian mo." "What?!" inis na wika ni Lorna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD