15

1015 Words
Natapos ng madaling araw ang selebrasyon ng kaarawan ni Lucian. Tinamaan na rin siya ng alak. Hindi na nga niya nagawang ihatid pa si Divine pauwi kaya naman inis na inis ito sa kaniya. Nag- inom ng alak si Lucian dahil sa matinding selos na kaniyang nararamdaman ngunit wala naman siyang magawa. Kailangan niya lang magselos ng tahimik upang hindi mahalata. "Kuya, ano na? Diyan ka na lang sa sofa matutulog? Doon ka na sa kuwarto mo! Pagagalitan ka pa nina mommy at daddy diyan!" suway ni Lorna sa kaniyang kuya Lucian. Nakapikit na si Lucian dahil inaantok na rin talaga siya siya. Nakatungo siya sa sofa doon. Hindi na niya magawang umakyat pa sa kaniyang kuwarto dahil nahihilo na talaga siya. "Halika na, kuya! Tutulungan kitang pumunta sa kuwarto mo! Tumayo ka na, bilis!" naiinis na wika ni Lorna. Inalalayaan niyang makatayo si Lucian. Umakbay ito sa kaniya at nagsimula nang umakyat ng hagdan. Ramdam ni Lorna ang bigat ng kuya Lucian niya. Napapangiwi na nga lang siya pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. Amoy na amoy niya ang alak na nagmumula sa kaniyang kuya Lucian. Napairap na lamang siya. 'Bakit ba kasi nagpakalasing ang lalaking 'to! Sinabi nga ni mommy na huwag masyadong maglasing pero hindi siya nakinig!' Buong lakas na binuhat ni Lorna ang kuya Lucian niya hanggang sa makahiga ito sa kama. Hingal na hingal siyang naupo sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha ni Lucian. Napatingin siya sa pinto ng kuwarto nito kung saan dali - dali niya itong isinara dahil baka may makakita sa kaniya doon. Gusto niya muna kasing manatili sa silid nito kahit sandali. Muli siyang naupo sa tabi nito. Napatingin siya sa mapulang labi ng kaniyang kuya Lucian. 'Bakit ba ang guwapo mo sobra? Kahit alam kong bawal kitang mahalin pero hindi ko mapigilan? Bakit? Sana hindi ka na lang naging ampon nina mommy at daddy. Para sana hindi ko itinatago sa iyo ang nararamdaman ko...' Nilapit ni Lorna ang kaniyang mukha sa mukha ng kuya Lucian niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa. Hanggang sa unti- unti niya pa itong nilapit at naramdaman na lamang niya na naglapat ang kanilang mga labi. Maingat ang paggalaw ng labi ni Lorna habang hinahalikan si Lucian. At ang kamay niya ay gumapang sa pagitan ng hita nito kung saan nagulat siya sa kaniyang nahawakan. 'Ano iyon? Ang laki! Ang tigas!' Naghiwalay na ang labi nilang dalawa dahil pinukol na ni Lorna ang tingin niya sa pagitan ng hita ni Lucian. Napalunok siya ng laway nang makita ang malaking umbok doon. Ang laki- laki nito dahil naninigas na ng husto ang alaga ni Lucian. Bumilis ang t***k ng puso ni Lorna bago makailang ulit na lumunok ng kaniyang laway. Pagkatapos, dahan - dahan niyang inilapit ang kanyang kamay doon at sinimulang himasin ang alaga ni Lucian. Kahit may tela pang nakaharang doon, pakiramdam ni Lorna nahahawakan na n'ya mismo ang alaga ni Lucian. 'Oh my gosh! Ang tigas naman nito! Grabe! Parang kahoy sa tigas! At..... ang l- laki! Ang h- haba!' Nagpatuloy si Lorna sa paghimas sa alaga ni Lucian ngunit nang umungol ang binata, natigil siya sa kaniyang ginagawa. Mabilis pa sa alas kuwatrong umalis siya sa kama nito at tiningnan kung nagising ba ang kaniyang kuya. Nakapikit ito at nag- iba lang ng puwesto sa paghiga. 'Akala ko nagising na siya! Mabuti na lang hindi! Grabe ang batuta ni kuya! Nakakamangha!' Dali- daling umalis doon si Lorna at patakbong nagtungo sa kaniyang silid. Napangisi siya at saka tumalon- talon sa kanyang kama dahil sa kalokohan niyang nagawa. 'Wala akong maisip na regalo kaya iyong first kiss ko na lang ang niregalo ko sa kaniya! With free himas pa sa kaniyang batutang ubod ng tigas! Argh! Bakit nag- iinit ako? Oh my!' Nagpagulong - gulong si Lorna sa kaniyang higaan dahil sobra siyang kinikilig at tuwang - tuwa dahil nagawa niyang iregalo ang kaniyang first kiss sa kuya Lucian niya. At nagawa pa niyang himasin ang batuta nito. KINABUKASAN, TULALA SI LUCIAN MATAPOS NIYANG KUMAIN. Hindi niya makakalimutan ang kaniyang panaginip. Sa kaniyang panaginip, hinahalikan siya ni Lorna habang pinaglalaruan nito ang kaniyang alaga. Mariin siyang pumikit. Bigla siyang nag- iinit kapag naaalala niya ang panaginip niyang iyon. 'Bakit ganoon? Bakit parang hindi panaginip ang pangyayaring iyon? Bakit parang totoo? Pero imposible namang gagawin sa akin iyon ni Lorna. Walang alam sa ganoong bagay ang batang iyon. Pero wala nga bang talaga? She's already nineteen years old turning twenty!' Bumuga ng hangin si Lucian. Biglang dumaan sa kaniyang harapan si Lorna na nagtungo sa kusina. Kagigising lang ng dalaga kaya ngayon pa lang ito mag- aalmusal. Pinuntahan niya ito sa kusina. Kumunot ang noo ni Lorna. Magsisimula na siyang kumain ng kaniyang almusal. "Sino ang nagdala sa akin sa kuwarto? Sa pagkakatanda ko, doon ako natulog sa sofa kagabi. Doon ako inabutan ng antok," ani Lucian sabay lunok ng laway. "Ako po. Inalalayan po kita. Nakakainis nga dahil parang nabali ang buto ko. Sobrang bigat mo!" reklamo nito sa kaniya. Nanlaki ang mata ni Lucian. "I- Ikaw? Anong g- ginawa mo sa kuwarto ko?" Tumaas ang kilay ni Lorna. "Anong klaseng tanong iyan, kuya? Wala po! Itinulak lang kita sa kama mo dahil hindi ko na talaga kayang ihiga ka pa ng ayos. Pagkatapos, nagtungo na ako sa kuwarto ko dahil pagod na rin ako at medyo hilo na." Naningkit ang mata ni Lucian sabay kagat labi. "Siguro ka ba diyan?" "Opo, kuya! Ano ba ang dapat kong gawin sa kuwarto mo ng oras na iyon? Magsasayaw? Tsk. Ano po ba ang nangyayari sa iyo, kuya? Lasing ka pa ba?" mataray na sabi ni Lorna sa kaniya. Ilang beses lumunok ng laway si Lucian. Mariin siyang pumikit bago umalis sa harapan ni Lorna. Naupo siya sa sofa doon sa sala bago niya hinawakan ang kaniyang sintido. 'Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ko ba iniisip na totoo ang panaginip na iyon? Nababaliw na yata ako! Pero mas mainam sana kung totoo ito 'no? Argh! Ayoko na! Nababaliw na talaga ako kay Lorna!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD