14

1144 Words
"Mannex, puwede bang pakibantayan si Lorna. May kakausapin lang akong kaibigan," saad ni Lucian. Tumawa si Mannex. "Ano? Inutusan mo pa ako! Malaki na iyang kapatid mo. Kaya bakit kailangan pang bantayan?" Nagtiim bagang si Lucian. "Dahil sa lalaking iyan. Kitang - kita ko kung paano niya tingnan si Lorna." "Sino? Si Clark?" Kumunot ang noo ni Lucian. "Kilala mo siya?" Umiling si Mannex. "Hindi pero nagkakuwentuhan kami saglit at mabait siyang bata. Bagay sila ng kapatid mo. Sigurado akong papasa sa mga magulang niyo si Clark." Matalim siyang tinititigan ni Lucian. "Anong sinabi mo? At talagang kinampihan mo pa ang lalaking iyon?" "At bakit? Bagay naman talaga sila. At saka hindi ba't bawal mo namang mahalin si Lorna? Bawal naman kayong magkaroon ng relasyon dahil nga nangako sa mga magulang niya? Kaya bakit ka nagagalit diyan? Huwag mong sabihing balak mong sumuway sa mga magulang niyo? Na balak mong baliin ang pangako mo sa kanila?" nakangising tanong ni Mannex. Nagtangis ang ngipin ni Lucian. Kaya na nga ba niyang suwayin ang mag- asawang nagmahal at nagpalaki sa kaniya? Kaya na nga ba niyang saktan ang damdamin ng mga ito? Kaya ba niyang sirain ang tiwala ng mag- asawa sa kaniya upang ipaglaban niya ang pagmamahal niya kay Lorna? Magagawa niya kaya iyon? Mariin siyang pumikit sabay yuko. "B- Bahala na. S- Sa ngayon... wala pa akong magawa kundi ang bantayan siya dahil humahanap pa ako ng magandang tiyempo..." tugon ni Lucian. Tumawa si Mannex. Alam naman niyang malalim na ang pagmamahal ng kaniyang kaibigan kay Lorna ngunit nagpipigil ito ng kaniyang nararamdaman. Iniisip kasi ni Lucian ang damdamin ng mag- asawa. Alam niyang sasama ang loob ng mga ito kapag nalaman nitong may pagtatangi siya sa nag- iisa nilang anak. "Iyon naman pala. Kumalma ka. Wala ka naman pa lang ibang magagawa eh. Hindi ka puwedeng maging masungit sa kapatid mo lalo na't ayos lang naman sa mismo niyang magulang na magkaroon siya ng nobyo. Mapaghahalataan ka niyan eh. Hayaan mo siya sa kung anong gusto niyang gawin. Mag - focus ka na lang sa girlfriend mo. Pilitin mong ibaling sa kaniya ang nararamdaman mo para kay Lorna. Baka sakaling magawa mong mahalin ng totoo ang nobya mo..." payo naman ni Mannex. Mabagal na tumango si Lucian. "S- Sige.... s- susubukan ko," nauutal niyang sabi na para bang napipilitan lang siyang gawin iyon. "Sige na. Kausapin mo na ang iba mong bisita. Masyado ka ng naka- focus sa kay Lorna. Dapat ang mga bisita mo ang kinakausap mo. Huwag mong bantayan si Lorna." Simpleng ngiti lang ang sinagot ni Lucian. Sumulyap muna siya saglit kay Lorna bago siya nagtungo sa isang table kung nasaan ang kaniyang mga kaibigan. Kahit may kinakausap si Lucian, ang isip niya ay na kay Lorna pa rin. Para na nga siyang hibang dahil minsan ay hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng kaniyang kausap. Palibhasa'y iniisip niya ang dalaga. Ginugulo nito ang isipan niya. "Baby, aalis na lang ako," biglang sabi ni Divine sa kaniyang tabi. Kumunot ang noo ni Lucian. "Bakit? Ayaw mo na ba dito? Pagod ka na ba?" Humalukipkip si Divine. "Imbes na atupagin mo kasi ang mga bisita mo, pati na ako, ang buong atensyon mo ay nasa kapatid mo. Daig mo pa ang babysitter. Birthday mo ngayon pero daig mo pa ang may inaalagaang paslit. Malaki na ang kapatid mo pero kung bantayan mo siya, para kang may binabakuran. Hayaan mo ang kapatid mong mag- enjoy sa pagiging dalaga niya." Natahimik si Lucian. Kahit si Divine kasi ay nagtataka na sa kaniyang inaasta. Masyado na kasi siyang nagiging possessive kay Lorna. Na akala mo pagmamay ari niya ito kahit hindi naman. "I'm sorry... ayoko lang na mapagalitan nina mommy at daddy. Baka kasi mamaya sumama na lang siya sa lalaking kausap niya," palusot pa niya. Natawa si Divine. "Ibig sabihin, ganoon na lang kababaw ang tiwala mo sa kapatid mo? May sariling isip naman iyang si Lorna kaya hindi mo siya kailangang bantayan masyado. At sa nakikita ko, hindi naman ganoong klaseng lalaki ang kinakausap niya ngayon. Halatang kaibigan niya itong talaga na may pagtingin sa kaniya." Nagtangis ang ngipin ni Lucian. "Okay fine. Huwag na nating pag- usapan pa ang kapatid ko. Huwag ka ng umuwi. Dito ka na sa tabi ko..." Niyakap ni Lucian si Divine para kumalma na ito. Wagas namang napangito si Divine habang yakap si Lucian na akala mo wala na siyang balak pakawalan pa ang binata. Sa isang tabi, napairap na lang si Lorna habang nakatingin sa dalawa. Kanina pa niya pinagmamasdan sina Lucian at Divine. At tila ba masakit sa kaniyang mga mata ang makitang nagyayakapan ito. "Iyong maganda mong mukha, nakabusangot na naman. Bakit?" natatawang sabi ni Clark. "Wala lang. Naiinis lang ako sa girlfriend ni kuya. Halatang plastik. Hindi ko siya gusto," inis na wika ni Lorna. "Hayaan mo na siya. Wala kang magagawa. Mahal siya ng kuya mo eh. Ako nga medyo natatakot sa kuya mo. Kanina pa masama ang tingin sa akin. Siguro iniisip niya na may gagawin akong masama sa iyo. Na hindi ako matinong lalaki. Hindi niya ba alam na mabait ako? At talagang mabuti ang intensyon ko sa iyo? Ipakilala mo na kaya ako bilang manliligaw mo." Tinitigan ni Lorna si Clark. Habang ang binata naman ay nailang sa ginawang pagtitig ni Lorna. 'Eh kung gamitin ko kaya si Clark para pagselosin si kuya Lucian? Ang kaso nga lang, tatalab ba iyon? Magseselos kaya siya? Wala namang masama kung mayroon akong ipakilalang manliligaw, 'di ba? Mabait naman itong si Clark.' "Sa susunod na kapag naisipan ko. Syempre, kailangan ko munang kilalanin ka ng husto. Hindi porke naging magkaklase lang tayo at magkaibigan, kilala na kita ng lubusan. Malay ko ba kung isa ka pa lang g ago o adik." Malakas na tumawa si Geraldine. "Ang sama talaga ng babaeng ito! Judgemental! Pulis ang tatay ni Clark kaya malabo siyang maging adik! Mababaril siya ng tatay niya!" Tumango - tango si Clark. "Oo nga, Lorna! Patay ako kay daddy kapag gumamit ako no'n! At saka wala sa isip ko na gumamit no'n! Puwede pa akong maging lasenggero huwag lang iyon. Never akong gagamit no'n!" "Pero seryoso, Lorna... may balak kang ipakilala si Clark bilang manliligaw mo?" nanlalaki matang tanong ni Geraldine. Ngumisi si Lorna. "Depende nga. Kapag may nakita ako sa kaniyang magugustuhan ko talaga, may chance na ipakilala ko siya at payagang ligawan ako. Pero kapag wala akong nakita, sorry na lang." Humaba naman ang nguso ni Clark. "Ngayon pa lang kinikilig na ang b ayag ko!" Malakas na tumawa si Lorna sabay pisil sa matangos na ilong ni Clark. "Sira ulo ka talaga! Bastos!" Nagtawanan silang tatlo dahil puro kalokohan si Clark. Habang si Lucian naman, kulang na lang mabasag ang hawak niyang wine glass sa higpit ng hawak niya. Binabalot siya ng matinding selos ngunit wala siyang magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD