Masayang pumasok sa eskwelahan si Lorna. Sa tuwing naaalala niya ang kapilyahang kaniyang ginawa, hindi niya mapigilang ngumiti at matawa. Kusang gumagalaw ang kaniyang labi kung saan lumalabas ang mapuputi at pantay - pantay niyang ngipin kapag naghiwalay na ang kaniyang labi. Masyadong malawak ang ngiti niya habang napapailing - iling pa dahil sa tuwa at kilig. "Bakit napapangiti ka naman diyan, ha? Siguro may ginawa ka na namang kalokohan, ano?" tanong ni Geraldine na kararating lang. Pilyang ngumisi si Lorna bago ikinuwento sa kaniyang kaibigan ang ginawa niya. Hindi tuloy alam ni Geraldine kung magpipigil ba siya ng tawa o hindi. Nabatukan niya tuloy si Lorna ngunit tumawa lang ito. "Napakapasaway mo! Gaga ka talaga! Hindi ko kinakaya ang ginagawa mo!" tumatawang saad niya. Umikot