Tanghali na nang magising si Lorna. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata bago nangunot ang kaniyang noo. Bigla siyang bumangon at nagtataka kung bakit nandoon siya sa kaniyang kama. 'Ha? Bakit ako nandito? Sa pagkakatanda ko, magkatabi kaming natulog ni Geraldine sa sala!' Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri at saka kumuha ng ipit sa kaniyang buhok. Naghilamos muna siya at saka nagmumog bago tuluyang bago lumabas ng kanyang kuwarto. Nakita niyang tulog pa rin ang dalawa niyang kaibigan. Napasarap ang tulog ng mga ito. Nagtungo siya sa kusina at nakita si Divine na nagluluto ng kanilang pagkain. "Nasaan si kuya?" mataray niyang sabi. "Tulog pa," tugon ni Divine. "Tulog? Bakit? Puyat din ba siya?" Tumigil sa kaniyang ginagawa si Divine bago tumingin