“Hindi pa kayo matutulog?” Napalingon si Lorna nang magsalita si Lucian sa kanilang likuran. Magkasalubong ang kilay ni Lucian na nakatingin sa kaniya. Alas tres na kasi ng madaling araw ngunit gising pa rin silang tatlo. Ilang movie na ang pinanuod nilang tatlo. Medyo inaantok na ang dalawa. Si Lorna lang ang hindi pa. "Bakit po, kuya? Need na ba namin matulog? Wala kaming pasok bukas kaya puwede kaming magpuyat." Bumuntong hininga si Lucian. Inaantok na siya. Ngunit gusto niyang bantayan ang kaniyang kapatid na si Lorna kaya hindi pa siya natutulog. Masyado kasing madumi ang isip niya. Iniisip kaagad niya na may gagawing masama si Clark sa dalaga. "Okay sige. Sorry. Manuod na kayo," tanging nasabi ni Lucian. Umirap naman si Lorna. Tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumuha n