Kinabukasan, tulala si Lorna habang nakikinig sa kanilang professor. Walang pumapasok sa kaniyang isipan kun'di ang sinabi ng kaniyang kuya Lucian tungkol sa pagiging bakat ng kaniyang p agkababae. Napapaisip siya kung tinigasan ba ang kuya Lucian niya dahil doon. "Good bye, class. See you tomorrow," saad ng kanilang professor. Napapitlag si Lorna. Hindi niya napansin na tapos na pala ang oras ng kaniyang klase. Vacant na niya ng dalawang oras. Kaya tatambay na lang muna siya sa mall para magpalipas ng oras. Magkasama silang dalawa ni Geraldine na nagtungo sa isang fast food chain at doon kumain. "Tulala ka na naman. Pustahan, si kuya Lucian mo na naman ang nasa isip mo, ano?" nakangising saad ni Geraldine. Pinukol ni Lorna ang dalawa niyang maga sa kaibigan bago siya mabagal na tuman