9

1024 Words
"Hoy! Kumalma ka naman! Tigilan mo na ang mga girlfriend ng kuya mo! Maawa ka naman sa kanila! Maawa ka sa kuya mo! Hindi mo ba talaga siya hahayaang maging masaya?!" sermon ni Geraldine. "Hindi! Dahil sa akin lang si kuya Lucian! Akin lang siya!" wika ni Lorna. Nanlaki ang mata ni Geraldine. "Oh my gosh! Ano ang ibig sabihin nito, Lorna?" Bumuga ng hangin si Lorna bago kinagat ang kaniyang pang ibabang labi. Kagabi niya napag- isip - isip na iba na pala ang nararamdaman niya para sa kanyang kuya Lucian. Hindi niya ito mahal bilang kuya. Mahal niya si Lucian bilang lalaki. "Mahal ko siya kuya Lucian hindi bilang kuya," pag - amin ni Lorna. Napaawang ang labi ni Geraldine. "Ano?! Seryoso ka ba diyan?" Mabagal na tumango si Lorna. "Oo... seryoso. Kasi naalala mo iyong tumuntong ako sa edad na labing anim? Lalo akong naging possessive kay kuya Lucian. Iyong tipong ayoko siyang mapunta sa iba. Gusto ko sa akin lang siya. Hindi ko namalayan, doon na pala nagsimula ang lahat. At ngayon ko lang napagtanto. Iba na pala ang nararamdaman ko sa kaniya. Mahal ko siya bilang lalaki. Hindi bilang kuya ko. Ayoko siyang maging kapatid. Gusto ko siyang maging asawa." "Ouch! Ano ba?!" daing ni Lorna matapos siyang batukan ni Geraldine. "Gaga ka talaga! Ang harot mo! Paano iyan? Alam mong bawal iyon eh! Bawal kayong mahulog isa't isa! At saka sa pagkakaalam ko, naikuwento mo noon na nangako ang kuya Lucian mo na mamahalin ka niya bilang kapatid 'di ba Kaya imposible ang sinasabi mo! Hindi puwedeng magmahalan kayong dalawa! Bawal iyon! At sa mata ng maraming nakakakilala sa inyo, magkapatid kayo! Dahil iyon ang sinabi ng mga magulang niyo sa mga kaibigan nila!" Bumuga ng hangin si Lorna. Alam niyang magagalit ng husto ang mga magulang niya kapag nalaman nitong may lihim siyang pagmamahal sa kaniyang kuya Lucian. Ngunit ano ang magagawa niya kung si Lucian talaga ang sinisigaw ng kaniyang puso? Hindi na siya bata. She's already nineteen years old, turning twenty. Ilang buwan na lang, malapit na siyang mag- birthday. "Ilang taon ba ang agwat ng kuya mo sa iyo?" "10 years..." "Oh 'di ba! Twenty nine na si kuya Lucian mo! Turning thirty next month! Tapos sa susunod pang buwan, twenty ka na! Masyadong malayo ang agwat niyo sa isa't isa! Age gap iyan!" Tumaas ang kilay ni Lorna. "Ano naman? Iyong iba nga, twenty years pa ang agwat ng age nila, wala namang problema. Kaya bakit ako mahihiya kung mas matanda ng sampung taon ang lalaking mahal ko?" Ngumiwi si Geraldine. "Naku, Lorna! Kukurutin ko na iyang t inggil mo! Ang harot mo! Bahala ka diyan! Bawal nga sabing magkaroon kayo ng relasyon pero mukhang susuwayin mo ang mga magulang mo!" Ngumisi si Lorna. "Ano pa nga ba? Malalaman natin kung gaano kasarap ang bawal. Kay kuya Lucian ko mararanasan kung gaano kasarap ang bawal na pag- ibig. At alam kong napakasarap nito..." aniya sabay kindat. SAMANTALA, PINAGMASDAN NI LUCIAN ang kaniyang nobya na masayang nagtatampisaw sa dagat. Hindi niya alam kung bakit parang hindi naman siya masaya sa tuwing kasama niya ang kaniyang nobya. Mas iniisip niya pa si Lorna. Mas nag- aalala pa siya sa dalaga. Naiinis si Lucian sa kaniyang sarili. At naguguluhan din siya. Alam niya sa sarili niyang mahal niya si Lorna bilang kapatid ngunit bakit parang iba ang sinasabi ng kaniyang puso? Simula nang tumuntong si Lorna ng eighteen years old, tila ba gusto niyang bantayan pa lalo ang kaniyang kapatid. Lalo na noong nag- debut ito. Nakita niya kung gaano karaming lalaki ang nagpapapansin kay Lorna. At nalaman niyang lahat ng mga ito ay may gusto kay Lorna. Hindi niya maiwasang mainis. Gusto niyang walang ibang lalaking magkakagusto sa kaniyang kapatid. Ngunit paano niya mapipigilan iyon? Napakaganda ni Lorna. Nakakapang akit ang ganda nito lalo na ang kaniyang katawan. Kaya hindi niya masisisi kung bakit maraming lalaki ang nadadarang sa ganda ng kaniyang kapatid. "Ayos ka lang ba? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" kunot noong tanong ni Mannex. Kasama ang nobya ni Mannex, nag- rides sila. Nagtungo sila sa isang kilalang resort na mayroong puting buhangin. Ang kanilang mga nobya ay masayang naliligo sa dagat. Habang sila naman ay nakaupo sa buhangin. "Mannex.... ano ang dapat kong gawin? Nahihirapan na ako..." Tumawa si Mannex. "Tsk. Ikaw naman kasi... bakit ka pa nangako sa umampon sa iyo kung hindi mo naman pala kayang panindigan? Napakaganda ba naman kasi ng anak nila. Maganda si Lorna. Kaakit- akit ang gandang mayroon siya. Kahit mapabata o matanda, humahanga sa gandang mayroon siya. Kaya hindi malabong magustuhan mo rin siya." Mariing pumikit si Lucian. Nagtatalo ang kaniyang puso't isipan. Iniisip niya ang mag- asawang umampon sa kaniya. Ang nagmahal sa kaniya bilang tunay na anak. Ang nagligtas sa kaniya mula sa malungkot na bahay ampunan doon. Mahal niya ang mag- asawang Angelica at Joseph. At ayaw niyang suwayin ang utos nito. "Bahala na, pipigilan ko na lang ang nararamdaman kong ito para kay Lorna. Kapatid ko siya. Kuya niya ako. Iyon ang dapat. Magkapatid kaming dalawa." Tumawa si Mannex. "Sus! Hanggang kailan mo mapipigilan ang nararamdaman mong iyan? Paano kung magkaroon siya ng boyfriend? Makakaya mo bang makita siyang masaya sa ibang lalaki? Baka sumabog ka sa sobrang selos niyan!" Natahimik si Lucian. Makakayanan nga kaya niyang makita ang dalagang may kasamang ibang lalaki? May kayakap? May kahalikan? "Argh! Tanginang buhay ito! Sa dinami- dami ng babae sa mundong ito, bakit kay Lorna pa? Na dapat sana'y kapatid ang turing ko? Kaya nga ako naggi- girlfriend para maibaling ko sa iba ang nararamdaman ko hanggang sa mawala na ito pero bakit parang mas lalong lumalala? Bakit?" naiinis na wika ni Lucian bago niya nasabunutan ang kaniyang sarili. "Basta, hangga't kaya mong pigilan ang nararamdaman mo, gawin mo. Para hindi magalit sa iyo ang mga magulang ni Lorna. Dahil baka kapag nalaman nila, ilalayo nila sa iyo si Lorna. Lalo mo pang hindi makakasama si Lorna. Mas nakababaliw iyon." Bumuntong hininga si Lucian bago mariing pumikit. Iniisip pa lang niya na magkakahiwalay silang dalawa ni Lorna, para na siyang manghihina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD