"Dito na lang ba tayo buong magdamag sa kuwarto mo?" tanong ni Geraldine habang kumakain silang dalawa ni Lorna. "Hindi. Lalabas tayo dito. Doon tayo sa sala." Kaagad namang sumunod si Geraldine. Kumuha ng mga chichirya si Lorna at nanuod silang dalawa. Bigla niyang naisipang tawagan si Clark para mag- movie marathon silang tatlo tutal wala naman silang pasok kinabukasan. "Ano? Nag- message ka na kay Clark?" Ngumisi si Lorna. "Oo. Dito na lang tayo matutulog tatlo sa sala. Halika na. Kumuha tayo ng kama sa kabilang kuwarto. Sa couch na lang si Clark. Tayo sa kama." Dali- daling kumilos ang dalawa upang maayos ang kanilang higaan. Tulungan sila sa pag- aayos nito dahil na- excite din sila bigla. Para hindi mapagalitan ng kuya Lucian niya, agad na nagsabi si Lorna sa kaniyang mga magul