Chapter III: OPERATION SELOS

583 Words
( George's P.O.V. ) "Ang away na dahil sa selos tiyak nagsimula sa chismis." Tulad ng napag-usapan isang 'operation selosan' ang magaganap lahat ng plano ipinaubaya ko kay Joice dahil wala naman akong ideya sa mga ganung bagay kung anong sabihin niya sinusunod ko lang.Kapag nandiyan si Gracy at si Oliver dapat sweet na sweet kami.Sinunod ko rin ang payo ni Joice na unahin siya kapag nandiyan si Gracy at kapag magkasama kaming dalawa nito kailangan lagi ko ikwento si Joice,palabasing masaya kami pero..............lahat nagawa ko na kaso lang tila masaya pa si Gracy sa nangyayari dahil lagi niyang sinasabi na supportive ito sa'min lalo na sa'kin.......at ito pa.......binibigyan pa niya ako ng advice kung papaano maging mabuting boyfriend.Sobrang nakakadismaya ang reaksyon niya kabaliktaran sa gusto kong mangyari.....hindi ba talaga siya nagseselos.....hindi ba effective????..... Kung di-effective kay Gracy mukhang tumatalab kay Oliver na ex-boyfriend ni Joice.Pansin ko ang mga tingin nito kapag sweet kami ni Joice.Minsan gumagawa siya ng paraan para maghiwalay kami kapag sobrang sweet na sa'kin si Joice.Buti pa tagumpay kay Joice ang plano kaya ngayon mas nawawalan ako ng pag-asa....paano kung wala pala talagang feelings sa'kin si Gracy......at isa lang pala akong dakilang hopia ng taon o ng century....pakiramdam ko kapag nandiyan at nakatingin si Oliver sa'min parang mabubugbog ako ng wala sa oras. Hindi naman sa lahat ng oras ay dapat sweet kami ni Joice tulad na lang ng tulungan ko siyang mag-decorate sa bulletin board para lang kaming matagal ng magkaibigan kahit na di naman kami close dati.Ang totoo magaling makisama si Joice kaya hindi siya mahirap pakisamahan medyo makulit din.Tulad na lang 'yung ginawa niya habang nagde-decorate kami.Kinuha niya ang salamin ko at ng kuhain ko sa kanya hindi niya ito ibinigay sa halip pinahabol pa ako.Hindi ako sanay na walang salamin kaya pilit kong kinuha sa kanya pero talagang makulit siya at hindi niya binigay.Nang mahuli ko siya pilit pa rin itong nagmatigas na ibigay sa halip iniwas-iwas pa ang salamin ko sa'kin at ako naman pilit na kinuha sa kanya ito hanggang na-corner ko na siya sa pader. "Mas cute pala kapag walang salamin," pilya nitong ngiti sa'kin ng mahuli ko siya.Bahagya akong nailang sa kanya nun. "Uy....P.D.A sila(public display of attraction)".Nagulat ako sa narinig ko kaya dali-dali kong pinakawalan si Joice.Si Joey kasama sina Bea at syempre si Gracy. "Kayo pala," sa gulat ko parang guilty tuloy ang hitsura ko. "Ikaw,George,hah ganyan ka pala pag may girlfriend," panunukso ni Bea. "Uy....mali kayo ng iniisip..." ayaw kong mapag-isipan ng masama kaya aminado akong naging defensive sa birong iyon. "Tinutulungan ako ni George,"depensa naman ni Joice sa'kin.Tiningnan ko si Gracy na walang imik.Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya.Nagseselos na ba siya?????..... "Gracy,okay ka lang?," si Joice na ang nagtanong dito. "Hah?.Oo naman iniisip ko lang kung anong magandang theme para sa project namin,"sagot nito. "Ganun ba," napatango si Joice sa sagot na 'yun ni Gracy. "Georgie huwag masyadong P.D.A..Alam mo ikaw talaga ang hina mo.....dapat i-date mo si Joice......dapat perfect date," bigla na lang nagbago ang mood ni Gracy at nagbigay pa ito ng advice para sa'ming dalawa.Ikaw ko ba kung bakit parang ako ang nasasaktan sa ginagawa naming pagpapanggap.Ako lang ba talaga ang nag-iisip na magseselos nga si Gracy......papilit nga ba ako na isiping pwede niya akong magusthan higit sa pagiging kaibigan???..... "Ah...sige," tipid at disyado na namang ako. "Sige,lovebird.......we gonna go,"paalam ni Joey sabay alis ng tatlo. Napabuntong-hininga na lang ako dahil dun.Mukhang hindi effective ang ginagawa ko. Gerona J.R.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD