Chapter IV: Heartbeat

900 Words
( Gracy's P.O.V. ) Ako si Gracy matalik na kaibigan ni George o 'Georgie' pet name ko sa kanya.May girlfriend na siya sa wakas at proud ako bilang BFF niya syempre iwas alaska na siya sa pagiging NGSB o torpe.Pero bilang BFF niya kailangan kong siguraduhin na perfect siya bilang isang boyfriend.Ang totoo nerdy looking kasi siya.Hay...shy type kung hindi dahil sa'kin baka wala siyang kaibigan kaya swerte siya dahil kaibigan niya ako....kaya ngayon kailangan niyang magkaroon ng isang transformation. Ayaw sanang pumasok ni Georgie sa isang store ng mga damit kung hindi ko pa hihilahin eh hindi pa 'ata papasok....talagang pinahirapan ako ng loko. "Gracy,anong bang ginagawa natin dito?.May mga damit pa ako hindi ko kailangan ng bago," pilit na tanggi pa rin nito kahit na pinipilian ko na siya ng bagay na damit sa kanya. "Hay...Georgie kailangan mo ng mag-change look.Hello may 'GIRLFRIEND' ka na noh.At hindi basta-basta ang girlfriend mo..................isa siyang popular girl sa campus,sige ka baka maagawan ka pa,"sagot ko sa mareklamo kung BFF na para bang pinupurga dahil hindi mapakali. "Pero hindi naman siya nagrereklamo sa hitsura ko kaya ayus lang," insist pa rin nito sa'kin. "Sa ngayon hindi pa but she'll realize soon so dapat unahan mo na, you need to look good to be good boyfie,kailangan ng effort," katwiran ko sa kanya. "Eh,ikaw ba ayaw mo ba sa hitsura ko?," isang weird na tanong mula kay Georgie. Napatitig muna ako sa kanya at medyo napa-isip din.Hindi naman sa ayaw ko sa hitsura ng BFF ko, okay na okay naman siya sa'kin it's just hindi na lang ako ang tumitingin sa kanya ayaw ko siyang pintasan ng iba. "Ano ka ba BFF kita since bata pa tayo sanay na ako sa'yo...kahit anong hitsura mo but kailangan mong mag-effort ngayon may girlfriend," paliwanag ko sa kanya. Sa tagal-tagal ng pilian na ginawa namin natapos din siya sa wakas......lumabas na ito sa fitting room.Medyo nag-hang ako ng konti ng makita ko sa suot-suot niya,hindi ko masydong na-expect na ganoon pala kabagay ang pinili kong damit para sa kanya......thanks to me...he's perfect...... "Wow....hanep,bagay na bagay ah.....mukha kang ibang tao," puri ko sa kanya sabay lapit para ayusin na konti ang damit para perfect na perfect. "Para may mali?...." pilit kong inisip kong anong mali o kulang sa outfit niya at nakita ko na.Inayus ko ng konti ang buhok niya na mala-jose rizal na pang Luneta ang peg at inalis ko rin ang salamin niya sa mata. " Ayan—," nang maalis ko na ang salamin ni Georgie tila nanibago sa bago niyang hitsura saglit akong matigilan, parang ibang tao ang kaharap ko.Biglang bumilis ang t***k ng puso hindi ko alam kong bakit parang na-starstruck ako sa kanya.....sa BFF kong ngayon ko lang 'ata nakita siya sa ganoong pormahan, kahit na ako pa ang nag-ayus sa kanya. "Hoy!...ano na?....pangit ba ang hitsura ko?," nag-aalalang tanong ni Georgie sa'kin marahil dahil sa naging reaksyon ko. "Ah.......hindi.You look perfect!.May tinatago ka palang kagwapuhan kahit konti kailangan mo lang ilabas," confident kong sagot sa kanya. "Sigurado ka?.Ba't ganun ang hitsura mo kanina?," hindi pa rin ito kumbinsido. Natawa tuloy ako sa concern niyang mukha."Oo nga.Ako pa,ipapahiya ko ba ang BFF ko," confident kong sagot sa kanya. "Ah...Gracy pwedeng ibalik mo na 'yung salamin ko kasi hindi ako komprtable eh,"pakiusap nito bagay na nawala sa isip ko pero isa rin ito sa mga concern ko para sa total make-over ko sa kanya. "Ay,oo.......nakalimutan ko pasensya.Georgie,di ba hindi naman malala ang mata mo?.Pwede ka namang hindi na gumamit 'yan di ba?," tanong ko sa kanya habang isinusuot nito ang salamin niya. "Oo.Pero mas komportable ako kapag may salamin ako,"sagot niya. "Okay," mukhang wala na akong magagawa sa bagay na 'yun.Pero okay na rin 'yun para kahit papaano hindi mawala ang tatak-Georgie sa bago niyang make-over. Lahat ng mga kakilala ni Georgie ay nagulat sa bago nitong look na creation ko.I'm very proud to myself.Isa ng perfect looking boyfriend material ang BFF ko liban na lang sa asal at ugali niya bagay na hindi pwedeng i-make over,noh....pero kahit na ganun 'yun naman ang maganda kay Georgie....talagang mabait ito, siguro 'yun ang isa sa mga bagay na nagustuhan ni Joice sa kanya. Habang nag-uusap-usap kami sa canteen dumating si Joice at kaagad na lumapit sa table namin halatang hindi niya nakita agad si Georgie dahil nakatalikod ito dahil nakikipag-usap ito sa'kin. "Hello! Guys where's George?," syempre natural na tanong ni Joice. Paglingon ni Georgie sa kanya halatang nagulat ang mukha ni Joice sa nakita niya halatang nanibago ito sa look ni Georgie. "WOW!.Ang gwapo mo George ikaw ba talaga 'yan," hindi makapaniwalang reaksyon ni Joice. "Ano kasi si Gracy mapilit," tila depensa pa ni Georgie, si Georgie talaga ginawan ko na siya ng favor. "Syempre naman,para kahit papaano bagay kayong dalawa," katwiran ko naman. Lumapit si joice kay George sabay yakap sa braso nito.Hindi ko maintindihan pero parang nakaramdam ako ng pagka-ilang. "Gracy,it doesn't matter how George look because for me he's the most perfect boyfriend ever.....looks doesn't matter to me....its him.....si George mismo ang nagustuhan ko," sagot nito sa'kin at talagang grabeh maging clingy si Joice siguro kung hindi ko kilala silang dalawa maiinis akong tingnan sila....hay....ewan ko ba.....may kakaibang negative feeling akong nararamdaman. "Oo naman, bestfriend niya ako of course I know but I want what is best para kay Georgie," katwiran ko pinilit kong pinanindigan ang ginawa kong kay Georgie. J.R.Gerona
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD