Chapter I: MALING AKALA

550 Words
(George's P.O.V.) Matagal na panahon kong sinubukang itago ang nararamdaman ko kay Gracy dahil na rin sa takot na ilagay sa alanganin ang friendship namin matagal akong nagtiis pero ngayon college na kami at malapit ng magtapos mas lalong lumalakas ang sigaw ng puso na sabihin na sa kanya ang totoo, pakiramdam ko ito na ang tamang panahon.Simula ng tumungtong kami ng college ni Gracy maraming nanligaw sa kanya ngunit deadma lang ito bagay na inakampante ng puso pero sa tanong na 'hanggang kailangan ako maghihintay?,' napa-isip ako.Paano kung mahuli ako?.....paano kung may biglang dumating?....., kung sakali, mas lalo akong mawawalan ng chance sa kanya kaya kahit ano man ang maging sagot niya ang mahalaga maamin ko na, malaman niya ang bagay na marahil ay pagsisisihan ko kung sakaling hindi ko na pwede pang sabihin....gusto ko siya at higit pa.......kaya muli kong susubukan at sa pagkakataong ito sisisguraduhin ko ng masasabi ko na sa kanya. Planado na ang lahat para sa plano kung magtatapat sa tulong ng mga kasabwat kong kaibigan na sina Al,atWilson nabuo ang plano.Hapon,at sa isang classroom ang set up ng plano.Ready na ang lahat at si Gracy na lang ang hinihintay ko para buksan ang pinto at magsisimula na ang sorpresa ko. Wala ng atrsan 'to.Ito na 'to!........ Pigil ang hininga ko.......dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib ko, naririnig ko na sila na paparating.....heto na pakiramdam ko hihimatayin ako ulit....bumubukas na ang pinto.At ng marinig ko na ang pagbukas ng pinto kaagad akong yumuko at lumuhod sa harap mismo ng pintuan para makita niya ako.Habang nakayuko ako sinimulan ko ang pagtatapat....walang atrasan na 'to......ito na ang perfect timing....ang tamang panahon ko...... "Alam mo matagal ko na itong tinatago ang nararamdaman kong ito,maraming beses ko na ring sinubukan na magtapat sa'yo pero palagi na lang nauudlot o sobra akong natotorpe at kinakabahan kaya hindi ko matuloy-tuloy pero ngayon gusto kong malaman mo na..........na mahal na mahal kita nun pa man at higit sa isang kaibigan 'yun..... Gusto kong tumalon sa saya ng sa wakas ay maamin ko na rin ang nararamdaman ko kay Gracy.Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Gracy sa pagtatapat ko sa kanya pero anuman ang mangyari inihanda ko na ang sarili ko at ng inangat ko ang ulo ko para makita ang reaksyon ng mukha niya.......laking gulat ko ng hindi siya ang nasa harapan ko kundi.................si Joice......ibang tao......isang malaking pagkakamali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Gracy na dapat na siyang nasa harap ko ay nasa likuran ni Joice at lahat ay narinig ng magtapat ako na dapat sa kanya.Hindi ako kaagad makapagsalita ng makita ko ang mukha ni Gracy na tila gulat din sa nangyayari.Gusto ko kaagad na magpaliwanag pero............. " I love you too," sumagot si Joice at bigla akong niyakap. Nagulat ako sa sinagot ni Joice, maging si Al at Winston na kasabwat ko ay nagulat.Ano ba 'tong ginawa ko?.Ang gusto ko lang naman ay ang magtapat sa babaeng gusto ko hindi sa babaeng nasa harapan ko.Paano ko pa babawiin ang lahat kong inakala ni Joice na may gusto nga ako sa kanya.....lagot.....nakita ko ang mukha ni Gracy na clueless sa mga nangyayari dahil alam niyang wala akong nasasabi tungkol kay Joice na gusto ko ito kaya marahil ay nagtataka din siya. J.R.Gerona
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD