Introduction

708 Words
Introduction: (George's P.O.V.) Ako si George,isang devoted na BFF ni Gracy, 'yun ang role ko sa buhay niya,ang taong lihim ko ring minamahal higit pa sa isang matalik na kaibigan, simula bata pa lang ay magkakilala.Bata pa lang kami crush ko na si Gracy,syempre hindi niya alam at tulad ng mga nagiging problema ng mga childhood friends madaling napri-friendzone.......parang setintensyahan ka ng panghabang buhay kaya hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin pero ako noo pa lang iba na ang tingin ko sa kanya higit pa sa isang childhood friend o bestfriend.Syempre,sinubukan ko naman lahat na pwede kong gawin para sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman pero maraming pag-aalinlangan ang pumasok sa isipan ko tulad na lang ng takot akong masira ang magandang pagkakaibigan namin.Maraming beses kong kinumbinsi ang sarili ko na magtapat na sa kanya at ng huling beses kong sinubukan ang nangyari ay..........nahimatay ako....tama....hinimatay ako....isang dakilang torpe....ayaw ko na sanang maalala 'yun pero mahirap makalimutan dahil hanggang ngayon friendzone pa rin ako.......at ito ang nangyari.............. Way back high school.......my most embrassing moment na 'ata ng buhay ko........ Intrams nun.....kapag ganung event maraming pakulo ang mga estudyante....iba't-ibang booth station at isa dun ay ang Letter Reading, kung saan sisiguraduhin nilang maririnig ang letter na isusulat mo para sa taong sinulatan mo, naisipan kong mag-confess.Ang letter ay babasahin sa na naka-loud speaker na maririnig halos ng lahat at 'yun na nga ang naging ideya ko para magtapat sa kanya,kay Gracy.Isang ideyang pinag-isipan ko ng ilang libong beses bago ko tinuloy......na inakala ko na perfect para sa confession ko...... Handang-handa na ang lahat......maging ang loob ko noon........ Okay na ang lahat noon at hinihintay ko na lang na basahin ang letter na isinulat ko para kay Gracy ng buong puso at buong tapang na rin...........habang nakikinig sa iba pang letter bago ang letter ko isa love letter binabasa, medyo kapareho ng sa'kin at dun ko na nalaman na hindi pala gusto ni Gracy ang ganun klaseng mga ideya. "Alam mo,Georgie( pet name niya sa'kin ),naiirita ako sa mga ganyang pakulo ng mga lalake para sa girl....masyadong corny at sa tingin ko over as in over sa pagiging corner parang nakakasuka.....Nakakainis parang papansin at kung sa'kin mangyari 'yung mga ganyang bagay baka sapakin yung lalake.At sinusumpa kong hindi ko na siya kakausapin...habang buhay........inis na inis na komento ni Gracy. ' habang buhay.......habang buhay.......habang buhay.....' parang echo sa isipan ko ang sabihin ni Gracy 'yun. At nang makita ko ang mukha ni Gracy na inis na inis sinimulan na akong kabahan hindi ko alam na ang gagawin.....susunod na ang letter ko....pinagpapawisan na ako sa kaba........anong gagawin ko????......isusumpa ako ni Gracy habang buhay......habang buhay....paano na 'to????......hindi lang ako mapri-friendzone kundi friendship over pa.....hindi ko na alam ang gagawin hindi na ako makapag-isip ng maayus. Kinabahan ako........bumilis na ang t***k ng puso hindi ko na alam ang gagawin sa sobra kong kaba.......hindi ko na namalayan na letter ko na pala ang binabasa buti na lang at nasa huli ng letter ang parehong pangalan naming dalawa.At ng basahin na ang huling parte ng letter ko bago pa man mabasa ang mga pangalan namin....hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko.....unti-unti akong nahihilo......pinagpawisan na ako ng malamig hindi ko na alam ang gagawin sa oras na mabasa ng buo ang sulat ko at sa sobrang kaba hindi ko na kinakaya at........nahimatay na ako.Tuluyang ng nandilim ang paningin ko habang hinihintay ko ang mga panglan naming basahin.....hindi ko na alam ang mga sumunod na mga nangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyari dahil hindi natuloy yung huling part ng letter ko dahil nagkagulo sila ng himatayin ako o dapat akong mahiya dahil hinimatay ako.Ano man sa dalawa ang nangyari epic fail pa rin....well at least save ang friendship ko kay Gracy.....pero nakakahiya pa rin ako...... Matapos ng epic fail na plano ko hindi ko na sinubukan muling magtapat kay Gracy, hinayaan ko na lang na itago ang feeling ko sa kanya, sa tingin ko ang kapalaran na ang nagsasabing huwag na akong makulit dahil hanggang bestfriend lang kami ni Gracy. "Ang pag-ibig na sa pagkakaibigan nagsimula mahirap gawan ng tula.Masaya dahil kayo ang palaging magkasama ngunit sa kabilang banda hanggang kaibigan ka lang dahil sa puso niya hindi ikaw ang nilalaman," J.R.Gerona
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD