Kabanata 2: Wala namang tumulo.

1487 Words
"Matulog ka na muna Manika, lalabas lang ako para mamili ng mga gamit natin," sabi ni Yaya Conchita sa akin habang inaayos ang suot niya na bagong wig. Hindi na iyon panlalaki dahil buhok na ng babae ang ipinasuot ko sa kanya. "Maya na po, Nay. Pahinga muna tayo, maaga pa naman. Mamayang hapon na kayo mamili," wika ko habang sinusuklay ko naman ang mahaba at kulot ko ng buhok. Nakaligo na ako. Wala na akong suot na pang-disguise tutal dalawa lang naman kami rito. Gagamitin lang namin iyon kapag lalabas kami para makasigurado na walang makakakilala sa amin. Naririto kami sa isang hotel, hindi ito kasing bongga gaya ng mga nag-check-inan ko noon dahil umiiwas lang kami na baka may makakilala sa amin. Hindi naman ako maarte kaya okay na ang isang paupahan na mura sa renta basta malinis ito at may aircon. "Naku! Sobra-sobra na ang naipahinga ko. Ikaw na ang magpahinga riyan dahil wala ka pang matinong tulog. Lalabas na muna ako para mamili ng mga gagamitin natin. Kapag nagising ka at wala pa ako, umorder ka na ng pagkain." Isinuot niya ang eyeglasses niya saka sinipat ang anyo niya sa salamin. "Bumata ako sa itsura ko ngayon," natatawa niyang sabi. Napangiti lang ako at sinipat ang bago niyang anyo ngayon. Not bad at all. Sino ang mag-aakala na may itinatago siyang lihim sa suot niya na iyon. Mahal ang mga wigs at prosthetics na binili ko kaya hindi mapapansin na peke ang mga ito. "Maiwan na kita Manika, ila-lock ko iyong pinto. Huwag na huwag kang magbubukas ng pintuan kung hindi ako ang kakatok." "Opo," tumango ako saka nahiga na. "Take care po." "Salamat, matulog ka ng mahimbing." Naglakad na siya sa pintuan saka mabilis na pumuslit. Ako naman ay naiwang tulala habang iniisip ang nararamdaman ni Daddy ngayon. He is very mad at me now. Of course, alangan matuwa iyon sa paglayo ko. Maaaring nagwawala na iyon sa galit at kinakabahan ako para sa mga naiwang tao roon na malapit pa naman sa akin. Nag-aalala ako para kay Jacob dahil alam kong siya ang unang-una na makakatikim sa galit ni Daddy. Kaya ko nga isinama si Yaya Conchita dahil maaaring siya rin ay saktan ng aking ama kapag siya ay naiwan. Napahikbi ako ng tahimik habang iniisip si Daddy. Masakit din naman sa akin ang ginawa kong paglayas. Matanda na siya at ako na lang ang taong inaasahan niya. Pero hindi pa nga ako handa sa responsibilidad na ibinibigay niya. Paano ko iyon tatanggapin kung alam ko naman na hindi iyon ang gusto ko. Hindi iyon ang nagpapasaya sa akin dahil hindi pera o ari-arian ang magpapasaya sa akin. Atensyon niya at pagmamahal ang gusto kong makamtan. But sad to say, hindi niya iyon maibibigay. Ever since I was a kid, I am always longing for his attention. Iyong bonding ng mag-ama talaga, halimbawa mag-travel ng magkasama. Kumain ng sabay, sasamahan niya akong mag-shopping at iko-comfort ako when I feel down. "I'm sorry, Daddy," I silently whispered. Pinunasan ko ang mga takas na luha na dumaloy sa aking pisngi. I will missed him badly. Kahit hindi niya iparamdam na mahal niya ako ay sobrang mahal na mahal ko naman siya. Sana maintindihan niya ako. Sana ang kapakanan ko naman ang isipin niya. Sana iparamdam naman niya na mahal niya ako. Ibinaon ko ang mukha sa unan saka pumikit ng mariin. Ipinayapa ko ang isip ko saka ko naramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Itutulog ko muna ang lahat ng hinanakit sa dibdib ko tutal malayo na ako sa Daddy ko. Makakahinga na ako ng maluwag dahil wala ng kokontrol sa buhay ko. Naalimpungatan ako sa haplos ni Yaya Conchita sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero tingin ko ay hapon na. Napahaba ang tulog ko at pati pagkain ay nakalimutan ko. Well, marami naman kaming kinain noong breakfast kaya okay lang siguro mag-late lunch. Patamad na nagmulat ako ng mga mata saka siya nginitian. Ngunit kumunot ang noo ko nang makita na nagpupunas siya ng kanyang pisngi. Umiiyak ba siya? I suddenly felt sad. "Bakit po kayo umiiyak, Nay?" alalang tanong ko. May nangyari kaya? Nahuli ba kami ni Daddy? Nakaramdam ako ng panic kaya napaupo ako ng wala sa oras. Nagising ang buo kong diwa. "Pasensya ka na Senyorita, naiiyak lang ako dahil ganito ang nangyayari sa buhay mo. Dapat naroon ka sa mansyon, marangya ang pamumuhay at pinagsisilbihan. Hindi iyong naririto ka sa masikip na kwarto at nagtatago. Napakawalanghiya naman kasi ng ama mo!" Mas lalo ito napaiyak. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko nahuli na nila kami. "Don't cry, Yaya. H'wag mo na akong intindihin. H'wag ka ng mag-alala dahil masasanay din po ako sa ganitong set up. Ito ang pinili kong buhay kaya po paninindigan ko ito." Umayos ako ng upo saka siya tinitigan. "Ito po ang mabuti kong pasya kaysa naman po nasa mansiyon ako at ipapakasal kay Franco. Gusto ko lang pong ma-realized ni Daddy ang worth ko hindi iyong puro siya na lang po ang nasusunod." "Kasalanan ito lahat ng ama mo! Masyadong ganid! Isa pa 'yang Franco na 'yan! Akala ko talaga mabait ang batang iyon, iyon pala may itinatagong kabulastugan." "Hay naku! H'wag na po sila ang pag-usapan natin, nagugutom na po ako," pag-iiba ko ng usapan. Tumayo ako saka na siya inakay papunta kung saan naroroon ang mga pinamili niya. Nakita ko na marami iyon. Mga damit, tsinelas, groceries at styro ng pagkain na sobrang paborito ko. "Wow! Ang sarap nito, Nay!" tuwang-tuwa na wika ko. Mabilis na inilabas ko ito sa supot saka nanghila ng upuan para makaupo na at makakain. May siopao, siomai, miki, milk tea at lechon manok. Natakam ako ng wala sa oras kaya sumubo kaagad ako. "Alam kong matagal na hindi ka nakakain ng mga iyan. Masyadong mapili sa pagkain ang ama mo at takas lang talaga kapag nakakakain ka ng fast foods." "The best ka talaga, Nay!" Ngumiti ako ng matamis sa kanya saka iniabot ang isa pang styro ng pagkain. Naupo na siya kaharap ko saka nagbukas na rin ng kanyang pagkain. Magana kaming kumain habang masaya na nag-uusap. Puro masasaya ang pinag-uusapan namin at talagang iniwasan namin na pag-usapan si Daddy. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya ako na lumabas para mamasyal sa tabing-dagat. Malapit kasi ang hotel na tinutuluyan nami sa dagat kaya saglit lang ay naroon na ako. Mag-isa akong lumabas, iniwan ko si Yaya dahil mag-aayos pa siya ng mga pinamili niya. Binilinan niya ako na h'wag masyadong lumayo dahil bago pa lamang ako sa lugar na ito. Wala naman akong balak magtagal dahil malapit ng bumaba ang sikat ng araw. Tamang-tama iyon dahil hindi na mainit maglakad sa tabing-dagat. Mamumulot ako ng shells at magse-selfie na rin sa dala kong camera. Hindi kasi ako pwedeng gumamit ng cellphone dahil sigurado na mate-trace ako ni Daddy. Bibili na lang ako bukas para makabalita naman sa kanya. Tsaka gagamitin ko iyon para makahanap ng trabaho. Ayokong galawin ang pera ko sa banko dahil baka ma-trace rin ako ni Daddy kapag nag-withdraw ako ng pera. Mahirap na kaya mapipilitan akong maghanap ng trabaho. Mabuti na lang talaga at naasikaso ko iyong mga pekeng dokumento na gagamitin ko sa pagtatago. "I am going there, don't worry I will fix the mess." Naulinigan ko ang boses ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa akin at may kausap sa cellphone. Nakasando siya ng itim at white na cargo shorts. Bakat ang maganda niyang katawan at kinis ng kutis dahil maputi ito. Mukhang may banyaga itong lahi dahil iba ang puti nito. Gwapo siguro ito, naibulong ko sa sarili. Sinundan ko pa siya ng tingin dahil nagbabakasakali ako na haharap ito sa gawi ko. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko dahil nanatili itong nakatalikod habang seryoso sa kausap sa cellphone. Inignora ko siya at ipinagpatuloy ang paglalakad at paminsan-minsan ay pagkuha ng mga larawan sa paligid. Maganda na ang view ng dagat dahil pababa nang pababa ang silahis ng araw. Nang magsawa ako sa pagkuha ng larawan ay naupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Medyo nakadama ako ng lamig dahil nakasando lang ako at sexy shorts. Tatayo na sana ako para makauwi na dahil medyo dumidilim na pero bigla akong natigilan nang makita ko ang lalaki sa aking harapan. Napanganga ako ng wala sa oras dahil napakagwapo nito. Wala pa akong nakita na kasing gwapo niya dahil iba ang kagwapuhan niyang taglay. "Why are you looking like that? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" masungit nitong sabi sabay tingin ng matalim sa akin. "You are so obvious, pakipunasan laway mo, tumutulo." Mas lalo akong napanganga sa sinabi niya. Sasagutin ko sana siya pero nakaalis na siya at iniwan ako na naiinis. Laway niya mukha niya! Wala namang tumulo ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD