Kabanata 3: Ang sarap mamuhay ng simple.

1614 Words
Nagpupuyos ang loob ko na naiwan habang nakatingin sa antipatikong lalaki na palayo. Parang gusto ko siya habulin at sabuyan ng buhangin sa mukha. Ang kapal ng mukha niya na sabihing tumutulo ang laway ko sa kanya! Masama bang ma-appreciate ang kagwapuhan niya? Napopogihan nga ako sa kanya kaya saglit akong natulala. Kahit sino naman matutulala kapag nakakita ng gwapo pero sana 'di na lang sana ako lumingon. Nakakahiya na baka iniisip ng lalaking iyon na type ko siya. Naku! Kung hindi lang ako nakasuot ng prosthetics at kung anu-ano pang pampapangit sa katawan ay baka nalaglag na ang panga niya na tumingin sa akin. Pero syempre, hindi ako magsasayang ng oras para ilantad ang tunay kong anyo. Nagpasya akong umuwi na nang lumubog na nang tuluyan ang araw na pinapanood ko. Tumayo na ako't pinagpag ang aking suot na short at ang legs kong nadikitan ng buhangin. Naisip ko si Yaya Conchita na baka nag-aalala na siya para sa akin. Ilang oras din akong nawala at baka mamatay-matay na iyon sa nerbiyos. Napaka-nerbiyosa pa naman ng matandang 'yon. Maliksi kong tinahak ang daan papunta sa unit na tinutuluyan namin bago matuluyang mag-panic si Yaya Conchita. Naisip ko na lumipat kami ng lugar kapag nakahanap na ako ng maayos na trabaho. Hindi kami magtatagal doon dahil mahal ang renta at malapit ito sa bayan. Mas maganda na sa liblib na lugar kami manirahan para hindi kami madaling mahanap ng mga tauhan ni Daddy. I'm sure nagsisimula na silang kumilos. Baka si Franco pa ang inutusan niya na gumalaw para hanapin ako dahil sa pangako ng ama ko sa kanya. Alam kong hindi kayang baliin ni Daddy ang ipinangako niya kay Franco at maging sa mga magulang ng lalaking iyon. Si Daddy ang klase ng tao na tumutupad sa mga binibitiwan nitong salita. Napakaswerte ni Franco kay Daddy dahil siya ang napipisil nitong maikasal sa akin. But I won't give that happiness to them! Sila ang magpakasal kung gusto nila. Hinihingal ako nang makarating na ako sa unit namin ni Yaya Conchita. Saglit pa akong sumagap ng hangin bago ako nagpasyang kumatok at hinintay na magbukas ang pinto. "Diyos ko naman, hija! Akala ko kung napaano ka na! Salamat sa Diyos at nakabalik ka pa rito!" naiiyak na bulalas ni Yaya. Kaagad na sinunggaban niya ako ng yakap na ikinatawa ko lang. "Sorry, Nay! I didn't mean to do that. Masyado lang po akong nawili sa pamamasyal sa tabing-dagat kaya nakalimutan ko kayo at ang oras," natatawa ko pa ring sabi. Hinaplos ko ang kanyang likod at pilit siyang pinakakalma. "Akala ko natagpuan ka na ng mga tauhan ng Daddy mo. Diyos ko, 'di ko alam kung paano ang gagawin ko kanina sa sobrang pag-aalala sa iyo!" dagdag pa ng matanda. Nilayo niya ang katawan sa akin at nakalabing hinarap ako. "Hindi po tayo makikita ni Daddy dito, Yaya. Lilipat po tayo sa mas liblib pa na lugar dito para mapanatag ang mga kalooban natin." Napangiti ang matanda sa sinabi ko. "Mabuti pa nga, hija. Mas matatahimik ako kung malayo tayo sa mga pwede nilang paghanapan sa iyo." 'Di naman nila kami basta-bastang makikita rito. Hindi ako mate-trace ni Daddy dahil iniwan ko ang lahat ng mga gamit ko na pwede niyang gamitin para mahanap ako. Kung gaano kasegurista ang ama ko. Mas segurista akong anak niya dahil minana ko iyon sa kanya. Bago ko pa tangkain na tumakas, naplano ko na ang lahat ng ito. I know this day will come and I don't want to be jailed in a marriage that I never dream of. Ayokong pagsisihan bandang huli na hindi ako gumawa ng paraan para tanggihan ang mga gustong mangyari ni Daddy sa buhay ko. I love my freedom and no one can take that away from me! "Maghahanap po ako sa lalong madaling panahon, Nay. Sa ngayon po, trabaho muna ang hahanapin ko para may pagkuhanan tayo ng panggastos. Kahit malaki ang hawak kong pera ay alam ko naman na mauubos din ito kalaunan." "Ako na lang ang maghahanap, hija. Sa bahay ka na lang. Nakakahiya naman kung ikaw lang ang magtatrabaho." Umiling ako sa sinabi ni Yaya Conchita. I never think of that. Isinama ko siya kaya kargo ko siya. Alam ko namang may umaasa pa sa kanyang pamilya niya kaya naman naisip ko na ako ang kumilos. I am not related to her kaya mas nakakahiya na siya pa ang magtatrabaho para may pambayad sa mga needs namin. Hindi ganoon kakapal ang mukha ko dahil kung tutuusin ako ang nagsabit sa kanya sa sitwasyong ito. "No, Nay. You will stay here and do the house chores. Ako po ang magtatrabaho para po may magamit tayo at syempre para may maibigay akong sweldo sa inyo. I know umaasa pa rin sa inyo ang pamilya ninyo sa probinsiya. "Pero Manika, 'di mo naman ako responsibilidad para ikaw ang magpakain sa akin." "Nay, nagtatrabaho pa rin naman po kayo sa akin dahil kayo ang gagawa ng mga gawaing bahay kapag nasa trabaho ako. Huwag po ninyong isipin na pabigat kayo dahil ako ang dapat talagang kumilos dahil ako ang nagdala sa inyo rito." "Ano pa bang ikakatwiran ko sa iyo, Manika? Ikaw ang bahala basta huwag ka lang masyadong magpakapagod sa trabaho." "Opo." "Tara na nga sa kusina. Kumain na tayo at ng makapagpahinga na tayo pareho." "Mabuti pa nga po." Magana kaming kumain ni Yaya Conchita habang pahapyaw din kaming nagkukwentuhan. Sinabi ko ang mga plano ko sa kanya upang hindi kami matagpuan ni Daddy dito sa San Benitez. Ang plano kong paghahanap ng trabaho bukas at ang plano ko na manatili na lang dito basta 'di kami matagpuan ni Daddy dito. Kinabukasan maaga akong gumayak upang maghanap ng trabaho. Nagsusuot na ako ng wig nang pumasok si Yaya Conchita sa aking silid dala ang isang baso ng gatas at sandwich. "Mag-agahan ka muna, Manika. Mahirap lumakad ng walang laman ang tiyan," aniya sabay lapag ng gatas sa ibabaw ng tokador. "Maraming salamat, Nay. Pasensya na po kung hindi na ako nakalabas ng kwarto ko para mag-almusal. Na-late na po ako ng gising at kailangan makahanap na ako ng trabaho bago magtanghali." Inayos ko ang wig na suot ko at pagkatapos ay sinuot ko na ang eyeglasses ko na walang grado. Nag-apply ako ng konting lipstick at pagkatapos ay tumayo ako para sipatin ang suot kong damit. "M-Matatanggap ka kaya niyan sa trabaho hija kung ganyan ang suot mo?" nakangiwing tanong ni Yaya Conchita sa akin. Natawa ako sa naging reaksyon niya. I know it is impossible for me to find a nice job wearing this kind of outfit. But who knows, baka makakahanap din ako agad kahit ganito pa ang aking ayos. "Yes, Nay. Fighting lang po!" Tumawa ako nang mahina saka ako nagpatuloy sa sinasabi. "Hindi naman po itsura minsan ang tinitingnan sa isang aplikante though karamihan ngayon itsura ang basehan. Ipagdasal na lang po ninyo na matanggap ako, Nay." "Ipagdarasal ko 'yan mamaya. Alam ko matatanggap ka kahit ganyan pa ang itsura mo, hija. Ikaw pa?" Ngumiti lang ako bilang sagot kay Yaya Conchita. Naupo akong muli sa harap ng tokador at kinain ang binigay niya. Pagkatapos ubusin ang hinanda niya ay saka na ako nagpasya na umalis para maghanap ng trabaho. Dalangin ko na sana ay makahanap ako ng maayos na trabaho. Pero kapag minamalas ka nga naman. Inabot na ako ng alas-dose sa paghahanap ng trabaho ay wala pang tumatanggap sa akin. Sa limang kumpanya na papasahan ko pa lang ng resume ay tinatanggihan na ako. Makita lang ang itsura ko ay pinapaalis na kaagad ako sa kanilang building. Hindi ko sila masisi dahil sobrang pangit ko nga naman sa ayos kong 'to. Wala naman akong magagawa kung hindi ang umalis habang nagngingitngit sa inis. May diskriminasyon talaga kahit saan kapag nakitang hindi kaaya-aya ang itsura ng isang tao. Napabuntunghininga ako habang nakaupo sa isang waiting shed. Dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos na mabigo ako sa huling kumpanya na in-apply-an ko. Pinaypayan ko ang aking sarili nang makaramdaman ng alinsangan. Mataas na ang kasi ang sikat ng araw at kumakalam na rin ang aking sikmura. Bukas na ako maghahanap ng trabaho tutal marami pa naman akong pwedeng pasahan ng resume. Malawak ang San Benitez at makakahanap din ako ng trabaho soon. Naglalakad na ako patungo sa paradahan ng jeep. Kahit papaano nakabisado ko na naman na ang lugar na 'to. Tinandaan ko na lang talaga ang mga daan para hindi ako maliligaw. Nang malapit na ako sa paradahan ng jeep ay may nakita akong stand ng nagtitinda ng dyaryo. Bumili ako ng isa para rito na ako maghanap ng ads para sa naghahanap ng aplikante. Kaagad ko itong sinilid sa bag ko at nagpasyang basahin na lang ito mamaya sa unit namin pag-uwi ko. Nagugutom na ako at sana ay mabilis lang mapuno ang jeep. Nang nagsimula ng umandar ang jeep ay hindi ko mapigilang maisip ang buhay ko sa Villa Estella. I never rode in a jeep and never felt this so free. Nagagawa ko ang mga gusto kong gawin at nakakagalaw ako ng walang nakabantay sa mga kilos ko. I never dream of having the luxury I have there. Mas masarap mamuhay ng simple at nasa sa iyo ang pasya sa lahat ng bagay. Ito ang hindi ko nagagawa nang nasa poder pa ako ni Daddy. He controlled my life and I am not happy about that. Maging sa pagpili ng mapapangasawa ay wala rin akong kalayaan. Tama lang itong ginawa ko. I never regret running away from him. I hope he will understand me little by little. I just want to be happy and my freedom is what I want.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD