Panay ang kantiyaw ni Yaya Conchita sa akin nang makaalis ang boss ko. Tinatawanan ko na lang siya dahil hindi naman ako affected sa mga mga panunudyo niya. "Mabuti at hindi ka ginapang ng amo mo, Manika? Sa ganda at sexy mong 'yan ay alam kong 'di ka niya matitiis," nakatawa pa ring biro ni Yaya Conchita. Nang umalis si Sir Nicholo ay hindi na niya ako tinigilan ng kakakantiyaw. Akala ko nga kanina pagagalitan niya ako dahil sa iisang kwarto kami natulog ng boss ko. Dalagang Filipina si Yaya Conchita at sa sobrang hinhin at pihikan niya ay hindi na ito nakapag-asawa. Nawili na yata siya sa pag-aalaga sa akin kaya hindi na naghahanap ng mapapangasawa. Anak kung ituring niya ako at gayundin naman ako sa kanya. "Choosy 'yon masyado, Nay. Hindi niya pag-iinteresan ang mukha at katawan na