"Baka naman may balak kang padaanin ako Ms. Dimapigilan?" sita ko sa sekretarya ko na natulala na lang sa akin. Palihim akong natatawa habang nakikita kong pumula ang kanyang pisngi sabay iwas ng tingin. "Oh, baka gusto mong maghapon na lang tayo rito at titigan mo na lang ang bumubukol kong dragon," tudyo ko pa para mas lalo siyang asarin. "I-I'm sorry, Sir. I didn't mean to stare," nahihiyang sabi niya. Hindi raw? Nakakatawa siya, inamin niya talaga na napatitig siya. Namumulang gumilid siya at kaagad na iniwasan ng titig ang nasa pagitan ng mga hita ko. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng tamaan ng kanyang tingin ay dito pa talaga sa alaga kong galit na galit dahil hindi nakatikim kagabi. Nilampasan ko siya habang natatawa at tumungo sa kwarto niya. Siya naman ay pumasok