Akala ko magiging masaya at maayos ang trabaho na pinasok ko sa kumpanya ni Sir Nicholo. Akala ko lang iyon dahil araw-araw niya akong pinag-iinitan at madalas masigawan kahit sa konting pagkakamali na nagawa ko. Kahit naman maayos ang trabaho ko ay nasisigawan pa rin niya ako na ewan ko ba kung naging hobby na lang niya kalaunan. Isang buwan na nga pala ako bilang sekretarya niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa ugali niyang topakin. Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi ng totoo si Mrs. Reyes na mabait ang boss namin. Dahil hindi ko mahanap sa boss namin kung saan banda ang pagiging mabait niya. Sometimes, I think that he has hidden anger in me. Paano, sa akin lang naman siya laging galit, laging nakasinghal at madalas pa niya akong ipahiya sa harap ng mga katrabaho ko.