Inis na tinungo ko ang meeting hall habang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang sinabi ng pangit at weird kong sekretarya. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ng ganoon? Fuck that weirdo! Ako mahuhulog sa kanya? Mangarap siya ng gising hangga't gusto niya. She is free to do that tutal malabong mangyari ang iniisip niya. Sa dami ng magagandang babaeng nagkakandarapa sa akin? Tapos sa kanya ako babagsak? No way! Padabog na naglakad ako papunta sa assigned seat ko nang makapasok na ako sa meeting hall. Ayoko naman talagang harapin ang darating kong mga bisita ngunit kailangan ko na siguro silang harapin para matapos na ito. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin ni Lei sa cellphone ko kanina. Siya ang namilipit na harapin ko sila ni Travis after years of avoiding them. Well,