Para akong zombie nang pumasok ako sa office ng umagang iyon. Wala ako sa sarili at sobrang lutang ang utak ko. Napuyat ako at masakit ang ulo ko kakaisip kung bakit sa lahat ng napanaginipan ko ay si Sir Nicholo pa. Tapos bino-blow job ko pa siya na ewan ko kung bakit iyon pa talaga ang naging panaginip ko. Hindi na ako makatulog nang magising ako sa masamang panaginip na iyon. Pilit ko mang gustuhing matulog ay 'di na talaga ako dalawin ng antok. Kaya naman ang resulta, antok na antok ako at ilang beses akong nasigawan ni Sir Nicholo dahil sa mga palpak kong trabaho. He even insulted and shouted at me. Iniyak ko na lang dahil alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Narito ako ngayon sa office ni Mrs. Reyes at hindi mapigilan ang aking pag-iyak. Hiyang-hiya ako at the same time kinak