Kabanata 4: Other work?

2152 Words
Maaga akong pumasok sa kwarto ko nang matapos kaming kumain ng dinner ni Yaya Conchita. Naiwan naman ang matanda sa may sala at nanood ng paborito niyang programa sa telebisyon. Ginawa ko muna ang routine ko nang pumasok na ako sa banyo at saka ko naalala na basahin ang dyaryo na binili ko kanina. I need to find a job and I know mapapadali ang paghahanap ko ng trabaho gamit ito. Dito na lang sana ako naghanap ng trabaho kaysa naman nag-effort pa ako na mag-apply sa mga kumpanya na papasahan ko sana ng resume. Iwas pagod at stress sana ako dahil magpapasa lang naman ako through e-mail. Hoping na sana makalusot ang mga ipapasa kong pekeng dokumento. At syempre, sana makapasa rin ang anyo ko sa papadalhan ko ng resume. I opened my laptop and went through my email. Hindi ako mate-trace ni Daddy dito dahil iba ang email na gamit ko. Gumawa ako ng bagong email gamit ang pekeng pangalan na inimbento ko. Si Ninang Celia ang tumulong sa akin upang magawa ang lahat ng ito. Mula sa pekeng pangalan ko, pekeng mga dokumento at kung anu-ano na pinsadya kong gawin para makatakas sa buhay na mayroon ako. I know masama itong ginawa ko dahil nagtago ako sa pangalan ng ibang tao. Dalangin ko na sana ay hindi ako mabuko sakaling matanggap ako sa trabaho. Sabagay, naisip ko naman na hindi naman pag-iinteresan ng ibang tao ang buhay ko. I am ugly and I think no one dares to give attention to me. Binura ko sa isip ko ang masasamang pwedeng mangyari kapag may nakabisto ng mga pekeng pagkakakilanlan sa pagkatao ko. Nag-compose na lang ako ng application letter at hinanap ang mga ginawa kong resume noon. Pagkatapos kong gumawa ng application letter ay muli kong hinarap ang dyaryo at humanap ng angkop na trabaho na kaya kong gawin. Ang dami namang hiring pero panay maid or kaya naman ay personal alalay ang narito sa dyaryo. Meron ding hiring ng driver, manicurista at kung anu-ano pa. Wala naman akong alam sa mga ito kaya naman inignora ko na lang. Mawawalan na sana ako ng pag-asa na makahanap ng matinong trabaho nang mahagip ng mga mata ko ang isang malaking ads sa sumunod na pahina ng dyaryo. Sobrang laki ng ads at halos sakop na nito ang kalahati ng page ng dyaryo. Kaagad na naging interesado ako rito dahil sekretarya ang hanap nila. Nag-send kaagad ako ng resume sa email na nakita ko sa ilalim ng ads. Pagkatapos kong mai-send ang email ay saka ko tiniklop ang laptop ko at inalis ang saksakan nito. Nanalangin pa ako saglit na sana matanggap ako at mag-umpisa na agad sa trabaho. Nahiga na ako sa kama ko at tumitig sa kisame. After that, I closed my eyes and said a silent prayer. I prayed for my father's safety. Sana okay lang si Daddy at sana tanggapin na lang niya na umalis ako. Sana maisip niya na hindi ito ang magpapasaya sa akin. Sana ma-realized niya ito. Maaga akong gumising ulit kinabukasan. Mas nauna ako kay Yaya Conchita kaya ako na ang nag-prepare ng almusal ko. Gatas lang naman at tuna sandwich dahil hindi ako sanay kumain ng mabigat sa breakfast. Pagkatapos kong kumain ay bumalik din agad ako sa kwarto ko. Ni-check ko ang email ko at tiningnan kung may reply ang pinandalhan ko ng email kagabi. "Yes!" hiyaw ko habang lumulundag sa tuwa. Nag-reply kasi ang kumpanya at pinag-re-report ako ngayon sa kanilang tanggapan. Sana naman makapasa ako at huwag nilang gawing basehan ang itsura ko para sa trabahong papasukan ko. Nagmadali ako sa pagbibihis. Pumili ako ng damit na simple lang pero old-fashioned pa rin ang tabas nito. Hindi naman pangit ang suot ko pero alam kong mapapatingin pa rin sa aking ang mga tao. Paano, malapit ko ng maging kamukha si Betty la Fea sa porma ng aking damit, ayos ng buhok, makapal na kilay at syempre ang braces na pekeng nakakabit sa mga ngipin ko. Dito ako hindi masanay-sanay dahil masakit sa gilagid at ang hirap magsalita minsan. 'Di bale, paninindigan ko ang itsura kong ito para hindi ako mahanap ng tuso kong ama. "Ipagdasal niyo po na makapasa ako sa interview, Nay," wika ko kay Yaya Conchita nang ihatid niya ako sa pintuan ng unit namin. Bitbit niya ang bag ko at ang lalagyan ng mga dokumento na kailangan ko para sa interview. "Sige, hija. Sana palarin ka na ngayon upang hindi ka na namomroblema na hindi ka makahanap ng trabaho." "Matatanggap po ako today! Itaga po ninyo iyan sa bato!" masiglang sabi ko kahit alanganin naman ang isip ko. Pero makakapasa ako alam ko dahil maayos naman ang resume na pinasa ko. Naroon din ang mga achievements ko na sana ay pumasa sa kanila. "Naniniwala ako sa iyo, hija. Lumakad ka na upang makauwi ka rin kaagad mamaya." Iniabot niya sa akin ang mga gamit ko. Ngumiti naman ako ng matamis at saka kumaway na sa kanya. "Bye po, luto po kayo ng sinigang na baboy para sa lunch, Nay. Uuwi po agad ako pagkatapos ng interview ko." "Masusunod, hija. Mag-ingat ka." Mabilis lang akong nakarating sa building na in-apply-an ko sa email. Namangha ako nang makitang malaking kumpanya ito. Napakataas ng building at sa hula ko ay nasa forty floor ito. Yayamanin ang may-ari at sigurado ako na may lahi itong foreigner. Napahawak ako sa baba ko nang maalala kong napadaan ako rito kahapon. Naalala ko na hindi ako nag-try na magpasa rito dahil limang kumpanya na ang tumanggi sa akin. Kung alam ko lang na rito pala ang naghahanap ng aplikante. Sana nag-try na ako kahapon. 'Di bale naririto na ako, matatanggap ako rito! Fighting lang! Humakbang ako palapit sa may gate ng building. Kaagad na inilabas ko ang i.d ko at ang papel na in-print ko para ipakita ang katunayan na pinapunta ako para sa isang interview. "Good morning, Ma'am. How may I help you?" tanong ng guard sa akin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko pa ang simpleng pagngiwi niya na hindi nakaligtas sa aking paningin. Pasimple akong ngumiti. Sasanayin ko na talaga ang sarili ko na ganituhin nila. Na magiging ganito ang trato ng karamihan sa akin dahil sa weird kong pananamit at ayos. Pasasaan ba't masasanay din ako kalaunan. "Good morning too. I have an interview, with Mrs. Reyes," sabi ko sabay ngiti. Pinakita ko ang i.d. ko at ang printed paper na hawak ko na magpapatunay na inanyayahan ako sa isang interview. Sinipat ng guard ang dala ko at saka binuksan ang gate at malugod akong pinasok pagkatapos. "You may come in, Ma'am. Thirty-fifth floor po kayo pupunta at hanapin na lang po ninyo si Mrs. Reyes para sa inyong interview." "Thank you po, Mamang Guard." Tinahak ko na ang daan papasok sa entrance ng building. Habang binabaybay ko ang daan ay palakas nang palakas ang kaba sa dibdib ko. Lalo na nang sumakay na ako sa elevator upang tumungo sa thirty-fifth floor. Grabe naman sa dami ng floor ng building na 'to. Sabagay, napakataas talaga nito at mukhang mayaman nga ang may-ari ng kumpanyang ito. No doubt with that, baka billionaire pa nga ang may-ari nito. "G-Good morning, Ma'am. I'm here for an interview," nate-tense na sabi ko sa babaeng nabungaran ko pagkatapos na papasukin ako sa opisina ng mag-i-interview sa akin. "Good morning. Ms. Manika Dimapigilan, right?" tanong sa akin ng babae ng makalapit na ako sa table niya. Napangiwi ako nang bahagya sa bantot ng apelyidong napili kong gamitin. "Yes, Ma'am." I smiled with my braces out. Napangiti naman ng maluwag ang babae sa akin. Oh, mukhang siya lang yata ang natutuwa sa itsura ko? Makangiti wagas! "Alam mo ba kung ano'ng klase ng trabaho ang pinasok mo?" She asked me. "Yes, Ma'am! Secretary po ang trabahong in-apply-an ko rito, Ma'am," confident naman na sabi ko. "You're right. Pero may iba ka pang gagampanang trabaho other than that," wika niya na nakangiti pa rin. "What do you mean by that, Maam?" Medyo kumunot ng bahagya ang aking noo. May extra work pa ako rito bukod sa pagiging sekretarya? "I will explain to you later if desidido ka talaga na magkaroon ng trabaho." "You can explain to me now, Ma'am. Desidido po ako magtrabaho rito sa inyo. Kailangan ko po talaga ng trabaho at gagampanan ko po ng maayos ang trabaho ko rito." Alam ko nagmukha akong atat. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko dahil ito naman talaga ang pinunta ko rito. "Alright, if you're interested in the job then I will explain to you your work here. Please be seated, Ms. Dimapigilan." Iminuwestra niya ang silya sa tapat niya. Kaagad naman akong naupo at excited na ma-interview. "Thank you, Ma'am." "Can I have your credentials?" ''Yes, Ma'am." Medyo kinabahan ako dahil puro peke lahat ang dala ko. Well, andito na ako. Makikipagsapalaran na lang ako. Kinuha ni Mrs. Reyes ang mga inabot ko na dokumento. Tiningnan niya ito saglit bago inilagay sa loob ng isang folder at ipinatong ito pagkatapos sa isang lalagyan. Kaagad naman in-explain ni Mrs. Reyes ang magiging trabaho ko. Hindi naman mahirap dahil magtitimpla lang naman ako ng kape ng boss namin. Gagawa ng mga paper works, sasama sa mga meetings niya para mag-take-down notes and lastly, bawal ma-in love sa amo? "Seriously, Ma'am? Nasa contract po ba 'yan?" natatawa kong tanong kay Mrs. Reyes. Hindi ako makapaniwala na may ganitong pautot ang magiging amo ko. "Yes, Ms. Dimapigilan. Nasa contract iyan, once you fell in love with our boss. Mapapalayas ka ng wala sa oras," nakangiting saad naman ni Mrs. Reyes. Looks like she is not telling a joke. "Bakit naman po?" Curious na sabi ko. "Well, gusto lang ni Mr. Smith na maging maayos ang trabaho ng kanyang magiging sekretarya. Na trabaho ang pinunta niya talaga at hindi ang magpa-cute sa kanya araw-araw." "Hindi po mangyayari sa akin 'yan Ma'am. Trabaho po ang ipinunta ko rito at wala po akong balak magpa-cute sa boss natin kahit gaano pa siya kagwapo." Tinaasan ako ng kilay ng matanda. "Sabihin mo ulit 'yan sa akin kapag nakita mo na siya," natatawa na sabi ni Mrs. Reyes. "Opo, Ma'am. Hinding-hindi po talaga." "Kahit ganyan pa kagwapo?" May tinuro si Mrs. Reyes sa may bintana ng opisina niya. Glass window kasi iyon at kita ang tao sa labas. Sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na lalaki. Parang nakita ko na siya at hindi ako maaaring magkamali rito. Sumimangot ako at binalik kay Mrs. Reyes ang tingin ko habang nakasimangot pa rin. What a small world?! Naalala ko na kung saan ko nakita ang lalaki. Sa dagat kung saan sinabi niyang tumulo raw ang laway ko dahil nakakita ako ng gwapo. Like duh! Mas marami pang mas gwapo sa kanya ang nakita ko na noon though gwapo talaga siya. "Opo, sino po ba 'yon?" walang interes na sabi ko. "Wow! Himala!" mas lalong tumawa si Mrs. Reyes. Lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? "Siya ang magiging amo mo, Ms. Dimapigilan. Congratulations too! Tanggap ka na sa trabaho!" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siya ang magiging amo ko? "T-Talaga po?" "Yes. And you can start tomorrow." "Omg! Thank you so much, Ma'am! Akala ko wala ng tatanggap sa akin. Sa dami ng trabahong in-apply-an ko, dito po pala ako papalarin. Maraming salamat po ulit. Pagbubutihin ko po ang trabaho ko." "Make sure of it. Remember the rule, bawal kang ma-inlove sa boss natin. Do your work properly and I tell you, you will enjoy the benefits here." ''Yes, Ma'am." Hindi love ang ipinunta ko rito. Trabaho ang pinunta ko at pagbubutihin ko talaga ng maayos ang trabaho ko dahil kailangan kong kumita. Sinabi pa ni Mrs. Reyes ang iba ko pang magiging trabaho bukod sa mga nabanggit niya kanina. Trabaho ko rin pa lang pagtakpan ang amo ko sa mga babaeng naghahanap sa kanya rito sa office. Sa dami raw ng mga babaeng naghahabol sa kanya ay baka makunsumi ako sa paggawa ng dahilan lalo na ang iba ay nakikipag-away pa talaga. At ang isa pang ikinaloka ng isip ko, kung saan-saan na lang daw inabutan ng libog ang amo ko. Kung may nakita raw akong kasama nitong pumasok sa opisina nito ay tumabi na ako kung ayaw kong makakita ng live show. After he is done with the girl, time ko na para maglinis ng kalat. "S-Seryoso po kayo, Ma'am?" medyo alanganing tanong ko. Baka naman kasi nagbibiro lang siya. "Of course. Trabaho mo talaga iyon dahil ganoon din ang mga sinundan mo," humahagikgik na sabi ng matanda. Huminga ako ng malalim saka napa-facepalm na lang habang iniisip kung gaano nakakadiri ang pagpulot ng used condom na may lamang likido. Gross! Ito ang 'other work' na sinasabi niya! Nakakadiri!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD